Chapter 24

1576 Words
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating din ang ambulansya at ang backup team kasama ang buong grupo ni Detective Portman. Nang marinig ang tunog ng ambulansya ay dali-daling tumakbo papalabas ng garahe si Detective Portman bitbit ang biktima. Nang makita ang dalawa ay kaagad naman na dumalo ang medics upang tulungan ang mga ito. Matapos masigurado na magiging maayos ang lagay ng biktima ay hinayaan na ni Detective Portman na ang medics ang mag-asikaso sa biktima. “Send her to the nearest hospital. Hurry!” Mabilis na kumilos ang medics at nang maipasok sa ambulansya ang biktima ay kaagad din itong umalis kaya naiwan ang detective na tinatanaw papalayo ang sasakyan. “Team leader, ayos ka lang ba?” tanong ni Detective Raynolds kasama si Detective Villares na kararating lang din. Hindi na nakasagot pa si Detective Portman dahil natanaw na nila papalabas ang suspek na dala-dala ng mga pulis kasama si Detective Roxas. “Look! That’s Patty’s husband, right?” “Right! But why is he wearing a maintenance uniform?” “Is he the suspect?” Samu’t sari naman ang naging komento ng mga residente na naka-saksi ng eksena. Hindi sila makalapit sa garahe dahil may police line na nakaharang pero tanaw nila ang suspek na papasakay sa police patrol. Kung kanina ay ang bata ng itsura nito, ngayon ay halos tumanda na ang itsura nito. “Grabe ‘yong silicone rubber na ginamit ng mokong na ‘yon, masyadong madikit,” reklamo ni Detective Roxas ng makalapit sa pwesto ng mga kasama. Ipinakita naman nito ang silicone mask na hawak niya. “Ayos na disguise ‘yon ah,” komento naman ni Detective Villares ng makita ang mask. Matapos nilang tignan ang silicone mask na ginamit ng suspek ay inilagay na ito sa plastic ni Detective Roxas at inabot sa pulis na nasa gilid niya. “Send that to the station along with the other evidence,” tumango naman ang pulis at saka nagpaalam. “I didn’t expect that he’ll use that kind of method to deceive us. By the way team leader, paano mo nalaman na nagpapanggap lang ang isang ‘yon?” takang tanong ni Detective Raynolds sabay tingin kay Detective Portman. “Nang banggitin ni Detective Roxas na gumagawa ng realistic human silicone mask ang suspek naghinala na ako. Lalo na at may mga ganong maskara nan aka-display sa bahay ng mga Reyes,” paliwanag nito. Nagkaroon din siya ng hinala nab aka hindi talaga umalis ng village ang suspek at baka nagtatago lang. “Pero paano mo nalaman na ‘yong maintenance boy ang suspek?” tanong naman ni Detective Villares. “Hindi ko alam kung napansin mo,” wika nito kay Detective Raynolds saka muling nagpatuloy. “Pero no’ng pumunta tayo sa security office, napansin ko siya na nakasingit sa mga residente. Isa pa, masyadong kahina-hinala ‘yong itsura na. At kung titignan mong mabuti ang leeg niya, mapapansin mo na parang may nakatuklap na balat.” At nakumpirma rin ang hinala niya ng makapasok sila sa maintenance room ni Detective Roxas at nang makita ang mga gamit. Habang pabalik sa village ay naisip na ni Detective Portman na posibleng may patibong ang suspek at tuluyan nitong patayin ang biktima kapag nakaalis na ang mga pulis. Kaya naman ng makarating sila sa tinutuluyan nitong kwarto ay kaagad na napansin ng detective ang mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng silicone mask kagaya ng plaster bandage, air dry clay, silicone rubber, at kung ano-ano pa. Mas nakumpira lang din ang hinala niya ng personal na makita ang suspek at ng mapansin nito ang kaunting mantya ng dugo sa dulo ng sapatos nito. Naging kahina-hinala rin sa kanya ang pagbigay ng panyo ng suspek kaya naman pumasok na sa isipan niya na plano ng suspek na patulugin ang detective gamit ang gamot na nilagay nito sa panyo. At dahil naka-pick up kaagad si Detective Portman sa gustong mangyari ng suspek ay hindi ito huminga ng ilagay niya sa ilong ang panyo para hindi masinghot ang gamot. Idagdag pa na nagpanggap ito na hindi makagalaw kaya naman kaagad na naniwala ang suspek. “Wow! Ang galing mo team leader,” papuri pa ni Detective Raynolds. Hindi na sumagot pa si Detective Portman at sumenyas na lang sa mga kasama. At dahil naayos na rin nila ang crime scene at nakuha na ang lahat ng ebidensya ay makakabalik na sila sa istasyon upang maayos na imbestigahan ang kaso. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nila alam kung ano ang motibo ng dalawa upang patayin ang kanilang anak. “Child abuse and attempted murder case is now close,” wika ni Detective Roxas sa walkie talkie na hawak ng tuluyan silang makasakay sa sasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating din ang ambulansya at ang backup team kasama ang buong grupo ni Detective Portman. Nang marinig ang tunog ng ambulansya ay dali-daling tumakbo papalabas ng garahe si Detective Portman bitbit ang biktima. Nang makita ang dalawa ay kaagad naman na dumalo ang medics upang tulungan ang mga ito. Matapos masigurado na magiging maayos ang lagay ng biktima ay hinayaan na ni Detective Portman na ang medics ang mag-asikaso sa biktima. “Send her to the nearest hospital. Hurry!” Mabilis na kumilos ang medics at nang maipasok sa ambulansya ang biktima ay kaagad din itong umalis kaya naiwan ang detective na tinatanaw papalayo ang sasakyan. “Team leader, ayos ka lang ba?” tanong ni Detective Raynolds kasama si Detective Villares na kararating lang din. Hindi na nakasagot pa si Detective Portman dahil natanaw na nila papalabas ang suspek na dala-dala ng mga pulis kasama si Detective Roxas. “Look! That’s Patty’s husband, right?” “Right! But why is he wearing a maintenance uniform?” “Is he the suspect?” Samu’t sari naman ang naging komento ng mga residente na naka-saksi ng eksena. Hindi sila makalapit sa garahe dahil may police line na nakaharang pero tanaw nila ang suspek na papasakay sa police patrol. Kung kanina ay ang bata ng itsura nito, ngayon ay halos tumanda na ang itsura nito. “Grabe ‘yong silicone rubber na ginamit ng mokong na ‘yon, masyadong madikit,” reklamo ni Detective Roxas ng makalapit sa pwesto ng mga kasama. Ipinakita naman nito ang silicone mask na hawak niya. “Ayos na disguise ‘yon ah,” komento naman ni Detective Villares ng makita ang mask. Matapos nilang tignan ang silicone mask na ginamit ng suspek ay inilagay na ito sa plastic ni Detective Roxas at inabot sa pulis na nasa gilid niya. “Send that to the station along with the other evidence,” tumango naman ang pulis at saka nagpaalam. “I didn’t expect that he’ll use that kind of method to deceive us. By the way team leader, paano mo nalaman na nagpapanggap lang ang isang ‘yon?” takang tanong ni Detective Raynolds sabay tingin kay Detective Portman. “Nang banggitin ni Detective Roxas na gumagawa ng realistic human silicone mask ang suspek naghinala na ako. Lalo na at may mga ganong maskara nan aka-display sa bahay ng mga Reyes,” paliwanag nito. Nagkaroon din siya ng hinala nab aka hindi talaga umalis ng village ang suspek at baka nagtatago lang. “Pero paano mo nalaman na ‘yong maintenance boy ang suspek?” tanong naman ni Detective Villares. “Hindi ko alam kung napansin mo,” wika nito kay Detective Raynolds saka muling nagpatuloy. “Pero no’ng pumunta tayo sa security office, napansin ko siya na nakasingit sa mga residente. Isa pa, masyadong kahina-hinala ‘yong itsura na. At kung titignan mong mabuti ang leeg niya, mapapansin mo na parang may nakatuklap na balat.” At nakumpirma rin ang hinala niya ng makapasok sila sa maintenance room ni Detective Roxas at nang makita ang mga gamit. Habang pabalik sa village ay naisip na ni Detective Portman na posibleng may patibong ang suspek at tuluyan nitong patayin ang biktima kapag nakaalis na ang mga pulis. Kaya naman ng makarating sila sa tinutuluyan nitong kwarto ay kaagad na napansin ng detective ang mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng silicone mask kagaya ng plaster bandage, air dry clay, silicone rubber, at kung ano-ano pa. Mas nakumpira lang din ang hinala niya ng personal na makita ang suspek at ng mapansin nito ang kaunting mantya ng dugo sa dulo ng sapatos nito. Naging kahina-hinala rin sa kanya ang pagbigay ng panyo ng suspek kaya naman pumasok na sa isipan niya na plano ng suspek na patulugin ang detective gamit ang gamot na nilagay nito sa panyo. At dahil naka-pick up kaagad si Detective Portman sa gustong mangyari ng suspek ay hindi ito huminga ng ilagay niya sa ilong ang panyo para hindi masinghot ang gamot. Idagdag pa na nagpanggap ito na hindi makagalaw kaya naman kaagad na naniwala ang suspek. “Wow! Ang galing mo team leader,” papuri pa ni Detective Raynolds. Hindi na sumagot pa si Detective Portman at sumenyas na lang sa mga kasama. At dahil naayos na rin nila ang crime scene at nakuha na ang lahat ng ebidensya ay makakabalik na sila sa istasyon upang maayos na imbestigahan ang kaso. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nila alam kung ano ang motibo ng dalawa upang patayin ang kanilang anak. “Child abuse and attempted murder case is now close,” wika ni Detective Roxas sa walkie talkie na hawak ng tuluyan silang makasakay sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD