3

1044 Words
“MUKHANG close kayo ni Marcus, ah?” madilim ang ekspresyon na wika sa kanya ni Rogel. “Sila ng kuya ko ang close, hindi kami,” may pagkapikong sagot niya. Sanay naman siya sa pagiging seloso ni Rogel pero sa pagkakataong iyon ay madali siyang nairita sa kilos nito. “Iba ang tingin sa iyo, eh. Ang lagkit.” “Rogel, nagkakamali ka lang siguro ng tingin.” Napapalatak ito. “Hindi naman ako bulag, ah? At ang lambing pa sa iyo. Baka akala mo, hindi ko iyon napapansin. At ano ang tawag sa iyo? Shel!” Patuya itong tumawa. Nagsiklab siya. “Napansin mo pala bakit hindi mo siya sinita?” ganti niya. “Shelby ang pangalan ko, hindi ba? What’s wrong with him calling me, Shel?” Sinibat siya nito ng tingin. “Mukhang ipinagtatanggol mo, ah?” “Napaka-unreasonable mo, Rogel. Kahit sa bahay namin tinatawag din nila ako ng Shel paminsan-minsan. Nakakainis ka!” “So, naiinis ka na ngayon sa akin? Dati naman akong ganito, ah? Sasabihin ko sa mama, magpalit siya ng arkitekto.” “Tinatakot mo ba ako? Kung gusto mo, sabihin mo rin sa mama mo na huwag na niyang ipagawa ang bahay na iyon. Tutal, mukha siya rin naman ang masusunod sa plano.” “Shelby, mama ko ang iniinsulto mo.” “Hindi ako nang-iinsulto, nagsasabi lang ako ng totoo. Kung napansin mo ang lahat ng kilos ni Marcus, napansin mo din ba ang mama mo? Kunwari lang naman na tatanungin tayo ng opinion natin sa bahay na iyon pero siya rin ang nagdidikta sa arkitekto. Pati nga ilalagay na mga halaman siya na din ang nagdikta.” “Damn you! Ikaw na itong pinagpapagawa ng bahay, hindi ka pa magpasalamat.” “Damn you too!” sigaw niya. “Hindi ko hiningi ang bahay na iyon. Kung ngayon pa lang na hindi pa naititirik ang bahay na iyon ay pag-aawayan natin, huwag na lang iyong ipagawa. Hindi baleng umupa na lang tayo ng apartment.” “Apartment? Hibang ka ba? Kahit tatlong bahay, kayang-kaya kitang ibili.” “Hindi ko kailangan ng bahay kung pati naman sabitan ng sandok ay pakikialaman ng mama mo kung saan ipupuwesto.” “Ang mama ko pa ngayon ang may kasalanan? Siya nga lang itong nagmamagandang-loob sa atin. Ang hirap naman sa iyo, imbes na magpasalamat ka, kung anu-ano pa ang iniisip mo.” “All right, mali na ako kung mali. Pero ano ang magagawa ko? hindi ako kumportable sa pagiging sobrang generous ng mama mo. At sa aminin mo man o hindi, talaga namang nakikiaalam siya. Kung ngayon pa lang na hindi pa tayo kasal, nakikialam na siya, di lalo na siguro kapag nagsasama na tayo?” “Ano naman ang gusto mo, ipadala ko sa buwan ang mama ko? Natural, anak niya ako. Concern siya sa akin.” “Iba ang concern sa pakikialam. At ikaw, wala ka man lang concern sa akin. Na-offend na ako kanina, balewala pa rin sa iyo. Kailan ba ako hindi nagbihis ng tama ayon sa okasyon?” “Come on, Shelby. Bakit ka naman mao-offend? Of course, hindi alam ni Mama na naka-proper attire ka naman nang pumunta sa kasal na iyon.” “Kahit na. You should have at least told her na nagbihis lang ako. Pero dinedma mo lang. You know what, sa lahat ng pagkakataon, pinapatunayan mong mama’s boy ka.” “I’m not!” “You are!” Nang mag-full stop sila sa isang intersection ay walang babala na binuksan niya ang pinto ng kotse. “Shelby!” pigil nito sa kanya. “Bumalik ka na sa mama mo, Rogel. Ayoko na.” “Anong ayaw mo na?” “Simple. Ayoko na. Ayoko nang magpakasal sa iyo.” At saka mabilis na bumaba. HINDI siya tumuloy sa university. Tumawag siya roon para pauwiin na lang ang klase niya. Hindi niya ugaling kanselahin ang klase pero iniwasan niyang sundan siya roon ni Rogel at doon pa sila gumawa ng eksena. Hindi rin siya tumuloy sa bahay sa parehong dahilan na tiyak na doon siya susundan ni Rogel kung hindi siya nito matagpuan sa university. And of course, para hindi naman mag-alala ang pamilya niya, tumawag na siya sa mga ito na gagabihin siya sa mall. And she was indeed at the mall—sa loob ng isang sinehan to be specific. Malayo namang masundan pa siya ni Rogelsa sinehan malban na lang kung kinabitan siya nito ng tracing device. Hindi niya naiintindihan ang palabas. Lumilipad ang utak niya sa naging desisyon niya. Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa o malungkot. God, wala siyang maramdamang panghihinayang na tinapos niya ang relasyon nila ni Rogel. Ni hindi niya makapa sa dibdib niya na nasaktan siya sa desisyon niya. She sighed. Kung pang-ilan iyon buhat nang pumasok siya sa sinehan ay hindi niya alam. She couldn’t believe it! Muntik na siyang magpakasal sa isang lalaki na hindi naman pala niya iindahin ngayong nakipaghiwalay siya. Naihilamos niya ang palad sa sariling mukha. Six months. Six months pa lang silang nagkakakilala ni Rogel. Isang kasal ang dinaluhan nito at nagkataong siya ang singer. They were introduced at niligawan siya agad. After two months, sinagot naman niya. At buhat noon ay bibihirang mangyari na may araw na lumipas na hindi sila magkasama. When he proposed marriage, hindi niya naisip na tumanggi pa. Patuntong na siya sa beinte y siete kaya sinabi niya sa sarili na ano pa ba ang hihintayin niya? Si Rogel ang boyfriend niya, natural dito siya magpakasal. Now she was thinking. What if hindi muna siya nagpadalos-dalos ng desisyon? What if hindi muna niya tinanggap ang alok na kasal ni Rogel? What if nagkita muna silang muli ni Marcus? “Oh my God…” she whispered. Si Marcus ang isang bagay na iniiwasan niyang isipin ngayon. And of course she was just fooling herself. Dahil sa kabila ng pagmumukmok niya sa kinauwian ng relasyon nila ay si Marcus naman ang tila nangungulit sa likod ng isip niya. Pero ano ba ng silbi na isipin niya si Marcus? Mahabang mga taon na ang nagdaan. Surely, he wasn’t thinking about her. O kung maalala man siguro siya nito ay dahil sa isang pangyayari noong high school siya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD