5

1151 Words
“ARLENE, eto na iyong utang kong ten pesos. Pasensya ka na kung inabot ng one week, ang dami kasi nating binayaran para sa project sa Practical Arts.” “Huwag mo nang bayaran, Shelby. Okay lang,” tanggi nito. Nagtaka siya. “Marami kang pera?” “Hindi naman. M-may kasalanan ako sa iyo, Shelby.” “I don’t understand you,” aniya. “Iyong card na hindi mo maibigay kay Marcus, ako ang nagbigay. Pinadala ko sa post office.” “No?!” Gulat at galit ang nasa tinig niya. “Arlene, ano ka ba? Di ba, sabi ko, ayaw ko nang gawin iyon?”   “Oo nga. Kaya lang naisip ko naman, baka kulang ka lang sa courage kaya hindi mo magawa. So, ako na ang gumawa. Inilagay ko doon na crush mo siya at saka iyong wish mo. Tapos pinirma ko iyong pangalan mo, siyempre.” Tiningnan lang niya si Arlene. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto niyang manabunot ng kaibigan pero sa halip ay bigla na lang siyang umiyak. “Sorry, Shelby. N-na-realize ko na mali ang ginawa kong pakikialam nu’ng maihulog ko na iyong sulat. Alam mo ba, kung hindi lang marami tayong ginagawa sa school, gusto ko nang mag-absent at puntahan iyon address na iyon. Aabangan ko iyong magdadala ng card doon at pupunitin ko na lang. Pero hindi ko nga magawa kaya dasal na lang ako nang dasal na huwag sanang matanggap ni Marcus iyong card. Di ba, minsan naman talaga, hindi nakakarating iyong sulat?” “Paano kapag natanggap? Mamamatay ako sa hiya?” hikbi niya. “D-di ako na lang ang aamin. Iharap mo ako sa Marcus na iyon. Aaminin ko na wala kang kinalaman doon sa pagpapadala ng card.” Bahagya siyang nakahinga. “Talaga, gagawin mo iyon?” “Oo. Kasalanan ko naman ito talaga, eh. G-galit ka pa sa akin, Shelby?” Umirap siya. “B-best friend kita, eh. Basta promise mo na lang sa akin, hindi mo na uli gagawin iyon. Hindi mo na pangungunahan ang mga gagawin ko.” “Promise. Cross my heart pa. Basta kapag natanggap halimbawa ni Marcus ang card at sinita ka, sabihin mo sa akin. Ako ang magpapaliwanag sa kanya.” PERO paano niya tatawagin si Arlene nang gabing dumating si Marcus sa kanila? Ang lakas-lakas noon ng ulan at hanggang kalahati na ang baha sa subdivision nila. Kahit anong excuse ang sabihin niya sa ina, imposible siyang payagan nitong makalabas. Kung bakit naman kasi walang linya ng telepono kina Arlene o kahit man lang sa kapitbahay nito. Nang matanaw niyang dumating ang Kuya Jonas niya kasama si Marcus ay nagkulong na siya sa kuwarto. Hindi pa niya alam noon kung natanggap nga ba ng binata ang card o hindi. Inatake na siya ng takot at kulang na lang ay kahit sa loob ng kuwarto niya ay maging invisible siya. “Shelby, lumabas ka riyan. Kakain na tayo,” tawag sa kanya ng ina.   “Ayoko, Mommy! Busog na ako sa meryenda kanina,” pasigaw ding sagot niya. Malayo sa dining room ang kuwarto niya kaya hindi niya marinig kung anuman ang usapan ng mga ito pero alam niyang kasalo ng mommy at daddy niya sina Marcus at Jonas. “Hoy, Patpat! Bakit ayaw mong lumabas diyan? May pimples ka?” tukso sa kanya ni Jonas na bigla na lang pumasok sa kuwarto niya. “Kuya! Hindi ka kumakatok!” kunwa ay galit na sabi niya para ipantakip sa pagkagulat niya. “Bakit naman ako kakatok, eh, bukas naman ang pinto? Bumaba ka roon para makasalo namin. Uubusan ka namin ng bulalo, sige ka.” “Ayoko nga, eh. Busog na ako sa kinain kong ginatang bilu-bilo kanina. Mabigat iyon sa tiyan,” katwiran pa niya. “Nakakahiya naman kay Marcus kung hindi mo kami sasabayang kumain. Kabastusan naman iyon sa bisita.” “Hindi na bisita si Marcus sa atin. High school pa lang kayo, labas-masok na siya dito.” “Tange, bisita pa rin siya.” Hinila siya ng kapatid. “Hala, labas na.” “Ayoko!” tili niya. Tinitigan siya ni Jonas. “Kapag hindi ka lumabas, sasabihin ko kay Marcus, crush mo siya.”  Nanlaki ang mga mata niya. At naramdaman din niyang parang dinamba ng kabayo ang kanyang dibdib. “K-k-kuya…” “Anong k-k-kuya?” tudyo nito. “May crush ka nga kay Marcus. ‘no?” “W-w-wala!” “W-w-wala? Mukhang nabuhol iyang dila mo,” ngisi nito. “Hoy, Shelby, bata ka pa.” Nagseryoso ito. “Wala naman talaga, eh.” “Siya, kung talagang wala, tara na sa labas at sabay-sabay tayong kumain.” Pakiramdam niya, bubog ang tinatapakan niya nang humakbang siya. Pero wala siyang choice, hila ng kuya niya ang kanyang kamay at siyempre pa, natatakot siyang mabisto siya nito. Nasa hapag-kainan na si Marcus at kasalo ng mga magulang niya. Sa itsura ay mukhang nangangalahati na sa pagkain. “Hoy, kain na kayo,” kaswal na bati sa kanila ni Marcus. “Ang sarap ng bulalo ni Mommy Shelley, malapit ko nang maubos.” “Nagpalusot ka pa, talaga namang pagdating sa pagkain, masiba ka,” ngisi dito ni Jonas. “Upo diyan, Shelby.” Hinila nito ang upuan niya. “Uy, mabait ka yata ngayon kay little sister?” wika dito ni Marcus at nginitian siya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nginitian siya ni Marcus pero iyon ang unang pagkakataon na hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito. Pakiramdam niya, nalagyan ng glue ang magkabilang sulok ng bibig niya at hindi maigalaw. “Bihira na nga lang akong mauwi dito, hindi ko pa ba siya makakasabay kumain?” “Aba, nag-emote si Jonas?” aliw na wika ni Shelley Sta. Ana. “Tama na muna ang biruan para makakain kayo ng maayos,” nakangiti ring saway sa kanila ng daddy niya, si Joseph. “Mommy, dito kami matutulog ni Marcus.” “Aba’y dapat lang. Iyan ba namang bumabaha na sa kalsada, magbibiyahe pa kayo? Bukas na talaga kayo aalis. Marc, si Jonas na ang bahalang magbigay sa iyo ng gagamitin mo. Manghiram ka na rin ng damit sa kanya.” Tumawa si Jonas. “Don’t worry, ‘My. Talagang gawain na naming maghiraman ng damit.” Kahit naman hindi nakatuon sa kanya ang atensyon ng mga nasa mesa ay hindi rin niya magawang makakain. Ilang beses na nagtatama ang paningin nila ni Marcus. At dahil parang binabayo ang dibdib niya sa labis na kaba, ang nasa isip niya ay natanggap na ng binata ang card. Matapos ang ilang subo ay itinulak na niya palayo sa sarili ang pinggan. “Excuse me,” aniya. “M-may assignments pa po kasi akong hindi natatapos, eh. Babalik na ako sa kuwarto ko.” “Sige, hija,” pagbibigay naman sa kanya ng daddy niya. Nang tumalikod siya, anhin na lang niya ay takbuhin ang pabalik sa kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD