Chapter 11

1320 Words
THIRD PERSON North Yorkshire, England Nagkalat ang mga archeologists sa paligid ng lugar. Kanilang pinag-aaralan ang lugar kung saan nahimlay ang isang katawan ng di makilalang tao. Nakabukas ang kweba na siyang kinaroroonan ng bangkay. Nakakamanghang hindi pa tuluyang naaagnas ang bangkay. Abala ang mga tao sa paligid habang nagsasaliksik pa ng mga impormasyon patungkol sa bangkay na hindi naaagnas. Isang lalake ang lumapit sa kararating lamang na sasakyan. Nakasuot siya ng itim na tuxedo, napaka-pormal. Hawak-hawak naman niya sa kanyang kamay ang listahan na parang ginamit niya para makapagtala ng impormasyon mula sa sinasaliksik. Lumabas mula sa kotse ang isang lalakeng matangkad. Gwapo ito at ang tindig ay nakahuhumaling. Suot niya ang isang kulay kape na coat at may sumbrero pa. Kapansin-pansin ang angking kagwapuhan ng lalake. Kaya ang mga babaeng archeologists sa paligid ay napalingon sa kanya at tila kinikilig nang makita siya. Napansin niya 'yon pero ngumisi lang siya sa mga babae na animo'y nagpapasikat pa sa kanila. Ang kanyang sapatos na kulay itim ay napakakintab at parang wala lang sa kanya na madumihan iyon ng medyo maputik na lupa. "Any infos?" anang lalake na kararating lang. "Sir, we found out that this cave is a tomb. We have found a body inside. Come and see," anang lalake at inaya ang kararating lang na lalake na sumama sa kaniya sa loob ng kweba. Pumasok sila sa loob ng kweba at doon niya nakita ang kaloob-looban nito. Mayroon pang ibang tao sa loob na abala din sa pag-eexamine ng buong kweba. May mga tao din na nagsusulat ng mga impormasyon na binibigay ng mga nagsasaliksik. Sa paligid ng kweba at may mga nakaguhit at mga nakasulat na hindi niya maintindihan. What are these things? "This body, we identified that it is a woman. According to tests and results, we found out that this woman lived between 1400-1500," anang lalake na may dalang papel. Ang pangalan niya ay Raphael. "Really?" anang lalake kay Raphael. Sa kaloob-looban niya ay namamangha siya sa nalamang impormasyon. "We also discovered that some of its flesh are still present. Mysteriously, muscles can still be found in many parts of the corpse's body," anang Raphael. "Sir, this body is buried in this tomb for hundreds of years. We can't explain how it did not decompose." "Interesting," bulong ni Richard, ang lalakeng kausap ni Raphael. Ang lalakeng kararating lamang. "Paanong nangyari 'to?" Isang Pilipino si Richard na may dugong Australian. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging dugong banyaga. Ang kagwapuhan nito ay agaw atensyon kaya mabilis siyang nakahahatak ng mga babae sa paligid. Isa din siyang Historian, nagtatrabaho bilang tagapagsaliksik ng mga nakaraan at kung paano namumuhay ang mga sinaunang tao. Ngayon ay nakaatas siya para magsaliksik patungkol sa isang katawan sa hilaga ng Yorkshire, England. Lumapit si Richard sa nakahimlay na bangkay at kumuha ng isang maliit na pangsipit sa kanyang bulsa. Mayroon din siyang dalang plastic container na kanyang binuksan. Maya-maya pa ay dahan-dahan na inilapit ni Richard ang kanyang maliit na pangsipit sa balat ng nakahimlay na sinaunang bangkay. Dahan-dahan lang hanggang sa dumikit ang pang sipit sa mamasa-masa at malambot na balat ng bangkay. Gamit ang pangsipit na iyon ay hinila niya ang patay na balat ng bangkay. Napunit ang malambot na laman ng bangkay na tila isang papel na dahan-dahang pinupunit. Dahan-dahan lang ang galaw ni Richard habang pinagmamasdan ng maigi ang pinunit na balat. Nanlalaki pa ang kanyang mata dahil sa pagtataka dahil ang nasa likod ng pinunit na balat ay sariwang dugo at laman. Paanong naging ganito ang patay na daan-daang taon nang nakalibing? Nang matagumpay na naibunot ni Richard ang parteng iyon ng balat, kanyang isinilid ito sa isang plastic container na dala niya. Sinilid niyang muli sa kanyang bulsa ang container na pinanglalagyan ng balat ng bangkay. Ang pangsipit naman niya ay kanyang itinapon sa gilid lamang ng kweba. Nakaramdam siya ng pandidiri dahil na din sa nabubulok na amoy ng bangkay na kanina niya pa tinitiis. "What did you do?" nagatatakang tanong ni Raphael. "I have my own research too. I just need some samples," sagot naman ni Richard na ikinatango lang ni Raphael. "Sir, this way," pinasunod naman ni Raphael si Richard sa gawi kung saan may mga simbolong nakaukit sa bawat dingding ng kweba. "These symbols are here since 1500. We thought that it has something to do with the corpse. Maybe superstitious beliefs or religious practice." "What are these symbols?" "We are still searching about that symbols. There are no past researches about these symbols but there is a research regarding this tomb," sagot naman ni Raphael. Napatingin naman si Richard kay Raphael nang marinig niya ang sinabi. Mayroon nang hawak-hawak na iPad si Raphael at nagre-research ito tungkol sa libingan na nasa hilaga ng Yorkshire, England. "This place," pinakita ni Raphael ang nakita niya mula sa pagsasaliksik. "It's the tomb of Ursula Sontheil Shipton." "Tell me more about that woman." "It is said here that Ursula is a woman buried in a cave in North Yorkshire, England. It is also believed that Ursula was a witch in her times," ani Raphael habang nakakunot ang noo. "A witch?" ani Richard habang nakatitig kay Raphael. "Yes," pagsang-ayon pa ni Raphael. "That woman is a witch." Napatingin silang dalawa sa bangkay na patuloy pa ding ine-examine ng mga tao. Seryoso silang nakatitig sa bangkay na nakahimlay. Bakit naman kaya ako inutusang pag-aralan ang bangkay ng isang bruha? Ani Richard sa kanyang isipan. Naputol ang kanyang seryosong pagtitig sa bangkay nang biglaang nag vibrate ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. "I'll just take this call," "Sure, Sir. No problem," ani Raphael. Lumabas naman si Richard para sagutin ang tawag mula sa kanyang telepono. Lumayo muna siya sa mataong bahagi ng site at saka nagsalita. "Yes, ma'am?" "Tell me what's happening," anang babae sa kabilang linya. "We have found the tomb. It's a witch's tomb," sagot naman ni Richard sa tumawag. "I know, but what I want to know is.." matagal bago nagsalita ang babae. "Is the body still there?" Nangunot naman ang noo ni Richard sa pagtataka. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito. Naririnig niya rin sa kabilang linya ang tunog ng maingay na pusa ng kanyang kausap. Ang kanyang babaeng client na isang Español ay kanya talagang kinawiwirdohan. Hindi dahil sa matigas na ingles o sa tono ng pananalita nito. Kundi sa bawat kilos at asal nito. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng sinasabi ng babae. 'I know'? Alam niyang witch ang bangkay na naririto? Hindi naman sa natatakot si Richard sa kanyang pagsasaliksik tungkol sa bangkay. Hindi nga din siya naniniwala sa mga sabi-sabi o sa mga nilalang na lumalabas lang sa libro. Bagamat naiindindihan naman niya ang mga paniniwala ng mga sinaunang tao. Naiintindihan din naman niya kung paano nagiging mahalaga ang mga paniniwala sa bawat relihiyon. Ngayon niya lang kasi nagawang pumasok sa isang trabaho na involve ang isang sinasabing witch. Kadalasan kasi sa mga sinasaliksik niya ay ang mga buto ng mga sinaunang hayop at tao. Eksperto siya sa ganoon pero ngayon lamang siya nakahawak ng proyektong nagsasaliksik patungkol sa bangkay ng namatay na Witch. "I want you to hire some securities to guard the tomb. I don't want anyone to know about this project, Mister Fernandez," matigas na litanya ng kausap niya sa telepono. "Right away, Ma'am." "And!" anang babae sa kabilang linya na ikinagulantang naman ni Richard. "Yes, ma'am?" "If something bad happens to the body," pabitin pa ng babae. Hinintay naman ni Richard na sumagot ang babae. Maya-maya pa ay nanindig ang kanyang balahibo. Hindi niya alam kung paanong nangyari na hindi siya makagalaw.. Nanindig ang kanyang mga balahibo sa leeg na para bang may humahaplos dito... Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng hininga na nanggagaling sa kanyang batok... Ang bulong ng kanyang kausap sa telepono ay parang hindi na nanggagaling sa kabilang linya... Kundi mula na mismo sa likod niya... "I will kill you.." ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD