“KAYO NA BA ni Kuya?” tanong sa kanya ni Shelby, tila nagdududa pero nasa himig din ang excitement.
Tumawag ito pagkaraan ng ilang araw. Siyempre pa, si Jonas na ang malamang na nagsabi dito dahil hindi pa naman niya ito nakakausap buhat pa nang ikasal ito. Isang linggo din silang araw-araw na magkasama ni Jonas. Sa kagustuhan ng binata na makasama pa siya ay bigla itong nag-file ng bakasyon. At balak sana ay mag-extend pa kung hindi lamang masyado na rin itong natambakan ng nabinbing trabaho. Isa pa, ayaw man niya ay siya na nag agtulak dito na balikan ang trabaho.
“Ginayuma yata ako ni Jonas, Shelby,” sabi niyang nagpipigil na kiligin sa tono.
“s**t! Kayo na nga?!” sagot ni Shelby na parang nakikinita niyang nanlalaki ang mga mata.
“Uh-huh.”
“Oh, great,” ani Shelby pero nai-imagine niya ito na tila umiikot ang mga mata. Ganoon ang mannerism nito kapag kausap niya nang personal. “I’m... speechless.”
“Napansin ko nga.” At hindi niya napigil na matawa. “Hindi ba kapani-paniwala?”
“Sa record ni Kuya? Hindi na iyan nakakapagtaka. I mean, iyong magka-girlfriend in almost in a snap. Actualy medyo matagal pa nga iyang sa iyo. Lumipas ang ilang linggo, hindi ba? Ang hindi nakakapaniwala ay iyong pati pala ikaw ay hindi immune sa charm niya.”
“Shelby, grabe ka. Huwag mo namang sabihin sa akin iyan,” aniya, hindi matiyak kung matutuwa o kakabahan.
“Ysa, friend, kung kayo na nga ni Kuya, congrats! Honestly, I’m happy for you. Di ba, noong kasal ko, sinabi ko na sa iyo na baka nga maging hipag pa kita? It’s because I know that my brother has an eyes for you. Medyo nagulat lang talaga ako na malamang kayo na. Ang bilis.”
“Easy to get ako, ganoon ba?”
“I don’t mean to offend you,” seryosong sabi ni Shelby. “Kilala kasi kita na pihikan sa mga lalaki. At iyong kuya ko naman, masyadong madulas. Sabi ko nga, di ba, kilala ko ang kuya ko. Kaya niyang pasagutin ang isang babae kahit sa mismong araw na nakilala niya ito. Personally, hindi ako naniniwala sa matagal na ligawan. Sus! Ako pa ba ang tatanungin diyan, eh, ako na nga halos ang nanligaw sa asawa ko. Ysa, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, okay? Kung hindi ka pinilit, kung talagang in love kayo ni Kuya sa isa’t isa, fine! Kailan ang kasalan?”
“Ang bilis naman!” react niya sa napalakas na boses.
Humalakhak si Shelby. “O, kitam, bigla ka pang nabilisan. Aba, sis, kung sa ibang mga naging girlfriends ni Kuya, aba’y sa iyo na ang boto ko, ‘no? Actually, sa iyo lang ako boto. Siyempre, friends yata tayo.” At tumawa pa ito nang tila sinusundot ang tagiliran. “Sorry, Ysa. I can’t help it. I’m really surprised na si Kuya lang pala ang makakapagpaamo sa alaga mong tigre sa katawan. Iba ang charm ng kuya ko, ‘no?”
“Oo na, sige na nga. Daanin ba naman ako sa dahas, eh?” natatawa na lang din na sagot niya.
“Ows, diyan naman ako hindi naniniwala. Wala sa pamilya namin ang pagiging bayolente.”
“Eh, ikaw kaya iyong halikan na lang bigla? First kiss pa mandin?” Dumulas na sa labi niya iyon bago pa niya naisip na hindi niya dapat iyon sinabi.
“What?!” bulalas nito. “Tsk! First kiss mo si Kuya? Talaga? Oh, Lord. Teka, alam ba ni Kuya?”
“Ewan ko. Malalaman ba ng isang lalaki kung first kiss siya o hindi?”
“Ewan ko rin. Tanungin ko kaya si Marcus mamaya pagdating niya?”
“Heh! Nakakahiya naman. Huwag mo na akong itsismis. Nakapag-kiss and tell na nga ako sa iyo, eh.” Napahagikgik siya.
“All right. Pero siguro, hindi naman iyon napansin ni Kuya. Siyempre, kapag naman in love ang tao, hindi napapansin iyong movement. Mas focused ang attention sa feelings, di ba? But don’t tell him about that.”
“Kailangan ko bang isikreto?”
“I think, let’s keep that a secret, my future sister-in-law.”
Kinilig siya sa terminong ginamit nito. Kunsabagay, para naman talagang may mina siya ng kilig sa katawan buhat nang maging sila ni Jonas.
“Tiyak, lolobo ang ego niyon.” Narinig na lang uli niya ang boses ni Shelby. “Alam mo naman ang mga lalaki, hindi maintindihan kung minsan. Gusto na makarami tapos Superman ang feeling nila pag sila ang nakauna. Grabe sila, di ba? Pero, Ysa, shock na naman ako, ha? Akala ko lang, pihikan ka sa lalaki. Wala akong kamalay-malay na ganyan ka pala ka---- ah, I don’t know the exact term. Imagine, ilang taon ka na, ngayon mo lang na-experience ang first kiss?”
“Oo na, huwag mo nang ulit-ulitin at pakiramdam ko ay insulto na. Alam ko namang sobrang late bloomer na ako para doon.”
“Hoy, hindi naman. Wala rin namang masama kung ngayon lang nangyari. Ang masama, iyong magpahalik ka sa kung sino na lang na lalaki sa tabi-tabi just to experience a kiss. Aba, special yata ang kiss. Para din iyang lovemaking. You don’t do that with any person but only with someone you love.”
“I don’t know if it’s right to say but I felt that I had a perfect first kiss,” aniyang tila nangangarap ng gising. “Alam mo naman, wala naman akong point of comparison. Basta feeling ko lang perfect siya.”
“Wow!” singhap naman ni Shelby. “You’re in love!”
“Am I?”
“Ysabelle, kung pakiramdam mo ay perfect ang first kiss ninyo, you’re definitely in love! Look, isang beses lang ang first time.” Tinawanan nito ang sinabi. “Walang second time na first kiss. And naturally, you don’t have a comparison. Feelings mo lang talaga ang kokonsultahin mo tungkol doon. And if you felt so great leaving no room for even a little regret, oh, dear…”
“Hindi naman niya ako niligawan,” sabi niya sa tonong nagsusumbong. “Pinadalhan ako ng flowersn at inayang mag-dinner. Tapos the next morning, nagpunta sa bahay. He kissed me. Nagsabi ng “I love you,” tapos kami na raw. Ganoon na daw iyon. Nag-leave of absence sya sa trabaho saka ako inaraw-araw ng date. Eto, mahigit isang linggo na kaming nabubuhay sa text at tawag sa telepono since bak to work na siya.”
Tumawa na naman si Shelby. “Ang importante may communication. Saka maano ba kung hindi kayo nagligawan gaya ng karaniwang nangyayari? Iba-iba naman talaga ang paraan ng pag-ibig. Okay lang iyang sa inyo. Iyon ngang iba, s*x muna, eh.”
“Sobra ka naman!” react niya.
“Don’t be,” sabi nito. “Si Lorelle, ang jeweler ng wedding girls, ganoon ang kaso niya in case you don’t know.”
“Yeah, I remember. Hindi naman niya itinatago ang istorya nila. Nakapanganak na siya nang ikasal siya, di ba? Ako din ang nag-ayos sa kanya.”
“That’s because hindi niya gustong maniwala kay Zach. All along, ang akala niya, habol lang ni Zach na panagutan iyong nangyari sa kanila kaya siya inaalok ng kasal. Alam mo bang ang lakas ng tawa ko nang aminin sa akin nang babaeng iyon kung kailan niya na-realize na mahal din pala niya ang napangasawa niya?”
“Kailan?”
“Nakahiga daw siya sa delivery table at kasalukuyang umiire! Buti na lang ako, since high school, si Marcus talaga ang love of my life ko kaya nang magkita kami uli, ayun na! Ako na ang hindi makahintay. Ako ang nang-seduce sa kanya.”
Siya naman ang napatawa. “Di magkapatid nga pala kayo ni Jonas. Pareho kayong seducer.”
“Bah, ako ang sine-seduce ko, isang lalaki lang. Si Marcus lang. Eh, iyang si Kuya, playboy iyan kaya sigurado ako, hindi lang ikaw ang babaeng inakit niya. And we can’t undo that. Let’s just hope na sana sa kabila ng maraming babae sa nakaraan niya, since ikaw ang present, ikaw na rin ang maging huling babae sa buhay niya.”
“Sana nga,” she said so softly it sounded like a prayer.
“Ysa, let be realistic. I know it’s too early to tell na kayo na nga ni Kuya. I mean, kayo, as in kayo na ang magkakatuluyan. Nagsisimula pa lang ang relasyon ninyo. Pero gusto kong isipin na kayo na nga ang para sa isa’t isa. Not because boto ako sa iyo para kay Kuya but also because you are my friend. Hindi ko gustong masaktan ka, lalo at pag-ibig ang dahilan. At ayoko ding ang kuya ko pa ang makasakit sa iyo. I have never been heartbroken but Marcus was. At sa kuwento niya, parang naramdaman ko na rin kung gaano ba iyon kasakit. Ayokong mangyari sa iyo iyon. What I want to happen to you is to find true love. Sana kay Kuya mo na nga iyon natagpuan.”
Bago pa matapos ni Shelby ang sinasabing iyon ay nangingislap na ang luha sa kanyang mga mata. And when Shelby stopped talking, sa halip na magsalita ay napasinghot na lang siya.
“Ysa, okay ka lang diyan?” untag nito sa kanya. “Hindi ko naman balak magpaiyak ng kaibigan, ah?” biro nito.
“Ikaw, eh. Pinaiyak mo ako,” pabirong sumbat niya.
“O, siya, tumahan ka na diyan. Hindi ko naman sadya na mauwi sa drama itong usapan natin. Love should be more laughter than tears. I want you to be happy, Ysa. Gusto kong maramdaman mo rin kung gaano ako kasaya ngayon sa piling ni Marcus. Uy, in love si Ysa.”
“Oo na.”