PAGKARAAN ng tatlong araw ay tumanggap si Nicole ng tawag sa sekretarya ni Artemis Monterubio. Ibinibigay na nito ang appointment na hinihiling niya.
“Tomorrow at eleven o’clock. Thank you, Miss Castro. I’ll be there,” businesslike na wika niya bago ibinaba ang telepono.
Natutuwa siya pero hindi rin naiwasang magtaka. Kung sa normal na pagkakataon ay malamang na sa isang linggo pa ang pinakamaagang appointment na ibigay sa kanya ng sekretarya ayon na rin sa mahigpit na schedule ng amo nito. Pero binigyan siya nang mas maaga pa.
And it really puzzled her. Hindi dahil sa nakilala niya sa kasalan si Art. Dahil buhat din naman ng araw na iyon ay wala na itong ginawa anumang hakbang na makausap siya. Isang kabalintunaan dahil kung babalikan niya ng isip ang mga inakto ng lalaki noong araw na iyon, tila nga na-attract ito sa kanya nang husto.
“Well, I should be happy. Hindi na ako dapat na mag-isip pa ng kung anu-ano,” aniya sa sarili at tinawag ang sariling sekretarya. “Paki-prepare nga iyong mga documents na dadalhin ko sa meeting ko bukas kay Mr. Monterubio,” utos niya.
Namilog ang mata ni Jean. “Malapit na kayong magkaroon ng branch sa Pacific Hotel?” excited na sabi nito.
“Let’s hope so,” nakangiti namang sabi niya.
NICOLE chose a light brown business suit. Not too formal and powerful yet not too feminine on her looks. Bukod sa presentable niyang anyo ay handang-handa na rin ang mga sasabihin niya kay Artemis Monterubio. Taglay niya ang confidence na nakasanayan na niya kapag may business deal siya.
Pero hindi rin niya maiwasang makadama ng labis na tiwala. Naaalala pa niya kung gaano ang ginawang paglapit sa kanya ni Art noong nagkakilala sila sa kasal. Tila tama nga yata si Eve sa sapantaha nito na attracted sa kanya ang lalaki.
Pero bago iyon ganap na bumalot sa kanyang sistema ay iwinaksi na niya iyon. Mahirap nang maniwala sa isang bagay na hindi naman siya sigurado. Baka hindi pa niya makuha ang talagang pakay niya kung sa iba mapo-focus ang kanyang atensyon.
“Kayo na muna ang bahala dito,” bilin niya sa staff niya sa agency.
“Good luck, ma’am!”
“Thanks.” Kinawayan na lang niya ang mga ito tinungo na ang parking lot kung saan naroroon ang kanyang kotse. Ilang sandali pa at nasa Roxas Boulevard na siya kung saan kahilera ng iba pang standard hotel ang Pacific Plaza Hotel. At bago siya tumuloy sa opisina ni Art Monterubio ay tiniyak niya uli na walang maipipintas sa kanyang anyo.
PAGPASOK pa lamang ni Nicole sa anteroom ng kanyang opisina ay natanaw na ito ni Art sa pamamagitan ng malapad na one-way mirror.
Bagaman kanina pa ay nakadarama na siya ng inip ay hindi rin naman niya masisisi ang dalaga. She was just right on the dot. Siya lang itong kanina pa hindi mapakali sa paghihintay sa pagdating nito.
She was the perfect woman to have my baby…
Of course, noong isang araw pa ay alam na niya ang bagay na iyon. He had already analyzed her body structure. Out of the question na ang taglay nitong ganda. And for him, it was a big bonus. Itinuon niya ang tingin sa mga balakang nito. Tila tamang-tama lamang ang lapad niyon para ma-accommodate ang kanyang anak.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Dama niya ang pag-ahon ng antisipasyon sa kanyang dibdib. Pagkaraan ng tatlong araw ay nakagawa na rin siya ng isang desisyon. At bonus na ring maituturing ang pagkakaroon niya ng malakas na atraksyon kay Nicole Inovero.
“Sir, nandito na po si Ms. Inovero,” wika ng kanyang sekretarya na hindi na rin niya ikinagulat.
Isang tikhim ang pinakawalan niya bago sumagot sa intercom. “Send her in.”
At nang bumukas ang pinto ay tumindig na rin siya at isa na namang paglilinis ng lalamunan ang ginawa. And then he felt it, isang uri ng tensyon na pinagtakhan pa niya. He used to making business proposition. Hindi na bago sa kanya ang paghaharap na iyon pero nang maisip niyang di-pangkaraniwan ang sasabihin niya, napailing na lang siya.
