“I COULDN’T believe this!” sabi ni Artemis habang kumakain.
Sarap na sarap siya sa lechon de leche na walang dudang inorder pa sa Cebu. Wala ring duda na pinaghandaan ng pamilya niya ang asaltong iyon. Ang iba pang mga pagkain ay pawang paborito niya. Mayroon ding nakasabit na streamer sa isang panig ng dingding. Tunay na isang birthday party ang pinaghandaan ng kanyang pamilya.
Kumpleto ang mga Monterubio maliban sa kanyang Papa na noong isang araw lang ay tumulak patungong Bangkok para sa isang speaking engagement sa isang grupo ng local hotel owners doon.
“Hayan at hindi mo na tinatantanan iyang lechon, I couldn’t believe this ka pa riyan,” kantiyaw sa kanya ni Tricia.
“I never expect you would do this surprise party for me,” seryosong sabi niya. “Akala ko ba, Tricia, luluwas kayo ng pamilya mo? Ikaw, Albert, sabi mo may lalakarin ka sa Hong Kong? At ikaw Beattie, may pa-advance-advance happy birthday ka pa sa akin nu’ng tumawag ka sa opisina. Sabi mo sa akin, isinasama ka ni Mama para sundan si Papa sa Bangkok?”
“Drama lang namin iyon. Paano ka masu-surprise kung hindi kami magda-drama?” natatawang katwiran ni Beattie. “Pero alam mo, Kuya, mas na-surprised kami!” at sinulyapan nito si Nicole na mas kausap nina Cita at Tricia.
Hindi niya masyadong naaasikaso si Nicole. Nang magsimula ang pagkain ay mas kinuha ng mga kapatid niya at hipag ang atensyon ni Nicole. And so far, nakikita niyang may nabubuong rapport sa mga iyon.
But the next moment he set his eyes on her, ang naalala niya ay ang init na nagawa nilang pag-alabin nang magkadikit sila kanina. Instantly, he could taste her lips again. He could feel the powerful emotion that aroused in him. And the thought of making love with her made him hard again.
Damn! He muttered silently.
“I like her,” wika ng mama niya na tinabihan siya. “Bakit hindi mo siya ipinapakilala sa amin, Artemis? Kung hindi pa nagkagulatan, hindi namin malalaman na may girlfriend ka na pala?”
“Mama, palaging may girlfriend si Kuya,” sabad ni Beattie. “Pero iba si Nicole. I can feel it.”
Yes, she’s different. She’s going to be the mother of my child.
“Si Nicole lang ang dinala niya dito sa Baguio,” his mother said thoughtfully.
“At nakita mo ba ang itsura nila kanina, Mama? Mukha silang mga bagong kasal!” may kasama pang kilig na sabi ni Beattie.
“I won’t get married,” pabiglang wika niya.
Napakunot ang noo ng kanyang mama. “You’re not serious, are you?”
“Mama, alam ninyong kahit kailan, hindi ko binalak sumuong sa bagay na iyan.”
May pag-aalalang sumulyap ang kanyang mama sa gawi ni Nicole. “Doon tayo sa garden, hijo,” diplomatikong wika nito at nauna nang humakbang palabas. “I don’t understand you, Artemis,” seryosong wika nito. “Napakaganda ng pagsasama namin ng papa mo. At kahit ang mga kapatid mo, matitibay ang kanilang kasal. What’s wrong with you, son? Ano ang nangyari sa iyo na hindi namin alam at ganyan na lang ang pag-iwas mo sa kasal?”
Kaswal siyang umiling. “Nothing, Mama. Nagkataon lang na ganito ang gusto ko sa buhay ko. Masaya ako na mag-isa. I don’t picture myself as a married man.”
“Hindi mo ba naiisip na magkaroon ng sariling pamilya?”
“Hindi ba’t pamilya ko naman kayo?”
“You know what I mean, Art,” tila nauubusan ng pasensya na wika nga kanyang mama.
“All right, mama, naiisip ko rin naman na magkaroon ng anak.”
“Artemis!” may galit na bulalas nito. “Anong kalokohan iyan?”
Tumawa siya nang mahina. “Easy, Mama. Magkaka-wrinkles ka niyan.”
“I’m serious.”
Sumeryoso din siya. “I’m serious too. Gusto kong magkaroon ng anak.”
“Pero hindi asawa?”
“Nope.”
“Que barbaridad!”
“Mama, lalaki ako. Ano ang mawawala sa akin kung sakali?”
Numipis ang mga labi ng babae. “I don’t believe this! Ikaw pa, Artemis? Bakit ka nag-iisip ng ganyan? Why don’t you do the things in its natural course? Get married then have children.”
“Mama, anak lang ang gusto ko,” matigas na sabi niya.
“For no reason at all?” salubong ang kilay na wika ng kanyang mama.
“Hindi ba sapat na dahilan na iyon ang gusto ko?”
“Ganoon lang? Basta gusto mo lang?”
“Yes.”
“That’s insane!” halos bulyaw sa kanya nito.
“Mama, I’m thirty-four years old. Alam ko na ang ginagawa ko.”
“Tumatanda ka nang paurong!” Mas galit ang kanyang mama.
Napailing siya. “You don’t understand me, do you?”
“Talagang hindi! Isang malaking kabaliwan iyan, Artemis. Bakit, akala mo ba komo marami kang pera, sapat na iyon para magpalaki ng anak? Kahit gaano karami ang pera mo, hindi niyon mapapantayan ang pagkalinga ng isang ina. At isa pa, sino namang matinong babae ang ipauubaya ang sariling anak?”
“Mama, maraming mga bagay sa mundong ito na pera lang ang katapat.”
“At ganoong klase ng babae ang gusto mong maging ina ng anak mo? Iyong nabibili ang pagkatao?”
“Why not?” matigas na sabi niya. “May mga babaeng praktikal. Isa pa, natitiyak kong mapapabuti ang bata kapag ako ang nagpalaki.”
“Wala siyang kalalakhang ina.”
“The same thing goes for those children who never saw their mothers. Sa maraming bagay, kung tutuusin ay masuwerte pa rin ang anak ko. Ina lang ang magiging kulang sa kanya.”
“Baluktot na katwiran iyan.”
“Para sa akin ay hindi. Dahil iyan ang gusto ko.”
Sa bawat segundo ay tila tumatanda ang kanyang ina sa diskusyon nilang iyon. “At sino naman ang balak mong maging ina ng anak mo? Si Nicole?”
“At kung siya?” tila may paghamon sa tinig niya.
Umiling ang kanyang mama. “Mahusay akong bumaba ng karakter ng isang tao. Imposibleng mapapayag mo si Nicole sa balak mo.”
“Paano kung sabihin ko sa inyo ngayon na pumayag na siya?”
“Hindi ako naniniwala!” ubos na ang pasensyang wika ng kanyang mama at halos magmartsa ang mga hakbang na iniwan na siya.
Nagkibit lang siya ng balikat. Ang mas nasa isip niya ay ang pagpayag ni Nicole. Wala siyang magagawa kung ayaw maniwala ng kanyang mama o ng kahit na sino pa. Ang mas importante sa kanya ay tuloy ang napagkasunduan nila ng dalaga.
And thinking about her, nami-miss na agad niya ito. Humakbang na rin siya pabalik sa bahay. There was a sly smile on the corner of his lips.
He and Nicole were going to make love. Soon.
Lumuwang ang ngiting nasa mga labi niya.