THIRD PERSON
Malalim na ang gabi sa gitna ng syudad. Kaunti na lang din ang mga sasakyan na dumadaan liban na lang sa main road ng syudad na mayroon pang maraming bilang ng mga taong namamasyal. Pero sa sulok ng bawat syudad, iilan na lang ang dumadaan at minsay wala nang taong namamataan pa.
Hinihingal na ang isang lalake mula sa pagtakbo. Panay ang lingon niya sa kanyang likuran dahil sa takot. Tumatakbo siya mula sa hindi malamang nilalang na humahabol.
Sa pagitan ng dalawang matayog na gusali niya naisipang lumusot para makatakas mula sa humahabol na mga nilalang. Habang tumatakbo ay maririnig niya ang matinis na pagtawa ng mga nilalang.
Ang kanyang takot ay hindi na niya mapigilan pa. Dagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na mas lalong nagpapatindig ng kanyang mga balahibo. Bagamat naka-jacket ang lalake ay hindi niya maiwasang ginawin sa hindi malaman na dahilan.
Natigil siya mula sa pagtakbo nang makita ang malaking harang na pumuputol sa kanyang dadaanan. Dead end na ito para sa lalakeng tumatakbo. Mas lalo lang nanginig ang kanyang mga binti dahil sa takot na baka ay maabutan na siya.
Kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakaakyat pa sa mataas na harang sa kanyang harapan. Lumingon siyang muli sa kanyang pinanggalingan at nakita ang purong itim na kadiliman.
"Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasa-amin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo—"
"Praying, you fool!"
Naputol ang kanyang pagdadasal nang marinig ang nakakapanghilakbot na tinig ng isang bulto. Nagmumula ito sa dilim at ngayo'y naglalakad papakapit sa lalake.
"Maawa ka. 'Wag mo akong patayin. May pamilya ho ako," pagmamakaawa ng lalake na ngayon ay nakasandal na sa dingding na nakaharang.
"Nagdadasal lamang ang mga tao," malalim na anang nilalang na dahan-dahang naiilawan ang kanyang mukha. "Kapag kaharap na nila ang kamatayan."
Ngayo'y mas lalong nanghilakbot ang lalake nang makita ang mukha ng taong humahabol sa kanya. Isang nilalang na may puting balat.
Sobrang puti nito at tila kitang-kita sa balay ang kulay itim nitong mga ugat. Ang kanyang mukha ay parang bitak-bitak at tumutulo mula sa kanyang bibig ang itim na laway.
Ang kanyang buhok ay manipis, maihahalintulad ito sa isang kalbo na may kaunting mga buhok na kumakapit pa sa manipis at butas-butas na anit.
"Please, 'wag mo ako patayin. Maawa ka!" naiiyak na turan ng lalake. Ngunit hindi siya pinakikinggan ng halimaw na nasa harap niya ngayon.
Sa halip na pagbigyan siya ng nilalang ay ngumisi lang ito na animo'y natutuwa sa pagmamakaawa ng kanyang biktima. Walang awa na makikita sa mukha ng babaeng halimaw. Ano ang kailangan nito sa lalake? Bakit niya ito gustong atakehin?
Dahan-dahang lumapit ang babaeng halimaw sa nagmamakaawang lalake. Nanginginig ang lalake sa takot at kaba na baka siya ay patayin ng nilalang.
Hindi niya tinigilan ang kanyang pagmamakaawa. Ngunit ang halimaw ay mas lalo lamang lumalapit.
Papalapit na siya nang papalapit sa lalake.
Malapit na...
Kaunting hakbang na lang at nariyan na siya...
Nanigas ang katawan ng lalake sa kanyang kinatatayuan at kinasasandalan nang ilang dangkal na lang ang lapit ng halimaw sa kanya. Sinisipat ng babae ang mukha ng lalakeng iyon.
"A-Anong kailangan mo s-sa'kin? Maawala k-ka. Pakawalan m-mo ako. H-Hindi naman ako magsasalita."
"Ang mga kagaya mo ay hindi na dapat binubuhay pa," sagot ng nilalang sa lalake.
Hindi na nakagalaw pa at nakapalad ang lalake nang bigla na lamang siyang sakalin ng babaeng halimaw! Napakalakas ng kamay nito dahil nagawa niyang hawakan ng mahigpit ang leeg ng lalake gamit ang isang kamay at iniangat ito sa ere!
"H-Haa—p-pakiusa—aaakk!"
Tumingala ang babae sa mukha ng lalakeng iniangat niya sa ere. Dahan-dahan ay binuka niya ang kanyang bibig.
Nakakapangilabot...
Nakakapanginig...
Nang ibuka ng babae ang kanyang bibig ay tila nahati sa dalawa ang kanyang pang ibabang labi. Umabot ng tila dalawang dangkal ang buka ng kanyang bibig. Dagdag pa sa nakakatakot nitong mukha ang nakahati nitong pang-ibabang labi.
Maya-maya pa ay lumabas mula sa kanyang malaking bunganga ang isang mahabang dila!
At... Direkta itong pumasok sa bibig ng sinasakal na biktima!
Sumusuot sa kailaliman ng kanyang bibig hanggang sa maabot nito ang mga laman sa tiyan. Sinisipsip ang hinihigop bawat laman na nasa loob ng kanyang katawan. Lalong-lalo na ang mga laman sa tiyan!
Hindi na kailanman makakaligtas pa mula sa brutal na pagpaslang ang lalake. Tirik na ang mga mata nito at ang kaninang nananadyak na mga paa ay unti-unting humihina hanggang sa tumigil na ito. Tanda na ang lalake ay patay na at tuluyan nang napaslang ng halimaw.
Tirik na tirik ang mga mata nito at namumutla ang katawan dahil sa pagkaubos ng kanyang dugo. Ibinagsak lamang siya ng nilalang sa lupa na tila isang lupaypay na dahon.
Patay na ang lalake.
"Hey, Witch!"
Natigilan ang babaeng halimaw nang marinig ang isang boses mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita roon ang dalawang bulto ng lalakeng nakatayo.
Humakbang ang dalawang lalake hanggang sila ay natamaan na ng liwanag. Seryoso ang tingin ng dalawang lalake sa halimaw na busog pa mula sa kanyang nakain.
"Busog ka na ba?" tanong ng isang lalake, si Billy.
Pinatunog lamang ng babae ang kanyang leeg habang kinikilala ang dalawang lalake na ngayon ay kaharap niya. Hindi maganda ang kutob ng babae sa dalawang kaharap. Sa kanyang palagay ay mapapalaban siya dito.
Sa isip niya ay mas lalo lang siyang nagugutom. Mukhang mapaparami ang kanyang hapunan ngayong gabi. Hindi niya inaasahang ang pagkain na mismo ang lumalapit sa kanya.
"Kung ano man 'yang iniisip mo," si Billy. "Isipin mo na lang muna. Dahil 'di mo na magagawa 'yan."
Lalo lamang nanggigil ang nilalang sa sinabi ni Billy. Seryoso ang kanyang tingin sa dalawa at naghihintay ng tamang oras para umatake.
Muling nagkakatitigan ang tatlo. Nagiging alerto na ang bawat isa sa kung sino ang unang aatake. Napakatahimik na ng paligid.
Lalo lamang tumutulo ang itim na laway ng witch mula sa kanyang bibig. Oo, isa itong witch.
"Paanong umabot dito sa syudad ang isang swamp witch?" bulong ni Billy sa kanyang katabi.
"Hindi ko alam, nalalapit na din ang pasko. Baka dito sila magno-Noche Buena," tanging sagot ni Azraeo sa kanyang Kuya.
Nang walang anu-ano'y umatake na ang babae! Gamit ang kanyang mahabang dila ay inatake niya ang dalawa!
Ngunit agad na nakailag sina Azrael at Billy mula sa pagbulusok ng mahaba, itim, at masangsang nitong dila!
Agad na yumuko si Azrael at ganoon din naman si Billy nang iwinasiwas pa-kaliwa at pa-kanan ng witch ang kanyang dila. Muli naman silang tumalon ng maliksi nang iwinasiwas ng bruha muli ang kanyang dila sa paanan nila Billy at Azrael.
Kinuha ni Billy mula sa kanyang tagiliran ang maliit na kutsilyo at maliksi siyang tumalon mula sa pagkakapatong sa isang malaking bin. Iwinasiwas niya ang kutsilyo at pinutol ang mahabang dila ng bruha!
Napaatras naman ang bruha at mabilis na ibinalik sa kanyang bibig ang mahaba ngunit putol nitong dila! Namimilipit ito sa sakit at napasigaw pa nang dahil dito. Muli siyang napalingon sa magkapatid na ngayon ay puno na ng galit!
Tumutulo na mula sa kanyang bibig ang itim nitong dugo! Nanggagalaiti na sa galit ang witch na ngayon ay mabilis na dinampot ng walang hirap ang isa pang malaking basurahan na gawa sa bakal, doble ang laki nito kesa sa katawan ng witch ngunit nagawa niya itong buhatin!
Walang kahirap-girap niya itong ibknato sa direksyon ni Azrael na agad naman niyang iniwasan sa pamamagitan ng paglipad sa ere! Mabilis na kumilos si Azrael at ikinumpas ang kanyang kamay. Isang bolang apoy ang namuo sa kanyang dalawang palad at mabilis na ipinukol sa kinaroroonan ng witch!
Ngunit nagawa itong saluhin ng witch gamit ang kanyang kapangyarihan na ikinagulat naman ni Azrael! Ngayon ay hawak na ng witch ang ipinukol na apoy ni Azrael!
Walang anu-ano'y tinapon naman niya ito sa direksyon ni Billy! Mabilis na tumalon si Billy pababa upang maiwasan ito ngunit tinamaan naman ng apoy ang emergency ladder na siyang nakakabit sa dingding ng gusali!
Bumagsak ang bakal na hagdan ngunit kaagad na gumawa ng engkantasyon si Billy upang mapatigil ang bumabagsak na hagdan! Nang makabawi ay mabilis niya itong minanipula at inihagis papunta sa kinaroroonan ng bruha!
Tumama ang hagdan sa bruha na siyang ikinatilapon naman nito! Namimilipit sa sakit ang bruha ngunit dahil din sa liksi nito ay agad itong nakabangon!
Tumunog ang tila nababaling buto ng witch! Hindi nila alam kung ano ang nangyayari ngunit parang nababali ang buto ng witch at umiiba ang postura nito!
Maririnig din nila ang sunod-sunod na pagdaing ng witch! Maya-maya pa ay unti-unti itong nakabawi.
Humahakbang ang witch patungo kay Billy. Sa pagkakataong iyon naman ay lumipad si Azrael pababa sa kinaroroonan ni Billy.
Tila kinilabutan ang dalawa nang makita ang nakaliyad na halimaw sa kanilang harapan. Gamit ang kanyang mga braso at mga paa ay nakaliyad itong naglalakad sa lupa.
Maya-maya pa'y napaatras ang dalawa nang tumunog ang tila nababali nitong leeg!
Ang kanyang ulo na nakabaligtad mula sa pagkakaliyad ay umikot upang ito ay umayos!
"s**t!"
Mabilis na gumapang ang nakaliyad na halimaw patungo sa kanilang direksyon ngunit bago pa man ito makalapit ay agad na nagpakawala ng malakas na boltahe ng kuryente si Azrael!
Tumama ito sa bruha na siyang ikinatilapon nito at tumama sa harang na dingding!
Ngunit sa hindi inaasahan ay mabilis lang din nakabawi ang bruha! Suminghal ito ngunit tila walang balak na lumaban. Nakatayo na itong muli at sa wakas ay hindi na nakaliyad pa.
Ang balat nito ay tila sunog na!
Nakatitig lamang sa kanila ang babae na parang inaalala ang kanilang mga mukha. Maya-maya pa...
Nagulantang silang dalawa at hindi na nakapagtaas pa ng dipensa!
Isang napakalakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid!
Kasabay noon ay ang pagtilapon ng mga bagay sa paligid! Ang pagkabasag ng mga salamin at ang pagtilapon ng dalawang magkapatid sa ere!
Nang tumilapon na ang dalawa ay mabilis at maliksing tumalon ang bruha sa dingding ng bawat gusali! Nakakagapang ito sa dingding at nagsimulang lumundag at gumapang na para bang gagamba!
Napakabilis ng pagkilos nito dahil huli na nang makabangon pa ang dalawa. Nang tingnan nila ang paligid ay wala na ang bruha at tuluyan nang nakatakas.
ITUTULOY.