“Good morning,” pormal na bati sa kanya ni Nicole.
He welcomed her with a sweet smile.
NAPANGITI nang matamis si Nicole. Iba ang ngiting ibinigay sa kanya ni Artemis Monterubio. At dahil doon ay lumakas ang kanyang palagay na makakapagsara siya ng business deal sa lalaki.
Mukhang hindi na niya kailangang gumamit ng business secret niya—her own charm. Natuon ang isip niya sa isang kontrata na pipirmahan nila pareho. At pakiramdam niya ay mapapangiti na naman siya na tila nagdidiwang. God, she was so excited.
Her business was her life. Pagkatapos ng kabanata ng buhay niya kay Edsel, talagang wala nang iba pa siyang pinag-ukulan ng pansin maliban sa kanyang negosyo. At wala na rin siyang balak na baguhin pa ang routine na iyon. For her, it was only her business and nothing more.
Napatingala siya kay Art na ngayon ay katapat na niya. he stood few inches above her. At hindi man sinasadya ay naalala niya ang pagsasayaw nila. Hindi lang iisang beses iyon. Inanyayahan pa siya nito at hindi rin naman siya tumanggi—bahagi ng kanyang plano na makagawa ng magandang impresyon dito.
And yet, she also became aware of Artemis Monterubio as one of the most eligible bachelors in the city. He was a walking cliché. The man with 3 F’s sabi nga ng iba. Face value, flashy cars and fat bank accounts.
He was in mid-thirties. Ilang socialite na rin ang naringgan niya na pinagpapantasyahan ang binata pero pawang bigo ang mga ito. Mayroon na rin siyang narinig na baka hindi babae ang tipo ni Art kaya walang itong pinapakasalan hanggang sa ngayon.
Pero mas mahirap yata siyang makukumbinse sa ideyang bakla si Art. Ni katiting na palatandaan ay hindi niya naaamoy dito. Isa pa, bagaman may mga frustrated na socialite kay Art, mayroon din namang mga mapapalad na nakarelasyon nito kahit panandalian. At kapag ang mga iyon ang narinig mong magkuwento, malayong-malayo na maniwala kang bakla si Artemis.
To put it simply. Artemis Monterubio wasn’t interested in marriage.
“Have a seat, Nicole,” suwabe ang tinig na alok sa kanya ng binata.
“Thank you,” sagot niya at tumalima.
“Can I offer you anything? Coffee or—”
“No, thanks,” nakangiti niyang tanggi. “I would prefer if we go down to business.”
Mabilis namang tumango si Art. “Yes, why not.” Lumigid ito sa malapad na mesa at dinampot ang folder na pamilyar na sa kanya. Iyon ang dokumentong iniwan niya sa sekretarya nito nang una siyang magpunta doon.
Binuklat iyon ni Art pero sa anyo nito ay may kutob siyang nabasa na rin naman nito iyon. Yet he didn’t glance at her. At ang segundong tumatagal na naghahari ang katahimikan sa kanila ay nagdudulot ng alinsangan sa kanyang pakiramdam.
Hindi niya maipaliwanag kung paanong bigla siyang natensyon. Kanina, mas malaki ang porsyento ng paniniwala niyang mapapasakanya ang nais niya sa pag-uusap na iyon pero ngayon ay nalambungan iyon ng pagdududa.
Hindi niya kayang mahulaan ang iniisip ni Art sa pamamagitan ng blangkong ekspresyon nito. At mas lalo namang mahirap manghula kung ganitong tila kumakapal ang katahimikan sa pagitan nila.
“Do you have a five-year goal for yourself, Nicole?” pagkuwa ay tanong nito.
Nagulat siya pero sandali lang. “What do you mean for myself? Personal?”
Banayad na tumango si Artemis.
Napangiti naman siya nang tipid. “Of course I have a plan. I could outline it for you if you want.”
Tila si Art naman ang nagulat pero bago ganap na bumadha iyon sa anyo nito ay napuno ng interes ang mga mata nito.
“Kasama ba doon ang pag-aasawa mong muli?” maingat pero direkta ding tanong nito.
Napatitig siya dito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa tanong na iyon ng binata. Nang magpunta siya doon, pilit niyang iwinaksi sa isip ang anumang personal na bagay. Pero bakit ang itinatakbo ng mga tanong ni Artemis ay personal?
Her heart skipped a beat.