Kabanata 4: Kasal

2000 Words
Updated pa rin ako sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Iyon ang kondisyon na binilin sa akin para lang payagan akong makaalis ng Pilipinas at mag stay dito sa New York City. Pero sa ilang buwan ko dito, hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang ginawa ko namin ni Troy. I felt so disgusted. Kay Hansel naman, mali 'yon pero pakiramdam ko tama lang 'yon. I thrown myself to Hansel without any hesitation. On the other hand, I let Troy destroy me until he was satisfied to use my body. I did not enjoy it until his last drop. Pinilig ko ang ulo ko at hinilot ang batok. Mali man ang nangyari sa amin ni Hansel, iba ang pinaramdam niya sa akin nung gabing iyon. Hay! Ganito siguro kapag mali, mas masarap. Mas hinahanap... Pinatay ko na ang laptop ko. Hindi ko rin naman maayos ang spreadsheet na kanina ko pa ginagawa dahil panay ang tingin ko sa phone. Wala man lang text galing sa parents ko o kahit kay Troy! Kahit man lang isang 'how have you been?' o kaya 'humihinga ka pa ba?' Napairap na lang ako sa hangin at mabilis na naghubal at tumungo sa shower room. Hinayaan ko ang sarili ko na damahin ang maligamgam na tubig sa aking katawan habang nakikinig sa magandang tugtugin na nagpapakalma ng aking buong sistema. Hindi mawala sa isip ko si Hansel... Bwisit! Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang kanyang social media accounts pero wala namang nalabas. "May tao pa palang walang social media accounts?" bulong ko sa sarili. Nagbrowse na lang ako para makilala siya. Maraming mga article na lumabas dahil siguro bigatin siya. Nanlaki ang mata ko nang malaman na siya ang CEO ng Delgado Group Corp! Gulat ako at mangha sa nalaman pero hindi ko alam na ganito pala siya na high profile personality. Now, it makes sense based on how he looks. He’s oozing too much charisma. “Hansel… Delgado…” Hindi na ako natigil sa pag-alam kung sino siya. Nanlalamig ang katawan ko, hindi ko alam dahil sa matagal kong pagkababad o dahil sa nabasa ko. Ilang beses ko pa itong tinitigan kung tama ang pagkabasa ko. Shit! Anak pala siya ng presidente ng Pilipinas?! Nilapag ko ang phone ko sa table. I palm my face and scream. Damn it! Nilalamon ako ng kahihiyan. Kinabukasan, tinanghali na akong gumising. Nagpakalasing ako kagabi. Wala lang, trip ko dahil iniisip ko kung anong kasalanan ang ginawa ko nung past life para pagbayarin ako ng ganito. Wala akong maisip na gawin ngayong araw kaya nag baked na lang ako. Pero habang nasa kalagitnaan ako nang pagmamasa ng dough ay tumunog ang phone ko. "Oh 'Ma, napatawag ka." ni-loud speaker ko ang phone para makapagpatuloy pa rin ako sa ginagawa habang kausap ko si Mama. ["Anak! Kailangan mo ng umuwi!"] natataranta na sabi ni mama. Kinabahan ako kaya tinitigil ko ang ginagawa ko at inalis sa pagkaka-loud speaker ang phone at kinuha ko ito at maayos na hinawakan ang phone. Hindi ko na naisip pa na madudumihan ko ito. "B-bakit 'Ma? Anong problema?" pilit kong hindi nagpatalo sa kaba. ["Si Troy magpapakasal na!"] Natigilan ako. Ang tagal bago ko nakuha ang sinabi ni Mama. Magpapakasal si Troy? Kanino naman? Sa akin ba? Ginapang ako ng matinding kaba at hindi ko na alam ang sasabihin. Kaya ba ako pinamamadaling umuwi dahil magpapakasal na kami ni Troy? Nagbago na ba ang isip niya dahil sa binigay ko na ang matagal na niyang gusto? "Magpapakasal na si Troy sa akin 'Ma?" pagtataka kong tanong. ["Gaga! Hindi sa 'yo kundi sa ibang babae! Kaya bilisan mo d'yan at pigilan mo si Troy!"] Nanlamig ang buo kong katawan. Dahil sa gulat ay nabitiwan ko ang aking phone at mabilis na hinugasan ang kamay. Para akong lutang habang inaayos ang mga gamit ko para makauwi. Nakapag-book kaagad si Mom ng ticket kahit wala pa akong sagot. Kahit feeling ko di ko naman kailangan pang umuwi. Hindi ko gusto. Naiiyak ako dahil masisira ang tiwala sa akin ng parents ko at mawawala ang isa naming pag-asa na makaahon. Iyon naman lagi ang rason ng pag-iyak ko at ang rason kung bakit hindi ako makawala kay Troy. Ang sakit na wala akong makapitan sa pamilya ko na dati ko pang hinahanap. Wala akong kakampi. I thought giving myself into him was worth it. Kaya sumugal ako, tinaya ko ang katawan ko para sa lalaking inaakala ko na mamahalin ako. Kahit konti ay may namuong pag-asa sa aking puso na baka magising si Troy na ako na ang mahal niya at magsisimulang magbago. Maybe a cheater is always a cheater. Hindi ako dumeresto sa bahay kahit na iyon ang sinabi ni Mom. May jetlag pa ako at sobrang pagod ang katawan sa ilang oras na byahe pero tumungo ako sa condo namin ni Troy. And he's there, collecting his things. Abandoning me like trash. Sobrang tanga ko para isipin na joke lang ang lahat ng ito. It's obvious na iiwan niya talaga ako. "Samira-" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko. I did it. "You're a bullshiter, Troy! Putch ka! I gave myself and let you taste my body 'coz I'm hoping that you'll marry me! How dare you to marry someone else! Nangako ka! Nangako ka!" tinulak-tulak ko siya pero hindi siya napaatras. Walang emosyon ang kanyang mga mata at tila naiinis pa sa akin. Am I at fault here? "Naririnig mo ba ang sarili mo, Samira?" pabalik niyang tanong. "Ikaw, Troy! Naririnig mo ba ang sarili mo?" pabalik kong tanong. Nagtiim-bagang siya at hindi nagsalita. "Sobrang tagal na natin at engaged na tayo. I waited for how many fvcking years for you to marry me! Naghintay ako kasi sabi mo ako lang ang papakasalan mo pero magpapakasal ka lang pala sa ibang babae! Lumayo lang ako saglit para mag-isip, hanapin ang sarili ko pero ano ang ibabalik mo sa akin?! Ganun ba ako kahirap tanggapin?" pinaalis ko kaagad ang luha ko. It's all coming back to me. All the pain, hate, betrayals, and sad truth that no one is here for me. Walang nag-iisip ng kalagayan ko kahit na masaktan ako. Afterall, akala ko kasi kakampi ko siya. Napapikit siya at hinilot ang sentido. Nang mamulat at inalis niya ang kamay ko na nasa kanyang dibdib. "You're not for me," mahinahon niyang sagot. “I can’t wait for you and your dramas… and being inconsiderate…” "A-anong 'you're not for me? Inconsiderate to you? Are you kidding, right? Troy naman! Anong kulang sa akin?! Bakit ang bilis mo naman atang pakasalan ang ipapalit mo?" "It's all useless." pag iiwas ni Troy sa tanong ko. "You're not answering my question! Did I disappoint you in bed? Am I not enough for you? Kulang ba ako?" humakbang ako papalapit sa kanya pero umatras siya at umiling. "Putang*i, Troy! Turuan mo ako kung hindi pa ako magaling!" The desperation is clearly showing. He narrowed his eyes at me. Galit na galit ang mata niya. "Samira! Wake up! Are you a fvcking w***e now?!" he said, humorlessly. Napalunok ako. Sobra ko nang tinatapon ang aking sarili kay Troy. Hindi siya pwedeng magpakasal sa iba. I need him to help us. Sadyang natatakot lang ako na mawala ang matagal ng pangarap ng magulang ko. "No! I'm not slut! I'm not w***e, Troy! Hindi ko lang alam kung bakit mo ako iiwan! Hindi ko matanggap na ang tagal natin pero iba ang pipiliin mo." nanghihina na ako. "I. DON'T. FVCKING. LOVE. YOU!" He pointed it out to me. “Look, Samira. Akala ko s*x lang ang kulang sa’ting dalawa pero hindi pala. It was not you. It’s me.” “I fvcking hate you,” mariin kong sabi sabay takas ng luha sa aking mata. Doon nag sink in ang lahat sa akin na hindi ako kamahal-mahal. Kasi kung kamahal-mahal ako, malamang matagal na siyang nagpakasal sa akin. O kaya hindi ipipilit ng parents ko na magpatuloy ang engagement na ito kahit ayaw ko na. They will think about me. They will think about my worth... kahit hindi na bilang anak nila pero bilang tao. "Magpapakasal ako sa taong mahal ko, Samira. Gusto ko lang na may mangyari sa atin para malaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa 'yo. Is it really love or is it just a lust, huh?! Pagkatapos ng mangyari sa atin-" "S-stop..." "Wala akong nararamdaman para sa'yo. I'm just thrilled that you're still a virgin. Pero nung malaman kong nagalaw ka na, naglaho bigla at hindi pala kita gusto." "I said, stop!" Sinampal ko siyang muli. "I hate you!" Mabilis akong hinarap ni Troy. Namumula na ang mukha niya dahil sa sampal ko. "Hate me all you can, Samira. Hate me! I don't care anymore. Magpapakasal ako sa babaeng mahal ko. And you know what..." humakbang siya na kinaatras ko. Tinuro niya ako. "She's better than you. Mas mayaman kaysa sa pamilya mo. Hindi ako ginagamit para lang sa kapakanan ng kompanya nila. Mas matutulungan nila kami kaysa sa pamilya mo, Samira." "Minahal mo siya? For how many years that I loved you, nasaan pala ako?" Kita ko na natigilan siya pero mabilis ding nakabawi. He reluctantly shook his head. "You're nothing, Samira. For how many years that you loved me, I couldn’t find the same feeling I used to love you. At hindi mo ba pabor to sa’yo? Hindi ka magpapakasal sa’kin dahil ginagamit ka lang ng parents mo.” Nagkurap-kurap ako dahil sunod-sunod na ang patak ng aking luha. Nanginginig na rin ang katawan ko at hindi na alam kung paano gumalaw. "Mas madali ko siyang minahal kaysa sa'yo. She's someone who gives me spark. Matagal ko 'yong hindi nahanap sa 'yo. I tried, Samira... I swear I tried, always." "No, you didn't," umiiling kong ulas. "Sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya. Alam ko rin naman na nananatili lang tayo sa relasyon na tayo kasi kailangan mo ako at kumpanya namin." "Wala kang alam!" "I know everything!" "Sinasabi mo lang 'yan kasi nakuha mo na ang gusto mo. Nakuha mo na ang katawan ko!" Gusto ko nang pakawalan si Troy. Hindi ko na siya mahal, alam ito ng buo kong sistema. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Kung nagsisinungaling lang siya at sabihin na ako ang mahal niya, kaya kong buhayin muli ang nararamdaman ko katulad kung paano ako na-excite nang malaman na magpapakasal na siya. Pero bakit ganun? Bakit hindi niya kaya? He chuckled. Mahina siyang napamura at hinagod ang buhok. "Hindi lang naman ako nakakuha ng katawan mo, Samira. You should look for the man who fvcked you first. Maybe he can help you." I gritted my teeth. I bailed my hand. "Wala ka nang maaasahan sa akin, Samira. I cut all my connections with you. Hindi rin naman iyon gusto ng fiancée ko at ng pamilya nila." "I'm your fiancée, Troy..." halos ibulong ko sabay iwas ng tingin. "No. Hindi na ikaw, Samira. Ex-fiance, maybe. But don't be so desperate. Mas bumababa ang tingin ko sa'yo. This is why I couldn't love you. Mahina ka at walang paninindigan. Hindi mo kayang gumawa ng desisyon para sa sarili mo. Have fun and look for someone who really give a damn about you, Samira." Inangat niya nag baba ko. "Masarap ka at madaling turuan sa kama kahit isang beses pa lang may nangyari sa atin. Kung kompanya mo lang ang iniisip mo, pwede mong gamitin ang katawan mo para makakuha ng suporta sa iba." Inis kong inalis ang kamay niya sa mukha ko. "You're an assh*le! You're really an assh*le!" Tumango siya at hindi itinanggi ang paratang ko. "I'm leaving for good. If you wanted to be my mistress-" "Get out!" Matunog siyang bumuntong-hininga. Saglit kaming nagtitigan. Wala nang luha na lumalabas pa sa mata ko at nagpapasalamat ako doon. I want to prove that I am strong. "Okay, then. Bye, Samira!" If he won’t give me love, then I won’t ask for it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD