15

1296 Words
“NO!” SHE almost cried at mabilis na bumitaw sa binata. “Ysa…” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi ito tama.” At umatras pa upang matiyak ang kanilang distansya. Pero wala rin siyang tiwala. Nasa kanilang mga mata, nasa pagitan pa rin nila ang makapal na tensyong dulot ng sandaling pagkalimot na iyon. At hindi malayong sa muling pagdadaiti ng kanilang mga balat ay tuluyan na silang matupok ng init na sinimulan nila. “Bakit mo sasabihing hindi ito tama?” banayad na tanong ni Jonas. Hindi ito kumilos sa kinatatayuan, tila nais siyang pagbigyan sa distansyang nais niya. “Our kiss is so good. It’s wonderful, Ysa. It felt so very right kissing you.” Ipinako niya ang tingin sa ibaba. Hindi ba’t iyon din naman ang naging pakiramdam niya sa halik na iyon? But still… “I said I love you,” saad nito. “Totoo iyon, Ysa.” “Paano ako maniniwala?” tugon naman niya. He smiled at her. “I asked you about love at first sight. Tinanong kita kasi ako rin, hindi ko alam kung totoo ba iyon. But when I met you, naniwala na akong totoo nga iyon. I love you, Ysa. I really do.” Lumapit ito at inabot siya. Isang sandali na pumiksi siya subalit bahagyang pumisil ang palad nito sa kanya. “I love you, sweetheart. Hindi ka siguro maniniwala kung sa ngayon lang.” Bumuntong-hininga ito at bahagya pang napatingala. “Tapos aalis pa ako. Pipilitin kong makabalik nang mas maaga. Pagbalik ko, I’ll prove to you na totoong mahal kita. I’m going to miss you, Ysa.” Magaan siya nitong niyakap at hinalikan sa sulok ng kanyang mga labi. Tanging pagkurap ng mga mata ang naging reaksyon niya. “Tatawag ako araw-araw. Ite-text kita, sa umaga, tanghali at gabi. Hangga’t magagawa ko, hindi ko ipaparamdam sa iyo na maraming isla ang nakapagitan sa atin.” Then he wrinkled his nose. “And I’m just fooling myself. Dahil kanina nga lang na bago ako pumunta dito, miss na miss na kita, eh.” Nakangiti na napailing lang siya. “Tayo na, ha?” malambing na sabi nito. “Ganoon na ba iyon?” sagot niya. “Ganoon na nga iyon, sweetheart.” Kinabig nito ang batok niya at muli siyang hinalikan. At sa palagay niya ay ganoon na nga iyon. Dahil wala namang pagtutol siyang nararamdaman katiting man, sa halip pakiramdam niya mula kaninang inakyat siya sa alapaap ay hindi pa siya bumababa hanggang sa ngayon. ***** UNANIMOUS ANG PAGPAYAG ng lahat ng bakla sa buhay ni Ysa nang sabihin niyang inaaya na naman siya ni Jonas na mag-date bago ito magbiyahe patungong Cebu. Tamang-tama at hindi naman gaanong maraming customer sa salon kaya wala din siyang guilt feeling na iwan ang trabaho niya roon para maglakwatsa. Dinala siya ni Jonas sa isang floating restaurant sa Cavite. Kaiba sa dinner nila noon ang date nila ngayon. Kain-galore, wika nga ng mga bakla. Iba’t ibang seafood dishes and delicacy ang mga iyon. Parang sa sampung tao ang mga pagkaing nakahain sa kanila. And yet, nang maubos nila iyon parang nagtaka pa silang pareho ni Jonas kung paano nila iyon napagkasya sa kanilang tiyan. Nang umorder sila ng tsaa pagkatapos, nagkatawanan na lang sila. “Who would believe na mas malakas ka pa palang kumain sa akin?” tudyo sa kanya ni Jonas. “Hindi halata!” “Ganoon?” irap niya. “Pakakainin mo ako tapos susumbatan naman pagkatapos.” “Tsk! Napipikon ang sweetheart ko,” naiiling na sabi nito at tinitigan siya. Tumayo ito nang makitang paubos na ang kanyang tsaa. “Tara, maglakad-lakad tayo.” Hindi niya napigil ang matawa. “Saan tayo maglalakad? Sa dagat? Naririto po tayo sa balsa, Jonas.” Bawat grupo ng diners ay nasa isang balsa, depende sa laki ng grupo. Isang makitid na tulay ang nagdurugtong doon sa main restaurant. Depende sa kanila kung gusto nilang pakawalan ang lubid upang magkaroon pa sila ng distansya sa daungan. Si Jonas matapos dalhin sa kanila ang order nilang tsa ay sinenyasan kanina ang nasa control upang pakawalan ang lubid na iyon. “Di, magpaikot-ikot lang tayo dito. Mabuti nga at maganda ang panahon. Kung nagkataon, sa iba pa tayo mapupunta.” “Dati ko nang naririnig itong restaurant na ito pero ngayon lang ako napunta.” Tumayo na rin siya. “Maganda nga pala.” “Mas maganda kapag love mo ang kasama mo.” He winked at her. Napangiti na lang siya. Nag-e-enjoy naman talaga siyang kasama si Jonas. Kung iisipin niya ang lahat ng pocketbooks na binasa niya at idaragdag pa niya ang lahat ng kilos na nakikita niya kay Kelsey at sa staff niya kapag in love ang mga ito, then in love na nga rin siya. At nag-aalangan lang siyang aminin iyon sa ngayon dahil para sa kanya ay ang bilis-bilis ng pangyayari. “I love you, Ysa,” he said. Kapwa sila nakatayo sa pinaka-barandilya ng balsa. Pareho ring nakatanaw sa payapang galaw ng dagat pero si Jonas ay bahagyang pumihit upang mapaharap sa kanya. Nang lingunin niya ito, ikinawit nito ang isang kamay sa kanyang bewang at hinapit siya sa katawan nito. “It’s all right, sweetheart,” he said gently. “Alam ko naman na hanggang ngayon ay parang hindi ka pa rin naniniwala na mahal kita. But I’m glad. At least, you are giving me the opportunity to hold you like this.” At naramdaman pa niya ang paghalik nito sa kanyang buhok. “Eh, ang bilis-bilis naman kasi,” aniyang isinatinig ang nasa isip. “And so? Bakit ba pagtatagalin kung ganoon din naman. Kaya nga love at first sight, di ba? Siyempre, mabilis. Something like whirlwind.” “Alam mo ba iyong sinasabi ng iba?” Kumilos siya at tiningala ito. “Too soon of everything might spoil the whole thing.” “Eh, alam mo ba kung ano naman ang nasa isip ko?” seryoso ring wika nito at pinagmasdan ang buong mukha niya. “Ano?” At hindi niya naiwasang maramdaman ang pag-apaw ng antisipasyon sa kanyang puso. “I want to kiss you, Ysa. Now.” At bumaba ang mukha nito sa kanya. She closed her eyes. At naramdaman niyang nasabik din siya sa halik na iyon. But she remembered one thing. Her eyes opened in a snap. “No.” Kasabay ng pag-iwas niya ng mukha dito. Nabitin din ang pagtawid ni Jonas sa pagitan ng kanilang mga labi. “What do you mean no?” Bakas ang pagtutol sa buong mukha nito. Napangiti siya sa reaction nito. “Kasi ano, eh. Amoy-alimango ang bibig ko.” Napatawa ng lang din si Jonas. “Conscious,” tudyo nito. “Sige na nga kung ayaw mo, di yakap na lang.” Hinapit siya nito sa bewang. Pero mayamaya ay kumilos upang pumwesto sa kanyang likuran. Magkasalikop ang mga kamay na niyakap nito ang kanyang bewang. Humilig naman siya sa mismong dibdib nito. Her hands rested above his. Tila nararamdaman din niya ang bawat pagkabog ng dibdib nito. And she allowed herself to believe that every beat of his heart was for her. He settled his chin on top of her head. “I love you, Ysa. I’m really in love with you.” Humaplos ang mga palad niya sa mga kamay nito. “I think I love you too, Jonas. I’m just confused at the moment.” “I understand, sweetheart. There’s no rush. Just allow me to love you. And I now, sooner than you expect, you will admit that you love me too.” Kung gaano sila katagal sa ganoong posisyong ay hindi niya nabilang. Basta alam niya, masaya siya na katabi ito. Pakiramdam niya, isang matibay na moog ang sinasandalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD