14

1155 Words
BAGO ANG tawag ni Jonas ay nakatanggap na naman si Ysabelle ng bulaklak mula dito. Roses again. Mas marami subalit iba’t iba naman ang kulay. At siyempre pa, hindi lang siya ang humanga doon pati rin ang kanyang staff. Araw ng Lunes kaya naman hindi rin dagsa ang kanilang kliyente sa salon. Matapos iayos ang mga dapat gawin, ibinilin niya kay Ginger ang kaha at umakyat. Ganoon naman ang routine niya palibhasa ay siya ang nasa ibaba lang, sagot na niya ang paglilinis ng bahay nila ni Kelsey. Kalahati ng mga bulaklak ay dala niya nang umakyat. Hinarap muna niya ang pag-aayos niyon sa vase bago nagsimulang maglinis. Tagaktak na ang pawis niya at ramdam niyang nanlalagkit na siya sa alikabok nang marinig niya ang tunog ng doorbell. Pagsilip niya sa peephole ay nagulat pa siyang si Jonas ang makitang panauhin. “Naligaw ka?” bati niya dito nang pagbuksan ng pinto. “Halika, pasok.” “Salamat. Sabi ng mga tao sa ibaba, umakyat na lang daw ako dito, eh. Wala ka bang balak na bumaba?” “Kung maraming client doon, bababa ako. Pero usually, nandito ako sa itaas. Naglilinis, nagliligpit.” “Halata nga,” nakangiting sabi nito at tumaas ang kamay sa kanyang ulunan. “May agiw ka.” At ipinakita pa iyon sa kanya bilang ebidensya. “Bakit ka narito?” “Dinadalaw ka. Gusto kitang makita.” “Sa itsura kong ito? If you’ll excuse me, I’ll take a shower first and—” “It’s all right, Ysa. Maganda ka pa rin.” Iirapan niya sana ang tinuran nitong iyon pero sa halip ay napangiti na lang siya. “Upo ka muna. What do you want, juice, coffee—” “Just you.” Napatitig siya dito. “Hanggang ngayon, hindi ko alam kung kailan ka ba nagbibiro lang o seryoso.” “At gaya naman ng sabi ko sa iyo last time, madalas kaysa hindi ay seryoso ako. I don’t want anything. Basta gusto lang kitang makita.” Sa halip na maupo ay humakbang ito palapit sa kanya. “I’m going back to Cebu, Ysa.”  Hindi niya alam kung nag-iilusyon lang siya pero parang nahimigan niya ang lungkot sa tono nito. Parang nalungkot din siya para sa sarili. “Hindi ba’t doon ka naman talaga naka-base?” maya-maya ay tanong niya. “Yeah. And I regularly come to Manila once a month. Bihira lang naman akong pumalya ng uwi. Pero magbabago na siguro iyon. Susubukan kong makaluwas nang mas madalas. Kung puwedeng linggo-linggo, gagawin ko. I’m going to miss you, sweetheart.” Hindi siya kumibo. Ano ba naman ang isasagot niya doon? Alangan namang sumagot siya na mami-miss niya rin ito. May possibility nga na mami-miss niya. Pero paano kung hindi naman pala? “Salamat nga pala sa flowers,” naisip na lang niyang sabihin nang makitang tila naghihintay ng tugon si Jonas. “Salamat din na hindi mo ako sinabihang hindi naman kailangan na magbigay ako ng flowers. Ysa, I hope you’ll miss me, too,” he said. Ikinabit lang niya ang balikat. “Ewan ko.” “I have an idea, Ysa,” anitong isinuksok sa magkabilang bulsa ang mga kamay. “Idea saan?” “Para siguradong ma-miss mo ako.” He smiled. “What?” inosenteng tanong niya. “Ganito.” He bent his head and kissed her. She was stunned. Walang-wala talaga siyang ideyang gagawin nito iyon. And he was not even crowding her. Ang mga kamay nito ay nanatiling nakasuksok sa mga bulsa. Iniarko lamang ang katawan upang magtagpo ang kanilang mga labi. Kung gugustuhin ni Ysabelle na itulak ito upang huwag payagan ang halik na iyon, malaya niyang magagawa. She tried to look at him subalit bago niya iyon nagawa ay naagaw na ng estrangherong pakiramdam ang buo niyang sistema. It was her first kiss. Finally! iyon ang tila ang sigaw ng bawat himaymay ng kanyang utak. Magbunyi!  At ultimo kaliit-liitang himaymay ng laman niya ay nagsusumigaw na damahin niya ang karanasang iyon. Ang tamis ng unang halik. At nagpatangay nga siya sa kapangyarihan ng dikta na iyon. The kiss felt like riding on the Ferris wheel. Dinadala siya sa kaitaasan, pinalalasap sa kanya ang pakiramdam kung paano makamtan ang ulap at saka siya tila ibinubulusok paibaba. Or maybe she should say it was like riding a roller coaster. Walang-wala sa normal ang pagtibok ng kanyang puso. At nakapagtatakang sa labis na bilis ng t***k niyon ay nananatili pa rin iyon sa kinalalagyan. Tila wala ring laman ang kanyang tiyan. Sa wari ay naglaho iyon upang lalong gumaan ang kanyang pakiramdam. Dahil sa halik na iyon ay halos makalimutan na niya nag mga nangyayari sa paligid niya. Ang nasa isip lang niya ngayon ay ang mga labing umangkin sa kanya at ang lalaking nagmamay-ari niyon. “Oh, God. Mas lalo kitang mami-miss nito,” pabulong na wika ni Jonas at saka siya niyakap. Pakiramdam niya ay nasa loob pa rin siya ng isang napakagandang panaginip. Sinasabi niya sa sarili na hindi dapat ang nangyari subalit kahit isang hibla ng buhok niya ay hindi yata niya makukumbinse. The kiss felt so right. Ni hindi niya magawang manghinayang na tumuntong pa muna siya sa edad niyang iyon bago niya nalasap ang unang halik. It felt so perfect, a perfect kiss with the perfect man. “I love you, Ysa,” bulong ni Jonas sa mismong mga labi niya. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na ulitin kahit sa isip ang mga salitang narinig. Dahil minsan pa ay inangkin ni Jonas ang kanyang mga labi. At sa pagkakataong iyon ay mas malalim, mas mapangahas, mas mainit. Natutuhan niyang gumanti sa halik na iyon. His lips and tongue coaxed her own to respond. Bagaman may hiya sa kilos niya, unti-unti ay ginaya niya ang ginagawa nito sa kanyang mga labi. At ang ungol na umugong mula sa lalamunan nito ang tila naging signal na tama ang kanyang ginagawa. Soon they were kissing each other almost hungrily. Walang makapagsasabi na bago pa lamang siya larangang iyon. They were locked in an intimate embrace. At nang tila hindi na makuntento sa basta yakap lang ay nagsimulang maglakbay ang mga kamay. Parang may gatong na gumagapang sa kanilang katawan. May init na nagsisimulang umapoy. Sa mga palad ni Jonas ay kusang nagkaroon ng sariling buhay ang kanyang mga dibdib. It felt full and flushed. And the aching of her twin buds was hard to deny. Sa halip na iiwas niya ang katawan ay mas lalo pa niyang binigyan ito ng laya na damahin ang dibdib niya. Ibaang intensidad ng mga yakap at haplos nito sa kanya. May takot siyang nadama. Mas takot siya sa sarili kung paanong ganoon na lamang din ang init ng pagganti niya sa bawat pagdama nito sa kanya. Ramdam niyang bumibitiw ang kanyang sarili sa inilagay niyang kontrol, at kung tuluyan iyong mawawala sa kanya ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD