5

1123 Words
TINITIGAN din ni Art si Nicole. Ibang klaseng pananabik ang naramdaman niya habang naghihintay siya ng sagot nito. May pakiramdam siya na aayon sa nais niya ang maririnig dito. He smiled at her charmingly. Sa pag-uusap na iyon, alam niyang kailangan niya ng tone-toneladang karisma. Dahil bago pa dumating si Nicole, nakapagpasya na siyang ito ang maging ina ng kanyang magiging anak. “Wala akong balak,” narinig niyang sagot ni Nicole. Marahan siyang tumango. Hindi niya ipinakita na labis ang katuwaan niya sa narinig. “May I ask again? It’s a more personal question.” “Why not? Nasa akin naman ang decision kung sasagutin mo ang tanong mo o hindi.” Napangiti siya. “Gusto ko lang sanang malaman kung ang sagot mo ay may finality.” At ikinibit niya ang balikat. “But then, you’re right. Puwede mong sagutin, puwede ring hindi. I’m more concern on your five-year plan for yourself.” Napasandal si Nicole sa inuupuan nito. “And I want to think that it has something to do with my business proposal to you.” Pormal siyang tumango. “Yes. I have a counter-proposal, Nicole,” banayad niyang wika at ikinatang ang magkabilang siko sa dulo ng kanyang mesa. Mataman niyang tinitigan ang dalaga habang marahang pinagkikiskis ang mga palad. Hindi niya gawi iyon kaya alam niyang kahit sa kanya ay hindi rin ganoon kadaling lumabas sa mga labi niya ang nais sabihin. But he had to say it. “Counter-proposal,” ulit naman ni Nicole na nakatitig din sa kanya. He relaxed himself at ipinahinga ang likod sa sandalan. “Ibahin natin ang termino,” magaang wika niya. “You want something in my hotel, hindi ba?” “In your chain of hotels,” prangkang wika ni Nicole. “Gusto kong maglagay ng agency sa bawat chain ng Pacific Plaza Hotel sa buong Pilipinas.” “Yes, I read that in your letter. At sinabi mo rin na naniniwala kang mas lalago ang iyong negosyo kung ilalagay mo ito sa standard hotel na kagaya ng Pacific Plaza.” “Dahil middle-class tourists ang target ng agency ko, Artemis,” she said sweetly. “Ang mayayaman, marami nang suki na travel agency. Kahit ako, mayroon na ring loyal clients from the A crowd. Ang gusto kong abutin ay yaong mga tao na kaya lang nagbibiyahe ay dahil sa business purposes. Pinagsasama na lang nila ang business and pleasure para makatipid. I already made a special package for this people. I want them to be aware that they also deserve a vacation na tama lang sa budget nila.” Bahagya siyang tumango. Naririnig niya ang sinasabi ni Nicole pero ang mas napapansin niya ay ang bawat pagbuka ng mga labi nito. Those lush lips never ceased to amaze him. At kagaya ng dati, naramdaman na naman niya ang kakaibang epekto ng mga labing iyon sa kanya. Mabilis siyang gumawa ng paghinga. “Nicole, marami ding ibang chain of hotel. Bakit ang Pacific Plaza ang pinili mo?” “Because you have a chain in all the key cities of this country. Nakipag-tie up din ako sa Department of Tourism. Kaya nga may budget vacation packages ako, dahil may discounts privileges na ibinigay sa akin ang iba’t ibang tourist establishments. Art, if you will give me a space in your hotel lobbies, pareho tayong makakatulong ng malaki sa Department of Tourism at ganoon na rin sa ekonomiya ng bansa.” “Our business indeed contribute a lot to the country’s economy,” kaswal na sabi niya. “Nicole, sinubukan mo na bang lumapit sa ibang hotel chains?” Bumadha ang gulat at tila pagkapikon sa mukha nito. “Why do you ask?” “Curiosity. Gusto ko lang malaman kung ang Pacific Plaza ba ang priority mo.” “Well, yes. Pacific Plaza ang priority ko. Honestly speaking, I admire your hotel. Naturingang standard hotel yet the services here are first class. Malaki ang respetong ibinibigay sa inyo ng mga nagiging kliyente ninyo. Wala pa yata akong naringgan na nagkomento ng hindi maganda sa hotel ninyo unlike in other hotels.” “Your Honeymoon Travel, naka-focus lang ba ang agency mo sa mga honeymoon trips?” “No. Iyon ang specialty ng agency but I also offer group trips at iba pang karaniwang serbisyo ng travel agency.” “Do you think makikilala nang husto ang agency mo kung sa Pacific Plaza mo ilalagay?” “Yes, I believe so. Pacific Plaza ang number one preference ng mga client pagdating standard hotel. Suki rin ang hotel mo na pagdausan ng iba’t ibang convention saan mang chain nito sa bansa. My agency has a better exposure kung magkakaroon ako ng espasyo sa hotel mo.” Tumango-tango siya. “Madali kong maibibigay sa iyo ang gusto mo, Nicole.” “But…” tugon nito, nasa anyo na inaasahan nang may kapalit iyon. “Are you sure, puro sa negosyo nakatutok ang plano mo sa susunod na limang taon?” “Yes,” tila may pagkainip nang sagot nito. “May kinalaman ba iyon sa pinag-uusapan natin ngayon?” “Yes, malaki. Let’s call it an exchange deal.” “What?” “I would like to have a baby.” Napaawang ang mga labi ni Nicole. At alam niyang higit pa siguro sa pagkagulat ang kahulugan ng reaksyon nitong iyon. Yet he wanted to smile. Sapagkat hindi niya inaasahan na kahit sa ganoong pagkakataon ay mananatiling maganda ang kanyang kaharap. “I can practically hear your brain working, Nicole,” malumanay na sabi niya at tuluyan nang ngumiti. “Okay, a few seconds ago, I have decided not to make this an exchange deal. I’ll give you what you want. Kung gusto mong magkaroon ng maliit na opisina sa hotel ko, all right, go ahead. I’ll talk to the concern people para mailagay mo ang agency mo sa hotel. About what I said…”   “Are we going to forget about that?” mahinang sabi nito, tila ang isip ay doon pa rin nakatuon at ni hindi nagpakita ng katiting mang katuwaan na pumayag na siya sa business proposal nito mismo. “No. You have a business proposal to me and I granted it. Now it’s my turn to have a business proposal to you.” “That idea of having a baby, is that your business proposal to me?” “What’s exactly is your idea when you heard me that I would like to have a baby?” “You tell me. What do you want to propose when you said you wanted to have a baby?” ganting-tanong ni Nicole. “I’ll go straight to the point. I want you to be the mother of my child.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD