10

1228 Words
HINDI napigil ni Jonas ang mapangiti nang ibaba ang telepono. Sa pinag-usapan nila, ang mas tumining sa isip niya ay ang tila pagka-shock ng dalaga nang tanungin niya ito ng tungkol sa love at first sight. Bagaman hindi niya ito nakita, parang kay dali namang buuin sa kanyang imahinasyon ang naging ekspresyon ng mukha nito. Isang magaang paghinga ang ginawa niya. hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito kasaya ang pakiramdam niya. For somebody who was used to having women around, ramdam niyang iba pa rin ang dating sa kanya ni Ysabelle. He couldn’t let her out of his mind. Nasa Cebu na siya ay hindi pa rin ito mawala sa isipan niya. In fact, matapos matiyak na maayos ang trabahong iiwan niya sa Cebu ay nagdesisyon siyang bumalik din agad sa Maynila. “Aba! Parang Divisoria na lang yata ngayon Ang Cebu at Maynila,” puno ng pagtatakang sabi ni Shelley nang mapagbuksan siya nito ng pinto. “Naku, Mommy, huwag ka nang magtaka. Malamang babae ang dahilan,” sabad naman ni Shelby. Busy ito sa kusina nang datnan nila doon. “Malay mo naman na-miss ko lang sina Daddy at Mommy dito?” sagot niya kay Shelby matapos humalik sa ina. “Nasaan nga pala si Daddy?” “Nasa meeting. May reunion daw ang high school batch nila. Kasali siya sa organizing committee.” Tinitigan siya ng ina. “Hoy, Jonas, matanda na ako. Huwag mo na akong nami-miss diyan dahil dati halos magmakaawa pa ako sa iyo na umuwi ka dito, ang dami mong dahilan.” “Bumabawi nga ako sa iyo ngayon, Mommy.” Niyakap pa niya ito. “Ay, pati ba naman si Mommy bobolahin mo pa. Kumain ka na lang. Gutom at pagod lang iyan sa biyahe.” Naghain si Shleby ng baked mac. “Anong gusto mo, kape or soft drinks?” “Naks naman, parang love niya ako kung pagsilbihan ako. Kape na lang please.” “Ay, hindi, mas kelangan mo ng soft drinks. Coke or Sprite?” “Tinanong mo ako ayaw mo din akong bigyan ng gusto ko,” sabi niya sa kapatid. “Umiwas ka muna sa kape. Baka maging nerbyoso ka at lalo kang hindi makaporma kay Ysa.” Napatawa siya nang malakas. “So ang hinala mo talaga kaya ako nandito ngayon dahil diyan sa kaibigan mong gusto mong maging hipag?” “I can feel it in my bones, Kuya.” “Kung ganoon nga, bakit hindi mo ako ilakad sa kanya?” “Malaki ka na ‘no? Kaya mo na iyan.” Ibinaba nito sa kanya ang isang lata ng Coke. “Iyan, sugar-free. Concern din naman ako sa health mo.” “Thanks. Mommy, nagmeryenda ka na?” baling niya sa ina na hindi ginagalaw ang pagkain sa mesa. “Mamaya na ako, hihintayin ko ang daddy ninyo.” “Aw, sweet,” bulalas ni Shelby. “Idol kita, Mommy. Gawain ko na rin iyan ngayon kay Marcus.” “Oh, speaking. Nasaan nga pala si Marcus? Saka bakit ka nga pala nandito? Hindi ba’t honeymoon ninyo?” “Postponed ang honeymoon trip. Sinamaan ako ng pakiramdam noong bago kami umalis. Naglilihi nga kasi ako, di ba? Nag-decide kami na saka na lang magbiyahe. And since wala akong kasama maghapon sa condo, hinahatid ako dito ni Marcus bago siya magtrabaho.” “Tapos hindi ka kakain habang wala siya?” “Ay grabe siya. Ano ako, timang? Siyempre hindi ko naman gugutumin ang sarili ko, ‘no? Nagtitira lang ako ng space sa tiyan ko para pagdating niya at kakain na, may kasabay din siya.” Tumawa siya uli. “Akala ko talaga nagpapakadakila ka.” “Pero ako iyong akala ko na si ysa ang dahilan kaya ka nandito, tamang-hinala ako, ‘no?” Yes, dahil nga iyon kay Ysabelle. He couldn’t get over the impact she’d had on him.  At isa pa, ang tanong niyang iyon kay Ysa ay halos tanong niya rin sa kanyang sarili. Madali siyang ma-attract sa mga babae na siyempre pa ay magaganda pero iba ang dalaga. She was pretty—so pretty na kapag nagsisimula nang magtaray ay para bang lalo pang tumitindi ang gandang iyon. And he first thought he was only challenged, lalo na nang iwan siya nito sa dance floor. Pero pagkaraan ng ilang araw at pagkatapos na warning-an siya ni Shelby na huwag na niyang sundan pa si Ysabelle kung hindi rin siya sigurado, parang natanto na rin niya na hindi basta paghamon lang ang napukaw sa kanya ng dalaga. He remembered when he first saw her. He took one look and he knew Ysa was going to be very important to him. Pero noon ay tinawanan lang niya ang ideyang iyon. Why, ganoon at ganoon din naman ang naiisip niya basta nagkakaroon siya ng atraksyon sa isang babae. Maybe he was particularly became interested because of what he heard from Shelby. Malay mo maging hipag kita. Paulit-ulit na ang linyang iyon sa memorya niya. Parang sirang plaka pero sa tuwing maaalala niya ay ibang kilig ang hatid sa kanya. But he realized lately, sa wari ay nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ang ganoon niyang palagay. Something was nagging him that Ysabelle was different. At nito ngang huli ay nais na niyang maniwala na iba nga si Ysabelle. Dahil kung kagaya lang ito ng ibang babae na pagkatapos siyang isnabin at soplahin, magkikibit lang siya ng balikat at ibabaling ang tingin sa iba. Bakit ba hindi ay ang dami namang iba pang magagandang babae? Ang iba nga ay hindi na niya kailangan pang suyuin. Ilang beses lang niyang titigan ay para nang clay na naihuhubog na niya ayon sa kanyang nais. And Ysabelle was not definitely like that. At hindi lang basta naging challenge ang masaling nito sa kanyang ego. There was something more. Something like love? Isa na namang paghinga ang ginawa niya. Ngayon lang niya ikinabit ang salitang pag-ibig sa pag-aanalisa niya ng damdamin niya sa isang babae. He believed in love, yes. Pero hindi pa niya naranasan ang klase ng pag-ibig na maaaring magtanggal ng “allergy” niya sa salitang kasal. He was a ladies’ man pero ang kasal ay isang bagay na seryoso sa kanya. He vowed to himself that he won’t trap himself into marriage unless it was a strong love that would dictate him to do so. Natatandaan din niya nang makasayaw niya si Ysabelle. The moment he felt her body against him, damang-dama niya sa sarili na hindi na niya nais magkahiwalay ang kanilang mga katawan. And he was also sure it not because of the desire that he felt for her. It was more than desire. Over the years, he had met many beautiful and sexy women. And none of them had moved him beyond surface attraction. He was accustomed to beautiful women, or so he thought. Sapagkat nang si Ysabelle ang makatagpo niya, tila nagbalik sa kanya ang pakiramdam noong bata pa siya—na tila mapapaihi sa labis na excitement dahil nasilayan niya ang crush niya. At sa isiping ilang oras lang ang ipaghihintay niya ay makikita niya uli si Ysabelle, lalo pang nag-ibayo ang excitement na iyon. He couldn’t contain the impish grin on his lips. Kung hindi nga lang kalabisan ay malamang na tumawag uli siya sa flower shop at padalhan ng bulaklak si Ysabelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD