KAYE.
HOW MANY DAYS PASSED BY I'D NOTICED THAT....
Masyadong maingat. Ganyan ko ipaliwanang si Ky. Sa mga bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay makabuluhan at napakaingat. Ano ba talaga ang tinatago mo Ky?
Gusto kitang tulungan Ky dahil pansin ko ang paghihirap mo, pero sa anong paraan, ni hindi ko nga alam kung anong dahilan ng mga paghihirap mo.
“Ilang tao na ang nabilang mo?” sarkastiko na tanong sa akin ni Ate ng makita niya ako na nasa labas ng gate ang mga mata ko.
Nakaupo ako ngayon sa upuang kahoy sa labas ng bahay namin. Malapit ito sa gate kaya kitang-kita ko ang labas ng gate.
“Iisipin ko, mga dalawang daang tao na ata ang dumaan.” inosente kung usal at nagkunwaring binibilang ang mga taong dumadaan.
“However, I don't care how many people did past by. The important thing is your phone is ringing. Kanina pa,” awtomatikong napatingin ako kay Ate.
“Sino Ate?”
“Your girl classmate. I guess. Ky's was her name. Wala ka naman kasi naikwentong kaibigan mo na Ky ang pangalan kaya siguro kaklase mo.” wika ni Ate at umalis. Ky's? Si Kyler, napagkamalan ni Ate na babae dahil sa nilagay kung Ky sa contact list ko.
Napasapo na lamang ako sa noo ko at pumasok sa loob. Mabuti na ‘rin at hindi alam ni Ate na lalaki. Baka mamaya, pagkasunduan naman nila akong paaminin na katipan ko kahit ‘di naman.
Agad kung dinampot ang cellphone ko at patakbong bumalik sa silid ko sabay sagot sa tawag ni Ky.
“Napatawag ka?” Bungad ko pagkasagot ko sa tawag niya.
“Nothing. I'm just bored.”
“At ginawa mo akong pampalipas oras. Ganon?” madiing wika ko at saka naupo sa kama ko.
“No. Your are wrong. I called you because—.”
“What?”
“I'm in the avenue waygoing to your house.”
“What?!” gulat na wika ko at napatayo sa kama ko.
“Malapit na tayo, bro.” rinig kung usal ni Ranz. Alam ko na toh', si Ranz ang nagturo.
“After a school. I don't know where I go. So, I decided to visit you.” halos itapon ko na ang cellphone ko sa inis. Sigurado ako, pagkakaisahan naman ako ng mga nakatanda kong mga kapatid na paaminin kung anong namamagitan namin ni Ky.
They we're compelled me to admit ‘if they know there's a guy whose visiting me. They thought that Ky is my suitor. For the Pete's sake, Ky's is not my suitor.
Ang advance ko mag-isip, ano? Syempre, kilala ko na ang mga kapatid ko. Whaaa!
Alam ko talaga ang nag-iisang kasalanan nito. Si Ranz! Humanda ka sa akin Ranz! Kakainin kita ng buhay, Rawr!
“Kaye! Ranz is here! Harapin mo!” What the— kay Kuya ang boses na iyon ah! Nakauwi na siya? Ibig sabihin, whaaaa! Ayaw ko na talaga.
Lumabas ako sa silid ko at nakita ko si Ky na kinakausap si Kuya at si Ate habang si Ranz naman ay nakangiting kumakaway sa akin.
“Kaye, may group activity pala kayo, ba't ‘di mo agad sinabi sa amin. Tuloy, sila ni Ranz pa at ang kaibigan mo ang napapunta rito.” nakangiting wika ni Ate. Walang proyekto talaga akong naalala na magkakasama kaming tatlo lalo na't hindi namin katulad na seksyon si Ranz.
“Huh? Ay- Oo nga pala, n-nakalimutan ko.” utal na wika ko at lumapit sa kanila. Malawak naman ang ngiti sa akin ni Ranz at halos abot tenga na.
“Novah, don't disturb them. Mabuti pa't magluto ka at dalhin mo rito para makapag snacks sila.”
“‘No! We're fine.!”
“Wag na!”
“Yan ang gusto ko!”
Magkasabay naming sabi tatlo at napatingin kami kay Ranz. Siya talaga ang gustong-gusto. Nakasandal siya sa sofa habang hinihigaan ang sariling kamay at halos nakapikit na.
“Just wait,” wika ni Ate Novah at umalis sa harapan namin.
“Softdrinks na'lang at Novah ang dalhin mo rito Novah.” wika ni kuya kaya medyo nalito ako. Bumalik si Ate na may dala-dalang Novah na pa'ng snacks kaya napatangu-tango na'lang ako.
“Thank you my future, Ate.” nakangiting wika ni Ranz kaya pinanlakihan ko siya ng mata ngunit tumawa lamang siya.
“Future mo mukha mo!” Inis naman na sabat ko.
“The more you hate the more you love.” parinig ni Kuya at tumayo ito.
“The more?! I didn't belive that adage!” I yelled out of my lungs.
“The more you don't believe the more it happen.” pahabol ni Kuya at umalis na sa harap ko. Halos umusok ang ilong ko sa inis.
“Don't question the future ‘if that will happen!” pahabol ni Kuya habang nasa pinto siya nakatayo habang nakatingin sa amin. Nang aaktong sasagot na sana ako ay lumabas na sa pintuan si Kuya kaya halos magdabog ako.
“Duh,” I murmured and fluttering my eyes in the wind.
“May trust issue ata kayo ng kapatid mo.” narinig kung wika ni Ranz kaya napairap na'lang akong muli sa hangin.
“Madalas kasi pagkasunduan ako nila. Pati na si Ate.” pabulong-bulong na wika ko kaya napatingin sa akin si Ate ng masama.
“By the way, before I forgotten. Bakit nakasuot ng maskara ang isa n'yong kasamahan?” wika ni Ate at itinuro si Ky's. Napakagat labi ako kasi ‘di ko alam kung paano ipaliliwanag kay Ate na laging nakasuot naman ng maskara si Ky kahit wala namang masquerade.
“Magpa-practice kasi kami ng roleplay namin.” nakangiting wika ni Ranz at inakbayan pa si Ky.
“T-True.” nauutal na sagot ni Ky at napatingin pa sa akin.
————✿————
“Napakasinungaling mo talaga Ranz!” Inis na wika ko habang inaayos ko yung' kamera na dala nila.
“Paano ko ba sasabihin sa'yo na manliligaw ako sa'yo? Uhm. Uhm.” parang nag-iisip nitong wika. “...baka kakainin mo akong buhay, rawr.” wika nito at nag-aksyon pa na parang mangangalmot.
Napangiti na lamang ako sa inasta niya. Kabisadong kabisado na talaga niya ang mga linya ko. Sa ilang sandali ay nawala ang ngiti ko ng maalala ang una n'yang sinabi.
“Ulitin mo nga yung sinabi mo?” Pinanliitan ko siya ng mata ngunit tumawa lang siya. Ibinigay ko naman kay Ky ang kamera at nakipag staring contest ako kay Ranz.
“I'm just joking.” wika nito at umiwas ng tingin sa akin. “...ikaw! Magugustuhan ko?! No way!” madiing wika nito at nagpatiuna ng maglakad.
“Photography. ‘Yan ang project namin kaya tulungan n'yo akong kumuha ng magandang landscape.” wika nito at nagpatiunang maglakad palayo sa amin ni Ky.
Napatingin naman ako ngayon kay Ky na may hawak sa kamera. Isinuot niya sa leeg niya ang kamera at saka hinawakan ang kamay ko.
“Don't be worry, I was expert when it comes to photography.” usal nito kaya napangiti na lamang akong sumabay sa kanya sa paglalakad.
————✿————
“Hindi namin ito proyekto kaya bakit mo kami sinama!” paindak-indak na wika ko habang nakatingin kay Ky na halos ano'ng aksyon na ang gawin maganda lang ang kuha sa landscape.
Nakahiga, nakadapa, nakaupo, maupo sa hangin, ‘yan ang ilan sa mga naging aksyon ni Ky habang kumukuha.
“Kawawa ka naman, bro.” wika ni Ranz at binigyan ng t'walya. Pawis na pawis na si Ky habang si Ranz ay nakangiti lamang.
“Mabuti siguro at hindi ka sumama sa lalaking ito, Ky! Tingnan mo, ang daya-daya! Proyekto niya, tayo ang gumagawa.” Inis na wika ko ngunit hindi iyon inalintana ni Ky.
“Wala tayong magaling kumuha ng landscape. Dahil kung hindi sumama sa akin kanina si Ky ikaw ang guguluhin ko.” nag-devil smile pa siya sa akin saka kumindat kaya muntik ko ng ibato sa kanya ang sandal ko.
“Palubog na ang araw kaya doon tayo kumuha, oh. Maganda ang view doon.” wika ni Ranz at itinuro ang isang banda ng kakahoyan.
Wala kaming nagawa. Nakasunod kami ngayon kay Ky na panay kuha ng mga larawan sa isang kakahoyan na pinasukan namin. Habang ako nama'y napipilitan lamang na sumunod.
“I'm tired. Who will replace me as a photographer?” tanong ni Ky at napahinto. Napanguso naman ako ng mapansin na nakatingin lang si Ranz sa puno ng citrus na maraming bunga at mukhang may balak na mamimitas.
Ang Anim na ektarya'ng lupang ito ay hindi namin alam kung sino ang nagmamay-ari nito lalo na't napakagubat na. Sabi naman sa amin ni Lola na nasa ibang bansa ang may-ari ng lupang ito.
Dahil sa tingin ko ay walang balak na palitan ni Ranz si Ky ay ako na'lang ang nagprisintang kumuha na naman ng mga litrato sa kakahoyan.
“Dude, look. The citrus are in the state of ripes. What ‘if we going to harvest it?” awtomatikong napalingon ako sa dalawang lalaking nakatingin ngayon sa puno ng citrus.
Pareho na silang nakatingin dito at parang gustong-gusto nilang pumitas ng citrus. Pero teka, hindi sa amin ang lupang ito.
“Yeah, let's harvest it.” nakangiting tugon ni Ky kay Ranz.
“Hoy, hoy! Kayong dalawa, wala dito ang may-ari ng lupa kaya, sino ang papaalaman ninyo na kukuha kayo sa taniman niya! Masama ang magnakaw!” Inis na bulyaw ko sa dalawa at napalapit sa kinatatayuan nila. Napansin ko ‘rin ang pagngiwi ni Ranz pero sinimangutan ko lang siya.
“Thou shall not steal!” halos pasigaw na wika ko sa kanila.
“We we're not going to steal.” pangangatwiran ni Ky kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Mukhang nagaya na siya sa kalokohan ni Ranz.
“Eh, ano pala ang gagawin ninyo? Saan kayo magpapaalam na kukuha kayo ng bunga ng citrus?” Inis na tanong ko sa kanila. Napakamot na lamang sa ilong si Ky bago muling sumagot.
“I'm hungry.” wika nito at hinimas-himas pa niya ang tiyan niya.
“I DON'T CARE!” madiing wika ko. “...magpaalam muna kayo.” pagmamatigas ko sa kanila.
Laking gulat ko ng kinatok pa ni Ranz ng ilang beses ang puno ng citrus saka nagsalita.
“I will harvest your fruit, honey. Can I?” tanong nito at saka tumingin sa akin na nakangisi.
“...tapos na akong magpaalam.” nakangisi niyang wika at muling tiningnan si Ky.
“...Sino sa ating dalawa ang aakyat? Ikaw o ako? Oo nga pala, hindi ako marunong umakyat.” wika nito kaya napasapo ako sa noo ko.
Kung marunong pa pala siyang umakyat ay marahil kanina na siya nakaakyat sa punong citrus lalo na't parang kanina pa siya takam na takam.
————✿————
Nakaupo na lamang ako sa ilalim ng puno ng citrus habang hinihintay na matapos na silang mamitas.
Wala akong magawa eh, talo ako.
“Hindi ako makababa! Tulong!” wika ni Ranz sa itaas ng citrus habang niyuyugyog ang sanga nito.
“Fvck! How we can go down if you are still shaking the branch!" Inis na sigaw ni Ky sa ibabaw niya kaya napahinto at siya at napatingin sa kinaroroonan ni Ky.
Nang pababa na si Ky ay muli niyang niyugyog ang sanga kaya napakapit muli si Ky at napaupo sa sanga. Hindi tumitigil si Ranz sa kakayugyog ng sanga hanggang sa....
“Aray! Put*ngina!” inis na bulyaw ko ng matamaan ako sa ulo ng mga nagsihulugang mga bunga ng citrus. Napahalakhak naman si Ky ng matamaan ako kaya pareho ko silang tiningnan ng masama.
“Mahulog sana kayong dalawa—!” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mahulog nga si Ranz.
“Aray!” sigaw niya ng mahulog siya. Panay naman ang tawa ni Ky sa taas habang napangiwi naman sa sakit si Ranz.
“...may sumpa ata bibig mo teh, lahat ng sasabihin mo magkatotoo!” inis na sigaw ni Ranz saka tumayo at napapagpag na'lang.
“Hindi bibig ko ang may kasalanan! Ikaw, kasi ikaw yang nahulog! HAHAHAHA.” natatawa kong wika habang tinuturo siya.
Nakababa na ng tuluyan si Ky at may bitbit itong dalawang cellophane ng citrus. Napahinto siya sa harapan ko sabay abot sa isang cellophane ngunit hindi ko iyon tinanggap.
“Karma will strike you, unpredictable.” Inis na wika at napa-cross arm.
“...tingnan mo'ng isang iyan?!” inis na wika ko sabay turo ng nguso si Ranz na nakasandal sa puno ng citrus habang naka-cross arm at napanguso.
“Why would I got karma?” tanong niya sa akin ngunit umiiling-iling na'lang ako.
“Hindi mo ba nakita?” Sarkastiko kung tanong. “...nagnanakaw kayo ng hindi naman sa inyong tanim.” taas kilay na wika ko.
Tumayo ng maayos si Ranz at lumapit sa banda namin. Nakanguso siya'ng lumapit sa amin at napairap sa hangin.
“Paano naman ako makakarma kung nakapagpaalam naman ako ng maayos.” nakanguso n'yang wika at agad na kumuha ng isang citrus at binalatan iyon.
“Anong paalam? Eh, sa puno ka'lang nagpaalam hindi sa may-ari!” idiniin ko pa ang huli kong sinabi.
“Lah, sino pala to'ng kasama na'tin?” turo niya kay Ky “...hindi pala toh tao? Ano tingin mo sa kanya unggoy?” sarkastiko niyang tanong kaya mas lalong napataas ang kilay ko.
“...remember his last name, Laudico. The son of the Laudico family and also the owner of this area. Kaya ko nga ito sinama eh, kasi gusto kong manguha ng mga prutas na pag-aari nila.”
————✿————
IPAGPATULOY···☬···