KAYE.
“Oh my gosh girl! Ang cute nu'n. I saw his pretty eyes behind his mask!” kilig na kilig na wika ni Eden ngunit inikutan ko lang siya ng mata.
“...pag manligaw ‘yun sa'yo sagutin mo na agad! Friend advice!” kilig na kilig na wika niya ngunit ipinag kross ko lang ang kamay ko at hindi siya pinansin.
“I missed, Jade.” nanggigil na wika ni Eden ng mapansin niya'ng hindi ko pinapansin ang Friend Advice ‘daw niya.
“E'de balikan mo do'n.” inis na wika ko kaya napansin ko kaagad ang pagliwanag ng mukha niya.
“Hala, seryoso? Babalik ako doon.” nakangiti niyang usal kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
“Ikaw ang mananagot kina Mommy at Daddy bakit tayo natagalan sa pag-uwi. Ikaw na ‘rin ang humarap kina Ate at Kuya.” usal ko habang naglalakad.
“What? No. I don't—.”
“Harapin mo sila. Sino ba ang nagyaya sa'kin na pumunta sa dyimnasyum. Di'ba ikaw? Kaya, harapin mo sila. Sa ayaw... at... gusto mo.” Uyam kong wika kaya napakamot siya sa ulo niya.
“Girl, babalik ako doon. Please,” pagmamakaawa nito sa akin. Napangiwi na lamang ako sa inasta niya.
“...I'm your cousin, so please. Give me an exemption.” nag-puppy eyes niyang wika. Pagbibigyan ko ba ang babaeng ito o hindi?
“Walang IK.SYEM.SYON.” madiing wika ko at nagpatiuna ng maglakad.
————✿————
“Saan ka naman pumunta?” Usisa ni ate sa akin habang nakayuko lang akong pinaglaruan ang kuko ‘ko.
“Aba. Ayaw sumagot?” naiiling na wika ni Kuya.
“Saan ka ba talaga pumunta?!” Inis na tinig ni Kuya kaya halos mapatalon ako sa gulat.
“Sa dyimnasyum.”
“Hoy, Kaye! Mag-ayos ka huh!” napatingin ako kay Ate na pinameywangan ako. Nagpaawa pa ako ng mukha ngunit pinanlakihan lang niya ako ng mata.
“Ano na naman ang pinunta mo doon?” Inis na tanong sa akin ni Kuya.
“E'de, nanunuod ng basketball.” nakanguso kong wika.
“Aba! Sasagot pa!” Inis na wika ni Ate at halos lumabas na ang mata niya sa inis. Sa totoo lang, nalilito na ako. Sasagot ba ako o hindi.
“...Si Eden lang naman po ang kasama ko. Napilitan lang kaya akong samahan siya.” nakanguso kong wika.
“Si Eden! Ang landi no'n noh? Dapat ‘wag mo nga palagi yung’ samahan.” Panermon sa akin ni Ate. Sa kabilang banda, noon pa talaga ‘hindi na sila sang-ayon na si Eden ang palagi kong samahan lalo na't sa mga bulgar na kilos niya, baka daw magaya ako.
“Naiinip nga ako ‘eh. Basta sa susunod hindi na ako sasama sa kanya, pangako.” wika ko at nagtaas pa nang kanang kamay.
Basta. Sa susunod, hinding-hindi na ako sasama sa babaeng iyon. Ipapahamak yata niya ako, sabi niya ‘siya ang sasagot sa mga magulang ko pero sa huli, haist. Napasapo na lamang ako sa ulo ko sa dismaya.
“Pag ‘yan pumalya. Ikukulong kita sa bahay sa loob ng anim hanggang pitong taon. Grounded ka!” nanlaki ang mata kong nakatingin kay Ate.
“Bakit naman?”
“Perjury.”
Napabuga na lamang ako ng hangin sa sinabi ni Ate. Alam ko, kahit kailan wala talaga akong lusot dito kay Ate.
“You take oath by raising your right hand.” dagdag nito. Halos maiyak na ako. Halo-halong emosyon na parang sumabog na ang nararamdaman ko. Bakit? Parang ‘di ko kasi magawang iiwan na'lang ng basta ang kaibigan ft. pinsan ko.
Mahirap talaga kapag may kapatid kang matalino, pagkasunduan ka talaga. Magdadabog na talaga ako nito.
“Kuya naman, I can't do that.” nakangusong wika ko. Bukod kasi kay Ate kay Kuya ako madaling makalusot kasi alam kong hindi niya ‘rin ako matitiis.
“You take oath.”
“Ikukulong kita sa kwarto mo. Give me your hand I will wear you the handcuffs.” banta ni Ate habang nakahawak ng tali kaya inilayo ko ang kamay ko sa kanya at yumakap kay Kuya.
“Kuya! Tulong po! Inosente po ako.” niyakap ko talaga ng mahigpit si Kuya habang si Ate naman ay sinusubukan na lumapit. Alam kong nagbibiro lang si Ate pero alam ko ‘rin na minsan ay tutuhanin niya ang mga biro niya.
“Ignorance of the law has no excuses.” Yung utak ko sasabog na sa talino ni Ate. Tulong! Anong saligang batas ang pwedeng panlaban nito?
“Tama na ‘yan Novah! Makakasuhan ka ng child abuse.” sita ni kuya kaya nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na sa akin si Ate at inilapag sa lamesa ang hawak niyang tali.
Si Kuya talaga ang tagapagtanggol ko. Napaupo ako sa sofa, pero habang nakaupo ako sa sofa ay sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Kuya.
Teka, child abuse? Hindi na ako bata ‘ah. Labing walo na ata ako ‘ahh. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Kuya. Pinagtanggol niya ba ako o pinahiya?
“Ano? Kuya naman, labing-walong taong gulang na po ako! Hindi na ako bata!” pagmamaktol ko na parang bata.
“Novah,” tawag ni Kuya kay Ate kaya napalingon ito sa banda namin. Napakagat na lamang ako ng labi. Alam ko na talaga ito.
“...she's not a child anymore. So, it means that—.” hindi ko na pinagpatuloy si Kuya at nakisali na ako.
“Bata pa pala ako.” wika ko at tumakbo papasok sa silid ko. Humanda kayo sa akin kapag ako naman ang makapagnakabisado ko na ang batas. Matitikman talaga nila ang talim ng espada ng aking paghihiganti. Woah, parang teleserye ghurl. Napangiti na lamang ako sa sariling naisip ko.
————✿————
Habang pangulong gulong ako sa kama ko ay nakita ko ang text sa akin ni Eden.
From:Eden
Message: Kita-kits bukas sa skul
Napahawak na lamang ako sa ulo ko habang binabasa ang text niya. Yeah, alam kasi niyang hindi ako mahilig mag epbi kaya tinext nalang niya ako.
Humanda ka sa akin bukas. Ikaw ang dahilan kung bakit pinagkasunduan ako nina Ate at Kuya.
“Goodevening mom, dad.” Narinig kong bati ni Ate. Siguro kakarating pa nina Mommy at Daddy mula sa trabaho.
Agad akong lumabas at kumaripas palapit kina Mommy at Daddy.
“Magandang gabi ho mom, dad.” wika ko at bumeso sa kanila.
“Magandang gabi ‘din sa'yo hija.” bati sa'kin ni Daddy at ginulo ang buhok ko.
“Dad, pinagkasunduan na naman nila ako.” nagpuppy eyes kong sumbong kay Daddy ngunit tinawanan niya lang ako at ginulo ulit ang buhok ko.
“Its okay honey, the good thing is they can't exeed their limitation.” tumango-tango naman sina Ate at Kuya kaya tiningnan ko sila ng masama.
Laglag panga at nanghihina ang mga balikat ko habang pabalik ng silid ko. Nakakainis. Wala talaga akong laban sa mga kapatid kong iyon. Madali lang talaga nila ako napagkasunduan kahit kailan. Haist.
————✿————
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko kaya kahit humihikab pa ay inabot ko ito at tiningnan ang tumawag.
May limang missed calls at lima ring text message sa parehong numero. Nakaramdam ako ng pagkalito habang nakatingin dito. Kahit alanganin ay sinagot ko ito.
“Hello, sino po sila?” tanong ko.
“You forgotten me? I text you many times, called you many times, but confused swallowed me. Why are you ignoring me?” Muli, ang walang katono-tono niyang tinig ang narinig ko sa kabilang linya.
Napakagat labi na lamang ako ng tuluyan ko ng maalala kung sino ito. Oo nga pala, bago ko pa makalimutan ay hiningi pala niya ang numero ko kahapon.
“Patawad, muntik na kitang makalimutan.” wika ko at ibinaba ang paa ko sa kama sabay suot ng tsinelas ko habang hindi inaalis sa tenga ko ang phone ko.
“I'd interrupted you? Sorry ‘if I disturb.”
“Hindi naman. Sa kabilang banda , bakit ka napatawag?”
“Nothing. My instinct said, I missed you.” Napangisi naman ako sa narinig ko. Hindi. Hindi pwede, baka nagbibiro lang siya.
“Kaye! Wake up!” dinig kong tawag sa akin ni Ate. Umagang-umaga, ginugulo na ako.
“Oo! Andiyan na! Pababa na!” Sagot ko kay Ate sa baba pero kahit na nakasagot na ako ay narinig ko ‘rin ang mga sermon niya.
“Your mother are hurrying you. Can I end the call?” tumango ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita. Ang weirdo ko talaga kahit kailan.
“Can I?”
“Sige, ikaw na ang mag-end.” nakangiti kong wika at pinakinggan siya sa kabilang linya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
“No, I wait you to end this call.”
Naiiling na lamang ako sa inasal niya kaya ako na ang nag-end call. Mukha na kasing puputok na si Ate sa inis sa labas.
Pagtapak ko pa lamang sa unang palapag ng hagdanan ay narinig ko na ang mga panermon sa akin ni Ate. Mukhang nakaalis na sina Mommy, Daddy at Kuya. Kawawain na naman ako nito ni Ate Novah. Huhuhu.
“Anong maabot mo n'yan! Paano ka niyan uunlad kung lagi ka'ng late!” halos matanggal na lahat ng talabok ko sa tainga dahil sa tinis na sigaw sa akin ni Ate. Kabisado ko na halos lahat ng linya ni Ate 'ah.
“Haist, ate. Ang aga-aga pa.” reklamo ko habang humihikab.
“Aba! Magbihis ka na nga doon!” pagtabog niya sa akin habang siya'y kanina pa pabalik-balik at parang may hinahanap.
————✿————
“Kung ako pa sa'yo Ate. Mas gugustuhin ko na'lang na mag... uhm...—...” matagal akong nakapag-isip kaya si Ate na ang sumagot.
“I want to be a lawyer and you can't do anything! Kung ako ‘rin sa'yo mas butihin ko ng mag-apply bilang piloto key'sa maging—.”
“Ate! Sabi ko na nga eh, wala akong pakialam sa gusto mo.” wika ko at ipinagkross ko na lamang ang kamay ko habang nakatingin sa kalsada.
Nakasakay kasi ako ngayon sa kotse ni Ate at siya ang nagmamaneho. Mahirap talaga kalabanin ang nag-aaral ng pilosopiya ang hirap lusutan.
Bumaba na'lang ako sa sasakyan ni Ate at naglakad patungo sa gate. Habang naglalakad ako papasok sa gate ay may nakasabay ako. Teka, kilala ko toh ‘ah.
“Hi, are you shocked why I am here?” tanong niya sabay taas ng kilay niya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siya ng uniporme, pero hanggang dito ba sa paaralan ay nakasuot siya ng itim na maskara.
Mapupungay ang mga mata niya sa likod ng maskara at sigurado akong may itsura ‘din siya katulad ng kanyang mga kaibigan.
“Hanggang dito ba ay suot mo ‘yan?” sarkastiko kung tanong habang tinutukoy ang maskara niya ngunit napansin ko ang pagngiti nya sa akin sa likod ng kanyang maskara. Sumabay na lamang ako papasok sa kanya sa gate.
Papasok na sana siya sa campus ng harangin siya ng gwardiya. Alam ko na ‘yan, dahil yan' sa maskarang suot niya.
“Sir, it's a school not a MASQUERADE.” ayan, dapat lang. Sa wakas, makikita ko na mukha ng lalaking ito. Nasasabik na akong makita ang mukha niya.
Napakamot na lamang si Kyler sa dulo ng ilong niya habang nakatingin sa gwardiya.
“Sir, let me explain—.”
“Pasensya ka na talaga, like I said last time. It's not a masquerade.” madiing wika ng gwardiya ngunit patuloy pa'rin sa pag-iling si Kyler.
“Sir, I'm Kyler John Laudico—.”
“Sir, I don't care what your name—.” hindi natuloy ng gwardiya ang sasabihin niya at biglang nanlaki ang mata niya habang nakatitig kay Kyler. Anong problema ng gwardiya'ng ito?
“...okay, but you have a proof sir, that you are Sir Kyler John Laudico?” taas kilay na tanong ng gwardiya. May kinuhang papel sa bag niya si Kyler at inabot iyon sa gwardiya. Ilang beses pa itong sinipat ng gwardiya bago muling ibalik ng gwardiya sa kanya.
“...pwede ka na po'ng pumasok, sir.” nakangiting wika ng gwardiya at inilahad ang kamay niya.
Hala, anong meron sa papel na iyon? Anong meron? Bakit biglang nagbago ang isip ng gwardiya dahil sa papel na iyon? Cheke ba ‘yun?
Habang papasok kami sa loob ng paaralan ay bigla akong kinain ng kuryosidad.
“Bakit biglang nagbago agad ang isip ng gwardiya kanina?” taas kilay na tanong ko sa kanya habang sinasabayan siya ng lakad pero ‘di lang niya ako pinapansin at nakangisi lang siya.
“Oyy! Parang gusto ko na ring magkaroon noon!” nagmamaktol kong wika habang sumusunod sa kanya. “...sa tingin ko ay ayaw mo naman akong sagutin, kaya, ganito na'lang. Anong seksyon ka'ba?”
“I'm not a smart guy. So, my section is Earth.” woah, seryoso? Pareho kami ng seksyon? Tama nga ang sabi nila na may bago kaming kaklase.
At s'ya yun?
“Woah, doon ‘din ang seksyon ko.” nakangiti kong sabi kaya napangiti siya at hinarap ako.
“So, we're same section? Can you lead me where's our room?” tanong niya sa akin at hinintay akong sagutin.
“Sige, makakaasa ka.”
————✿————
IPAGPATULOY.....
A/N:Wait, I just curious about those paper that Kyler handed to the guard. Makiusyoso lang, ano kaya ‘yun ano?