Chapter 8

2413 Words
AZRAEL Nakatingin lang ako sa kawalan habang dinadamdam ang simoy ng hangin. Napakatahimik ng Sanctuary ngayong araw na 'to. Napatingin ako sa baba kung saan naroon ang open space, nandoon nagte-training ang mga batang wizards at iba pang baguhan. Makikita mo sa lahat ng mga estudyanteng nagsasanay na gustong-gusto nilang gumaling. Na gusto nilang maging kilala at malakas. Napatingala sa akin ang Mentor na nagtuturo sa mga estudyante. Master Mistic. Tumango siya sa akin at ganoon na lang din ako sa kanya. Pinagpatuloy niya ang pagtuturo sa mga estudyante. May iba pa siyang inalalayan sa kung paano ang tamang paggalaw ng kamay. Nangangailangan kasi ng matinding concentration at flexibily ang paggawa ng electric orb. Kahit basic pa ito ay kailangan mong magsanay ng mabuti para makuha mong i-maintain ang energy sa gitna ng mga palad mo. Kapag kasi hindi mo ito ma-control ay may posibilidad na sumabog ito at makasakit pa ng mga tao sa paligid. Habang tinitingnan ko si Master Mistic na tinuturuan ang isang batang baguhan. Naalala ko ang aking sarili. Naalala ko yung mga panahong bago pa ako dito sa Sanctuary. Sobrang tagal na nun. Hindi ko na nga maalala kung ilang taon ako nung pumasok ako sa mundo ng mahika. Hindi ko din inaasahan na mapapabilang ako sa Sanctuary. Ang lugar kung saan kami pinatuloy ni Kuya. Ang lugar na kumupkop sa amin at nagsanay para maging matapang. "You're having a great day, huh?" napatingin ako sa likuran ko, pero di ako umikot. Nanatili lang akong nakatayo. "Finally! No more stress!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Kuya. "I came to Canada yesterday for a task." "Was it a success?" aniya. "Of course," pagmamayabang ko pa sa kanya habang nakatingin pa din sa kalayuan. "No work remains undone for the Greatest Wizard of all time." Hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong inirapan ako ng sarili kong kapatid dahil sa sinabi ko. Natatawa naman ako habang hindi pa din siya nililingon. "Yabang mo, ha!" Natatawa na lang kami pareho at dinamdam ulit ang malamig na hangin. Napakapresko naman kasi ng hangin didto sa ibabaw ng Sanctuary. Kaya lagi akong tumatambay dito, eh. Kahit na tanghalinay hindi mainit. Marami din kasing ulap na humaharang sa sinag ng araw. Hindi naman maulan, pero mahangin. Minsan ko na lang to nararanasan dahil sa dami kong ginagawa. Sa tagal ko dito sa Sanctuary ay naging mabuti g estudyante ako ni Master Mistic at ngayo'y isa na sa mga tumutulong sa kanya sa mga misyon. Pinapadala kami sa iba't-ibang bahagi ng mundo para lumutas ng mga misteryosong kaganapan. Noon naman ay hindi ganito ka-busy ang Sanctuary. Pero nabigla na lang kami isang araw, sunod-sunod na ang mga pangyayari na hindi maipaliwanag. Tinatawagan na kami ng iba't-ibang bansa para manghingi ng tulong. Puro kaguluhan at pagkawasak ang mga nangyayari. "What happened in Canada?" si Kuya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "There was a report about a Voodoo Priestess who's planning to take over a whole town. She's a nasty, evil Voodoo Priestess. She's behind the disappearance of every child in the town. She was strong, undeniably!" "What did you do?" si Kuya. Naging interesado siya sa kwento ko. "Clark and I began to interview the people in that town. Especially those families that are victims of that Voodoo Priestess. They said, they're children kept on smelling something sweet and delicious," kwento ko kay Kuya. "She's luring them," aniya. "Exactly. And that happens every night, when everyone's asleep," sagot ko kay Kuya. "Let me show you something." Mula sa terrace ay pumasok kaming dalawa sa Sanctuary. Nakasunod lang sa akin si Kuya. Nagtungo kaming dalawa sa collectors' hall at nilapitan ang lamesa kung saan nandoon ang isang libro na nakasara at naka-lock. Sa tabi naman nito ay nandoon ang susi ng libro. Nakasilid ito sa isang garapon. "I put a spell on the jar," imporma ko sa kanya. "So that no one would dare to open the book." "Is this..." aniya at hinaplos ang libro. "...a spell book?" "Yes, we found that inside the Voodoo's lair," sagot ko pa sa kanya. Hinaplos niya ang bawat letra na nakaukit sa libro. Hindi ito isang pangkaraniwang letra. Dahil kakaiba ito, hindi ito ang letrang ginagamit ng mga tao. "These are runes." ani Kuya. "Yes," pagtango ko at tinuro ang isang lampara na may kulay berdeng apoy sa loob. "This was her weapon. Very dangerous. It's the source of her magic." "A normal Voodoo lamp has purple flames," nangunot ang noo ni Kuya Billy habang tinititigan ang lampara. "How come that this lamp has green flames. This must be powerful. She's not a normal Voodoo Priestess. Or is she really?" Napatingin ako kay Kuya. "What do you mean?" "Her lamp has green flames and I know that you know, green flames are fires of sinister magic," si Kuya. "She has a spell book with her and there are runes on its cover. So she might not be a Voodoo Priestess." Lumapit sa akin si Kuya at binulong ang mga kataga na nagpagulo sa aking isipan. "She must be a Witch." Natawa na lamang ako at napaatras sa sinabi ni Kuya. "Kuya, that's impossible. Witches are long gone. They can't come back!" I disagreed. "What if they did come back?" aniya pa. "Witches are long gone but that doesn't mean they're gone forever." May punto si Kuya. Maaaring may mga witch pa sa paligid. Maaaring mayroon pang mga kagaya nila na nagtatago dahil natatakot na mapaslang. Sa tagal ng panahon na naging wizard ako ay hindi pa ako nakakalaban ng mga witch. Matagal na silang naubos ng mga naunang wizards at mga weavers. Nakakatuwa dahil natalo ng mga Wizards ang mga Witches sa tulong ng mga weavers at mages. Kahit na natalo pa sila ng tatlong lahi ay hindi pa din ibig sabihin no'n na hindi sila makakabawi. Maaaring may mga witches pa ngayon na patagong gumaganti at patagong pinagpapatuloy ang kasamaan nila. Pero yung nakaharap namin sa Canada ay hindi maaaring witch siya. Hindi ko naman nakitang gumamit siya ng kapangyarihan na hindi nagmumula sa lampara. Witches are born with magic unlike us wizards, mages, and weavers. That makes them more powerful than us. "Billy, Azrael!" Napatingin kami sa humahangos na si Master Mistic. Mabilis ang kanyang paglalakad na lumapit sa amin. Napayuko naman kami nang makaharap namin ang pinakamalakas na wizard sa Sanctuary. Ang Ina ng lahat. "Master," sabay naming sambit ni Kuya sa aming pagyuko. "There's something happening in the Philippines. Gather your troops and go!" matigas na aniya at tumalikod. "Something's wrong in the Magic Realm. We have to do something." "Yes, Master!" Mabilis pa sa alas kwatro kami ni Kuya na nagbaybay sa pasilyo ng Sanctuary para ihanda ang aming mga kasamahan para sa pagpunta sa Pilipinas. Babalik na ako sa bansang pinanggagalingan ko. Na ngayon ay tila humaharap sa panganib. Sumusunod na sa amin ngayon ang aming mga kasama. Nasa kanan ko si Kuya at nasa kaliwa ko naman si Clark, isa sa mga kasamahan ko. Isa din siyang Pinoy na napadpad din dito sa Sanctuary. Magkasabay na kaming dalawa na lumaki at natuto ng mahika. "Ano ba nangyayari? Anong nangyari daw sa Pilipinas?" si Clark. "Hindi pa namin alam, pero malalaman natin pag nakarating na tayo don," si Kuya ang sumagot. Lumakas kami patungo sa open space ng Sanctuary. Nakita namin ang mga baguhan na kanina ay nagsasanay, ngayon ay nahawi na para bigyan kami ng daan papunta sa entrada ng Sanctuary na siya ring labasan. Kung titingnan ito ay isa lamang itong arko sa dulo ng talampas. Pero hindi. Lumakad lamang kami ng aking mga kasama at ang arkong iyon ang nagdala sa amin sa aming patutunguhan. May mahika ang arko na iyon, na kung didiretso ka ay aakalain mong mahuhulog ka sa mataas na talampas. Pero ang totoo ay lulusot ka sa isang invisible na portal. Nang humakbang na ako ay napunta ako sa gitna ng syudad. Nagkakagulo at punong-puno ng putukan ng mga baril. Nakabibinging pagsabog din ang umalingawngaw sa buong syudad at ang karamihan sa mga buildings ay nasira na. Huli na ba kami? Nang mapatingin kami sa paligid ay may ibang tao na nagulat sa bigla naming paglitaw sa gitna ng hangin. Na bigla-bigla na lang kaming sumulpot. May mga taong kumuha ng larawan sa amin. Saka ko lang din napansin na hindi kami pare-pareho ng pinaglitawan. May iba sa mga kasamahan ko na nasa ibabaw ng mga gusali. Saka lang din napadako ang atensyon ko sa pinagmumulan ng gulo. What the f**k?! Isang higanteng gorilla na hindi ko masukat kung gaano kalaki. Pinasasabugan na siya ng mga missiles ngunit parang wala lang ito sa kanya. Napapadaing ito dahil na din sa kirot pero agad-agad lang din na nakakabawi. Sinimulan na ng mga kasamahan kong atakehin ang higanteng nilalang ng mga kidlat. Pinaulanan na nila ang higante ng mga atake at sinisigurong hindi na ito makababawi pa. Gamit ang mahika ay mabilis akong lumipad sa himpapawid para makalapit sa kinaroroonan ng higandang nilalang. Marami ang napapatingin sa bigla naming pagsulpot at pag-atake sa higante. Maging ang mga pulis na kaninang umaatake ay napapatingin na sa amin. Napapaatras na ang higante sa mga atake ng aking mga kasama. Nang mapasandal na ito sa gusali ay agad kong lumipad patungo sa kanyang harapan at inatake siya gamit ang aking mahika. Ang kanyang isang kamay na nakasandal sa gusali ay ginapos ko gamit ang yelo. Nagulat naman ang higante sa aking ginawa. Pilit niyang hinihila ang kanyang kamay na nakadikit sa gusali dahil sa yelo. Nakita ako ng nilalang kaya gamit ang kanyang bakanteng kamay ay akma niya akong susunggaban ngunit naunahan siya ng bolang apoy ni Kuya! Bumulusok ang bolang apoy patungo sa kanyang leeg na siya ring nagpawalang-balanse sa higante at napaupo na lamang sa kalsada. Saka ko lang napansin na nakalas na siya sa yelo na ipinanggapos ko sa kanya sa gusali. Agad na nakabawi ang higante! Mabilis itong tumayo at pumulot ng sasakyan mula sa kalsada! Namataan niya ang ibang kasamahan namin sa ibabaw ng gusali! Mabilis pa sa alas kwatro na inihagis ng higante ang kotse sa aking mga kasamahan! Gumawa naman sila ng pananggala gamit ang kanilang mga mahika upang mapigilan ang umiimbulog na kotse patungo sa kanila! "Saan nanggaling ang higanteng 'to?" si Kuya na nakalutang na din sa ere kagaya ko. Nasa tabi ko na pala siya. "Hindi ko alam, pero malakas siya. Hindi siya nasusugatan sa mga atake natin—s**t!" napasigaw na lang ako nang makita ang umiimbulog na fighter jet papunta sa amin! Agad kaming lumipad ni Kuya papalayo at nakitang sumabog ang Fighter Jet sa himpapawid! Dalawang fighter jet ang lumipad papalapit sa higante at agad na pinasabugan ang tagiliran nito! Napadaing naman ang higanteng nilalang da kirot dahil sa matinding pagsabog ng mga missiles sa kanya! Isang malaking sugat ang namuo sa kanyang tagiliran. Ngunit hindi yun ang ikinagulat namin. Nakita naming dalawa ni kuya kung paano gumaling ang sugat ng higante! Mas lalong nagwala ang higante at pinaghahampas ang mga gusali sa kanyang paligid! Hanggang sa hindi na nakayanan ng isang gusali ang matinding pagwawala ng higante! At bigla na lang itong... Nawasak at dahan-dahan na... Natumba... "AZRAEL! THE BUILDING!" Lumipad ako patungo sa gusaling mabilis na natumba! Nagtakbuhan ang mga tao na nasa posisyon ng pagtutumbahan ng gusali! Hindi! Shit! s**t! s**t! Inikot ko ang aking mga braso at kamay upang makabuo ng magic circle! Mula dito ay nagsilabasan ang asul na mga wisps na agad na lumipad patungo sa nahuhulog na gusali! Nang ito ay matagumpay na tumama sa gusali ay agad na nilukob ng mga wisps ang building. Ang matigas na semento na papabagsak ay biglang nagbago at naging rose petals nang ito ay bumagsak sa kalsada! Nakita ko din na ang mga taong nasa loob ng gusaling iyon ay bitbit na ng mga wisps at maingat na ibinaba sa kalsada. Lumipad ako pababa sa kalsada upang tingnan ang kalagayan ng mga tao roon. Ang iba sa kanila ay nagulat at ang iba sa kanila ay namangha sa nangyari. "SALAMANGKERO!" "GAGO! ANG GALING NO'N!" "TANG—ANG GWAPO NIYA!" "OUR HERO!" "OMG! DOCTOR STRANGE, IS THAT YOU?" Ano? Napatingin ako sa aking likuran nang magsigawan ulit ang mga tao at nagtakbuhan! Nakita ko ang nagwawalang higante na papalapit sa akin! Galit na galit ito! Gagalaw na sana ako nang makita si Clark na nagtungo sa aking harapan! Iniangat niya ang kanyang dalawang kamay na nagpalutang sa mga rose petals na nagkalat sa kalsada. Unti-unting natutunaw ang mga rose petals at naging kulay itim na likido! Nang ikumpas ni Clark ang kanyang kamay papunta sa direksyon ng higanteng gorilla, tila matutulis na espada itong bumulusok! Sunod-sunod na pag-atake ang ginawa ni Clark na nagpatigil sa higanteng gorilla! Tumarak sa katawan ng gorilla ang mga naglalakihang tinik! Sa dibdib, sa braso, sa tiyan, maging sa bibig nito na nakabuka! Tumagos ang mga tinik na iyon sa likuran ng nilalang! Nagsiliparan ang mga kasamahan ko papalapit sa nilalang na ngayon ay hindi na makagalaw. Namuo sa kanilang mga palad ang asul na apoy at sunod-sunod na ipinukol sa nakakaawang nilalang. Tinupok ng asul na apoy ang nilalang habang nadadaing dahil wala na itong magawa. Agad naman akong kumilos at gumawa ng barrier upang ikulong ang nilalang habang ito ay nag-aapoy. Lalo lang itong natupok sa asul na apoy na kalaunan ay naging abo. Matapos ng mga nangyari ay napahinga kaming lahat ng malalim at ang mga kasamahan koy bumaba mula sa pagkakalipad. Nagkumpulan naman kami at agad na sinuri kung ayos lang ba ang lahat. Ang mga tao ay nakapaligid na sa amin. Punong-puno ng paghanga at pagpapasalamat sa nangyari. Tila nakakita sila ng superhero dahil sa nangyari. "WOOOOHHH!!" "OMG! ANG GAGWAPO NILA!" "SUPERHEROES!" Hindi na lamang namin sila pinansin at napatingin na lamang sa kasamahan namin na si Justine. May hawak itong bato na kasing liit ng limang piso na barya na agad na iniabot sa akin. Tinanggap ko naman ito at tiningnan ng maigi. "Skull rune," sambit ko matapos makita ang nakaukit na simbolo ng bungo sa bato. "It came from the remains of the monster. I picked it up, maybe we can find some clues about what happened or where did this monster came from," ani Justine. Nagkatinginan naman kami ni kuya. Napatingin ako ulit sa bato dahil hindi lang ito pangkaraniwan na bato. Parang kristal ito na may simbolo na nakaukit. "We need to show this to Master." ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD