17

1429 Words
“HOW’S my sweetheart?” “Okay lang,” sagot niya, ang ngiti ay kulang na lang na lumampas sa magkabilang tenga. Ring pa lang ng cell phone niya ay para na siyang idinuduyan. Alam niyang si Jonas ang caller. Kaya naman nang marinig ang tinig nito, literal pa niyang sinapo ang dibdib. Mabuti na lang at nasa itaas siya. Kung nagkataong nasa salon siya at nakita siya ng staff, tiyak na bubuskahin siya ng mga iyon. “Wala ka bang commitment sa Romantic Events sa weekend?” Nadagdagan pa ang excitement niya dahil sa narinig. She was half-expecting na magagawa ni Jonas na makaluwas kahit na wala pa itong isang buwan buhat nang pumunta sa Cebu. Alam na rin nito na sa Romantic Events lang niya kino-commit ang sarili. Otherwise, nakatutok lang siya sa sariling salon. “Wala. Kahapon ako nag-service. Babalik ka na dito sa Maynila?” “Paano kung sabihin ko sa iyong nakabalik na ako?” “I won’t believe you. Weekdays ngayon. Ikaw na ang nagsabi sa akin nang tumawag ka kagabi na ang dami ninyong trabaho diyan.” “Paano kung bigla pala akong nakaluwag sa trabaho ko? Kailangan may premyo ako,” he teased. “Ano ka, bata?” Tumikhim ito. “Hindi yata gawain ng isang bata ang naglalaro ngayong ideya sa isip ko. Gumawa ng bata manapa.” “Jonas!” kunwa ay hilakbot na sabi niya pero mas mahahalata roon ang kanyang pagtawa. Unti-unti ay nasasakyan na niya ang mga biro ni Jonas, kahit minsan, may kaberdehan ang iba, tinatawanan na lang din niya. Para ano pa ba na maging paligid niya ang mga bakla na mas madalas na double meaning ang usapan kaysa seryoso? Hindi na nakaka-offend sa kanya ang bagay na iyon. “Come on, sweetheart. Kailangan may premyo ako. Malay mo, may magic pala ako tapos nandiyan lang ako sa likuran mo?” She felt she was like a fool na tumingin nga sa likuran niya kahit na alam niyang nag-iisa lang naman siya doon. “All right, ano ang gusto mong premyo?” game na wika niya. “How about a kiss?” “Sure! Kiss lang pala, eh.” “Tatlong kiss ang gusto ko.” “Kahit apat,” aniya, hindi mapigil na matawa. “Ysa, you don’t understand. Those kisses are different from one another. The first kiss will be on the lips. A two-minute kiss.” She rolled her eyes. Ang ekspresyon ng mukha ay parang kinikiliti ang buong katawan. Palibhasa ay text at telepono ang paraan ng kanilang komunikasyon nitong nakaraang mga araw, doon na lang din sila “naglalandian.”  “At saan po iyong pangalawa at pangatlong halik?” “You will allow me?” tila batang nasabik si Jonas. “Bakit naman hindi? Alam ko namang imposible kang mapunta dito?” “Don’t be so sure, sweetheart. Malay mo, nandito lang pala ako sa tabi-tabi?” “Ano ka, multo? Palagi na lang ganyan ang dialogue mo, hanggang ngayon naman, nandiyan ka pa rin sa Cebu, kapiling ang mga Bisaya.” Tumawa ito. “Siyempre, Cebu ito, eh. Marami talagang Bisaya dito. Now, let’s talk again about that kiss. I want that second kiss to be at the back of your right ear.” At bigla ay nagbago ang timbre ng tinig nito. Napalunok din siya. She was now familiar with that kind of his voice. She felt a warm blanket was covering her. At sa pamamagitan nga ng isang kamay ay niyakap niya ang sarili. “I will nuzzle you, sweetheart, and bite gently the soft lobe of your ear. I’m going to whisper to you how much I love you and how miserable I am for missing you so very much.” His voice turned into a lower pitch. Pakiramdam niya, mismo ngang si Jonas na ang nasa tabi niya at hindi niya ito naririnig sa pamamagitan lamang ng cell phone. Minsan pa ay napalunok siya. Sa kabila ng milya-milyang layo nila sa isa’t isa ay nagagawang pukawin ng binata ang kanyang sensitibong pandama. “Then my lips will travel down your neck. I’ll kiss your soft skin, Ysa. And I will move lower until I settled my lips between your breasts. And I will not remain there for more than five seconds because I also want to feel how aching your peaks are against my mouth.” “Jonas…” she whispered, almost like a moan. “And if you think I’ll get my satisfaction through it, I tell you, I will not. Because I don’t think I would want to stop unless I kissed all of you, my love. I’m going to love your whole body with my lips and tongue, Ysa.” “Jonas,” she said in a hoarse voice. “Let’s stop this.” “Why?” anito at tumikhim. “Hindi ka ba naniniwalang gagawin ko iyon sa iyo?” tudyo nito, ang tinig ay patuloy pa ring nanghihibo.  “D-dapat bang ganyan ang usapan natin sa telepono?” Her voice was obviously embarrassed. And it was more on the reason that she got affected with his seduction. Marami pa siyang inhibisyon. “So what?” sagot ni Jonas. “If only I’m beside you right now, I would never waste time talking. Gagawin ko na agad ang lahat ng iyan sa iyo, Ysa.” Napasinghap na lang siya. “Don’t be so shocked, sweetheart. Prepare yourself. Because when I see you, ipaparamdam ko talaga sa iyo kung gaano kita na-miss. How about you, babe? Hindi mo ba ako na-miss din?” “Na-miss din.” Malaya nang nakawala sa bibig niya ang bawat letra ng sinabi niya. Normal na uli ang tono ni Jonas. She hoped, hindi na uli siya nito aakitin na kagaya ng ginawa nito—dahil kung uulitin nito iyon, malamang na takbuhin niya ang shower at maligo na agad. Iba ang alinsangang gumapang sa katawan niya dahil sa pag-uusap nilang iyon. “Ysa, hindi ko pa nga pala nasasabi kung ano iyong third kiss,” tudyo na naman nito. “Enough, Jonas.” “Come on, sweet. Don’t you want to know kung saan iyon?” “Ayoko na ng censored!” tili niya. Halos ipikit pa niya nang mariin ang mga mata habang nabubuo sa imahinasyon niya ang nakatakdang marinig. Parang alam na niya kung saan siya hahalikan ni Jonas. At isipin pa lang iyon ay lalo na siyang naiinitan. At na-e-excite din. Um-echo ang tawa ni Jonas. “Kailan pa naging censored ang halikan ka sa kamay?” “Sa kamay?” gulat namang ulit niya. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa pag-iisip nang malaswa. Parang bigla siyang nahiya. Mabuti na lamang at hindi sila magkaharap ng binata dahil pakiramdam niya ay namumula ang kanyang magkabilang pisngi. “Sa kamay. Bakit, saan mo ba gustong gawin ko ang third kiss?” “Wala!” paangil na sagot niya sapagkat alam na alam niyang sa tinig na iyon ni Jonas ay binubuska siya nito. “Talaga? Di kung ayaw mo sa kamay ang third kiss, sa ano na lang?” “Anong sa ano?” halos manlaki ang lalamunan na tanong niya. “Sa ano,” he said wickedly. “Anong sa ano? Linawin mo, Jonas Sta. Ana,” napipikong sabi niya sapagkat mas lalo siyang napapahiya sa pairamdam niya. Kahit hindi sila nagkikita ng mata sa mata, sa dalas ng pag-uusap nila sa telepono, madali na rin nilang nararamdaman kung ano ang takbo ng isip ng isa’t isa. “Sa lips na lang uli, sweetheart,” masunurin namang sagot nito. “Please, gusto ko ay iyong mas matagal sa two minutes.” Para namang kunwari lang ang pagkapikon niya. Napangiti na rin siya kaagad. “O, sige. Dalawang minuto at isang segundo.” “I love this talk, sweetheart,” sabi ni Jonas. “Puwede bang totohanin na natin? Pagbalik ko diyan, you owe me three kisses.” “Depende,” tugon naman niya, nagpapa-cute. “Depende saan?” “Kung darating ka this weekend, I might give in to your wishes. Kapag hindi, forfeited ang three kisses.” Narinig niya ang pag-ungol nito. “Maglalangis ako sa boss ko. Uuwi ako diyan kahit Friday ng gabi.” Napatawa siya. “Seryoso ka?” “Seryoso. I love you, Ysa.” “I love you too.” Hindi iyon ang unang beses na gumanti siya sa I-love-you’s ni Jonas. At sa bawat pagkakataon, alam niyang hindi siya napipilitan lang na gumanti bagkus ay bukal na bukal pa nga iyon sa kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD