THIRD PERSON
Alas nueve na ng gabi nang makauwi si Salem sa kanyang apartment. Balak niya pa sanang katukin ang pinto ng apartment ni Rachelle kaso naisip niya na baka nagpapahinga na ang tao.
Ayaw naman niyang makaistorbo dahil may sariling trabaho na din si Rachelle at gabi na din yun umuuwi. Baka nga ay nagpapahinga na ito.
Pumasok si Salem sa kanyang apartment. Nang mapadaan siya sa maikling hallway mula sa pinto ay saglit siyang tumingin sa rune of algiz na nasa loob ng isang picture frame. Nakasabit sa dingding sa maliit na hallway.
Dumeretso siya sa sofa sa maliit na living room ng kanyang apartment at napapikit. Dinadamdam ang tunay na pahinga matapos ang mahabang araw na pagtatrabaho sa convenience store ni Tita Leng.
Lingid sa kaalaman ni Salem ay ang pagiging aktibo ng mga runes na nakakalat sa kanyang apartment. Ang simbolo na nasa may pasukan ng kanyang apartment, ang simbolo ng Algiz ay misteryosong umiilaw. Ilaw na para bang nasusunog ang simbolo.
Ang ilaw nito ay lumiliwanag at kalaunan ay humuhupa din. Saka lumiliwanag ulit.
Sa simbolong nasa isang picture frame na nakasabit sa dingding sa pagitan ng kanyang dalawang bintana, naroon pa ang isang simbolo ng Algiz. Nagkalat sa kanyang apartment ang simbolo na 'yon.
Naramdaman iyon ni Salem, kaya napadilat siya nang maramdaman ang pumipintig na pag-iinit sa kanyang dibdib. Runes.
Mabilis na napadako ang kanyang paningin sa kaliwa kung saan makikita doon ang nakasabit na simbolo ng Algiz. What's the matter, Elk?
Tumayo siya at lumapit sa simbolo. Maya-maya lang din ay kumaripas siya ng takbo papunta sa kanyang pinto. Ini-lock ito ng mabilisan at saka napatingin sa nagliliwanag na simbolo ng Algiz.
May nagtatangkang pumasok...
Natanggal ang pagod sa katawan ni Salem at nagmamadaling isara ang kanyang mga bintana. Isinara din niya ang mga kurtina sa bintana. Pinatay ang ilaw at sinindihan ang mga kandila.
Nagkalat ang kandila sa kanyang apartment. Palipat-lipat ang kanyang tingin dito. Sinisipat bawat kandila na nakasindi, binabantayan kung alin dito ang mauunang mamatay.
Anong kailangan ng kung sino mang gustong pumasok sa'kin? Iyon lamang ang nasa isip ni Salem habang nakaupo sa kanyang sofa. Malaki ang tiwala niya sa proteksyon na nagmumula sa mga runes. Pero 'di pa din siya dapat makampante. Hindi niya alam kung sino ang nagtatangkang pumasok sa bahay niya.
Sa totoo lang, matagal nang napapansin ni Salem ang pag-ilaw ng mga simbolo sa kanyang apartment. Simula noong nanaginip siya tungkol sa mga witch na gumagawa ng engkantasyon. Pinalubutan na niya ang kanyang apartment ng Algiz.
Naisip niya kasing kulang ang Algiz na nasa dingding sa may pinto ng kanyang apartment. Kaya napagpasyahan niyang palibutan ang apartment ng Algiz.
Hindi niya alam kung sino ang nagtatangkang pasukin ang buhay niya.
"Kung ano man ang kailangan niya ay wala siyang makukuha sa'kin," ngunit napaisip siya. "Sino naman kaya ang magtatangkang pumasok sa apartment ko? Hindi kaya may mga kapitbahay din akong witch?"
Nag-ooverthink si Salem sa mga nangyayari. Sa tagal niyang nanirahan sa apartment na 'to ay hi di pa kailanman umilaw ang mga simbolo. Senyales na walang nagtatangkang pumasok sa kanya o sa kanyang apartment.
Ang simbolo ng Algiz, isang malakas na simbolo ng mga Witch. Ginagamit ito bilang proteksyon mula sa mga kalaban na magtatangkang saktan ang isang witch. Ang Algiz din ay ang simbolo na siyang nagbibigay karagdagang kapangyarihan sa kung sino mang nag-cast nito.
Sa loob ng apartment, kung saan pinalilibutan ni Salem ang kanyang sarili ng Algiz. Si Salem ay nagtatago at naninirahan bilang isang normal na tao—hindi masyado. Dahil kahit papano'y gumagamit pa din siya ng salamangka para maipagtanggol ang sarili.
Algiz is a strong rune. It protects the witch from being pursued or cursed. The rune of Algiz blesses the caster more power. It gives the upper hand to the caster to defeat adversaries. Sa loob ng apartment ni Salem, siya ang makapangyarihan. Kung may magtatangka mang pumasok ay siguradong maliligoit niya ito.
Dahil pinoprotektahan siya ng mga simbolo sa kanyang tirahan.
*****
"Ah! A-Argh!" napapapikit siya ng maigi habang pinipigilan ang sarili na malaglag mula sa pagkakalutang sa ere.
"Ano po'ng nangyayari?" hindi mapigilang tanong ng isang kasama niya.
"Hindi ko magawang makapasok! May humaharang sa kapangyarihan ko,"
"Something's blocking you from entering his house," bulong ng nakaalalay na babae. "So it might be true. He is a witch!"
"We still don't know. We need to confirm kung totoo nga'ng isa siyang Witch,"
"Pero ang sabi niya po ay hindi kayo makapasok," nag-aalalang sagot ng babae. "We had enough proof para masabing isa nga siyang witch. But he seems to be a good guy. Baka nga ay mali ang paratang sa kanya. Baka mabuti siyang tao—"
"Hindi siya tao! At lalong hindi siya mabuti!" mariing sagot ng isa pang babae matapos nitong kumalas mula sa sapilitang pagpasok sa tahanan ng kanilang target. "Walang mabuting witch at alam mo 'yan!"
Nagpalakad-lakad sa loob ng silid ang babae habang nalulungkot na sinusundan ng tingin ng dalaga ang kanyang kasama.
"Lola, baka naman po ay mabuti talaga siyang ta—witch! Mabuti siyang witch!" napailing na lang ang dalaga. "Sa maikling panahon na nakasama ko si Salem, he seems to be a good guy, Lola."
"Rachelle!" napatingin ang matanda sa kanya. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Walang mabuting witch! Ilang ulit ko nang sinasabi sa'yo. 'Wag kang magpapadala sa matatamis na ngiti ng lalakeng 'yon!"
Napahinga naman ng malalim si Rachelle at bagsak ang mga balikat na napatingin sa sahig. Simula noong nakasama niya si Salem sa pagsa-shopping ay hindi niya nakitaan ng anuma'ng masamang aura ang binata.
Sa halip ay panay ngiti ito sa kanya at nahihiya pa nga'ng makipag-usap sa kanya. Nararamdaman ni Rachelle 'yon dahil na din sa paghahanda sa kanya ng kanyang Lola. Inaral niya ang empathy, the ability to sense or detect someone's feeling.
Nararamdaman niya ang genuineness ni Salem sa bawat pagsasalita nito. Hindi niya kailanman naramdaman na delikado siya na kasama ang binata. Sa totoo nga ay nagugustuhan niya ang company nito. Nasa isip ni Rachelle na magiging isang mabuting kaibigan niya si Salem.
"Lola."
"Bakit?"
"Hindi kaya nangengealam na tayo sa buhay niya? Hindi kaya ay parang nanghihimasok na tayo sa buhay niya?" si Rachelle.
"Apo," lumapit ang kanyang Lola sa kanya. "Nararamdaman kong naaawa ka sa binatang 'yon. Maaaring tama ka, pero hindi tayo dapat makampante. Kailangan lang natin magpakasiguro. Kung malalaman natin na wala siyang masamang balak, e, 'di pwede na natin siyang lubayan. Iniisip ko lang ang kaligtasan natin. Lalo na't ngayon ay unti-unti na nating nakukumpirma na isa siyang witch."
"Lola, nararamdaman kong mabuting tao si Salem. Nararamdaman kong malinis ang kalooban niya,"
Napahinga ng malalim ang matanda at saka hinawakan ang pisngi ng kanyang pinakamamahal na apo. "Pinoprotektahan lang kita, Rachelle. Pero kung 'yan ang gusto mo. Bibigyan kita ng panahon na patunayan ang sarili mo."
"Ano po bang ibig mong sabihin, Lola?" nagtatakang tanong ni Rachelle.
"Gusto ko'ng kilalanin mo pa si Salem. Bilang tagapagmana ng aking kapangyarihan, gusto kong patunayan mo sa akin na karapat dapat ka ngang maging tagapagmana ko," anang Lola ni Rachelle.
Napangiti naman si Rachelle sa sinabi ng kanyang Lola. Matagal na niyang pinapangarap na maging kagaya ng kanyang Lola. Sinasanay siya nito na gumamit ng mga salamangka at mahika.
Ang kanyang kagustuhan na maging kagaya ng kanyang Lola ang nagdala sa kanya sa isang misyon. At iyon ay ang alamin ang totoong pagkakakilanlan ni Salem.
Oras na para gamitin ko ang mga natutunan ko kay Lola, aniya sa kanyang isip. Alam niya sa kanyang sarili na kakayanin niya ang misyon. Aalamin niya ang pagkatao ni Salem. Malaki ang tiwala niya na mabuting nilalang si Salem. Pero kung magtatangka man itong ipahamak siya...
Makakatikim talaga siya sa'kin!
"Kaya din siguro naisipan mo nang itigil 'tong pagtatangkang pasukin ang buhay ng binatang 'yon ay dahil naga-gwapuhan ka, tama ba ako?"
Nagulantang na lang si Rachelle sa sinabi ng kanyang Lola na ngayon ay umiinom ng tubig.
"Tapatin mo ako Rachilla Susan Jimenez. Nagwa-gwapuhan ka ba kay Salem?"
"Opo," nanlaki ang mata niya sa sinagot sa Lola at agad na bumawi. "Pero hindi naman ako romantically na naga-gwapuhan sa kanya, Lola! May hitsura lang din talaga si Salem."
"Paano kung mag-transform yun sa tunay na anyo?"
"Lola naman! Hindi naman siguro hideous 'yong mukha niya!"
"Bahala ka!"
ITUTULOY.