NAPAUNAT ang likod ni Nicole. Kanina pa tila humihiwalay ang sarili niyang huwisyo sa kanyang sistema pero nang marinig iyon, hindi niya matiyak kung talaga nga bang sinusubukan ang hinahon niya.
“What do you mean?” she asked at parang nais pa niyang magtaka na kalmante pa rin ang tinig niya. She did a quick breath. At diniktahan ang sarili na manatiling relaxed. Kailangan niya ng presence of mind. Mahirap na, baka lumundag siya sa isang konklusyon na iba pala sa itinatakbo ng isip ng kanyang kaharap at mapahiya pa siya.
“I need you to carry my baby,” he said bluntly. “Pagkatapos mong manganak, kukunin ko ang bata at nasa sa iyo na kung ano ang gusto mong gawin. Ang gusto ko lang maging malinaw, wala ka nang pakialam sa bata pagkatapos mo siyang ibigay sa akin. Akin ang bata, Nicole. You are just needed because you have to carry my child. Pagkatapos nu’n, wala na. Ako na ang bahala sa lahat ng responsibilidad sa pagpapalaki sa kanya. At isa pa nga pala, I want this deal between you and me. The third party would be a good doctor that I can trust not because of his medical knowledge but also this secret.”
“In short, gusto mo lang akong maging palahian,” walang tonong sabi niya.
“Kung iyan ang termino na gusto mong gamitin, yes, ganoon na nga.”
“At bakit naman sa dami ng mga babae ay ako ang pinili mo? Dapat ba akong matuwa o mainsulto?”
Tila pinili ni Artemis na huwag sagutin ang tanong na iyon. “I want to be honest with you, Nicole. I had you investigated.”
Napahumindig siya. Pakiramdam niya, nagsisimula nang umakyat ang dugo sa ulo niya. “You had me investigated?” ulit niya.
“Look, ginawa ko iyon dahil kailangan. I knew that you were married to Edsel. It was tragic that he met an accident and died. I felt sorry for that dahil napakabata ninyo pa. But that happened five years ago. What I wanted to know is what your life is after that. At gaya nga ng sinabi mo, napatunayan kong sa negosyo mo lang itinuon ang buong buhay mo. You had numerous suitors but you turned them all down.”
“Pinanghimasukan mo ang personal kong buhay,” galit na sabi niya.
“Not that way exactly. Gusto ko lang makatiyak na kapag sinabi ko sa iyo ang proposal ko, wala akong plano mo na masasagasaan. Much more, kung mayroon kang karelasyon then walang silbi ang usapan na ito in the first place. And as I recall, even the next five years of your life is dedicated on your business.”
“That’s right. At wala akong balak na mabago ang planong iyon.”
“Don’t you want to sacrifice some nine months of your life in exchange of ten million pesos?” he said slowly.
Muntik na siyang mahulog sa upuan. Hindi dahil sa laki ng halagang narinig bagkus ay sa tono ni Artemis na tila desperado na makumbinse siya sa nais nito.
“You are willing to pay that much?” aniya, walang tono ang salita.
“Isn’t that enough, Nicole? Maglakad ka man sa loob ng siyam na buwan, hindi ka nakakatiyak na magkakaroon ka ng sampung milyon. I don’t believe your agency could earn that much for that span of time. Sa alok ko, that would be completely yours. Ang lahat ng gastos mula sa pagbubuntis mo hanggang sa panganganak mo ay sagot ko. Hindi ka gagasta ng kahit isang sentimo. Dalawang milyon ang ilalagay ko sa account mo sa oras na pumayag ka. Three million when you conceived at ang natitirang limang milyon pagkatapos mong manganak.”
Napangiti siya nang mapakla. “Sa tono mong iyan, para bang naniniwala kang pumayag na ako. Sa tingin mo ba sa akin, ganyan ako kadaling masilaw sa pera?”
“Gusto kong pumayag ka. I’m giving you a great offer, perhaps, a once-in-a-lifetime offer. Look, wala kang panahon sa kahit na anong bagay maliban sa palaguin ang negosyo mo, hindi ba? You could venture into other businesses sa laki ng perang iyon.”
“Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Bakit ako? Ang daming ibang babae diyan.”
“Wala sa bokabularyo ko ang kasal, Nicole. Anak lang ang gusto ko. Siguro nagulat ka. Akala mo, babae lang ang nagnanais na magkaroon lang ng anak at hindi asawa. Well, ako iyon din ang gusto ko. I’m very much sure that I could be a good father. I’m fond of kids. Ilan na ba ang pamangkin ko sa mga kapatid ko? Lima. I’m a doting uncle pero gusto kong magkaroon ako ng matatawag kong sarili kong anak.
“Sa mga pamangkin ko, they loved me but there are times that I felt I’m not a part of their family. Siyempre, mayroon silang sariling ama. I can be there during special occasions, taga-bigay ng regalo at kung ano pang hihilingin nila. But I want more than that. I want to be the one doing the raising, leaving a part of myself behind.
“Now, sa tanong mo kung bakit ikaw? I must admit, I am attracted to you. I want the woman who will carry my child that I have an attraction to her. And you really fit perfectly, Nicole. You are physically capable. I could imagine you heavy with my child. Kung magiging babae ang anak ko at magiging kamukha mo, then magiging maganda din siyang tulad mo. At bukod doon, pinili kita dahil hindi ka nga interesadong mag-asawa.”
“Hindi nga. Pero hindi mo rin ba naisip na hindi ko rin gusto na magkaanak?”
“Even for ten million pesos?”
Tumalim ang mata niya dito. “Para talagang palahian ang tingin mo sa akin, ano?”
Isang paghinga ang ginawa ni Artemis. “I’m giving you a pleasant offer, Nicole. Iwasan nating mag-insultuhan. I would like to regard this as another business talk. Kung may kondisyon ka para mapapayag sa alok ko, tell me. Tingnan natin kung magkakasundo tayo. Hindi mo kailangang sumagot ngayon. Let’s say I’ll expect your decision after two weeks. I hope sapat na ang panahong iyon sa iyo para makapagpasya ka.”
“Two weeks?”
“Yes. And in fact, kung makakapagpasya ka bukas ay mas maganda. I’m going thirty-five soon. Kung ang mga babae ay naghahabol ng biological clock, ang iniisip ko naman ay ang magiging age gap namin ng anak ko. Gusto kong hindi pa nananakit ang balakang ko kapag inaya niyang maglaro kami. At kung babae naman ang bata, gusto ko ring malakas pa ako at matipuno para maguwardiyahan ko siya sa mga hindi mapagkakatiwalaang manliligaw.” And he chuckled.
Napailing na lang siya. Bagaman tila mahahawa din siya sa naging ngiting iyon ng binata ay ang iritasyon sa dibdib ang mas iniinda niya.
“Listen, Nicole, nine months is the period of carrying the baby alone. Siyempre may conception pa. Let’s give it a whole year. Hindi naman siguro makakasagabal sa plano mo ang isang taon na isasakripisyo mo para ipagbuntis ang anak ko? Siguro naman, you have trusted staff para pamahalaan ang negosyo mo sa loob ng panahong iyon. Anyway, you could monitor it. Marami nang makabagong teknolohiya ngayon. Ang main concern ko, siyempre ay iyong maalagaan ka nang husto at ang batang lalaki sa tiyan mo.”
“For curiosity’s sake, halimbawang pumayag ako at hindi ako nag-conceive?” tanong niya, tila naghahamon.
“I’m thinking positively, Nicole. We are both healthy. Pero dahil sa tanong mo…” at tila saglit itong nag-isip. “All right. Maybe after three months at wala pa rin, ikaw ang panalo. Remember, kapag pumayag ka, dalawang milyon ang agad kong ipapasok sa account mo.”
Pinili niyang huwag magpakita ng anumang ekspresyon. “For another curiosity’s sake, how will I conceive the child? Artificial insemination?”
Umiling si Artemis. “I would prefer if we do it the traditional and passionate way.”