Chapter 5

2431 Words
Year 1997 Nagliliparan ang mga bubong at iba't-ibang parte ng mga kabahayan. Nag-aapoy na ang karamihan sa mga bahay. Hindi din mabilang ang mga nangyaring pagsabog sa paligid. Tanging iyak lang ng mga mamamayan na walang laban ang maririnig . Bumulusok ang isang bolang apoy sa isa pang bahay. Nakakagulay na sa liit ng bolang apoy na yon ay nagawa nitong wasakin ang isang bahay! Sumabog ito at naglilaran ang mga parte! Nakakaawa ang mga mamamayan na malapit sa bahay na sumabog. Pati sila ay tumalsik at nagkandapira-piraso dahil sa lakas ng pagsabog. Di matigil sa pag-iyak ang mga tao sa dalampasigan kung saan nangyayari ang trahedya. Hindi pa dun nagtatapos! Dahil walang itinirang bahay na ligtas. Lahat ay pinasabog at lahat ng tinamaan ay namatay. Ang lugar na puno ng kabahayan ay naging lugar ng apoy. Sa kalagitnaan ng gabi ay ganoon ang nangyayari. Sa sobrang daming namatay ay hindi na mabilang kung ilan pa sila. Ang mga tao ay nagsitakbuhan at ang mga pamilya ay nagkahiwa-hiwalay. "Papa, natatakot ako, papa," iyak ng isang bata. "Bilisan ninyo! Tumakbo kayo!" panay ang lingon ng ama sa kanyang likuran habang pinatatakbo ang kanyang dalawang anak. "Kuya Billy, hintayin mo 'ko, kuya!" tawag ni Azrael sa kanyang nakatatandang kapatid. "Azrael!" hinawakan ni Billy ang kamay ng kanyang nakababatang kapatid. "Papa, bilisan na natin, Papa!" Napahinto sa pagtakbo ang dalang bata at napalingon sa direksyon ng kanilang Ama na napahinto. Nakatingin lamang ang kanilang Ama sa kalayuan kung saan nanggagaling ang mga misteryosong bola ng mga apoy na lumilipad. "Papa! Ano pa po'ng hinihintay ninyo? Tara na!" naiiyak na ani Billy habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang nakababatang kapatid. Nanatiling nakatayo ang kanyang Ama habang nakatingin pa din sa kalayuan. May mga nagtatakbuhan pa at ang iba ay lumapit sa kanilang Ama. "Mang Ben! Mang Ben! May mga babae! Madami sila! Sila ang nagpapasabog!" tila nagsusumbong ang isang binata sa kanilang Ama. "Marami sila, Mang Ben! Nakakatakot ang mga mukha nila! Hindi sila tao!" sumbong pa ng isang Mama, ito ang Ama ng binatang naunang magsumbong. "Mang Ben, sunog na ang lahat ng bahay. Anong gagawin natin?" iyak ng isang babaeng mahigpit ang yakap sa kanyang belo. Ang asawa ni Dado, si Belen. "Lumikas na kayo!" anang Mang Ben at inalalayan ang pamilya. "Isama niyo ang mga anak ko. Dado, pakialagaan ang mga anak ko. Susunod ako." Nagmamadali namang tumakbo at lumapit ang magpamilya kina Azrael at Billy. Sinama nila ang dalawang bata sa pagtakas. Panay naman ang lingon ng dalawang bata sa kanilang Ama na nandoon pa din. Tila hinihintay ang sinasabi ng magpamilya na 'mga babae'. Tumakas na ang magpamilya kasama ang mga bata. Ngunit panay pa din ang lingon ni Azrael sa kanyang Ama na naiwan. Nakarinig ng pagtawa si Ben, napalingon pa siya sandali sa kanyang dalawang anak na isinama ng kanyang mga kaibigan. Bumalik siya ng tingin sa kalayuan. Maya-maya pa ay nangilabot si Ben. Kahit gaano pa kainit ang paligid dulot ng mga apoy sa paligid na tumutupok sa kabahayan. Isang malamig na hangin ang humaplos sa kanyang balat. Kakaiba ang hangin, hindi ito normal na ihip na hangin lang. Alam niya na nasa malapit na ang kanyang pinagsususpetyaan. Witches, ani Ben sa kanyang isipan. Mula sa kanyang bulsa sa likuran ay mayroon siyang inilabas. Isang puting kandila. Makapal ito at may naka-carve na mga salita sa katawan. Itinutok niya ang kandila sa kalayuan at saka ito umilaw. Isang kulay asul na apoy. Nang sumindi ang asul na apoy sa kandila. Tila nagbuga ito ng malakas na hangin sa paligid, dahilan ng pagkamatay ng iilan sa mga apoy na tumupok sa kabahayan. Nakatitig pa din si Ben sa kalayuan. Tanging hangin lang at tunog ng nagbabagang mga apoy ang maririnig. Ramdam niya ang lamig kahit na mainit ang paligid. Malapit na sila... Malapit na ang mga inaasahan niya... Maya-maya pa... "HARGH!!!" Isang bolang apoy ang bumulusok papunta sa direksyon ni Ben! Namalayan niya ito kaagad at mabilis niyang iniangat ang kanyang bitbit na kandila. Hindi ito nauubos, hindi ito natutunaw. Sa kanyang pag-angat sa kandila ay isang manipis na hangin ang pumigil sa apoy! Isang manipis na kalasag ang sumangga sa mabilis na pag-atake na iyon! Isang halakhak ang narinig ni Ben. Narito na ang kanyang hinihintay. "Mages are hilarious!" tawa ng isang babae sa kalayuan. Nang lingunin ito ni Ben ay kanyang namataan ang grupo ng kababaihan na papalapit. May mga ngisi sa labi ang mga ito. Gutom na pumatay at tinitingnan si Ben na para bang isang katatawanan. "You think you would win with that stupid little candle of yours?" "You witch!" malutong na ani Ben sa babaeng nagsalita. Hindi niya maiwasang mandiri sa kanyang mga kaharap. Babae ang kanilang katawan, pero nakakapandiri silang titigan. Walang bahid ng kagandahan sa kanilang mga mukha. Walang silang mga buhok. Ang iilan din ay may maninipis na hibla. Karamihan din sa kanila ay may maliit na mga sungay sa kanilang noo. Iba sa kanila ay may kulay pula at tila mga kalansay kung titingnan. Mayroon ding may gumagapang na mga uod mula sa kanilang mga ilong, bibig, at mga butas-butas sa katawan. Kung pagmamasdan mo sila ay hindi sila basta lamang mga bruha, kundi mga halimaw. May iba na apat ang kamay. Mayroon ding apat ang mga paa. Mayroon ding may mga parte sa katawan na katawan ng hayop. Humakbang ang isang bruha papalapit. Ang kanyang mga paa ay kakaiba. Matunog ang paghakbang ng mga paa niyang kabayo. Napakahaba ng kanyang kuko at matulis ang kanyang tenga. Wala siyang buhok at kitang-kita mula sa posisyon ni Ben ang tumutulong likido mula sa kanyang bibig. Matutulis din ang kanyang mga ngipin. "Weaklings like you must die!" Anang bruha at bumuga ng mainit na likido mula sa kanyang bibig! Bumulusok ang likido patungo sa kinaroroonan ni Ben! Nakaiwas si Ben at tumalon! Kanyang iwinasiwas ang bitbit na kandila! Gumuhit sa ere ang linya ng asul na apoy na dagling lumipad sa kinaroroonan ng bruha! Tila isang matalim na bagay ito na tumama sa katawan ng bruha, naging dahilan ito ng pagkahiwa ng kanyang katawan sa dalawa at bumagsak! Natunaw ang katawan ng namatay na bruha na tila kinakain ng sariling asido. Wala nang hinintay pa ang mga bruha at sumugod na din kay Ben! Nagsiliparan ang mga bolang apoy at klase-klaseng mahika sa hangin na iniiwasan naman ni Ben! Gumaganti din siya sa pamamagitan ng pagkumpas ng kanyang bitbit na kandila! Tumilapon mula dito ang asul na mga tutubi! Mabilis na lumipad ang mga ito patungo sa mga bruha! Tila nga gutom na nilalang ang mga tutubi na iyon! Tinunaw nila ang nakakapangdiri na mga katawan ng mga bruha! Iwinasiwas ni Ben ang kanyang bitbit na kandila at nagliparan ang asul na mga apoy na tumama naman sa iba pang mga witch! Nakaiwas ang isa sa mga bruha! Nakakapangilabot ang kanyang mukha! Wala itong buhok at napakatulis ng mga ngipin! Sa gitna ng kanyang noo ay may mahabang sungay! Kulay gray ang balat nito at sa kanyang tagiliran ay may tatlong guhit. Isa itong sirena. Ang mga sirena ay kakaibang uri ng mga Witches. Sirena ang tawag sa mga witch na naninirahan sa tubig. Kaya din nilang magbalatkayo bilang mga tao upang mas makapangbiktima ng marami. May mahahabang mga kuko ang sirena na kaharap niya! Iwinasiwas niya ang kanyang mga kamay bilang pag-atake kay Ben! Ngunit nakakaiwas si Ben mula dito. Sinasangga naman ni Ben ang kamay nito gamit ang kanyang mga braso. Mula sa kanan ay akmang kakalmotin ng sirena si Ben kaya mabilis niyang isinangga ang kanyang kamay! Sinipa ni Ben ang dibdib nito! Bago pa man ito makabawi ay sinakal niya ang sirena at sinaksak gamit ang kanyang bitbit kandila! Natunaw ang katawan ng sirena at tanging daing lamang ang narinig bago nilamon ng asul na apoy. Napatingin si Ben sa isang lumilipad na mga kahoy! Nag-aapoy ang mga ito! Papalapit ito sa kanya, pinalipad ito ng isa sa mga witch patungo sa kanya bilang pag-atake! Gumawa siya ng barrier upang pigilan ang nagliliparang debris na nagmula pa sa mga nasunog na mga bahay! Bumulusok ang isang bolang apoy patungo sa kanyang kinaroroonan! Mabilis siyang gumawa ng panibagong panangga para maiwasan ang pagtama nito sa kanya! Isang malakas na pagsabog sa ere ang nangyari! Nakita ni Ben ang bruha na nagtapon sa kanya ng bolang apoy! May pakpak ito na pumapagaspas! Nag-aapoy ang buong ulo nito pati ang kanyang apat na kamay! Pinaulanan si Ben ng mga apoy! Umiwas si Ben sa pamamagitan ng pagtakbo at pag-lundag! Itinutok ni Ben ang kandila sa isang nasusunog na bahay! Iwinasiwas niya ang kandila at itinutok sa direksyon ng lumilipad na witch. Nagliparan naman mula sa nasusunog na bahay ang mga debris na nag-aapoy! Iwinasiwas ulit ni Ben ang kandila at itinutok sa lumilipad na bruha! Namuo mula sa asul na apoy ng kandila ang isang nag-aapoy na latigo! Pumulupot ito sa leeg ng lumilipad na witch! Nang ito ay nakapulupot na sa leeg ng halimaw ay kanyang inihambalos ang nilalang lupa kasabay ng pagkatunaw nito dulot ng asul na apoy ng kandila! Nang nagbaba siya ng tingin ay natigilan siya at napatingin sa kanyang paligid. Napapalibutan na si Ben ng mga witch! Hinihingal na din siya dahil sa init ng paligid at dahil na din sa pagod mula sa kanyang mga naunang nilabanan. Napakarami nila at totoo nga ang sinabi ng kanyang mga kapitbahay. Hindi sila mabilang! "Sumuko ka na!" "Napapalibutan ka na namin!" "Pinatay niyo ang aming mga lahi!" "Sinunog niyo ng walang awa!" "Uubusin kayo ng aming lahi!" Hindi sila titigil hangga't hindi sila nakakaganti mula sa Salem Witch Trials, ani Ben sa kanyang isipan. Hindi titigil ang mga 'to sa pag ganti. Marami sa lahi nila ang namatay noong Salem Witch Trials. Kaya sila gumaganti ngayon sa sangkatauhan. Hindi sila titigil hangga't di sila makakabawi mula sa dami ng namatay noong mga panahon na yun. Napatingala naman si Ben nang makarinig siya ng nakabibinging iyak mula sa kalangitan! Nagulantang siya! Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at panghihilakbot! May mga paparating! May umaatake! Mga itim... Mga itim na... Mga itim na kaluluwa... Aatakehin siya ng mga ito! Nagulat siya dahil sa sa bilis ng pagbuluaok ng mga ito! Nakabibingi ang sigaw ng mga kaluluwa!! Bigla siyang pinalibutan ng mga ito! Kanyang ginamit ang kandila bilang panangga mula sa mga kaluluwa na akma siyang susunggaban! Naririnig ni Ben ang tawa ng mga witch sa paligid! Sila ang tumawag sa mga kaluluwa na nakapalibot ngayon kay Ben! "Ang kandila ng Cherubim!" "Ang kandila ng Cherubim!" Paulit-ulit na iyak at daing ng mga kaluluwa na pumapalibot kay Ben! Takot ito sa kandilang dala-dala ni Ben! Ang asul na apoy nito ang nagtataboy sa mga itim na kaluluwa! Humawak ng mahigpit si Ben sa kanyang kandila at sa isang iglap lang ay bigla itong sumabog! Dahilan kung bakit nagsiliparan ang mga kaluluwa papalayo kay Ben! Nanng makabawi ay agad na humarap si Ben sa mga witch at sa hindi niya inaasahan ay natigilan siya. Hindi siya makagalaw.. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.. Nabitiwan niya ang kanyang bitbit na kandila at nahulog ito sa lupa. Napatingin siya sa kanyang tiyan at nakita doon ang tumagos na dulo ng isang matulis na magic wand. "Pagod na ako sa mga laro mo, Salamangkero," mahinang buong ng bruha mula sa kanyang likuran. Hinugot niya ng biglaan ang nakataran na magic wand sa likod ni Ben at hinayaan ang lalake na bumulagta sa lupa. Rinig na rinig sa paligid ang tawa ng mga bruha na naglalakad na papalayo. Napatingin siya sa kandila na nasa tabi lamang niya. Unti-unting nawawala ang apoy na nandodoon. Kasabay ng pagkamatay ng asul na apoy ay ang pagpikit ng kanyang mga mata. ***** "Kuya Billy?" daing ng batang si Azrael. "Bakit wala pa si Papa?" Hindi naman nakasagot kaagad si Billy at niyakap na lamang ang kanyang kapatid. "Hindi ko alam, basta babalik si Papa. Wag ka nang umiyak diyan. Baka managot pa ako pag nakarating yun dito, tatanungin ako kung pinaiyak kita," pilit na pinapagaan ni Billy ang loob ng kanyang kapatid. Sa kanyang kaloob-looban ay kinakabahan din siya sa kung anong nangyari sa kanyang Ama. Mag-iisang oras na at hindi pa din ito nakababalik kaya mas lalo lang siyang nag-aalala. "Witches," Napatingin naman ang dalawang bata kay Dado, isang mangingisda . Siya ang nagsalita. Napalingon naman sa kanya ang lahat. Seryoso ang mukha nito. "Mga bruha," segunda pa ni Belen. "Yun ang ibig sabihin ng witches." Nakatingin ang babae sa dalang bata na nagyayakapan. Pinaiintindi sa kanila ang ibig sabihin ng salitang iyon. "Mga witch? Sila ang umatake kanina, Nay?" si Lester, ang binatang anak ni Dado at Belen. Limang taon ang agwat nila ni Billy. "Oo, sinalakay nila ang baryo natin. Marami sa'tin ang namatay. Kay hindi na ligtas ang lugar na 'to," si Dado. "Bakit naman naging agresibo sila? Ano ba ang dahilan nila?" si Lester. "Marahil gumanti sila sa nangyaring Witch Eradication noon," si Dado. "Matapos nangyari ang Salem Witch Trials sa ibang bansa ay saka din nangyari dito sa ating bansa ang Witch Eradication. Pinagpapapatay ang mga pinaghihinalaang mangkukulam o bruha." "Totoo ang mga witch?" si Billy. "Totoo sila, Billy. Matagal na silang nagtatago, at marahil ito ang kanilang unang hakbang para gumanti," si Dado. "Si Papa, kuya," nag-aalalang sambit ni Azrael. "Ipagdasal na lang natin na manalo ang Papa niyo," si Belen. "Manalo?" naguguluhang tanong ni Billy. Nagkatinginan naman ang mag-asawa matapos iyong tanungin ni Billy. Hindi nila alam na hindi pala sinabi sa kanila ng kanilang Ama ang totoong pagkatao ni Ben. Ang buong akala nila ay alam ng dalawang bata kung sino ang kanilang Ama. Hindi naman maintindihan ni Billy ang sinasabi ng mag-asawa. Manalo? Makikipaglaban si Papa sa mga witch? "Nakita ko si Papa, may hawak siyang kandila na asul ang apoy," si Azrael. Napahinga naman ng malalim si Dado at hindi na napigilang magsalita. "Billy, Azrael." Napahawak naman si Belen sa braso ng kanyang asawa. Pinipigilan niya ang ito sa pagsabi ng totoo tungkol sa kanilang Ama. Sa palagay niya ay wala sila sa posisyon para sabihin yun. Mas makabubuti din kung si Ben na lang ang magsabi sa kanyang mga anak. Pero hindi na magpapapigil pa si Dado, panahon na para malaman ng mga bata. At isa pa... Wala na din siyang kasiguraduhan kung buhay pa si Ben. "Hindi lang manggagamot ang Ama niyo," nakinig lang ang dalawang bata sa sinabi ni Dado. Bago pa man makabawi ang dalawang bata ay nagsalita ulit si Ben. "Isa siyang salamangkero," aniya pa. "May kapangyarihan ang Ama ninyo." ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD