21

1212 Words

SA TERRACE siya dinala ni Jonas. Ilang sandali na wala silang kibuan. Basta magkatabi lang, kagaya halos ng ayos nila noong nasa floating restaurant sila at nakasandal sa barandilya. Then their eyes met. Hindi na niya napigil ang pagpatak ng luha at yumakap kay Jonas. Awtomatiko naman ang ginawang pagyakap sa kanya ni Jonas. He didn’t say a word. Hinayaan siya nitong lumuha nang tahimik at ramdam niya ang masuyong paghagod nito sa kanyang likod. Pagkuwa ay siya rin ang bumitaw dito at pinahid ng likod ng palad ang basang pisngi. “Baka sabihin mo, drama queen ako,” aniya, pilit na pinasisigla ang tinig. “Maupo nga tayo,” wika naman ni Jonas at inakay siya sa bakal na bench. “Baka himatayin ka’t di kita masalo, bigla kang umatras sa kasal natin.” Dinunggol niya ng siko ang tagiliran ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD