Chapter 6

1882 Words
SALEM "Mabuti naman at pumayag kang samahan ako mag shopping, Sal," ani Rachelle habang naglalakad kami ngayon sa loob ng mall. "Syempre naman. Wala din naman kasi akong gagawin sa apartment ko," sagot ko naman sa kanya. "Bakit mo naisipang imbitahan ako mag-shopping?" Napatingin naman sa akin si Rachelle na parang nagtatanong. "Bakit? Bawal ba?" "Hindi naman sa gano'n," dipensa ko pa. "Syempre, nagulat din ako no! I mean, ngayon mo lang kaya ako niyaya ng ganito. Nakakahiya naman kasi." Napangisi naman si Rachelle at napatingin sa akin. "Bakit? Anong ibig mong sabihin sa nakakahiya?" "Eh, kasi syempre..." Paano ko ba sasabihin sa kanya? "Lalake ako...di ba dapat...ako yung-" "Magyayaya?" Pinutol niya ang sinabi ko kaya napatahimik na lang ako. Mabilis ko namang isinilid ang kamay ko sa bulsa ng pants ko at nag-iwas kaagad ng tingin. Tama naman kasi. Dapat ako magyayaya sa kanya ng ganito. Nakakahiya naman kasi, siya pa ang nagyaya sa'kin. Hindi naman sa binibigyan ko 'to ng meaning. Pero kasi.... "May balak ka din bang yayain ako lumabas? Tsaka wala namang problema kung yayain kita, di ba?" aniya pa at tumingin sa'kin. "Unless, ayaw mo akong makasabay." May halong pagtatampo sa boses niya. Hayst! Put- naman, oh! Ewan ko ba pero sa ginawa niyang yun ay natuwa ako. Di ko maiwasang kiligin. Nakakabakla pero yun talaga. May kumiliti sa tiyan ko. Ha? Tang-BASTA! Yung ganon! Dahil kasi to sa pagbabasa ko ng mga teen fiction stories, eh! Kaya parang ewan ako ngayon! "Hindi naman sa gano'n, Rachelle. Nahihiya lang ako kasi di ba, usually ang lalake talaga ang magyayaya sa babae na mamasyal?" sagot ko naman sa kanya. "Sinasabi mo bang mali ang pag-imbita ko sa'yo? Kung gano'n...sorry," "Hindi! Hindi! Hindi! Hindi gano'n!" ngayon ko lang talaga din nalaman na may pagka-eksaherada itong si Rachelle. Hindi ko din naman kasi alam kung anong sasabihin ko! Kasi nasanay ako sa mga nabasa ko na lalake ang nagyayaya mamasyal, eh. Hindi lang din ako sanay na ang babae ang nagyayaya sa akin ng mga ganito. Ba't parang ang OA ko? Eh, namamasyal lang naman? Wala namang meaning 'to? POT-NAKAKATANG-hayst! "Kasi naman Rachelle," bahala na. "Sa mga nababasa ko kasi sa teen fiction, yung mga lalake nagyayaya sa mga babae na mamasyal. Yung mga ganon." Matapos kong sabihin yun ay nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Nasabi ko na tuloy sa kanya na nagbabasa ako ng mga ganon! Ah bahala na. Kasi naman para mas maintindihan niya pinupunto ko! Nakakahiya naman kasi talaga. Maya-maya lang ay bigla kong narinig na unti-unti siyang tumatawa. Hanggang sa palakas ng palakas ang tawa niya. Napatingin ako sa gulat at napatingin na din sa paligid. Karamihan sa mga nadadaanan at dumadaan ay napapatingin sa aming dalawa. Agaw atensyon kasi talaga ang malakas na tawa ni Rachelle. Hay nako naman! "SALEM! HAHAHAHAHAHA!" "Huy! Tawang-tawa ka diyan!" "HAHAHAHAHAHAH! SA-SALEM! HAHAHAHAHAHAHAHA!" "Huy! Pinagtitinginan na tayo! Ang lakas ng tawa mo!" mariin na bulong ko sa kanya. "Kasi naman! HAHAHAHAHAHAHAHA! Nagbabasa ka ng teen fiction?" natatawang tanong niya sa'kin. "HAHAHAHAHA! Lagi ko talaga iniisip na mahilig ka sa action movies o mga ganyan! Ang astig mo tingnan. Tas HAHAHAHAHAHAHAHA!" "Hala sige! Tawa ka lang diyan," nag-iwas ako ng tingin habang nakakunot ang noo. Sabi ko na nga ba gagawin akong katatawanan nito. Sana hindi ko na lang sinabi rason ko at hinayaan ko siyang i-exaggerate ang lahat. Yan tuloy ngayon! Tawang-tawa pa ang babae. Nagmumukha na akong bakla nito. "Huy! No offense ha? Pero may tanong ako," aniya pa at biglang nagseryoso. Napatingin ako sa kanya. "Ano yun?" "Wag ka magalit, ha?" "Ano yun, Rachelle?" "Bakla ka ba?" "RACHELLE!" Napalayo ako sa kanya sa gulat ko sa tanong niya. "WAHAHAHAHAHAHAHAHA!" "Ano ba namang klaseng tanong yan?" pagrereklamo ko pa sa kanya. "Eh, kasi naman. Yung mga kaibigan kong bakla yan yung mga genre na binabasa nila. So I was thinking na baka kagaya ka din nila," natatawa niya pang sabi sa akin. "Hindi ako bakla! Sadyang mahilig lang talaga ako sa teen fiction. Kasi napaka peaceful lang ng story at hindi masyadong harsh yung mga conflicts," sabi ko pa sa kanya. "Well, may mga teen fics na harsh ang conflict, but I find teen fic genre cute. Tsaka hindi naman porke mahilig sa teen fic, eh, bakla na, di ba?" Sa wakas ay natigil din siya sa pagtawa. Napatango na lamang siya sa mga sinabi sa kanya. "May point ka diyan," pagsang-ayon niya pa. "Tsaka ilagay mo diyan sa isip mo na hindi din always na lalake ang magyayaya! Tsaka di naman to date! Friendly date, pwede pa." Tama nga naman. Hindi nga naman to date. Tama din naman siya na friendly date lang ito at walang ibig sabihin. Basta, ewan parang ayaw ko sa friendly date na yan. Namili na lang kami ni Rachelle ng mga damit sa mall. Tinatanong niya ako kung alin ang mas bagay at alin ang mas maganda para sa bahay. Namili din siya ng mga aniya'y kakailanganin daw ng Lola niya. Syempre pumili din ako ng bagay sa akin. Namili din ako ng mga damit na maaari kong gamitin sa panlakad. Napapansin ko din kasi na parang nawawalan na ako ng mga pampasyal na mga damit. Gusto ko din naman maging aesthetic ako, no! Habang namimili kami ay saka ko lang din napansin na ang ganda ni Rachelle ngayon sa kanyang suot. Naka-dress siya ng kulay pink. Naka-doll shoes at may dala siyang purse na magkalapit lang din ng kulay sa kanyang outfit. Ang kanyang eyeglasses ang nagpaganda sa kanya lalo. Ewan ko ba pero lahat na lang yata ng suot na pinamili ni Rachelle at pinatingin niya sa'kin ay bagay sa kanya. Wala na nga akong ibang sinasagot sa mga tanong niya na "okay ba 'to?" kundi "bagay sayo" na lang. Kasi yun naman talaga ang totoo. Matapos naming namili ay naglakad-lakad na lamang kami sa mall saka namin napag-isipan na lumabas at pumunta sa cafe na aniya'y tambayan niya daw ng mga kaibigan niya noon. "Tara, dun tayo sa cafe na tinatambayan namin ng mga barkada ko! Ang sarap ng milktea at strawberry shortcake nila dun! Promise!" masayang aniya na parang proud na proud pa sa cafe na kinukwento niya. Sumabay na lang ako sa kanya. Hinayaan ko naman siyang mauna sa paglalakad habang bitbit ko ang mga pinamili namin. Ayaw ko namang pagbitbitin siya ng mga pinamili namin at baka mabigatan lang din siya. Habang naglalakad kami sa gilid ng daan ay todo tingin siya sa mga stores na nadadaanan namin. Habang sumusunod ako kay Rachelle ay bigla na lang siyang huminto at napatitig sa isang store. "Sandali lang, Sal, ha? May bibilhin lang din ako dito." Pumasok siya sa store na parang nagbebenta ng mga antiques at mga lumang furnitures. Magaganda ang mga ito. Sumunod naman ako sa kanya at pumasok na din sa store na yun. Maraming mga naka display na mga sculptures, paintings, at iba't-ibang mga bagay. Pamilyar pa ang ang iba sa'kin dito pero pinili ko na lamang na manahimik. Di ko alam na mahilig pala sa mga ganito si Rachelle. Nangongolekta kaya siya ng mga figurines at old furnitures? Hindi ko na alam kung nasaan si Rachelle. Baka namimili na dun sa mga rack. Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid sa paligid. Iniikot ang aking paningin sa mga makalumang mga bagay sa paligid. Napadpad ako sa tanggapan ng store. Walang tao ron kaya napatingin din ako sa mga nakadisplay sa likod nito. May mga figurines at mga mini dolls na naroon. Yung mga dolls na ginagamit ng mga voodoo. Nandoon sa may counter naka display. Pero hindi yun ang nakaagaw ng aking pansin. Kundi ang nasa pinakaibabaw na parte ng cabinet na yun. Naroon naka-display ang isang napakaganda at kumukinang na tiara. Nakadisplay ito na tila nakasuot sa isang ulo ng mannequin. Napakaganda tingnan ng tiara lalo na ang bato na kulay puti sa gitna nito, sa bandang noo ng tiara. Habang nakatitig ako dito ay may naalala ako. Hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura ng isang napakagandang bagay na nakita ko. Iyon na yata ang pinakamakinang at pinakamagandang tiara ang nakita ko sa buong buhay ko. Tiara of Mothe- "Salem!" Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Si Rachelle.. "Nakita ko na hinahanap ko," ngiting aniya. "Anong kailangan niyo?" Napatingin naman kaming dalawa ni Rachelle sa nagsalita sa may counter. May matandang lalake na sa tantya ko ay nasa 70 plus na ang edad. Nakasuot ito ng scarf at may dala-dalang tungkod. Singkit ang kanyang mata. Sa tingin ko ay isa siyang Chinese, napapansin ko din kasi na karamihan sa mga naririto na mga figurines ay ang mga zodiac animals ng mga Chinese. "Grandpa Xu Yin!" si Rachelle. Kilala niya ang Mama. "Rachelle!" nakangiting bati naman ng matanda kay Rachelle. "Ito po yung bibilhin ko," pinatong naman ni Rachelle sa counter ang isang ragdoll. "Ah! Sige sige, Rachelle," Binalot lang ng matanda ang binili ni Rachelle saka na binayaran ni Rachelle ang binili niya. "Una na po kami Lolo Xu Yin!" maligayang pagpapaalam ni Rachelle sa may-ari ng store. "Salamat, Rachelle! Dalaw ka sa susunod, ha?" natutuwang anang matanda. Napatingin ito sa akin. "Sino ito kasama mo?" Napatingin naman ako kay Rachelle na agad akong pinakilala sa matanda. "Ah, siya po si Salem. Kaibigan ko po, Lolo." Ngumiti naman ako sa matanda at nagbow na din sa kanya. Hindi ko kasi magawang i-wave ang kamay ko dahil hawak-hawak ko ang mga pinamili namin ni Rachelle. Napatitig sa akin ang matanda ng sandali. Kinikilatis ang buong pagkatao ko. "Salem." Aniya na naghatid ng paninindig ng mga balahibo ko. "P-po?" Nakatitig lang siya sa akin. Maya-maya lang din ay bigla siyang ngumiti. "Wala, hijo. Ang ganda ng pangalan mo," aniya pa habang tumatango. "Salem." Napatingin akong muli sa tiara na nasa ibabaw ng kabinet. Hindi ko maalis ang atensyon ko dito dahil napakaganda. Hi di ko alam pero parang may nag-uudyok sa akin na suotin yon at pakiramdaman. "Ang tiara na iyan ay mahalaga para sa'kin," biglang anang matanda na ikinalingon ko sa kanya. "Yan ang bagay na pinakainaalagaan ko. Nagmula pa iyan sa Massachusetts." "Marami na ang gustong bumili niyan. Pero hindi ko binibigay. May mga tao pang nag-alok sa akin ng milyon-milyong halaga. Pero hindi ko pa din binibigay." pagkukwento naman ni Lolo Xu Yin. Ganon pala kahalaga sa kanya ang tiara na yan. Bakit naman kaya? Hindi ko na maiwasang magtanong. "Magkano po ba yan, Lolo Xu Yin?" Napatingin naman sa akin si Lolo Xu Yin na parang inaasahan na niya na itatanong ko yun sa kanya. Ngumiti lang siya at sumagot sa akin. "Hindi ko ipinagbibili ang tiara na yan. Dahil mahalaga yan sa akin." Hindi na lamang ako kumibo pa sa sinabi niya. Kaya pala naroon siya sa pinakaitaas ng cabinet at napakahirap abutin. Dahil mahalaga ito sa kanya at hinding-hindi niya ipinagbibili. "Eh, Lolo Xu Yin. Paano-" "Salem.." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang tinapik ako ni Rachelle sa braso. Nakaharap na siya ngayon sa labas ng shop at tila gulat na gulat sa nakikita. Napalingon naman ako sa labas ng shop at nakita ang mga taong nagtatakbuhan mula sa kanang bahagi ng kalsada. Bakit parang nagkakagulo sila? Ano ang nangyayari? Maya-maya pa ay nagulantang ang lahat. Nang bigla na lamang may nangyaring pagsabog! ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD