SALEM
"Maraming salamat! Balik ka dito ulit, ha?"
Ngumiti kay Tita Leng ang babaeng customer bago umalis. Nakangiti namang kumaway ang dalagang customer kay Tita Leng pa ti na din sa akin. Ngumiti lang ako dito bilang pagpaalam.
"Bago ang customer na 'yon didto, baka bagong lipat lang dito 'yon," si Tita Leng.
"Baka nga, Tita. S'ya nga pala, Tita Leng," panimula ko sa aking sasabihin.
Lumingon si Tita Leng sa akin at ngumiti. "Ano 'yon, hijo?"
"Hindi ba, aalis kayo ngayong Sabado? Saan kayo pupunta?" natanong ko lang sa kanya. Nasabi niya kasi sa akin kahapon na aalis daw siya kaya magsasara muna siya ng tindahan mula Sabado hanggang Lunes.
"Babalik ako sa probinsya, Sal. Bakit mo natanong?"
"Ah, wala po. Mag-iingat ho kayo sa pag-alis niyo sa Sabado," paalala ko kay Tita Leng.
"Oo naman, salamat," ani Tita Leng at binalik ang kanyang atensyon sa ginagawa.
Ako naman ay naghintay lang din sa inaasikasong customer ni Tita Leng. Nag-uusap pa kasi silang dalawa. Hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila kaya naupo na lang muna ako at pinagmamasdan ang mga customers sa buong store na namimili.
Marami-rami ang nasa loob ng store ngayon. Natutuwa ako dahil hindi man lang humuhupa ang customers ni Tita Leng. Talaga ngang epektibo ang pag-stay ko dito.
Hindi naman sa nagmamayabang ako na ako ang dahil kung bakit maraming customers si Tita Leng. Natutuwa lang ako dahil nakatulong ako kay Tita Leng. Napatingin naman ako sa ibabaw entrance kung saan naroon ang simbolong matagal ko nang nilagay sa tindahan ni Tita Leng.
Umiilaw ito sa tuwing may pumapasok na mga customer. Habang humuhupa ng kaunti kapag wala pang pumapasok. Sa tuwing tumitingkad ang ilaw ng simbolo ng Jehu, nangangahulugan na ito na nay biyayang paparating o may customer na papasok.
Matagal ko nang inilagay ang simbolong iyan sa ibabaw ng entrance. Hindi ito napapansin ng lahat dahil ako lang naman ang nakakakita no'n. Ginawa kong invisible ang simbolo sa mga mata ng mga mortal para hindi sila magtaka kung ano ang naroon.
Mabuti na ding makasiguro ako dahil marami din pala sa mga tao ang maalam sa runes na ginagamit ng mga witch. At baka malagay pa sa panganib ang buhay ni Tita Leng.
Ang Jehu o Rune of Year ay ang simbolo na ginagamit ng mga kagaya kong witch. Ito ay para lumago o lumakas ang yaman, biyaya, o regalo. Ang Jehu ang humahatak ng swerte sa convenience store ni Tita Leng.
Naisip kong ilagay ang rune na 'yan sa kanyang tindahan bilang pasasalamat sa kanyang pagkukop sa akin. Bilang regalo sa kanyang pagiging mabuti sa kapwa. Na kahit hindi naman niya kadugo, ay tinatrato niyang pamilya.
Napapangiti ako sa tuwing umiilaw ito ng matingkad dahil alam kong isang customer na naman ang papasok. Ngunit nawala ang ngiti sa aking mga labi nang bigla na lamang itong kumislap...
Oo, tama. Kumikislap ito na para bang mapupundi na.
Anong nangyayari?
Nang mapatingin ako sa entrada ay pumasok ang grupo ng kalalakihan na naka bonnet. Malalami ang kanilang katawan at balot na balot pa ang katawan ng makakapal na kausotan.
"Magandang gabi! Welcome to Leng's!" bati pa ni Tita Leng na hindi naman pinansin ng mga lalake.
Pumasok sila sa store at naghiwa-hiwalay. Namili sila ng mga bibilhin. Binabantayan ko lang naman ang mga kilos nila.
"Ipapa-bag ko po 'to," rinig kong sabi ng isang customer sa aking harapan. Ngumiti ako sa kanya.
Sinilid ko naman ang kanyang mga binili sa paper bag at ang mga karne naman na kanyang pinamili ay nilagay ko sa plastic bag. Hindi pa din natatanggal ang paningin ko sa mga nagkalat na lalake sa store.
Nang mabalot ko naman ang mga pinamili ng customer ay napatingin ako sa gawi ni Tita Leng nang lumapit ang isang lalake. Kanyang inilapag sa harap ni Tita Leng ang isang pakete ng bubblegum. Nakatitig siya kay tita Leng habang mayroon ding nginunguya na bubblegum sa kanyang bibig.
"Ito lang ba ang sa'yo?" ani Tita Leng.
"Oo, 'yan lang," malamig na sahot ng lalake at lumingon sa paligid ng store.
Napapansin ko naman na nagtitinginan ang mga lalakeng sa duda ko ay magkakasama talaga. Pare-pareho lang silang naka bonnet at nakaitim na leather jacket. Kapansin-pansin din ang isa nilang kamay na palaging nasa loob ng kanilang jacket.
Mukhang alam ko ang ginagawa nila.
"DAPA!"
Nagkagulo ang mga customers nang isa sa mga lalake mula sa kalayuan ang sumigaw. Kasabay naman noon ang pagdapa ng lahat ng customers. Nang mapatingin sa mga lalake ay kanilang sabay na inilabas ang kanilang mga tinatagong baril!
Nagkagulo at nag-iyakan ang mga cushomers na nasa paligid at napataas na lamang ng kamay dahil sa takot. Nang mapatingin ako kay Tita Leng ay biglang gumapang ang takot sa aking sistema!
"Itaas mo ang kamay mo kung ayaw mo'ng pasabugin ko ang ulo mo!"
"WOAH! WOAH! O-OKAY! O-OKAY! P-PLEASE, 'WAG MO 'KONG PATAYIN. MAAWA KA!" si Tita Leng na napapaatras at napapataas na din ang kamay. Napahiyaw siya ng malakas dahil sa takot niya.
Nang mapatingin ako sa entrada ay nakita kong may mga nakabantay din pala sa labas para hindi makita ang nangyayari sa loob. Napatingin ako muli kay Tita Leng pero bago pa man iyon ay may isang lalake na papalapit sa akin!
Malaki ang kanyang katawan at higit na mas matangkad sa akin ng kaunti! May bigote ito at kulay tsokolate ang mga mata. May dala din siyang baril na ngayon ay kanyang tinututok sa akin!
"Itaas mo ang mga kamay mo kung ayaw mo'ng mamatay!" pananakot niya sa akin kaya mabilis naman akong napataas ng aking mga kamay at braso.
Pati ako ay natakot na din sa mg nangyayari. Naaawa ako sa mga customers. Inisa-isa ko nang tingin ang mga customers para makasigurong walang bata na kasama. Napatingin naman ako sa paligid at nariyan pa din ang mga lalakeng nakatutok ang kanilang mga dalang armas sa mga customers pati na din sa amin.
Ngayon ko lang 'to ulit gagamitin. Nangako ako sa aking sarili na hindi ko na gagamitin pa ang kapangyarihan ko pero kailangan kong makasigurong magiging ligtas ang lahat dito.
Isinawalang bahala ko ang takot na nararamdaman ko at pinakiramdaman ang paligid. Sa likod ng mga racks ay may mga customer din na nakadapa at nakataas ang mga kamay. Nababasa ko ang kanilang takot at pagdarasal na sana ay hindi sila paslangin ng mga armadong lalake.
Inisa-isa ko ang bawat isipan para makasiguro kung ilang mga customers ang nasa loob ng convenience ngayon. Nasa mahigit 25 customers ang nasa loob ngayon ng convenience store at 9 lamang ang nasa malapit dito sa aming cashier. Sana ay walang masaktan sa mga customers na nasa kaloob-looban ng store.
"Ilabas mo ang mga pera sa kahera, tanda!"
"H-Heto na! H-Heto na! 'Wag mo akong patayin—maawa ka!" nanginginig na tugon ni Tita Leng sa lalakeng tinututukan siya ng armas.
"Bilisan mo!"
"DUMAPA KA!" Nagulat ako nang sigawan ako ng lalakeng nasa harapan ko. Mabilis naman akong lumuhod at yumuko sa sahig habang nakaangat pa din ang aking mga kamay.
Nag-aalala ako kay Tita Leng. Baka kung ano ang mangyari sa kanya. Naririnig ko ang kanyang pag-iyak habang natatarantang binubuksan ang kahera.
Hindi nila pwedeng kunin ang kita ni Tita Leng! Pinaghirapan niya 'yan!
Hindi ko aakalaing babawiin ko ang aking mga sinabing pangako noon. Akala ko ay hindi ko na kailanman magagamit pa ang mga tinatago ko.
Pero ngayon, kailangan may mailigtas ako.
Sa oras na 'yon. Hindi ko na inisip pa ang aking pangako. Pinikit ko ang aking mga mata at binulong sa kanilang isipan ang aking engkantasyon.
*****
THIRD PERSON
"Audite bene omnes vos."
Napatingala sa kisame ang mga kalalakihan na may hawak na mga armas. Nakakunot ang kanilang mga noo habang palingaw-linga sila sa paligid. Hindi nila alam kung ano o kung sino 'yon.
"Audite bene omnes vos."
Isang bulong ang umalingawngaw sa buong convenience store. Pero ngunit nakakapagtaka!
Sila lamang mga kalalakihan na may bitbit na mga armas ang nakakarinig nito! Patuloy ang kanilang paglilibot ng tingin sa paligid. Hindi nila matukoy kung ano 'yon.
Nakatingala lang sila sa kawalan na para bang doon nanggagaling ang mahangin, nakakapangilabot na bulong. Para bang ang boses na iyon ay umiikot lang sa ere at pinalilibutan sila.
"Audite bene omnes vos."
"Putang—naririnig mo ba 'yon?" anang lalakeng may hawak na baril na nakatutok kay Leng.
Maski si Leng ay nakatingin lang sa lalake na nagtanong, hindi niya kasi maintindihan ang inasal bigla ng mga armado. Parang mga timang na nakatingin sa kisame na parang may hinahanap.
"Oo, tangina! Ano 'yon?" anang lalake na nakatutuok ang armas kay Salem.
Nakayuko pa din si Salem sa sahig, tahimik at hindi gumagalaw. Naisip ni Leng na baka natatakot ang binata. Maski siya ay sinisisi ang kanyang sarili na wala man lang siyang magawa para gumalaw at yakapin si Salem. Gusto niyang yakapin ang binata pero 'di niya magawa dahil baka pasabugin ang bungo niya ng armadong lalake.
Sa kabilang banda naman ay namuo ang takot ng mga armadong lalake na nagbabantay sa iba pang customers na nakadapa. Nakatutok ang kanilang mga baril sa customers pero ang kanilang atensyon ay nasa ere lang din. Pinakikinggan ang tila tumatakbo sa ere na misteryosong bulong.
"Audite bene omnes vos."
"Pre, tangina. Naninindig balahibo ko!" mariing bulong ng isang armado sa kanyang kasama na nagbabantay din sa kanilang hostage.
"Nunc es sub meo imperio."
Tila nag-echo sa kanilang pandinig ang panibagong mga salita. Mas lalo lang din nanaig ang takot nila nang makita ang biglaang pag patay sindi ng iilan sa mga ilaw!
"PUTANGINA! ANO BA ANG NANGYAYARI!"
Maski ang mga customers ay natatakot sa mga nangyayari. Hindi kasi nila alam kung ano itong mga inaasal ng mga armado na para bang bigla silang naging balisa. Hindi nila maintindihan ang sinasabi nilang meron silang naririnig.
"Audite bene omnes vos."
"Nunc es sub meo imperio."
Ngayon ay parang sabay-sabay na narinig ng mga armado ang mga salitang iyon. Sa kanilang pandinig ay ang mga binanggit ng misteryosong bulong ay magkasabay.
Hindi na nila ito maintindihan dahil tila dalawang tao na ang bumubulong sa kanilang isipan. At sabay na binibigkas ang mga salitang iyon.
Hindi nawala ang mga bulong na mas lalong nagpakilabot sa mga armadong lalake! Patuloy ang pagpatay sindi ng mga ilaw.
Maya-maya pa...
"Audite bene omnes vos."
"Nunc es sub meo imperio."
"Audite.."
"Nunc es sub meo imperio."
"Audite bene omnes vos."
Parami nang parami ang mga bulong na kanilang naririnig. Mula sa dalawang bulong ay naging doble! Naging triple!
At tila napakaraming bumubulong sa kanilang isipan!
Nagsimula nang mataranta ang mga armadong lalake at napahawak na sa kanilang tenga. Bulong lamang ang mga 'yon pero bakit tila nakabibingi ang mga 'yon?
"PUTA! SINO KA!"
"HARGH!"
Napahawak ang mga armado sa kanilang mga sentido at tila nababaliw na nabitiwan ang kanilang mga baril!
Maya-maya pa ay bigla na lamang yumayanig ang mga paninda! Ang mga tunog ng nagbubundulang mga lata at bote ay maririnig!
Ang mga chimes na nakasabit sa entrada ay tila umiingay din at nakikisabay sa pagyanig. Ngunit hindi naman nararamdaman ng mga customer ang pagyanig ng lupa. Hindi yumayanig ang lupa!
Kundi ang mga bagay mismo sa paligid!
Habang tumatagal ay mas lalo lang umiigting at lumalala ang sitwasyon! Mas lumalakas sa kanilang isipan ang mga bulong!
"Audite bene omnes vos."
"Nunc es sub meo imperio."
Napapasigaw na ang mga armadong lalake habang humahagulhol naman sa pag-iyak ang ibang customers. Hindi man nila naririnig ang mga bulong, ay natatakot pa din sila dahil sa misteryosong pagyanig ng mga bagay sa kanilang paligid at ang pumapatay-sinding mga ilaw.
Dagdag pa sa kanilang panghihilakbot ang sigaw ng mga armadong lalake na parang pilit na inaalis ang bulong sa kanilang mga isipan.
"Nunc es sub meo imperio."
"Audite bene omnes vos."
"PUTANGINA!"
Kumalas mula sa pagkakatutok ng baril ang lalakeng nakabantay kay Salem. Nagtungo siya sa labasan para umalis na ng store.
Ngunit bago pa man niya nagawa iyon ay...
Biglang gumalaw ang ilan sa mga push cart ng store at humarang sa labasan.
Napaatras siya dahil sa kilabot na kanyang nadama. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nakita dahil napakalayo ng mga push cart na 'yon. Gumalaw na lamang mga iyon ng walang tumutulak at tila hinarangan ang kanyang dadaanan!
Sa labas ng store ay ganoon din ang nagyayari sa mga armado. Ang mga nakabantay sa labas ay nababaliw din sa bulong na hindi nila alam kung saan nanggagaling.
Napapatingin sila sa ibabaw ng store kung saan naroon ang umiilaw na billboard ng convenience store. Patay-sindi din ang ilaw nito na siyang nagpapakilabot lalo!
Ang mga streetlights sa paligid ay ganon din. Wala nang masyadong tao ang dumadaan sa lugar na iyon dahil gabi na din.
"TANGINA TUMAKAS NA TAYO!"
Sigaw ng isang lalakeng nagbabantay at sumunod naman sa kanya ang kanyang mga kasamahan na nagbabantay din sa labas.
Akmang bubuksan niya ang sasakyan na naka-park sa kanilang harapan. 'Yon ang kotse na kanilang ginagamit.
Ngunit bago pa man niya magawa 'yon. Misteryosong gumalaw ang kotse at lumayo mula sa kanilang kinaroroonan! Umurong ang kotse patungo sa gitna ng kalsada na ikinahiyaw naman nila sa gulat!
Maririnig ang kaluskos ng gulong na dumudulas sa magaspang na kalsada! Dalawang sasakyan ang umurong at nagtungo sa gitna ng kalsada sa hindi nila malaman na dahilan!
"TANGINA! TARA NA!"
Sumigaw ang lalakeng may hawak na baril na kanina ay nakatutok kay Leng. Mabilis nilang hinawi ang mga nakaharang na push cart sa labasan.
Nang kanila itong mahawi ay mabilis na nagsilabasan ang lalake sa store ni Leng at nagtungo kaagad sa sasakyan nila. Mabilis na umalis ang mga armadong lalake na walang dala mula sa store ni Leng.
Nang humarurot na paalis ang kanilang mga sasakyan ay agad na natigil ang panginginig ng mga paninda at mga bagay sa store. Natigil din ang pag-patay sindi ng ilaw.
Bumangon ang lahat nang sila ay makabawi at nakahinga ng malalim matapos ang nangyaring engkwentro. Lumapit naman si Salem kay Leng na ngayon ay nahihirapan pang huminga dahil sa takot.
"Tita Leng!" inalalayan ni Salem si Leng mula sa pagkakaupo at pinahinga ng malalim. "Ayos ka lang po, ba?"
"O-Oo, ayos lang ako, Salem."
Napatingin naman sila sa mga customer na ngayon ay nagkakamustahan at pinatatahan mula sa pag-iyak ang iba. Si Salem naman ay nakahinga ng maluwag dahil sa tapos na din ang nakakatakot na pangyayari.
Tumingin siyang muli sa simbolo sa ibabaw ng entrada. Bumalik na ito sa dati nitong kislap at ilaw.
Bumulong si Salem sa kanyang isipan.
Oras na para dagdagan ka, Jehu.
ITUTULOY.