SALEM
Rachelle and I were rushing towards the exit to see what is happening outside.
"Bakit sila nagkakagulo?"
"Beats me," sagot naman sa akin ni Rachelle.
Lumingon kami sa direksyon kung saan nangagaling ang mga taong tumatakbo. Mga sigawan at pagsabog lang ang aming naririnig mula sa kalayuan.
Nagkatinginan naman kami ni Rachelle, at bago pa man kami sumabay sa pagtakbo ng mga tao ay sumulpot mula sa likod ng gusali ang isang higanteng gorilla na kasing taas ng limang palapag na gusali. Dumaing ang higanteng nilalang na mas lalong nagdala ng kilabot sa mga tao.
"Oh, shi—is that King Kong?" si Rachelle.
"Hindi! Tara na!" hinila ko kaagad si Rachelle patakbo habang panay ang lingon sa likuran.
Nakita ko kung paanong hinagis ng higante ang isang sasakyan! Bumulusok ito sa kalayuan at sumabog na siyang nagpasindak sa lahat ng natataranta!
Bawat hakbang nito ay nagdudulot ng pagyanig ng lupa! Napakalami ng nilalang na ito!
Lahat ng mga motorista ay natigil sa kanilang pagpapatakbo ng mga sasakyan at lumabas mula dito. Wala nang saysay pa na manatili sa mga sasakyan dahil nagdadala na ng traffic ang kaguluhan. Nagtakbuhan at may kanya-kanya nang focus ang mga tao. At yun ay ang makaligtas mula sa higante.
"Saan ba ananggagaling yan?" si Rachalle.
"Hindi ko alam, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalaking gorilla!" sagot ko pa sa kanya habang patuloy na tumatakbo.
Maririnig ang sunod-sunod na daing ng gorilla sa paligid. Makakarinig ka na din ng putukan ng mga baril dahil sa mga nagsidatingan na mga pulis. They tried to stop the monster from attacking but it gets wilder as they shoot their bullets!
Napahinto kami ni Rachelle sa pagtakbo at napatingin sa aming pinanggalingan. Malayo-layo na kami sa lugar kung saan naroon ang sentro ng gulo! Makikita pa din ang gorilla na nagwawala sa gitna ng highway.
Pinapaputukan siya ng mga pulis ng mga baril pero wala itong talab!
Maya-maya pa ay lalong nagalit ang higante at dumaing! Nakakaramdam na ito ng sakit mula sa mga baril na pinuputok sa kanya! Gamit ang kanyang higanteng kamayo at sinuntok niya ang paparating na helicopter!
Nawalan ng balanse ang helicopter at nagpaikot-ikot na bumulusok. Tumama ito sa dingding ng gusali at saka naman nangyari ang nakabibingi na pagsabog! Nagsigawan pa lalo ang mga tao na ngayon ay kagaya namin, nakikinoon na mula dito sa kalayuan. Napalilibutan na ng pulisya ang higante ngunit kahit gaano pa yata sila kadami ay di nila magawang patumbahin ang nilalang.
Pinalilibutan na din siya ng mga helicopter sa himpapawid. Pinapuputukan siya ng mga baril nito! Napadaing naman ang nilalang at inangat ang kanyang kamay bilang panangga sa mga bala na tumatama sa kanya sa mukha. Sunod-sunod na paputok ang ginawa ng dalawang helicopter na ngayon ay naka-focus na sa mukha ng higante!
Ang sumunod na nangyari ay hindi inaasahan. Nakapulot ng kotse ang higante na para bang isa lang itong laruan para sa kanya. Hinambalos niya ang isa sa mga helicopter na naging sanhi ng pagsabog at pagbagsak nito sa lupa.
Napatingin ako kay Rachelle nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang kuhanin niya ito ay agad niya itong sinagot.
"Lola!" sagot niya sa tawag. "Opo, okay lang po ako. Wag ka pong lalabas diyan, Lola ha? Mabuti na lang at malayo sa apartment! Pero wag ka ho mag-alala. Kasama ko po si Salem."
Matagal na tumahimik si Rachelle dahil parang may sinabi pa sa kanya ang kanyang Lola. Tumingin naman si Rachelle sa akin na may pag-aalala at takot sa kanyang mga mata.
"Hindi po, basta kapag kailangan nang lumikas ay lumikas po kayo," ani Rachelle. "Mag-iingat po ako. Pangako yan, La. Bye. I love you, La."
"PUTANGINA!"
"DIYOS KO!"
"GAGO!"
Napatingin kaming muli si kinaroroonan ng kaguluhan nang marinig ang mga daing at sigaw ng mga kasamahan naming nanonood sa gulo. Nakita ko sa himpapawid ang umiimbulog na tangke'ng pang gyera!
Tumama ito sa isa sa mga nakatakas na helicopter! Sumabog ang tangke at ganoon rin ang tinamaang helicopter!
Nakita naming lumingon ang higante sa aming direksyon. Mabilis kong kinapa ang braso ni Rachelle para tumakbo.
"Tara na, Rachelle!"
Nagsitakbuhan ang mga tao kasabay namin nang makita ang mabilis na pagtakbo ng nilalang! Yumayanig ang lupa sa bawat hakbang nito na mas lalong nagdala ng takot sa aming mga sibilyan!
Nakarinig kami ng pagbasag ng mga salamin mula sa aming likuran! Nang ako ay napalingon ay nakita kong wala na sa kalsada ang higante kundi ay sumasabit na sa mga gusali na nakapaligid sa amin!
Napapayuko at napapaiwas naman kaming mga tumatakbo sa mga debris na nahuhulog mula sa mga gusaling kanyang sinasabitan! Hindi ko maiwasang maawa sa mga taong hindi nagawang makaiwas at nadadaganan ng mga nahuhulog na mga tipak ng semento.
Muling lumundag ang nilalang at nag-landing sa lupa na naging sanhi ng pagsabog ng mga natapakan na mga sasakyan at pagyanig ulit ng lupa! Nagsigawan na naman ang mga tao nang makitang nasa kalayuan na mula sa aming harapan ang higanteng nilalang!
Handa na naman itong atakehin kami! Bumalik kami sa aming dinaanan para muling takasan ang nilalang ngunit bago pa man iyon nangyari ay isang pagsabog ang naganap! May mga missiles na tumama sa tagiliran at braso ng nilalang!
Saka namin nasaksihan ang matulin na paglipad ng mga Army jets! Muli silang umimbulog paitaas sa himpapawid para pumosisyon muli para sa susunod na pag-atake. Namamangha kami habang tumatakbo mula sa higante!
Napatingin ako sa kalagayan nito at kasalukuyan itong napasandal sa isa sa mga gusali dulot ng malakas na pagsabog ng mga missiles.
Narinig namin mula sa ibabaw ang tunog ng matulin na mga Army jets! Inihanda nila ang muling pag-atake at muling pinasabugan ang nilalang!
Tumama naman ngayon sa braso ng nilalang ang mga pinasabog na mga missiles! Napakatigas ng nilalang na ito dahil sa ilang mga pagsabog na pinakawalan ay mabibilang pa lang ang mga sugat na natamo nito!
Sumabog ang mga missiles sa kanyang braso na siyang ginamit niyang panangga sa akmang pagpapatama ng mga jet sa kanyang mukha! Nagkandasugat-sugat ang nilalang!
"Rachelle! Masyado nang magulo dito at baka mapahamak pa tayo," sabi ko kay Rachelle. "Umuwi na tayo sa lola mo. Baka mapahamak tayo dito."
"Ano ka ba naman, Salem! First time ko makakita ng gorilla, higante pa! Manood muna tayo!"
Hindi ako nakasagot sa sinabi sa akin ni Rachelle. Inuna niya pa talagang manood sa kaguluhan kesa ang unahin ang sariling kapakanan.
Nang mapatingin ako ulit sa nilalang ay nakita ko kung paano niya pinaghahambalos ang mga nahuli niyang Army jets! Hinahampas niya ito na parang gigil na gigil sa pagpapasabog sa kanya. Ang iba ay hinagis niya pa sa mga gusali na naging sanhi ng pagsabog!
Ngunit hindi yun ang ikinagulat ko. Dahil may iba akong napansin. Kanina noong pinasabugan siya ng mga missiles ay nagkandasugat-sugat ang nilalang.
Pero nang pinagmasdan ko pa ito ng maigi. Doon ko na pansin na ang mga sugat na natamo niya kanina sa braso ay bigla na lang naglaho!
May kakaiba sa mga nangyayari...
Nagsilayuan naman ang ibang mga Army jets na parang natakot sa galit ng nilalang.
Maririnig ang guliat ng nilalang habang nakatingala ito sa langit! Ang kanyang kamao ay pinupukpok niya sa kanyang dibdib! Ang karaniwang ginagawa ng mga gorilla, nagpapakita kung gaano sila kalakas!
"Gago! Galit na si King Kong!" si Rachelle.
"Mas malaki pa si King Kong diyan, Ate." tinig ng isang bata na nilingon ko kaagad. Nasa tabi siya ni Rachelle. Kasama nito ang hula hula ko ay kanyang Mama na nasa likuran at hawak-hawak siya sa balikat.
Pati bata nakikinuod?
"Ay ganon ba? Baka anak niya lang yan," si Rachelle.
Napatingin muli kami sa nilalang na ngayon ay handa nang umatake ulit. Hindi pa man ito nakakaatake ay napaatras ang lahat sa gulat nang may biglang gumuhit mula sa kanan ng nilalang, hindi namin makita kung saan ito nanggagaling dahil sa nakaharang na gusali.
Pero sigurado kaming ang kidlat na tumama sa mukha ng nilalang ay hindi mula sa langit. Kundi mula ito sa lupa.
Maya-maya pa ay sunod-sunod na ang mga kidlat na tumatama sa katawan ng higante. Hindi lang isa kundi marami! Mula na ito sa iba't-ibang direksyon.
Saka ko lang napansin kung saan nanggagaling mga asul na kidlat. Sa ibabaw ng mga gusali ay may mga nakaitim. Hindi mo maaaninag ang kanilang mga mukha.
Mayroon din sa ibaba, sa kalsada, pumapalibot sa higanteng nilalang. Marami sila na nakapalibot ngayon sa higante. Pinatatamaan nila ng kanilang mga kidlat.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko..
Hindi ko inakalang nandidito pa sila..
Hindi ko inaakalang mayroon pang mga kagaya nila..
"Wizards."
ITUTULOY.