SINUNDAN niya ng tingin ang kilos ni Marcus. Just another glance and Shelby knew she was besotted to him again. At hindi rin iyon kagaya ng damdamin niya twelve years ago. It was something different.
Napalunok siya nang tila ngayon lang niya matanto na hubad-baro si Marcus. His torso had perfect shape and angles. His neck and shoulder was showing their strength. At maging ang mga hita nito na natatabingan ng pantalon ay nahuhulaan niyang perpekto rin sapagkat halos pangalawang balat lang naman nito ang pantalong lapat na lapat sa mga hita nito.
And he had a sexy butt.
Hindi niya alam kung paano nagiging sexy ang bahaging iyon ng isang lalaki but Arlene told her long ago that the butt was indeed sexy if it could sent a different kind of delicious shiver down her spine.
Napalunok siyang muli. Surely, hindi na nga siya fifteen ngayon. Iba na ang tinatakbo ng kanyang isip. Hindi na basta crush lang niya si Marcus.
Pagpihit ni Marcus pabalik sa kanya ay bigla niyang ibinaling sa iba ang tingin.
“Iba ang bulalo ng mommy mo,” wika nito na dumulog na sa mesa. Walang kamalay-malay sa ginawa at tinakbo ng isip niya. “Alam mo bang sa dami ng restaurants na inorderan ko ng bulalo, pati mga lutong-bahay na natikman ko, walang nakatalo sa timpla ng mommy mo? Alam mo, bukod sa inyong lahat, na-miss ko rin ang putaheng ito.”
“We really missed you, Marc,” aniya na hindi sinasadyang nagkaroon ng kakaibang lambing ang tinig.
Napatitig din ito sa kanya. “Same here,” seryosong sabi nito. “Inaantok ka na ba?”
Napabungisngis siya. “Paano ako aantukin, eh, nagugutom nga ako?” piloposong sagot niya.
“He-he, ang ibig ko lang sabihin kung gusto mo na bang matulog na agad pagkakain.”
“Masamang mahiga kung busog. No, hindi pa ako matutulog. Magpapababa pa muna ako ng kinain, siyempre.”
“Good. Ako din naman ay ganoon ang gagawin ko. Kumain na muna tayo. Then we’ll do something.”
“What something?” Hindi niya tiyak kung anong klaseng antisipasyon ang pumuno sa dibdib niya.
“We’ll have coffee.”
Ganu’n lang? Coffee lang ang something na sinasabi nito? Nais sana niyang isatinig. Pero sa halip ay nag-concentrate na lang din siya sa pagkain.
“WEDDING singer ka?” Larawan ng pagkaaliw at di-paniniwala ang mukha ni Marcus. Siya ang may ideya na sa terrace sila magkape. At siyempre, sa pagitan ng pagkakape ay nagkuwentuhan na rin sila. “Ang sabi lang sa akin ni Jonas, nagtuturo ka sa college.”
“I am both. Bakit hindi ka ba naniniwala? Maganda ang boses ko, ‘no?” nakatawang kumpirma niya. “O baka naman gusto mo pa ng pruweba?”
“Uh-huh? Come on, bigyan mo nga ako ng pruweba,” sakay naman nito.
“Anong kanta ang gusto mo?”
“Ano ba ang most requested songs ng mga wedding couples?”
“It Might Be You and Cruisin’. Saka Somebody.” At muli ay naalala niya si Eve. Sa lahat ng kinantahan niyang kasal, si Eve ang tanging nagpakasal na sa buong durasyon ng okasyon ay ang kantang Somebody ang paulit-ulit na pinakanta sa kanya.
“Sing It Might Be You for me.”
Tumango siya. She cleared her throat at huminga. Kakanta na siya nang may maalala. “Teka muna. Ano bang version ang gusto mo?”
“Mayroon pa bang ibang version bukod doon kay Stephen Bishop?”
“My very own version.”
“Wow! Iyong version mo ang gusto kong marinig.”
“Okay.” And she began to sing.
Time, I’ve been passing time watching trains go by,
All of my life,
Lying on the sand watching sea birds fly;
Wishing there would be
Someone waiting home for me;
Something’s telling it might be you,
It’s telling me it might be you
All of my life…
Nakatitig sa kanya si Marcus. Sa itsura ay tila ninanamnam ang bawat lyrics ng kanyang kanta. She smiled at him. At nagpatuloy sa pagkanta.
Looking back as lovers go walking past
All of my life
Wondrin’ how they met and what makes it last;
If I found the place would I recognize the face;
Something’s telling it might be you,
Yeah, it’s telling me it might be you…
She stopped singing. Nako-conscious na siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Marcus. Nang ngumiti siya rito, tila nasa ngiti ring iyon ang bumangong pagkailang.
“Bakit ka tumigil?” tila nagtaka namang sabi ni Marcus. “Maganda, Shelby. Tapusin mo ang kanta, please.”
“Are you sure?” aniya na naging kumportable muli ang pakiramdam. “Baka naman kasi mukha na kitang ipinaghehele.
He laughed. “Maganda nga pala ang boses mo, Shel. Pero hindi ako makakatulog, I’m telling you. I’m becoming mesmerized.”
Umirap siya. “Bola na iyan, Marc.”
“No. Come on, princess. Nagustuhan ko lalo ang kanta ngayong narinig ko sa iyo. At hindi rin ako nambobola ngayong sasabihin ko sa iyo na mas maganda pala ang version mo. Pakiramdam ko, sa akin talaga ginawa ang kanta.”
Napatawa din siya. “Well, sige. Since matagal tayong hindi nagkita, pagbibigyan kita.”
“Would you mind kung bigla na lang ay mapasabay ako sa pagkanta?”
“No. Why not?” at napangiti siya nang maluwang. “Why don’t we sing together? Let’s take the original version.”
Ngumiti din ito sa kanya. “Mauna ka.
So many quiet walks to take,
So many dreams to wake,
Only so much love to make…
Minsan pa ay nagpalitan sila ng ngiti, their eyes never left each other’s. Nang bumuka ang mga labi ni Marcus para sabayan siya sa pagkanta, pakiramdam niya, lalo pa siyang nagkaroon ng inspirasyon na kumanta.
I think we’re gonna need some time,
Maybe all we need is time,
And it’s telling me it might be you,
All of my life…
I’ve been saving love song and lullabies,
And there’s so much more
No one’s ever heard before;
Huminto si Shelby sa pagkanta. Alam niya walang diprensya sa lalamunan niya but she couldn’t just go on singing. Bibihira ang ganitong pagkakataon na maantig nang husto ang damdamin niya sa isang kanta.
And she knew why. It was because of Marcus.
Hindi lang dahil sa kanta, hindi lang dahil sa eye-contact nila na tila nagpapalitan ng piping mensahe; kung hindi mismong si Marcus ang dahilan. She felt her heart contracted. She knew she wasn’t just besotted to him.
He smiled at him. At hinayaan niyang ito ang tumapos ng kanta.
Something’s telling me it might be you…
Yeah, it’s telling me it must be you
And I’m feeling it’ll just be you
All of my life…
“Oh my God…” she whispered to herself. Hindi niya alam kung lumiliit o lumalaki ang puso niya sa emosyong lumulunod sa kanya sa mga sandaling iyon.
“It’s you…Maybe, it’s you… I’ve been waiting for all of my life…” pagtatapos ni Marcus sa naturang kanta.
I love you, Marcus. Her heart screamed.