Kabanata 5: Pagkikitang Muli

1238 Words
Ang kapal niyang mag-alok na gawin akong kabit! Binababa ko na ang sarili ko para sa kanya pero hindi ko kaya na mas lalo ko pang ibaba ang dignidad ko para sa lalaking hindi naman ako kayang pahalagaan. He's an assh*le. I hate him so much. "Putang*na mo talaga, Troy!" nanggigigil kong bulong at mabilis na nilagok ang bottle ng whiskey. I know he didn't love me as much as I loved him but this is freaking hilarious and unacceptable. Talaga bang mahal niya 'yong babae o gagawin niya lang 'to para lang makawala sa akin? Ayaw niya sa akin dahil alam niyang gagamitin lang namin siya at ang kanilang kompanya para matulungan kami? Alam naman ni Troy na iyon ang pinagkasunduan kaya hindi ko alam kung bakit! "He should know that for fvcking years I loved him!" malakas kong wika. Pagewang-gewang na ang lakad ko kahit na hindi pa ako nakaka-kalahati sa iniinom ko. Pinatay ko ang phone ko para walang makatawag sa akin kahit na ang mga kaibigan ko. They must know about it and they are already looking for me. Mas concern pa ang mga kaibigan ko kaysa sa parents ko. Malamang kapag umuwi ako ngayon, mas iisipin lang nila kung papaano namin mapipigilan ang engagement ngayong gabi. Yes! My fiancée will be engage to someone else tonight. Hanep talaga! Ang saya ng pagbalik ko sa Pilipinas. Masaya akong makawala sa kanya pero napakahayop niya! Malamang ngayon, pinapahanap na ako ng parents ko para pagalitan. They don't care naman kahit na pagsalitaan ako ng masama ni Troy. "Bawal ka po dito, Miss." harang ng guard sa akin. Umiling ako. "S-sir..." nasinok pa ako at nahihilo na. "Sir, m-may gusto lang akong makausap sa loob." ulas ko at sinubukan ulit na pumasok sa building. "Hindi talaga pwede, Miss. Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis." pagbabanta ng guard. Tumawa ako at umiling. "Call him then. Sabihin mong nandito sa labas si Samira at kilala ako nun." "Pasensya na, Miss pero bumalik na lang kayo kapag hindi na kayo lasing." "Kuya naman! Hindi ako lasing, nakainom lang. Ito naman. 'Wag naman kayong KJ." muli akong nasinok at tumawa. Hindi ko na maiayos ang pagtayo ko at kanina pa umiikot ang aking paningin. Nagkurap-kurap ako para ayusin ang aking paningin. Mahina akong natawa dahil nagiging dalawa na ang guard. Oh, damn it! I'm drunk. Sumilip ako sa loob. Gabi na at uwian na ng mga empleyado. I know I shouldn't be here, pero dito ako dinala ng mga paa ko. Siya ang naisip ko. Bukas din alam kong pagsisisihan ko ang lahat ng ito at lalamunin ng matinding kahihiyan. "Sige na guard. Pasabi naman-" "Why are you here?" Isang baritone na boses ang nagpanginig sa aking katawan. Mabilis akong lumingon sa kanya. Uminom muna ako ng whiskey pero may tumulo na alak kaya naman pinahiran ko ang aking bibig. Ngumisi ako sa harap niya at wala sa sarili na tumango. Matindi ang tingin niya sa bawat galaw ko. Tingin pa lang nakakapaso na. Nilingon ko ang guard na problemado habang nagkakamot. Nasinok na naman ako. "Sabi ko naman sa'yo eh, kilala ako nito." ngumisi ako at tinuro ang lalaking masama ang tingin sa akin. Buong atensyon ko siyang hinarap at humakbang papalapit. "Hi, Hamon..." I said, chuckling. Nanlaki ang mata ng mga kasama niya kaya mas lalo lang akong natawa. May sumenyas pa sa akin na manahimik pero umiling lang ako. "Hamon..." pag-uulit ko. Pero siya, wala lang, galit lang na nakatingin at sinuri ang aking kabuuan. Sinasaksak ako ng matalim niyang tingin. Nakakapanlamig naman ang tingin niya. Fudge! I'm out of control now! Hindi ko na mapigilan ang lumalabas sa bibig ko. Dapat hindi ko siya tinawag na Hamon lalo na sa huli niyang banta pero heto ako at inaasar siya. He licked his lower lip as he narrowed his eyes. "Did I hear you correctly? What did you just call me?" marahan niyang tanong. Lumabi ako at tumango. Nasinok na naman ako kaya hinampas ko ang dibdib ko. Kainis kanina pa 'tong sinok ko. Pero hindi ko na 'yon pinansin dahil hindi mawala ang ngiti ko sa aking labi. "Hamon..." Nagsimulang magpanic ang mga kasama niya. Hindi ko alam kung sino sila pero may sinenyas 'yong isa dito sa guard at hinawakan ang braso ko. "Miss, tara-" "Don't touch her," inis na turan ni Hansel at inalis ang kamay nung guard sa braso ko. "Sorry, Sir." nahihiyang wika ng guard. Iinumin ko sanang muli ang hawak kong whiskey pero inagaw ito ni Hansel at galit na tinitigan ang bote. "Wala ka pang kalahati pero lasing ka na." banayad pa rin ang inis sa kanya. Bakit ba siya galit? Dahil ba nagpakita ako dito? Oo nga naman, Samira. Nandito ka sa building nila at nag-e-eskandalo. Galing akong club kanina pero hindi rin nagtagal dahil ang ingay at sumagi sa isip ko si Hansel. Kaya naman pumunta ako dito kahit hindi ko alam kung anong pakay ko sa kanya. Pero mukhang maling ideya ito. Maling-mali. Kilala siyang tao at mababahiran mo pa ang kanyang pagkatao. Samira, you really are so fvcking disgusting and disappointing. Natauhan ako sa naisip ko pero ang ngiti sa labi ko parang naging permanente dahil lasing ako. Nakita ko na naman siya, so, alis na ako? "I'm leaving..." "Sir, kilala niyo?" rinig kong tanong nung kasamahan niya pero wala akong narinig na naging sagot ni Hansel. Hell yeah. People can easily ignore me and throw me. Bakit naman siya sasagot na kilala niya ako 'di ba? Nakakahiya ako. Wala kasi akong silbi. Pagewang-gewang ang lakad ko hanggang makarating ako sa madilim na parte nitong building. Saan nga ba ako pupunta? Uuwi ba ako? Pero kapag umuwi ako, talak lang ng parents ko ang maririnig ko lalo na si Daddy. I'm a big disgrace to the family. Napahilamos ako ng mukha at umupo na sa sahig. Inaantok na ako at gusto ko nang matulog. "Stand up." isang iritadong boses ang muling nagpasiging sa akin. "Bakit nandito ka, Hamon?" napangisi ako dahil sa patuloy ko pa ring pang-aasar kay Hansel. I'll regret teasing him. Big time! Hindi ako tumayo pero naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at walang kahirap-hirap na tinayo. Nanatili ang mga mata kong nakapikit. Bukod sa inaantok na ako, ayokong salubungin ang matalim niyang tingin. "Kapag lasing ka, ang lakas talaga ng loob mo. Sana ganito ka rin bukas." mahina siyang tumawa. Saglit kong minulat ang mata ko pero pinikit rin nang kainin niya ang distansya naming dalawa. Nanginig ang katawan ko nang tumama ang hininga niya sa aking tenga. May napansin ako sa aking sarili. Kapag nandito siya at malapit sa akin, nagwawala ang puso ko. Kulang na lang lumabas ang puso ko sa aking dibdib. Sobrang lakas ng epekto niya sa akin na hindi ko maramdaman sa ilang taong pagsasama namin ni Troy. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo noon? Hmmm..." dugtong pa ni Hansel. Umiling ako at nilakasan ang loob na imulat ang mata. Dinungaw niya ako. "Hindi, syempre. Hindi naman ako ulyanin." He tilted his head to the side a bit. Konti na lang magtatama na ang aming ilong. Lumunok ako at napasinok. "Kung hindi mo nakalimutan... ano nga ulit ang sinabi ko kapag narinig kong tinawag mo nun?" mahina niya tanong na lalong nagpatayo sa mga balahibo ko. His voice. Ramdam kong may tumulo na kung ano sa gitna ng binti ko. Shems!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD