7

1175 Words
“IN FAIRNESS, guwapo si Papa Jonas,” tumitirik-tiri k ang matang wika ni Kelsey nang umakyat na ito. “At nag-tip pa. Malaki, sister. Galante ang latest na nabighani sa iyong kagandahan.” “Kumain na tayo, Kels. Don’t say bad words at baka mawalan pa ako ng gana ganitong sardinas na nga lang ang ulam natin.” “Ikaw lang naman ang may gusto pang mag-sardinas samantalang kahit sa fine dining restaurant, puwede kitang ilibre.” Umungol siya. “Magbibihis pa’t mag-aayos kung sa restaurant kakain. Kung dito, kahit nakataas ang paa, kahit malaki ang subo, magkakaayos na.” Sumandok na siya ng kanin at inihain iyon sa mesa. “Tara let’s! Ikaw ang maghuhugas ngayon ng pinggan que kumain ka o hindi dahil ako ang nagluto.” Umirap ang bakla. “Kung kumain tayo sa labas, pagkatapos magbayad, wala na sanang iintindihin pang mga plato na huhugasan!” “Pasensya ka. Matipid ang kaibigan mo. Hindi kita palaging kukunsintihin sa mga gastang-pulbos mo.”  Tahimik nilang pinagsaluhan ang payak na grasya sa mesa. But knowing Kelsey, ilang minuto lang itong makakatiis na hindi nagsasalita. “Ysa,” tawag nito mayamaya. “Pag-usapan natin si Papa Jonas.” “Heh! Tumigil ka!” asik niya. “Bakit ba naman daig mo pa ang allergic sa mga lalaki? Masama iyan, Ysa. Iyong iba, halos sa Baclaran at Quiapo na tumira at nagno-novena para lang may lalaking magkainteres sa kanila, ikaw naman iwas nang iwas. Aba, baka akala mo, bigas lang ang nagtatampo? Sige ka, pag nakarma ka diyan, baka kahit lalaking may anghit wala nang mag-interes sa iyo.” “Yiih, kumakain tayo, eh. Sa iyo magtatampo ang grasya, Kels. Nasa harap tayo ng pagkain, talak ka nang talak!” “Okay, mamaya tayo mag-usap.” Ang mamaya ni Kelsey ay ora mismong uminom siya ng tubig. Kasabay ng pagliligpit nito ng pinagkainan nila ay ang muling pagrepeke ng bibig nito. “Ysabelle Pacheco, college pa lang tayo ay ganyan ka na sa mga lalaki. Ano ba ang problema mo? Ginahasa ka ba noong bata ka pa? Inabuso ka ba ng lalaki?” “That’s morbid! Dahan-dahan ka namang magsalita,” natatawang sabi niya. “Excuse me, ‘no? Happy and enjoyable ang childhood ko.” “Ganoon naman pala, bakit mukhang lason sa iyo ang mga lalaki? Aba, wala pa akong natandaang binigyan mo man lang ng second glance! Lahat, basted. Lahat, nasosopla. Lahat, hindi pasado sa iyo para maging boyfriend. Aba, nauubos din ang mga lalaki, ‘no? Ako nga, dalawang buwan nang walang fafa.” “Wala akong problema, don’t worry. Ano ang magagawa ko, sa pihikan ang puso ko?” “Pihikan o perfectionist? Walang lalaking perpekto puwera na lang kay Jesus Christ. Alangan namang si Jesus Christ ang hinihintay mo? Hindi na babalik iyon. Kapiling na niya si God. Saka hindi ka naman super-duper special lady para isugo ng Diyos sa iyo ang bugtong Niyang Anak. Ang lalaking nakalaan sa iyo, naririto lang din sa lupa!” “Ikaw talaga, sinasama mo pa si Jesus sa usapan natin. Basta relax ka lang diyan. Kapag nakita ko na ang lalaking gusto ko, hindi ka na mamomroblema.” “Ysa, gusto ko nang makita ang lalaking pakakasalan mo. Aba, you’re not getting any younger. Nabasa ko iyong isang article, pinakamaganda raw ang mga batang nako-conceive ng ina kung ang edad ay twenty-three to twenty-eight. Kung mag-aasawa ka kung kailan ka treinta, baka hindi na pang-Little Miss Philippines ang anak mo o kaya pang-That’s My Boy.” “Heh! Walang problema sa genes namin, ‘no? Kasasabi mo lang kanina na maganda ako. Hindi basta-basta nae-expire ang ganda kapag nasa genes iyon.” “Hoy, Ysa, kung pareho lang tayo, meaning, wala ka ring matris na kagaya ko, wala talagang problema. Kaso, may pinagpala ka nga sa akin kasi nagsa-sanitary pads ka buwan-buwan. Isipin mo naman kahit paminsan-minsan ang future mo. Kailan ka pa magpapamilya, kapag forty ka na? Paano kung bigla kang matsugi pagdating mo ng forty-five? Di baka four or five years old pa lang ang anak mo by that time! Susmarya! Kawawa naman ang dyunanak mo if that happens! At kawawa din ako kasi parang feeling ko sa akin din iyon maiiwan kasi siyempre pangalawang ina niya ako. Hindi namin kakayanin kung mawawala ka,” kasing bilis ng mga salita nito ang ginagawa nitong paghuhugas ng pinggan. “Kelsey, baka naman magkahiwalay ang panga mo sa kadadaldal. Puwede ba, huwag na natin iyong pag-usapan. Napaka-futuristic naman niyon. May death pa! Ang morbid mo.” “Gagah! Kung bibigyang pansin mo si Papa Jonas, hindi na futuristic ang mga sinasabi ko ngayon. Kung whirlwind romance ang magiging drama ninyo, aba, hindi malayong exactly a year from now, o baka nga maaga pa ay maging legal na tayong magkumare!” Nanlaki ang mga mata niya. “Ano? Naiinis nga ako doon sa tao, pini-picture mo pa na maging kami? Hah, hindi ko yata siya magiging pantasya na maka-make love ko, ‘no? Ano ako, vendo machine? Isang pindot lang pagkahulog mo ng coins, may ipapanganak na akong baby?” “In the first place, mayroon ka ba namang pinapantasyang ka-make love? Mukhang pati imagination mo, virgin pa rin. Aba, matanda ka na. Minsan naman, hayaan mong ma-corrupt kahit ang mind mo man lang. Maipupusta ko ang buhay ko, wala ka pang first kiss!” “Mayroon naman. Noong JS Prom namin. Hinalikan ako sa pisngi ng first dance ko.” “Sus! First kiss daw ba iyon? Hija, iyang halik sa pisngi, kahit sa ninang ginagawa iyan. Ang ibig kong sabihing first kiss, iyong romantic. Iyong torrid. Iyong French kiss. Iyong lips to lips—minsan at mas masarap; iyong kasali ang dila.” “Kelsey naman!” naeeskandalong sabi niya. Humalakhak naman ang bakla. “Alam mo kapag ganyan ang reaction mo, naiinsulto ako. For almost ten years, tayo ang magkasama pero langit at impiyerno yata ang agwat natin pag tungkol sa kamunduhan ang pag-uusapan. Hindi naman sa kahihiyan nang maging virgin ngayong panahon na ito, ‘no? Pero ang hirap yatang maniwala na mayroon pang kagaya mo, at housemate at best friend ko pa mandin! Ibig sabihin, wala akong naimpluwensya sa iyo sa ganyang bagay.” “May alam naman ako maski papaano. Remember, paborito kong magbasa ng romance books kapag may free time.” “Iyan! Iyang mga romance books mo ang dapat sigurong sisihin,” talak na naman nito. “Puro make-believe iyang mga istoryang binabasa mo kaya sobrang pihikan ka na sa mga lalaki. Kung naghahanap ka ng lalaking kagaya ng mga bida sa mga binabasa mo, puwes, gumising ka, Ysabelle. Humarap ka sa realidad.” “Actually, kaysa magising pa, mas gusto kong matulog na. Effective na pampaantok ang katatalak mo, Kels. Inaantok na ako.” “Ganyan ka naman, para makaiwas, kunwari inaantok na. Kung hindi ko pa alam, pocketbook na naman ang aatupagin mo.” “Good night, Kelsey,” nakangiting sabi niya dito. “Sweet dreams.” “Wet dreams, gagih!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD