Chapter 17

1348 Words
AZRAEL "f**k!" Napatakip na lamang kami sa aming mga ilong nang maamoy namin ang nabubulok na mga katawan. Nasa entrada kami ng kweba sa ibabaw ng mataas na bundok malayo sa may syudad. Dahil sa lakas na din ng hangin na nagmumula sa labas ng bundok. Mas kumalat pa ang nabubulok na amoy ng mga laman. Kalunos-lunos ang sinapit ng kultong ito. Ano kaya ang nangyari bakit sila nagkaganito. "Grabe, kung sino mang may gawa nito. Wala siyang awa," si Kuya Billy. "Mahigit isang daan ang namatay. 'Yan ang sinabi sa akin ni Chen. Binilang na ng grupo niya ang mga namatay," si Clark ang nagsalita. "Natukoy din namin na ang mga ito'y kulto ng mga Voodoo Priests. They might have gathered for a ritual according to the initial investigation. We found crystals and black stones in the altar," dagdag pa ni Clark. Hindi ko naman naiwasang lumapit sa isang patay na katawan. Nakadapa siya sa mabato at maruming lupa. Ang kanyang braso ay tila pinihit palikod. Lumabas ang buto niya sa siko at ang kanyang ulo'y halos bumaligtad na dahil sa pagkabali. Kung sino man silang may gawa nito, maaaring makapangyarihan sila. Inobserbahan ko ng mabuti ang patay na katawan. Tinignan ko ng mabuti ang kanyang kalagayan at hindi na ako nakatiis. Hinawakan ko ang itim na balabal at saka iyon iwinaksi. "Hoy, Azrael! 'Di mo alam kung anong mikrobyo nakakapit diyan! Ano ba!" histerikal na sigaw ni Kuya pero 'di ko siya pinansin at iwinaksi na kaagad ang balabal. Napaatras ako nang tumambad sa akin ang likod ng bangkay. Wasak ito at tila sinunog ng asido ang laban loob. Kung ganoon ay hindi isang normal na pag-atake ang nangyari! "Azrael!" Lumapit sa amin si Chen. Isa siyang Chinese ngunit marunong siya magtagalog. "These Voodoos might have been attacked by we-don't-know-who-they-are. There's more than a hundred of them. Malalakas ang mga Voodoo Priest. Pero palaisipan pa din kung paanong lahat sa kanila ay namatay at wala man lang kaming nakitang lead ng kung sino ang may gawa nito." "Wala ba kayong nakitang maaaring naging weapon ng mga umatake?" hindi ko mapigilang tanong. "Wala na. Maliban na lang sa mga kandila na tumupok sa ibang mga katawan. Bukod pa do'n ay wala nang iba pa," sagot naman sa akin ni Greg. "Chen!" Napalingon naman kami sa lumapit. Mga grupo ito ni Chen. Maga Chinese na lumapit naman sa amin at parang may dalang papel. "Chén, kàn zhège," iniabot ng babae ang isang larawan. Napatingin naman ako doon pero 'di ko masyadong makita dahil medyo nakatalikod sa akin si Chen. "Nǐ zài nǎlǐ kàn dào zhège?" rinig kong sabi ni Chen sa kanyang kausap. Mukhang nagtatanong ang mukha ni Chen. "Zài jìtán shàng," sagot pa ng babae. "Wǒmen zài nàlǐ kàn dàole tā hé shuǐjīng." Humarap naman sa akin si Chen at binigay sa akin ang larawan na ibinigay lang din sa kanya ng babae. Napahinga ako ng malalim nang makita ang larawan ng isang matandang babae. Maganda ito at mahaba ang kanyang kulot at puti na buhok. Nakasuot ito ng mga alahas at sa kanyang kanang kamay ay may bitbit siyang mahabang tungkod na mayroong mga buto na nakasabit. Sa dulo pa nga nito ay may bungo ng tila isang hayop. Isa siyang Voodoo Priestess. "Nakita daw nila 'yan doon sa altar. 'Yung mga bato sa harap na mayroong mga kristal," si Chen. "Maaaring gumagawa sila ng ritwal, at ang babaeng 'yan ang biktima." Tumitig ako sa larawan ng babae. Marami na akong alam tungkol sa mga Voodoo Priestess. Ang pagkakaroon ng tungkod na mayroong bungo ng isang kambing ay nagsisimbolo ng mataas na posisyon. Maaaring gusto nilang pabagsakin ang Ginang na ito. Base sa bilang ng mga Voodoo na namatay ngayon dito sa kweba. Maaaring kanilang pinagtulungan ang Ginang. Maaring ang rason ay hindi nila ito kayang mapatumba ng kaunti lang sila. Kaya nag-desisyon silang magsama-sama para mapabagsak ang babaeng nasa larawan. Isa siyang makapangyarihan na Voodoo Priestess. Mataas ang kanyang posisyon. At maaaring sa gitna ng kanilang ritwal ay gumanti siya. "Wow! Baka siya ang pumatay sa kanila, Azrael!" si Kuya Billy na bigla na lang sumulpot sa likuran ko at nakisilip sa bitbit kong larawan. "Tingnan mo! May staff siya na may bungo ng kambing! Makapangyarihan siya, Azrael. Maaaring ibinalik niya lang sa mga 'to ang spell na ibinato sa kanya." "Maaring gano'n nga," sagot ko sa kanya ng hindi nakalingon. Hindi pa din kasi ako kumbinsido. "Wow! Napakagaling no'n! Malalakas nga talaga ang mga Voodoo Priests! Isopin mong napatay niya lahat ng mga nagtangkang patayin siya!" namamanghang ani Kuya Billy. Napatango na lamang ako sa mga sinabi niya. Nag-iisip din ako kung paano niyang nagawang labanan ang mahigit isang daan na Voodoo Priest. Hindi na kaya 'yon ng isang mataas na posisyon. Masyadong maraming nagtulong-tulong na mapabagsak siya pero hindi nila nagawa at bumalik pa talaga sa kanila ang sumpa. Gaano ka makapangyarihan itong Voodoo Priestess na ito? Paano niya nagawang ibalik ang mga sumpa na ibinato sa kanya? Hindi naman siguro siya tatangkaing patayin ng isang daan ng walang rason. Maaaring may malalim na dahiln kung bakit gusto nilang pabagsakin ang isang Voodoo Proestess na may mataas na posisyon. Malakas na kapangyarihan na ang pinag-uusapan dito. Kapangyarihan na mayroon ang isang Voodoo Priestess. Voodoo Priestess na nagawang gumanti sa isang daang kagaya niya. Maaaring hindi kasing lakas niya ang bawat isang nasawi. Pero sa dami nilang iyon, hindi kayang pabagsakin ng isang mataas na Voodoo Priestess ang pinagsamang kapangyarihan ng iba niyang kauri. "I'm maybe the Master Wizard, gifted with the power of the Gods. My magic is not enough to withstand the coalesced powers of a hundred mage." Iyon ang sabi sa akin ni Master Mistic. Hindi kakayanin ng isang salamangkero o ng sino mang gumagamit ng mahika na labanan ang pinagsamang kapangyarihan ng mga kagaya niya. Kahit na mataas ang kanyang posiyon bilang magician. "Magic can grow, yet it has restrictions. You cannot control everything nor defeat everyone with magic. Sometimes, we don't need magic to defeat our adversaries. Your mind is a weapon you can use to counter your enemies. The best way to win a war is to outsmart your opponent." Naalala ko ang mga salitang 'yon na sinabi sa akin ni Master Mistic. Siya ang isa sa mga kilala kong napakalakas. Hindi ko alam kung mayroon pa ba siyang bagay na hindi kayang gawin. Ilang ulit ko na siyang nakitang makipaglaban at may mga panahon pa nga'ng gumawa siya ng bagay na napaka-imposibleng mangyari. Hindi ko 'yon makakalimutan dahil 'yon ang unang araw na pinatuloy niya kami sa kanyang tahanan. Ang Sanctuary. Ngayon, kung nagawa niyang talunin ang isang daang Voodoo Priest sa pamamagitan ng paghagis pabalik ng kanilang mga sumpa. Maaaring siya na ang taong sumalungat sa mga salitang sinabi sa akin ni Master Mistic. "We need to find this woman." "Ano?" Napatingin ako kay Kuya ng seryoso. "We need to find this woman. We need to know why and how did she kill these Voodoos." "Azrael, it's too dangerous," si Clark. "If she can kill hundreds just by counterattacks. Bro, baka papel lang din tayo sa kanya kung susubukan niyang makipaglaban." "Hindi tayo makikipaglaban. Kailangan lang natin siya. Kailangan nating malaman kung paano niya nagawa 'yon," sagot ko kay Clark. "Azrael, paano kung siya ang kalaban? Paano kung manlaban siya?" si Kuya. "Baka sinubukan siyang pabagsakin ng mga Voodoo na 'to dahil may masama siyang binabalak." "Kung manlalaban siya ay lalabanan natin siya," walang preno ko'ng sagot. "Nababaliw ka na ba?" si Kuya. "Isang mataas na Voodoo Priestess siya! Kung gusto mong lumaban sa kanya, buti pa humingi ka na lang ng saklolo kay Master Mistic. 'Yon one versus one sila. Palakasan ng powers." "Maybe we should consult this first to Mas—" "No!" pigil ko sa sasabihin ni Clark. "We will find this woman, we won't try to fight her. I just want to know her. I just want to know how she did all of these." "Much better if we prepare," si Clark. "We are about to meet the Supreme Voodoo Priestess." ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD