“OH, GOD,” Jonas breathed upon seeing her.
“Hi!” may pagkaasiwa namang bati niya. “Nainip ka ba?”
Mabilis itong umiling. “No.” At humakbang ito palapit sa kanya. “You’re so beautiful, Ysabelle. Kahit siguro inabot ng isang oras ang paghihintay ko ay hindi ako magrereklamo.” At minsan pa ay hinagod nito ng tingin ang kanyang kabuuan.
“Thank you. Ikaw din naman. You looked… gorgeous.” At hindi niya napigil isiping iyon nga yata ang salita na akma sa personalidad ng lalaki. Pero naisip niyang tila understatement pa rin iyon kung ang iisipin ay ang anyo nito ngayon. He looked more than gorgeous. He was elegant. A six feet two inches of pure masculine appeal.
“Shall we?” aya nito.
“Yes.”
“Si Kelsey nga pala?” anito pagkuwan.
“Mamaya na lang daw siya lalabas.” Tumango na lang ito at inalalayan pa siya sa kanyang siko nang bumaba sila.
“Iyan ang kotse mo?” Magkahalo ang paghanga at pagkagulat sa kanyang tinig nang makita ang sasakyan nila.
“Yes. Ayaw mo diyan?” nakangiting wika nito.
“Sino ang aayaw diyan?” sagot niya na napangiti na lang din.
It was a sleek, shiny black sports car. Ang uri ng kotse na sa kalendaryo at TV pa lang niya nakita. At maging ang mga motorista ay napansin niyang bahagyang nagmemenor ng takbo at pinag-uukulan ng humahangang tingin ang sasakyan.
Like a true gentleman, inalalayan din siya ni Jonas sa pagsakay sa kotse. Nakaupo na ito sa harap ng manibela nang muling magsalita.
“Did I impress you?”
“Are you trying to impress me?” ganti naman niya.
Tumango ito. “And I want to please you too.”
“Bakit?”
“You deserved to be pleased.” Binuhay na nito ang makina. “I love this car,” he said, grinning from ear to ear.
“Kahit naman ako, mamahalin ko rin ang ganitong kotse,” ayon niya at hinaplos niya ang state-of-the-art dashboard. Akala niya ay sa loob lang ng kotse ni James Bond makikita ang ganoon.
“Kung ako naman ang tatanungin, mas gusto kong mahalin mo ang may-ari nitong kotse.”
Bigla siyang naumid. Kahit ang dashboard na hinahaplos ay tila uminit. Inalis niya ang kamay doon at ipinatong sa sariling kandungan.
“Hindi ka n kumibo. Masama ba iyong sinabi mo?”
“Ewan ko. Hindi ko naman alam kung seryoso o biruan lang ang pinag-uusapan natin.”
“Ako, seryoso naman ako sa mas maraming bagay. Kahit mura lang sa akin ang ngiti at tawa, kapag naman sinabi ko, seryoso ako doon. Just like what I’ve said. I would really prefer if you love me more than this car.”
“B-bakit naman tayo mag-uusap ng tungkol sa love? Inaya mo lang naman akong makipag-dinner date sa iyo.”
Sandali siya nitong nilinga at tila inisip kung ano nga ba ang susunod na sabihin. “I think I will fall in love with you, Ysabelle.”
Minsan pa ay nawalan siya ng sasabihin. Sa kawalan ng reaksyon ay naiangat lang niya nang bahagya ang kilay. Mannerism na niya iyon kapag hindi siya makapag-isip ng isasagot.
“Hindi mo ba ako tatarayan man lang?” may panunudyong untag ni Jonas sa pananahimik niya. “O irap man lang kaya? Kinakabahan ako kapag ganyang wala kang reaction. Ang sabi sa akin ni Shelby, ihanda ko ang sarili ko sa katarayan mo. Eh, mukhang mas nakakatakot ka pala pag hindi ka kumikibo. Di ba, sabi nga ng iba, all bark and no bite is more harmless than silence?”
“Paano naman ako magtataray kung wala namang ipagtataray?” sa halip ay sagot niya. “Hindi ba kalokohan naman na pumayag akong sumama sa iyo tapos tatarayan lang kita?”
“Yeah, right.”
“I WANT to apologize, Ysa,” bulong sa kanya ni Jonas nang nagsasayaw sila sa saliw nang mabagal na tugtog sa restaurant na iyon.
“For what?”
“For my rudeness when I first danced with you. But let me also say that I didn’t have to intention to offend you. This may be blunt but I just want to be honest. I wanted to seduce you then, that was my real intention. ”
Bahagya siyang natigilan. Pero mabilis niyang natanto na dahil lang iyon sa pagkagulat at hindi sa panibagong insulto. And she couldn’t understand. Dapat ay maramdaman niyang tila siya nabastos subalit hindi naman iyon ang naramdaman niya. at naisip din niya, bakit ba siya mababastos kung nagsasabi lang naman ng totoo ang binata?
“Why do you want to seduce me?” she dared to ask.
“Because I’m very much attracted to you.” At tila upang patunayan ang sinabi ay bumaba nang kaunti ang kamay nitong bahagyang nakayakap sa likod ng kanyang bewang. Naramdaman din niya ang pagdiin nito na lalo pang nagdikit sa kanilang mga katawan.
Napalunok siya. kung sa ibang pagkakataon ay malamang na itinulak na niya ang kasayaw. Pero hindi naman iyon ang nararamdaman niyang kailangan niyang gawin ngayon. Sa halip, kabaligtaran pa nga. Tila siya mismo ang may nais na isiksik pa ang sarili kay Jonas.
“Are you trying to seduce me again right this moment?” pabulong na tanong niya dito.
“I’m trying to feel you because I don’t know if I will be given another chance after this. Ysa, I like the feel of your body against mine.”
Napangiti siya. Ang totoo ay ganoon din naman ang pakiramdam niya.
“Balik na tayo sa mesa?” tanong sa kanya ni Jonas nang marinig nilang papatapos na ang tugtog. “Parang masakit na ang balakang ko, eh. Nirarayuma yata.”
Napatawa siya nang mahina.
She had a wonderful evening. Kung anuman ang pangit na impresyon niya kay Jonas noong una ay nabura ng masasayang sandali nang gabing iyon. Jonas proved himself to be a nice man, gentleman and thoughtful. And had his own sense of humor.
Paano ba siya magtataray kung mas marami sa mga sandaling iyon ay nagagawa ng binata na mapatawa siya?
Wala pang hating-gabi nang ihatid siya nito pero tahimik na sa paligid ng salon. nang pumanhik sila, nakita niyang patay na rin ang ilaw sa silid ni Kelsey. May dala naman siyang susi kaya sa halip na kumatok pa ay ginamit na lang niya iyon.
“Let me,” ani Jonas na kinuha sa kamay niya ang susi.
Hindi naman niya nagawa nang umatras kaya minsan pa ay nagkadaiti ang kanilang mga katawan. Pero walang salitang namutawi sa mga labi niya. nabuksan ni Jonas ang pinto at ito pa ang kumapa ng ilaw at sinindihan iyon.
Pagpihit nito ay nagtama ang kanilang mga mata. She felt everything was suddenly suspended in air. For some moment neither of them moved. The cool night, the whisper of the air through the Japanese bamboo plants in the terrace, the distant hum on traffic on the road, the silvery moonlight; lahat ng iyon ay dama ni Ysabelle sa likod ng kanyang isip subalit ang kanyang mga mata pati ang bawat pagtibok ng puso ay nakatutok kay Jonas.
At pagkuwa ay humakbang ang binata palapit sa kanya.
Pinigil niyang mapalunok. But her heart was doing a somersault. Alam niya, hahalikan siya ni Jonas.
Pero hindi niya ito papayagan.
Dahil sa kabila ng ligayang naramdaman niya sa pagsama niya dito sa gabing iyon, hindi pa rin siya handa na magkaroon ng kumplikasyon ang tahimik na takbo ng kanyang buhay.
Kahit na nga ba ramdam niyang katok na ng pag-ibig iyon.
But still, Jonas was slowly coming to her. At ngayon nga ay unti-unti nang nawawala ang distansya ng kanilang mga mukha.
May isang sandali na tila naparalisa ang buo niyang katawan.
Naipikit na lamang niya ang mga mata at isinuko ang lahat ng pagtutol sa nakatakdang maganap.
“Thank you for a wonderful evening,” mahinang sabi ni Jonas.
Bigla ang pagdilat ng kanyang mga mata. At iiwas man niya ang tingin ay alam niyang nahuli na ni Jonas ang kanyang naging reaksyon. And she wanted to curse herself. Sapagkat nasa bukas ng mga mata niyang iyon ang pagkagulat. At panghihinayang.
“G-goodnight,” wika niya.
Ngumiti ito sa kanya. “Good night. I’ll call you tomorrow.”
Tumango na lang siya at pumasok na. Nagpalitan sila ng tango bago niya ganap na inilapat ang pinto. Doon siya mismo sumandal matapos iyong ipinid. Isang paghinga ang ginawa niya at saka pumikit.
Something like disappointment welled in her throat. Pero bago pa iyon tuluyang kumalat sa buong sistema niya ay muli na siyang dumilat at kumilos upang tunguhin ang kanyang silid.
Bakit ba niya iyon mararamdaman? Siya nga itong nagsasabing hindi pa siya handang makipagrelasyon.
But no doubt about it, she was indeed disappointed.
At hindi niya maintindihan kung tatawa na lang ba o iiyak.