6

1056 Words
“SARADO na kami!” sagot ni Ysa na sa halip na pagbuksan si Jonas ay binaligtad pa niya ang sign. “Ayan, o! Closed.” Iniharang niya ang sarili sa glass door. “Ysa, naman. Tingnan mo nga ang buhok ko, o? Para na akong F4. Sige na, buksan mo na ito. Magpapagupit ako.” “Dumayo ka pa dito sa Mandaluyong para magpagupit? Wala na bang barberya sa San Juan?” “Malapit lang naman ito kung tutuusin. Gusto ko dito magpagupit, eh. Balita ko, okay ang service ninyo dito.” “Yeah. Mahal din,” mataray na sagot niya. Of course, hindi naman totoo iyon. Competitive ang rates nila. Ang iba nga ay generous pa mag-tip kasi namumurahan sa singil nila. “Kahit magkano, hindi naman problema iyon. Sige na, gupitan mo na ako.” Pinagmasdan niya ito. Ilang linggo na ba buhat nang huli niya itong makita? Bagong gupit lang ito nung kasal ni Shelby. Ganoon ka kabilis humaba ang buhok nito? May dahilan naman ito para gustuhing magpagupit. Lampas na nga sa karaniwang haba ang buhok nito. “Hindi ako gumugupit ng buhok ng lalaki,” sabi niya maya-maya. “What’s the commotion all about?” maarteng wika ni Kelsey. Nakapamewang pa ito nang kumapit sa kanila.  At saka malakas na suminghap. “Ooooh-em-gee! Ysa, papa iyan!” malanding wika nito. “Asungot iyan. Kung kelan sarado na saka magpipilit. Gustong magpagupit, gugupitan mo ba?” “Oo, siyempre!” bahagya siya nitong tinabig at pinagbuksan ng pinto ang binata. “Pasok ka, mister—” “Jonas. I’m Jonas Sta. Ana.” At gumuhit sa mga labi ni Jonas ang ngiting makakatunaw ng buto. Pero malas nito dahil bakal yata ang buto niya, hindi man lang lumambot. “Sta. Ana? Ano mo si Shelby?” “Kapatid ko. Ako nag kuya niya pero hindi naman masyadong halata na, di ba?” “Oohh…” at bumilog pa nang husto ang buka ng mga labi ni Kelsey. “Okay, maupo ka na rito. Anong gupit ba ang gusto mo?” Hinawakan nito ang buhok ni Jonas. “Maayos pa naman kung tutuusin. Medyo bad boy look ang dating mo. O gusto mo talagang magpagupit na?” “Ewan ko ba diyan. Nakipagkasalan pa lang iyan kelan lang. Bagong gupit pa rin halos ang buhok niyan,” sabad niya, hindi na itinago ang inis. “Teka lang, ha? Read ka muna ng magazine, Jonas. Ihahanda ko ang gamit,” malambing na sabi ng bakla. “Ano ka ba naman? Huwag mong sungitan ang customer,” mabilis na lapit nito sa kanya. “Hindi customer iyan. Mang-aasar lang dito iyan,” asik naman niya. Binitbit niya ang dust pan at walis. “Aakyat na ako. Igigisa ko na lang iyong sardinas na ulam natin.” “IKAW BA’Y totoong magpapagupit o si Ysabelle ang pakay mo dito?” prangkang tanong sa kanya ni Kelsey. “Puwede rin namang magpagupit na,” sagot naman niya. “Hindi naman ako sanay na humahaba ang buhok. Sige na, gupitan mo na rin ako.” “Semi-kal, gusto mo?” “Huwag, bawas lang nang kaunti para may excuse pa akong bumalik uli dito.” Tumaas ang kilay ng bakla. “Bulok na’ng style mo. Mataray talaga ang kaibigan kong iyan. Kung interesado kang talaga, ipakita mong interesado ka. Huwag mong idahilan ang pagpapagupit. Wa epek iyon sa kanya.” “Ano ba ang dapat na style?” aniya. Mas umakyat pa ang kilay ni Kelsey. “Bakit ako tatanungin mo? di, bahala ka sa diskarte mo.” “Tulungan mo naman ako.” “Vah-ket?” maarteng sabi nito. “Kaanu-ano ba kita para tulungan? Ngayon nga lang kita nakita.” “Best friend mo si Ysa, natural alam mo ang makakapagpalambot sa kanya. Masyadong mataray, eh. Natotorpe na tuloy ako,” paawa-epek na sabi niya. Tiningnan siya ng bakla mula ulo hanggang paa. “Tsk! Tsk! Sayang ka naman kung matotorpe ka. Guwapo ka pa naman. Saka bagay kayo ni Ysabelle. Come to think of it, marami din namang mas guwapo sa iyo. At mas bagay din sa best friend ko. And sad to say, dinispatsa din niya. Después, hindi passes ang pagiging guwapo mo at pagiging bagay ninyo para mo siya mapaamo.” “Ano ang gagawin ko?” tanong ni Jonas sa tonong bine-best friend na rin ang bakla. “Aba! Bahala ka sa buhay mo, ‘no? Buntot mo, hila mo.” Tumawa siya nang marahan. “Paano ba iyan, nasa harap ang buntot ko?” Tumili ng ubod nang tinis ang bakla dahil sa narinig. “Okay ka, Jonas. May one pogi point ka na sa akin.” “Tutulungan mo na ako kay Ysa?” “Ah, hindi pa rin. Iyon ngang iba, mas “papa-ble” pa sa iyo ang itsura, hindi ko tinulungan, eh.” “Eh, ano ang gagawin ko?” tanong na naman niya. “Bahala ka nga sa buhay mo.” “Hindi ka ba boto sa akin para sa kaibigan mo? Mabuting tao ako. Kung kilala mo si Shelby na kapatid ko, siguro naman wala kang masasabi sa pamilya namin.” “Ah, kapatid ka nga kasi ni Shelby kaya parang medyo basa rin ang papel mo dito. Akala mo wala kaming alam, ano? Kahit ngayon lang kita nakita, medyo may alam na kami sa iyo. Iyang si Shelby kapag nagagawi dito, palibhasa maganda siya kaya madaming nagtatanong kung may kapatid siya na malamang ay guwapo din. Sorry ka na lang, imbes na buhatin ni Shelby ang bangko mo, pinilay pa. Chick-boy ka, di ba? Sabi ni Shelby, kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa nag-aasawa, kasi nga, palikero ka. Ano ka? ” “Hindi naman, likas lang na lapitin ng babae.” “Bakit mo naman hahayaang lumapit sa iyo ang babae kung hindi mo rin gusto?” “Eh, lalaki naman ako, eh. Natural lang iyon, di ba?” “Hmp! Hindi pasado kay Ysa ang ganyang sagot. Alam niyang playboy ka kaya mas lalo na siyang walang interes sa iyo. Siyempre, iisipin niyang isasama mo lang siya sa string of girlfriends mo.” “What if, serious ako this time?” “Talaga ba? Gaano ka-serious? Gusto mong isugod na kita sa ospital?” pilosopo namang sagot sa kanya ng bakla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD