It's been a year since I began dreaming about this girl. . .
Her blurry images keep popping up in my fantasies. Those dreams are like pieces of a puzzle that are gradually assembling in my brain.
Masaya ako sa mga panaginip ko. Masaya kami.
I felt committed to someone who doesn't exist in the real world. Until I got used to those weird dreams.
'Yong tipong ayaw ko ng magising at manatili na lamang sa kaniyang mundo para makasama siya.
Isang palakpak sa tapat ng aking mukha ang nagpamulagat sa akin.
“Tulala ka na naman! Anong iniisip mo?” Kiru asked. He glimpsed at my new portrait that was on my table.
“Faceless again? Alam mo maganda sana ang mga likha mo, e! Ang problema bakit hindi mo tinatapos? Halos lahat ng sketches mo ay walang mukha!”
Walang imik na iniligpit ko ang aking mga gamit sa pagguhit. Sigurado na hindi na naman niya ako titigilan about this matter.
“Wala ka bang gagawin? Natapos mo na ang project natin kay Prof Castro?” patay-malisya kong tanong sa kaniya.
Kamot sa batok lamang ang naitugon niya sa akin.
“Nahihirapan ako, e. Puwede mo ba 'kong tulungan, Carter?”
He blinked his eyes multiple times as if he had an eye disorder. It creeps me out as I look at him.
“No.” I pressed his head out of my front at saka tumayo.
Mabilis na isinukbit ko ang backpack sa aking likuran at pagkatapos ay lumakad na palayo sa kaniya bitbit ang aking portrait.
“Carter, wait! I’ll pay you!” pahabol pa nito ngunit hindi ako nagpadala sa sulsol niyang pera.
Pabagsak akong nahiga sa kama nang makauwi sa bahay galing sa university na pinapasukan ko.
“I wish to see you again this time,” bulong ko bago unti-unting ipinikit ang aking mga mata.
It's always like that. I was keen to nod off, to see her again. The girl in my dream.
“Carter. . .” tawag ng malamyos na tinig.
Marahan na bumukas ang aking mga mata.
As always, I saw a blurry image of her. . . Every time I wake up in that world. Ngunit kahit malabo, alam ko na magandang mukha ang nasa likod ng imaheng iyon.
“Nagagalak ako sa muli nating pagkikita. Na-miss kita,” nakangiti niyang sambit. Napangiti na rin ako. . . Ngiti na halos sumayad sa magkabila kong tainga.
“Ganoon din ako, Arianna. When I’m with you, I’m not sure if I’m dreaming or awake.”
Her soft palm touched my face. I felt her warmth as if I was actually with her. . . That it wasn't just a delusion.
“Nais ko na makasama ka sa tunay na mundo. Hindi ba't may ginaganap na Christmas Ball sa university niyo tuwing Desyembre? Nais kong isayaw mo ako sa saliw ng romantikong musika.”
My eyes turned deep looking at her. "Will you come? If yes, I will wait for you." I sounded like a desperate fool believing in miracles but I don't care.
Dumantay ang palad niya sa aking mukha ngunit sa pagkakataon na iyon ay nakakulong na ito sa kaniyang dalawang palad.
“Hahanapin kita. . . Magkikita tayo sa tunay na mundo. . . Doon natin ipagpatuloy ang ating pagmamahalan.”
Isang dampi sa labi ang ipinabaon niya sa akin bago ako ginising ng tilaok ng panabong na tandang ni Mang Gardo.
Nakasimangot na bumangon ako, sumilip sa ilalim ng aking kama para kuhain ang tirador kong nakatago.
Inis na nilagyan ko ito ng balang bato saka sinipat ang tandang na pumutol sa maganda kong panaginip.
“Tinola ngayon ang bagsak mo!” Pikit ang isang mata ko habang inaasinta ang walang muwang na tandang.
Binitawan ko ang bala ng tirador, siya namang pag-upo ni Mang Gardo para himasin ang alaga niyang tandang kaya naman sa halip na ang manok ang matamaan ay ang noo nito ang nabukolan.
"Aray ko po! S-sinong—” anas ng matanda habang sapo ang noong nasaktan.
My eyes widened when he turned to look at me. He caught me holding my slingshot.
“Tarantado ka talaga, Carter!”
“P-pasensiya na po, Mang Gardo! H-hindi ko po sinasadya!” sabi ko sabay tago kahit na may sinasabi pa siya.
I came down from my room. Isang matalim na tingin ang ibinati sa akin ni Mama. Napakamot ako sa aking ulo at napayuko, siguradong isinumbong na ako ni Mang Gardo.
“Pasaway ka talagang bata ka! Bakit mo tinirador ang ulo ni Mang Gardo?! Wala na ngang buhok 'yong tao tapos binukolan mo pa!”
She hit me with the towel she was holding.
“A-aray! S-sorry na, Ma!”
“Mag-almusal ka na!”
Kaagad ko naman dinaluhan ang hapag para kumain. Pagkatapos kumain ay sumakay na ako ng bus patungo sa unibersidad kung saan ako nag-aaral.
“Carter, my friend!” pagbati ng kaibigan kong si Kiru sabay akbay sa akin.
“Sa hilatsa ng pagmumukha mo ay parang may kailangan ka na naman sa 'kin!”
Humalakhak ang gago.
“Kaibigan talaga kita! Paano mo nalaman? Siguro sa tagal nating magkaibigan ay kaya mo nang basahin ang isip ko!”
“Baliw! Kung tungkol iyan sa task natin kay Prof Castro, sorry to inform you but I won't help you. Kailangan mong seryosohin ang pag-aaral mo, Kiru!” seryoso kong sabi sa kaniya.
“Hindi! Gusto ko lang naman na samahan mo ako! Kasi ay may ka-blind date ako at mayroon din siyang kasama. Nakakahiya naman kung hindi ako magdadala ng kaibigan.”
Bumuga ako ng hangin. “Alam mo naman na wala akong panahon sa ganiyan.”
Hinagod ni Kiru ang kaniyang kulay itim at makinang na buhok pataas sabay tingin sa malayo na tila dismayado sa aking tugon.
“Bakit? Dahil na naman ba sa fictional girlfriend mo?! Ang mga babae sa illustration mo na walang mukha? Tumigil ka na, Carter! Hindi siya totoo!”
Natahimik ako. Hanggang kailan nga ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ko nga ba paniniwalain ang sarili ko na mayroong Arianna?
Hinawakan ni Kiru ang balikat ko at bahagyang pinisil. “Ginagawa ko ito hindi lang para sa akin, Bro. I am doing this for you! Para malibang ka at makalimutan mo na siya!”
Suminghap ako at pumikit nang mariin. “Fine. Susubukan ko.”
Napasuntok sa hangin si Kiru. “'Yon!”
After class, pumunta na kami sa meeting place ng double date kuno.
“Ang sabi niya ay nakasuot sila ng kulay carnation pink na dress.”
Inilibot niya ang mga mata at biglang nanginang ang mga iyon nang mapadako sa isang gawi.
“Naroon sila!” galak nitong wika sabay turo sa dalawang babae.
Akmang lalapit na ito sa mga iyon ngunit hindi ko siya pinayagan. Isang dagok ang iginawad ko sa kaniyang batok dahilan para mapahinto ito.
“Para saan iyon?!” asik niya sa akin.
“Colorblind ka ba? Paano ka naging fine arts student kung hindi ka marunong tumingin ng kulay? Hindi mo ba nakikita na maroon iyan, hindi pink?”
Napahimas ito sa batok at napangiti nang alanganin.
“Ang brutal mo naman!”
Ako na ang naghanap sa dalawang babae. Hindi naman ako nahirapan dahil sa kulay ng mga damit nila.
Kumaway sila sa amin at ngumiti nang mapadako ang tingin ko sa kanila.
“Kiru! Carter! Dito!” nakangiti na tawag ng isa.
Kumaway naman ako pabalik bilang tugon.
“Doon tayo!” Hinila ko si Kiru patungo sa ka-meet nito.
Bahagya akong napatulala sa dalawang binibini, partikular sa babaeng may maalon na buhok. Para siyang isang diwata sa sobrang ganda.
“Ganoon din kaya kaganda si Arianna?” tanong ko sa isip.
“Bro! Upo na tayo!” Tinabig ni Kiru ang balikat ko.
“Hi! I'm Kiru, and this is my friend, Carter.”
Ngumiti ako sa aming kaharap.
“Hello. It's nice to meet you, guys! I'm Daisy at siya ang kaibigan ko, si Mary.”
Mary. Mary ang pangalan ng babaeng may maalon na buhok.
Masaya silang kausap. Sa sobrang saya ay hindi ko namalayan ang oras.
“Maraming salamat sa inyo! Hanggang sa muli!” sabi ni Daisy bago sumakay ng kotse.
Nagtatakang napatingin ako kay Mary nang lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang maliit na piraso ng papel.
“Number ko 'yan. Nais kong makilala ka pa nang husto. I-text o tawagan mo ako,” sambit niya at saka mabilis na sumakay sa taxi.
Naabot pa ng aking pandinig ang impit na tili ni Daisy bago umandar ang taxi.
“What do you think?” nakangising tanong ni Kiru sa akin.
Ikinibit ko ang aking balikat. “Okay naman.”
“Okay naman? Halatang type ka ni Mary!”
Hindi ko siya pinansin. After that, naghintay kami ng bus pauwi.
Pagkarating sa bahay ay humiga na ako sa aking kama.
“Carter! Hindi ka ba kakain ng hapunan?” hiyaw ni Mama mula sa ibaba.
“Busog po ako, Ma! Kumain na ako sa labas!”
Hindi ko na narinig muli ang kaniyang boses. Ipinikit ko na ang aking mga mata, handa na ako para puntahan si Arianna sa kaniyang mundo ngunit agad din napadilat nang maalala ang numerong ibinigay ni Mary.
Kinapkap ko iyon mula sa aking bulsa. Kusang gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng aking labi nang makuha ko iyon.
“Wala sigurong masama kung susubukan ko na harapin ang tunay na mundo.”
I grabbed my phone and called Mary.
“Hello?” tugon nito gamit ang kaniyang malamyos na tinig.
“Hi. Ako ito, si Carter. Nakauwi ka na ba?”
“A-ah! Oo, nakauwi na ako. Thank you for making sure I'm home.”
“U-uhm. . . I called to thank you because you gave me the luck to meet you. And it's also a gift that you offered me your number.”
Isang mahinhin na tawa ang kaniyang pinakawalan mula sa kabilang linya.
“Grabi ka naman! Kulang na lang sabihin mo na nanalo ka sa Lotto!” biro niya.
Tumagal ang usapan na iyon hanggang sa hindi ko namalayan na iginupo na ako ng antok.
At sa pagpikit ng aking mga mata ay muli kong nasilayan ang panaginip na madalas kong makita.
“Carter!”
Isang yakap na mahigpit mula kay Arianna ang sumalubong sa akin.
“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay!” Bakas ang pananabik sa kaniyang malambing na tinig.
Habang yakap niya ako ay tila ayaw ko na naman umalis sa mundong iyon. Nais ko siyang makasama nang matagal.
Mahal ko si Arianna. Mahal na mahal. Hindi ko makita ang bukas kapag naiisip kong hindi ko na siya makikita.
Ngunit hanggang kailan ganito? Hanggang kailan ako magpapalunod sa isang pagmamahal na katha lamang ng aking isipan?
“A-Arianna. . .” Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat at saka itinulak siya nang bahagya palayo sa akin.
“M-may problema ba?”
Pumikit ako at saka nag-ipon ng maraming hangin sa aking dibdib. How can I hurt someone like her who did nothing but love me?
“Carter. . .”
Idinilat ko ang aking mga mata. Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha kahit na wala naman akong maaninaw roon.
“A-Arianna. . . We need to end this. I need to wake up to the reality where you are not there. Sana. . . S-sana ito na ang huling pagkakataon na magpapakita ka. H-huwag mo na akong guluhin. A-ayaw ko nang makasama ka pa.”
Habang sinasambit ang mga salitang iyon ay walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha. Sobrang sakit pala na pakawalan ang taong minamahal mo.
“P-pero bakit? N-nangako ako na magkikita tayo. N-nangako ako na hahanapin kita at sa tunay na mundo natin ipagpapatuloy ang ating pag-ibig, 'di ba?” garalgal ang tinig niyang sabi.
Parang dinudurog ang puso ko. Alam kong doble ang sakit na nararamdaman niya kumpara sa sakit na nararamdaman ko. Nais ko siyang yakapin at humingi ng tawad, ngunit alam kong ginawa ko ang tama.
“Kalimutan mo na ang mga pangarap at pangako na iyon, Arianna. M-may iba na akong gusto. . . At naroon siya sa mundo kung saan ako nararapat. H-hindi ko nais makulong sa mundo mo. . . Patawad.”
Puno ng luha ang aking mga mata nang magising mula sa pagkakatulog. Ramdam ko ang sakit at bigat sa aking dibdib kahit na panaginip lamang iyon.
Pinilit kong ituon sa ibang bagay ang aking atensyon. Sinimulan kong makipag-date kay Mary at iwinaksi sa aking isipan si Arianna.
“Malapit na ang Christmas Ball ninyo, Babe. Hindi mo ba ako iimbitahan para maisayaw?” malambing na wika ni Mary sabay sipsip sa watermelon milkshake na nasa harapan.
Natigilan ako. Biglang pumasok sa aking isipan si Arianna. Siya kasi ang naiisip ko sa tuwing sasapit ang aming Christmas ball.
Simula nang makipaghiwalay ako sa kaniya ay hindi na siya minsan pa dumalaw sa aking mga panaginip.
Araw-araw ko siyang na-mi-miss. . . Ang kaniyang mahinhin na tawa, ang matamis na tinig. . . Ang kaniyang lambing. Isang taon na rin akong walang gana na mabuhay.
“Pasensya ka na, Mary. Wala kasi akong balak na dumalo sa Christmas Ball ngayong taon.”
Bumalatay ang lungkot sa mukha ng aking kasintahan. Matapos ang ilang saglit ay napalitan iyon ng galit. Salubong ang mga kilay niya akong tinitigan.
“Ano ba ang problema mo, Carter?! Sa isang taon nating magkasintahan, never mong ipinaramdam na mahal mo ako! Palagi ka na lang ganiyan!”
Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. “Mary. . . Alam mo naman na sa pag-aaral ako nakatutok! Akala ko ba naiintindihan mo ako!”
“Mahal mo ba ako?”
Napabuga ako ng hangin.
“Alam mong mahal kita, Mary.”
“Kung mahal mo ako sumama ka sa akin!”
Tumayo siya at nagsimulang maglakad. Wala akong nagawa kung 'di ang sundan na lamang siya.
Napahinto ako sa paglakad nang dalahin ako ni Mary sa tapat ng isang motel sa bayan. Akmang papasok na siya ngunit mabilis na hiniklas ko ang kaniyang braso pabalik.
“Anong kalokohan ito, Mary? Bakit tayo narito?” Nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa inis.
She scoffed.
“Huwag ka ngang magmaang-maangan, Carter! Ano ba ang ginagawa sa motel? Alangan naman na magtitigan lang tayo sa loob! Halika na!”
Sinubukan niya akong hilahin ngunit iwinaksi ko ang kaniyang kamay.
“Tumigil ka na!”
Nanubig ang kaniyang mga mata na ngayon ay malalim na nakatitig sa akin.
“See? Wala kang pagmamahal na nararamdaman para sa akin. Hanggang ngayon ay nakakulong ka sa isang kahibangan! Kiru told me everything!”
Para akong napipi sa kaniyang sinabi.
“Paano ako mananalo sa isang babaeng karibal ko if she doesn't even exist in this f*****g real world?! Ang mabuti pa ay maghiwalay na lang tayo! Don't you ever show your f*****g face to me!” galit niyang wika kasunod ang malalaking hakbang palayo sa akin.
“Mary!”
Hindi niya na ako nilingon.
Nais ko siyang pigilan ngunit may parte sa utak ko na nagsasabing mas mabuti na maghiwalay kami. Mas mabuti iyon kaysa masaktan ko pa siyang lalo.
Dumating ang Christmas Ball, ang araw na pinaka-ayaw ko. Bumabalik kasi ang sakit sa dibdib ko sa tuwing sumasapit ito.
Wala akong balak na dumalo ngunit pinilit ako ng kaibigan kong si Kiru.
“I invited Mary,” biglang usal niya habang umiinom kami ng beer sa isang sulok, ang banda naman sa stage ay umaawit ng isang rock music na para sa akin ay masakit sa tainga.
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pagtungga ng mapait na alak upang malimot ang alaala ng unang babaeng nagpatibok ng aking puso.
“Pagkakataon mo na 'to para maayos ang inyong naputol na relasyon.”
Ilang saglit lang nga ang lumipas ay dumating si Mary.
“Hello!” Isang peke na ngiti ang ipinaskil niya sa kaniyang mapulang mga labi.
Bakas pa rin ang kirot sa kaniyang ekspresyon habang nakatitig sa akin.
“Hi, Mary! Ikaw na ang bahala rito sa kaibigan ko. May kailangan kasi akong puntahan.”
Kaagad naglakad nang mabilis palayo sa amin si Kiru matapos sabihin iyon.
“Sandali, Kiru!” pigil ko ngunit nag-thumbs up lamang sa akin ang loko.
Dismayadong napahimas ako sa aking batok.
“Ganoon ka ba kasuklam sa akin para ipakita na ayaw mo na 'kong makasama?” Nasa himig ni Mary ang tampo.
Mabilis na iniling ko ang aking ulo. “H-hindi! N-nahihiya lang ako na harapin ka dahil sa nagawa ko sa 'yo. P-patawarin mo ako, Mary. S-sana ay dumating ang araw na muli tayong maging magkaibigan.”
“K-kaibigan, C-Carter? W-wala na bang pag-asa na maayos ang relasyon natin?”
“Hindi ko nais na paasahin at saktan ka pa, Mary. Mahalaga ka sa akin ngunit hanggang kaibigan lamang ang kaya kong ibigay.”
Isang malakas na sampal ang nagpatagilid sa aking mukha.
“Para iyan sa sakit na idinulot mo sa akin! Ayaw na kitang makita ka pa!”
Nagmartsa siya paalis na masama ang loob sa 'kin. Umaasa ako na balang araw. . . Makahanap siya ng lalaking mas higit sa akin.
Muli, dinampot ko ang isang bote ng beer para muling uminom ngunit dagli rin napahinto nang mapatingin sa isang pares ng kulay pulang stiletto na nasa aking harapan.
Marahan, inangat ko ang aking tingin. Nanlaki ang aking mga mata nang masilayan ang magandang mukha ng isang babae.
Hindi ako maaaring magkamali. “A-Arianna?”
“Carter. . .”
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang marinig ko ang kaniyang tinig.
“P-panaginip ba ito?” Hindi ko maitago ang aking kasiyahan.
Ang daming tanong sa aking isip na hindi ko alam ang sagot.
“Totoo ako, Carter. N-nangako ako sa 'yo na hahanapin kita sa tunay na mundo. P-patawad kung ngayon lamang ako. N-ngayon lang ako nagkaroon nang lakas ng loob na lapitan ka matapos kong magising mula sa coma.”
Unti-unti, naging malinaw sa akin ang lahat. . .
Ang paggaling ni Arianna mula sa kaniyang pagkakaratay ay isang milagro. . .
At ang pagtatagpo namin sa mundong iyon ay sadyang napakahiwaga.
WAKAS.