11

1405 Words
ALAS SAIS PA lang ay hindi na maiwasan ni Ysa ang maya’t mayang pagsulyap sa wall clock. Alas siete pa ang appointment ni Jonas pero buhat nang mag-set ito ng appointment kaninang tumawag ito ay hindi na siya mapakali. Umiikot ang tingin niya sa nagkalat na rosas sa paligid. Palibahasa ay artistic ang mga kasama niya. Nai-adorno ng mga iyon sa buong salon ang padala nitong bulaklak. Kayapaano mawawala ito sa isip niya gayong kahit siya bumaling ng tingin ay nagpapaalala iyon kay Jonas mismo. Nagpapasalamat siya na madami din silang customers sa araw na iyon. Less tulala moment sa kanya kung tutuusin. Dahil kung nagkataon na matumal sila, malamang mahuli siya ng mga staff niya na nakatulala. Lumalakad ang oras ay mas madalas ang tingin niya sa relo. Mukhang nagdilang-anghel si Jonas. Dumating ito limang minuto bago mag-alas siete. Ang kaso, si Ginger naman ang hindi makawala sa naunang customer. Tumagal kaysa karaniwan ang ginagawa nitong service sa customer kaya naman ang naapektuhan ay si Jonas na siyang susunod. “Madam, hindi na carry ng powers ko na mag-foot spa. Paano ba iyan?” pabulong na sabi ng bakla sa kanya. “Sayang. Iyan ba si TG&P?” “TG&P?” ulit niya. “Tall, gorgeous and playboy. Iyan ang nagpadala ng bulaklak, di ba? Nasa itsura niya, madam. At ibang klase ang tingin sa iyo.” “Mukhang may pagnanasa?” “Ay! Sana sa akin din may tumitingin na may pagnanasa. Yes, pero mas mukhang in love kaysa mukhang nagnanasa,” bungisngis ng bakla. “Pero desire and love goes hand in hand, di ba? Puwede bang mauwi sa romance ang affair kung walang desire? Juice ko, madam, ang guwapo-guwapo! Kung hindi lang loyal client ng salon ang hawak ko, gusto ko nang i-service iyang si TG&P. kahit libre na nag TF ko.” “Luka-luka ka. Siya, balikan mo na iyong client mo at ako nang bahala,” wika naman niya. Dinampot niya ang telepono at tinawagan si Kelsey. “Hindi ka pa ba uuwi? Ang daming customer dito.” “Ay, dito din, sistah! Sa totoo lang, masakit na nga ang balakang ko. Dalawang beses na akong nag-pedicure, ‘no? Nagka-emergency iyong staff natin dito kaya no choice, mag-TLC ako sa mga kuko ng customers natin.” “Okay,” aniya sa tonong talunan. “Ingat na lang pag-uwi mo.” “’Kay. Mamaya, pag-usapan natin. Magdadagdag na tayo ng staff. Babush!” Pagkababa ng telepono ay sinulyapan niya si Jonas na nasa waiting area. Nagmamasid ito sa paligid. Pero tila naramdaman na nakatingin siya kaya bumaling ito sa gawi niya. Ngumiti ito. Gumanti din naman siya ng ngiti. At parang luka-lukang idinepensa agad ang ginawang iyon. Customer nila si Jonas, dapat lang na maging magiliw siya. Sapat na ang katarayan niya nang nakaraang gabi. Ini-lock niya ang kaha at ikinuwintas ang susi saka tinungo ang kanilang supply room. Isinuot niya roon ang apron na may logo ng K&Y Salon. Inihanda niya ang maligamgam na tubig na may scented oil sa foot bath at bitbit ang iba pang paraphernalia na lumabas na. Gaya ng ginagawa nila sa ibang customer, tiniyak niyang maayos ang area bago bumalik kay Jonas. “This way, sir,” nakangiti pero distant ang tono na lapit niya kay Jonas. Bumadha naman ang gulat sa mukha nito matapos pasadahan ng tingin ang suot niyang apron at gloves. “Ikaw ang gagawa?” Tumango siya. “Natupad ang wish mo.” “Huwag na lang kaya?” Nasa tono nito ang totoong pagdadalawang-isip. Oo nga, huwag na lang, ayon naman ng isip niya. “It’s up to you, sir.” “Sir na naman?” disapproval ang pumalit sa tinig nito. “Client ka dito,” sabi na lang niya. “And so? I prefer to be called Jonas. At narinig ko na sa iyo na tinawag mo ako sa first name. Bakit hindi na lang ganoon palagi?” Hindi niya pinansin ang narinig at iminosyon ang area kung saan ito ito na lang ang hinihintay para sa foot spa service. “Doon na tayo.” “I changed my mind,” bigla ay wika ni Jonas. Gulat na napatingin siya dito. Hindi niya tiyak kung ang mas nakagulat sa kanya ay ang pagbabago nito ng isip o ang tila pagdiin ng tono nito. Ilang sandali na nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang duda na sigurado si Jonas sa salitang binitiwan nito. Pero tila hindi lang iyon ang mensaheng ipinararating nito sa kanya. His eyes were telling more meaning. At malayo iyon sa kung itutuloy pa ba nito ang pagpapa-foot spa o hindi. Her heart skipped a beat. Mula pa nang una niyang makita si Jonas, tila may kapangyarihan ito na tibagin ang mga depensang ipinalibot niya sa kanyang sarili. At hindi pa siya handa kung kaya na nga ba niyang mawala ang mga depensang iyon. “It’s okay,” kaswal na sabi niya. “Mayroon naman talagang client na nagpapa-cancel ng appointment.” “Ysa,” he said gently. “Kung hindi ikaw ang gagawa sa akin, I won’t cancel my appointment. Pero ikaw pala so, I’m changing my mind.” “Ayaw mong ako ang gumawa sa iyo? All-around din naman ako dito.” “I don’t care. Nagbibiro lang ako sa sinabi ko sa iyo kanina sa telepono—about you, doing the service to me I mean.” “Bakit?” hindi niya natiis na di-itanong. Ikinabit nito ang balikat. “Look I have nothing against that kind of work. Mag-a-avail pa nga sana ako, hindi ba? Pero hindi ko talaga gusto na ikaw ang gagawa ng ganoong serbisyo sa akin. I simply can’t imagine such thing. Hindi ako kumportable. Look, if I have to pay for canceling  my appointment, singilin mo na lang ako.” “Ay, hindi naman kami ganoon dito. Kung cancel, di cancel. Ganoon lang naman kasimple.” “Hindi ko ine-expect na ikaw ang gagawa. Biro lang iyon sa akin kanina.” “Well, wala akong magagawa kung iyan ang paniniwala mo. No big deal, okay? Excuse me, ililigpit ko na lang iyong mga gamit.” Tinalikuran na niya ang binata. Ibinabalik niya sa supply room ang mga kinuha roon kani-kanina lang nang maisip niyang dapat ay magpasalamat na rin sa desisyon ni Jonas. Siya man ay nakaramdam ng awkwardness sa sitwasyong iyon. Nang bumalik siya sa reception counter upang balikan ang talagang trabaho niya roon ay nakita niyang doon din naghihintay si Jonas. “You’re still here,” wika na lang niya sa kawalan ng sasabihin dito. Nilagpasan niya ito at pumasok sa counter. “Why not?” narinig niyang sagot nito at dumukwang pa nang bahagya sa kanya. “Mayroon pa akong gustong sabihin sa iyo.” “Ano iyon?” tugon niyang hindi nagpakita ng labis na interes. Pero imposibleng hindi niya mapansin ang matamis na ngiting ibinigay sa kanya ng binata. “I’m glad that you appreciate the roses.” Sandali nitong iginala ang paningin sa mga vases na pinaglagyan ng mga bulaklak at pumako pa iyon sa mismong flower vase na nasa counter. Ang mga bakla sukat sinadyang tatlong rosas ang ilagay sa vase na pinakamalapit sa kanya. Napangiti na rin siya. “Magaganda namang talaga ang mga bulaklak. Pinaghati-hati namin sa mga lalagyan para hindi lang isang lugar ang maging romantic tingnan.” “Romantic,” maagap na sabi nito. Napatingin siyang muli dito at naglapat ang mga labi. Alin sa dalawa, kung hindi siya nabigla lang sa gamit ng salita ay nagkamali siya talaga ng termino. “Romantic naman talaga ang roses,” asiwang wika niya. “Don’t be defensive,” nakangiting wika nito. “Nagbibiro lang ako. Next time, dadamihan ko pa ang roses.” “May next time pa?” “Why not?” “Hindi naman kailangan. Ang mahal-mahal ng mga bulaklak na iyan, I’m sure.” Tumawa nang mahina si Jonas. “You amused me, Ysa. Hindi ko alam na conscious ka pala sa price tag.” “M-medyo,” amin naman niya. “Paano iyan, iimbitahin pa naman sana kita sa isang dinner. Formal dinner ang nasa isip ko. Huwag mong sabihing ang mahal ng ganu’n?” “In the first place, hindi pa naman ako pumapayag.” “Bakit ka naman hindi papayag?” sabi nito, tonong nangungumbinse. “I really want to invite you to dinner.” Minsan pa ay napatingin siya dito. At nag-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD