“JUICE ko, sister! Isang litrong juice!” tili ni Kelsey habang hindi malaman kung titingnan ang singsing na suot niya o yayakapin siya. “Totoo nga, Ysa! This is really it!” “Para ka namang si Tanging Ina Ai-Ai,” aniya na hindi rin mapigil ang mapangiti. Mula ulo hanggang paa nito ay hindi maitatanging excited para sa kanya. “Ang suwerte mo, bruha! Kahit sobrang cruel ka sa mga lalaki, hindi ka na-karma!” “Maka-cruel ka naman diyan,” irap niya dito. “Huy, mabait naman ako. Hindi ako naniniwala na maka-karma akokung nambasted man ako ng mga lalaki in the past.” “Haaayyy,” sabi ni Kelsey na tila nangangarap ng gising. “Imagine, first love mo, kasalan agad? Sana’y ganyan din ako, di ba? Kaso, puwede bang buwan-buwan, napi-first love?” “Okay lang ba, Kel? Ang bilis ng engagement namin. An

