SALEM
Nandito ako ngayon sa convenience store. Naka-duty na kasi ako ngayon. Sa wakas naman ay naisipan na din ni Tita Leng na magbukas ulit ng tindahan. Aniya'y pinahupa niya muna ang takot ng mga tao tungkol doon sa higanteng gorilla umatake sa syudad. Malayo man ang convenience store mula sa lugar na pinangyarihan ng kaguluhan, naapektuhan pa din talaga ang negosyo ni Tita Leng.
Mas naging maingat na ang mga tao ngayon sa syudad. Nararamdaman ko ang takot ng mga tao sa mga pwedeng mangyari. Ngayong nakakita sila ng gano'n ka-nakakatakot na pangyayari ay hindi mo din naman masisisi ang mga tao na maging balisa. Baka kasi ay maulit ang pag-atake.
Maging ang mga customers nga na namimili sa store ni Tita Leng, yun din ang bung-bibig.
"Grabe! Nando'n ako no'n, Leng! Nakakatakot talaga ang laki ng unggoy na 'yun!" mabilis na pagke-kwento ng isang suki ni Tita Leng. Tinatawag niya itong Mareng Lisa. "At! Alam mo ba? Kahit anong tira mo ng mga baril! Grabe! Bang! Bang! Bang! Bang! Wala talaga! Nakakagulat kasi alam mo ba? Gumagaling ang sugat! Grabe talaga ang gorilla na yun! May powers ba!"
"Diyos ko naman! At ano pa ang nangyari?" si Tita Leng. "Napanood ko nga sa balita! Grabe ang laki no'n! Ngayon lang talaga ako nakakita ng gano'n!"
"Ay! Leng, maski ako? Ngayon lang din ako nakakita no'n!" ani Aling Lisa.
Nakikinig lang ako sa kanila habang pinapasok sa paper bag ang mga pinamili ni Aling Lisa. Maski ako ay hindi din mawala sa isip ko ang nangyari noong mga nakaraang araw. Biglaan na lang ang pag-atake no'n at sa syudad pa. Masyadong maraming nasira at tinatalang nasa mahigit 20 million ang danyos. Hindi pa daw kasali doon ang pag gastos sa mga nasira na mga war jets at helicopters.
Dagdag pa doon ang mga namatay na nasa higit-kumulang limampu'ng tao at labing-walo'ng pulis. Nakakalungkot isipin na sa pangyayaring 'yun ay napakaraming namatay. Nasa balita nga din ngayon ang mga pangalan ng mga nasawing sundalo. Kinilala ang kanilang katapangan sa pagpo-protekta sa syudad.
"Kasalukuyang hinahanap ang mga tao sa likod ng pagbagsak ng higanteng nilalang na umatake sa syudad. Ayon sa mga nakakita, bigla na lamang daw sumulpot ang mga tao'ng ito mula sa hangin! Ayon sa mga sibilyan, ang mga tao'ng ito'y kanilang binansagang 'Superheroes' na maihahalintulad sa isang sikat na Marvel Superhero na si Doctor Strange!"
"Grabe talaga sila! Kita ko talaga bigla na lang parang may sumulpot mula sa kawalan! Grabe talaga yung mga naka itim at naka-hood pa! Grabe, sa kamay talaga lumalabas yung kuryente! May powers talaga!" salaysay ng isang babae.
"Parang Doctor Strange talaga ang ginawa nila! Ang pinagkaiba lang ay wala sila nung portal-porta—"
"Ano ba 'yan di ka naman marunong magsalaysay, eh! Ako nga!" sumingit ang isang babae sa microphone ng reporter na nakatutok kanina sa lalakeng kasama.
"Uhm, ganito po kasi 'yan. Yung mga sumulpot na boys or baka girls. Basta hindi ko alam kung mga lalake ba yun o babae. Basta sumulpot sila tas naglabas ng mga powers sa kamay nila para patamaan yung higante. We're so scared no'n po but no'ng nag-appear na sila out of nowhere. Na-amaze talaga kami like 'OH, MY GOSH! DR. STRANGE!' 'cause they do magic like Doctor Strange kasi talaga. But they aren't similar naman din talaga kasi they don't have magic circles naman unlike Doctor Strange 'di ba na may Eldritch Magic?"
Natigil ako sa aking ginagawa at napatingin kaagad sa balita sa ibabaw ng malaking cabinet ni Tita Leng. Nasa TV ang footage ng mga taong lumilipad sa ere at pinauulanan ng mga kuryente ang nilalang.
Muling pumasok sa isip ko ang mga Wizards na bigla na lang sumulpot sa kaguluhan. Sila ang nakatalo sa nilalang na yun. Makikita mo sa kanila ang team work dahil pinagkaisahan nila ang higante.
May mga grupo pa ng wizards sa mundo?
Hindi pa ako nakakita ng mga Wizards na sama-sama sa pakikipaglaban. Hindi pa din naman talaga ako nakakita ng Wizard sa buong buhay ko not until nangyari ang pag-atakeng 'yon.
Alam ko lang din talaga na wizards sila sa unang tingin pa lang dahil sa ginagawa nilang hand symbols bago itapon ang isang magic. Nakita ko 'yon nang sumulpot na lang bigla ang isang wizard sa aming harapan noong nasa syudad kami ni Rachelle.
Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil bukod sa naka-hood ito. May mask pa itong suot-suot kaya hindi mo makita-kita ang mukha nila.
"Mama, Mama," tawag ko sa atensyon ni Mama at tinuro ang isang drawing.
Hindi muna nakasagot si Mama sa tanong ko dahil parang nagulat siya na nakita niya akong hawak-hawak ang isang papel.
Papel na may drawing ng isang kalansay na parang nakalutang. Nakabuka ang mga palad nito at nakatingala. Sa likod ng kalansay ay may bilog na may mga simbolo na nakapalibot.
Meron ding malaking star sa loob ng malaking bilog. Hindi ko maintindihan ang mga simbolong yun. Wala naman kasi yun sa mga alphabet na tinuturo ni Mama sa'kin.
"Ah, anak," lumapit si Mama sa akin at dinala ako sa isang upuan. Naupo kami ni Mama saka niya pinagpatuloy ang kanyang balak sabihin.
"Ang drawing na yan ay hindi lang basta drawing," kinuha niya ang papel. "Isa itong magic spell na ginagamit ng mga magic users."
"Magic users?" inosenteng tanong ko.
"Oo, magic users," ngumuso si mama at ginulo akong buhok. "Mga taong gumagamit ng magic o nagpa-practice ng magic."
"Kagaya ng mga witch?" tanong ko pa.
Natahimik naman si Mama at humingang malalim. Maya-maya lang ay ngumiti siya sa akin at sumagot.
"O-Oo, kagaya nila," tumawa si Mama ng mapait. Di ko maintindihan kung abkit pero nakinig lang ako sa mga sinabi niya. "Kagaya ng mga witch. Pati na din mga Wizards."
"Wizards? Yan ba ang tawag sa mga Witch na babae, Mama?"
Napatawa naman si Mama sa aking tanong. "No! No! They differ from each other. Witches, are people who were born with magic. While Wizards or 'Wise Men', are people who practice magic."
"Wow! Does that mean there are boy witches?"
Muling natawa si Mama sa tanong ko. "It's getting late. Sleep na, baby."
"Opo, Mama."
Doon ko unang nalaman ang kaibahan ng Witches at mga Wizards. Noon pa man ay naging interesado na ako sa mga ganoong bagay. Hindi ko sinasabi kay Mama pero noong nalaman ko ang tungkol sa kanila. Lagi na akong nagbabasa ng mga libro tungkol aa mga lahi nila.
May mga libro din naman kasi si Mama sa tabi ng higaan niya noon. Palihim akong kumukuha doon ng libro at binabasa ng hindi alam ni Mama. Sa murang edad ay natutunan ko ang tungkol sa mga Witch at mga Wizard.
Matapos ng mahabang chikahan ni Tita Leng at Ni Aling Lisa ay binigay ko na ang aking mga binalot. Umalis naman na si Aling Lisa at naiwan naman kami ni Tita Leng na naghihintay sa mga customers na matapos sa pamimili.
"Tita Leng," wala sa sarili kong tawag sa kanya.
"Hijo?" si Tita Leng, napatingin siya sa'kin.
"A-Ah.." napalunok ako. "Ano sa tingin mo yung mga nasa balita?"
"Ha?"
"Y-Yung nasa balita. 'Yong 'Doctor Strange' daw na sinasabi nila? Ano sila sa tingin mo?" tanong ko pa at nilagyang diin ang 'Doctor Strange' na mga salita.
"Ah!" si Tita Leng. "Superheroes?"
Napatango naman ako sa sagot niya na parang di naman ata siya sigurado. Iiwas na sana ako ng tingin sa kanya nang may idinugtong pa siya.
"Para sa iba," lumingon ako sa kanya. "Pero para sa'kin, nakakatakot sila."
"B-Bakit maman po, Tita Leng?" tanong ko pa sa kanya. Napaupo naman ako habang nakaharap sa kanya. Binibilang niya ang mga pero sa kahera.
"6, 7, 8, 9, 10—" naputol siya sa pagbibilang ng pera at humarap sa'kin. "Nakakatakot dahil may mga kapangyarihan sila."
"E-Eh, Tita Leng. Mas maganda nga 'yon 'di ba kasi may mga powers sila? E, 'di kung may panganib sa syudad. Nandiyan lang sila para iligtas tayo," sagot ko pa.
"Salem," tumingin siya sa akin. "Hindi natin kilala ang mga 'yon. Baka nga ay sila pa ang nagdala ng unggoy na 'yon dito sa syudad at ang ginawa nila ay sinundo nila. Baka nakatakas lang sa kulungan nila."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tita Leng.
"Baka nga ay papaliguan sana nila 'yon, kaso ayaw ng unggoy kaya nagdabog! Nagwala sa syudad nang makatakas," pinigilan kong tumawa dahil sa mga sinabi ni Tita Leng.
Ibang klaseng theory yun, ah?
"But that doesn't make sense, Tita Leng!" sagot ko pa. "They're Wizards... Well... Maybe... Baka mababait naman sila."
"Wizards, Witches, Magicians, Scooby-Doo Papa! They're all the same," aniya at nagpatuloy sa kanyang ginagawang pagbibilang. "They're all the same, Salem. They're all evil. I can say that."
Pabulong niyang winika ang mga huling salita niyang iyon. Hindi siya nakatingin sa akin, nandoon lang siya sa kahera na kasisira niya lang dahil tapos na siyang magbilang.
Tumingin si Tita sa'kin at seryosong nagbitaw ng mga salita.
"Because I saw them with my own eyes. And I was also one of their victims."
ITUTULOY.