what if

2177 Words
Gumising ako nang maaga, syempre pang-umaga ako at may pasok kami. Monday ngayon kaya dapat nakaready ako. Nakakatamad pa namang mag-asikaso, pero kailangan. Baka mapagalitan din ako ni mama kapag hindi ako mag-asikaso. Mayayari pa ako, e. Lumabas ako nang may dalang isang daang perang papel para bumili ng kung anong meron sa carinderia na nagbubukas ng alas-tres ng umaga. Ang aga nila. Nang ako'y makarating sa aking destinasyon ay napangiti ako dahil sa nakita ko. May palabok, spaghetti, pansit at sopas, at syempre hinding-hindi mawawala ang lugaw. Sabihin mo lang sa kanila na lugaw ang bibilhin mo at ibibigay na nila 'yan. Nakatago ang lugaw nila kasi ayaw talaga nila 'yan ibenta — charot lang. Nasa kalan kasi. "Ang lamig," saad ko sa aking sarili. Ang lakas pa ng hangin, pero hindi uulan. Sadyang malamig lang talaga, syempre madaling araw, e. Tapos nakalimutan ko pang magsuot ng may sleeve na damit — nakasando lang kasi ako ngayon. "Ano sa‘yo?" Tanong ng tindero. Inaantok pa ako at humihikab. Napahikab din ang tindero, mukhang antok pa. "Sopas po tapos..." agad siyang kumuha ng plastik na dahilan mapahinto ako sa aking sasabihin. Saka na lang kapag tapos na siya sa sopas. Nang matapos siya sa pagsandok ay nagsalita na akong muli. "Palabok po saka pansit — dalawa pong pansit," pagpapatuloy ko sa sinabi ko kanina sa tindero. "Ano pa?" Kuya, 'wag mo po akong budulin — charot. "Isa pong lugaw,'yung may bawang po. Dagdagan mo na po ng dalawang tokneneng saka isa rin pong toge — ay dalawa na lang po pa lang toge," saad ko sa kaniya. "Isang lugaw, dalawang tokneneng saka dalawang toge?" Pagkukumpirma niya at napatango naman ako sa kaniya. "Ten... twenty... forty... twelve times four equals ... forty-eight plus forty equals... eighty-eight — eighty-eight. Eighty-eight lahat, 'nak," ibinigay ko ang isang daang piso at sinuklian naman ako nito ng dose pesos pagkatapos. Gusto ko na umuwi. Ang lamig na e. Bumalik na ako sa bahay. Nang makauwi ako sa aming tirahan ay kumuha ako ng mangkok para ilagay ang sopas. Ibinalik ko na rin ang sukli kay mama nang makita ko siyang gising na rin. Siya ang kakain ng lugaw at sina kuya ang kakain ng palabok at pansit. Mahilig kami ni mama sa masabaw sina kuya naman ay mahilig sa pansit. Ipaiikot na lang daw nila yoong tinidor saka kakainin nila, hindi na raw kailangang hipan kasi hindi raw kasing init ng kakainin namin ni mama. Iniwan ko muna saglit ang pagkain ko at kinuha ang selpon ko sa taas. Habang papunta ako sa may lamesa ay nakita ko na si mama sa may upuan katabi ng mesa. Ibinaba ko ang selpon ko sa lamesa at binigyan si mama ng mangkok para gawing sumbrero. Inilagay ko ang lugaw rito pati na rin ang tokneneng. Kumuha rin ako ng platito para paglagyan ng suka na para sa tokneneng. Ewan ko kay mama. Mas bet niya raw nakabukod ang suka sa lugaw. Sarap nga ng lugaw kapag may suka, e. Pero sige lang, trip niya 'yan, e. "Good Morning, mama," nginitian lang ako ni mama at tumayo siya papunta sa may lababo. Pansin ko si mamang hindi makatayo at makapaglakad nang maayos. "Mama, ayos ka lang?" Tanong ko. Tumango naman ito, pero parang may hindi magandang nangyari e. "Sure ka, mama?" Tumango ito ulit at bumalik na sa may upuan. Bumalik na rin ako sa uupuan ko kung saan malapit ang pagkain ko. Malayo ako kay mama kasi baka may makita siyang messages sa cellphone ko. Nag-open ako ng messenger ko at may bungad na 'di ko inaasahan. "Good morning po," message ni Mr. Virgo, pero sa group chat ako nag-good morning. *Mr. Virgo • active now* Santana Connor: Hmm Mr. Virgo: Kamusta ang gising? Ganitong oras, gising na 'to? Ilang taon na ba 'to? Anong grade na ba 'to? Mukhang may klase rin ito sa umaga. Santana Connor: Tanong mo sa kaniya. Mr. Virgo: Huh? Santana Connor: Huh-tdog Ang ibig kong sabihin ay itanong mo kay gising kung kamusta na siya. Satana pangalan ko, hindi gising. Mamais. Mr. Virgo: Di kita gets. Okay lang 'yan. At least, gising ka. Santana Connor: Edi wag mong intindihin. Problema ba yon Pagkatapos kong mag-reply sa kaniya ay agad naman akong sumubo ng kutsara na may laman at kinain ang nakalagay rito. Mga ilang minuto ang nakalipas at hindi siya nagreply. Medyo nainis ako kasi ayaw kong pinaghihintay ako at ayoko ring umasa sa mga bagay na ine-expect kong mangyari. Pero bakit nga ba ako mag-e-expect sa kaniya? Sino ba siya? Tsk. Nanonood na lang ako sa social media ng kung anu-ano at nang biglang may nag-pop up sa cellphone ko. Si Virgo na inabot ng mga 30 minutes bago mag-reply. "Edi don't," reply niya sa message ko na nakita ko sa notification bar. Santana Connor: Tama yan. I replied before bumalik sa ginagawa ko which is ang kumain at manood ng kung anu-ano sa cellphone. Dahil nga sa curiosity about sa kaniya at gusto kong malaman kung bakit siya interesadong kausap ako. Anong meron sa akin na dahilan kung bakit gusto niya akong kausap, nagbalak akong tanungin siya. *Mr. Virgo • active now* Santana Connor: I wanna ask something… Minensahe ko siya nang may halong kaba na nararamdaman at gusto ko siyang makilala ng husto. At the same time, nag-o-overthink din ako na baka kung ano ang mangyari. Either masama, or mabuti. Mr. Virgo: Ano iyon , Ms. Santana? Thankfully, he replied immediately. Sana ay sagutin niya ang tanong ko... Santana Connor: Sino ka? Mr. Virgo: Bakit ko naman sasabihin? Santana Connor: Kasi Gold ako. Mr. Virgo: Ako astig Hindi ko na ni-reply-an ang reply niyang iyon. Inilipat ko na ang application from messenger to w*****d, as always. Wala naman akong mapapala sa messenger kundi mga gan'yan lang. Busy ako sa pagbabasa, nakayuko lang ako ngayon. Nakalapat ang noo ko sa lamesa. Mga ilang minuto ang nakalipas, biglang kumulo ang aking tiyan. Para bang, gusto ko na ulit kumain. Tiningnan ko ang aking pagkain. Kitang-kita rito na kakaunti pa lang ang bawas kaya agad akong kumain. Yumuko ulit ako upang magbasa. Ang kaso lang, male-late na pala ako. 4:59 na pala ng umaga. Nagliliwanag na rin ang madilim na langit. Nakita ko tong gising na sina kuya. Si kuya Samuel ay nakaligo na, si kuya Sandie ay kumakain na. Katabi ni kuya Sandie si mama, at ang panghuli ay si kuya Simuel, naliligo. Rinig ko mula sa hapag-kainan ang pagbagsak ng tubig sa sahig ng banyo namin kaya alam kong naliligo na si kuya. Kain lang ako nang kain. Na-bore na naman ako, kaya naisipan kong reply-an si Mr. Virgo. *Mr. Virgo • active now* Santana Connor: Walang may pake. Agad kong inilipat aa pinapanood ko ang page ng phone kasi baka makita nila na may kausap ako trough phone. Mr. Virgo: Luh. Santana Connor: Sino ka ba? After kong i-send itong mensahevg ito, saka ko lang naalala na bawal pala mag-share ng profiles nor information about sa kanila. Nasa R.P.W. nga pala kami, nakalimutan ko. Mr. Virgo: Bakit? Alam kong da-dalawang araw pa lang kaming nagkakilala at naku-curious ako kung sino nga ba siya. Santana Connor : Pwet mo may raket. Iyan na lamang ang nai-reply ko kase wala akong maisip na dahilan. Hindi niya rin naman siguro na sasabihin kung sino siya - lalo na't nasa pekeng mundo kami. Mr. Virgo: Bakit nga? At dahil nga sa alam kong hindi niya talaga sasagutin ay ito ang sinabi ko. Makulit ako e. Santana Connor: SAGUTIN MO NA LANG KASI Mr. Virgo Bakit naka CAPS LOCK? Santana Connor: Para dama. Reply ko at agad ini-switch account kasi baka may update sa group chat namin sa school at naglog-out ako kasi kakain na ako at manonood na lang ako sa real account ko ng 5 minutes craft. Alam niyo ba kung anong pinagtataka ko rito sa page na 'to? Wala lang, ang weird lang. Alam ko ring weird, pero nanonood pa rin ako. *Notification bar* Jake Navarro: Good Morning, Santana! Cancel | Reply | Navarro SBH • Jake Navarro: Good morning to all! Navarro SBH • BooDaga: Goodm moaning Navarro SBH • Spicy Chicken Sandwich: GM mga pare Navarro SBH • Licio: Good am! Navarro SBH • Zishio: Good morning to all. Navarro SBH • Sofia: Gggooooddd mmmoorrrnniinnh Cancel | Reply | Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin ako. Wala naman ng tao sa banyo kaya naligo na ako. Nakahanda na rin ang mga panloob na iba pang damit na isusuot ko para sa pagpasok. ••• Ang lamig — niyo! Este, joke lang. Ang lamig! Nakalimutan kong magpainit ng tubig! Narito ako sa banyo, lamig na lamig. 'Yung tipong gusto kong mag jacket habang naliligo. Ang lamig, sobra. "Ahhh!" Sigaw ko sa loob ng banyo. May narinig naman akong sigaw mula sa labas ng banyo. Isinigaw nito ang pangalan ko. "Satana! Anong nangyari?!" Sigaw na may halong pag-aalala. Medyo natawa ako dahil sa reaksyon nila. Akala mo talaga ay may nangyaring masama. Haha. Katok sila nang katok sa pinto. Gusto kong matawa dahil sa pag-aalala nila. 'Yung boses ko kasi kanina ay parang may nangyaring masama kaya nag-aalala na sila. "Kuya, mama, ayos lang po ako. Sadyang malamig lang po ang tubig," natawa ako nang mahina nang makarinig ako ng singhal. Ramdam ko rin na lumayo na sila sa may pintuan ng banyo at sigurado akong bumalik na sila sa kanilang ginagawa kanina. "Oh, kuya Sandie, ikaw na maligo," saad ko nang aking makita si kuya Sandie na may bitbit na damit. Si mama ay naroon pa rin sa may pwesto niya kanina at sila kuya Samuel at Simuel ay kumakain. Si kuya Sandie ay nililinis ang kaniyang buhok at nagwiwisik-wisik. "Kuya, hindi ka maliligo?" Tanong ko sa kaniya. Tiningnan ako ni kuya at bumalik sa ginagawa niya. Kinuha nito ang tuwalya at pinunas-punasan ang kaniyang ulo. "Oo, hindi ako maliligo. Mapupunas na lang ako ng katawan ko." "Ay... yowkk," saad ko na ikinataas ng kilay ni kuya Sandie at ikinatawa nila mama at nila kuya. "Wow, hiyang-hiya naman sa 'yo na hindi naliligo tuwing Sabado at Linggo," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Naliligo ako!" Sigaw ko kay kuya. "Iwww, yuck, hindi naliligo," kinurot-kurot ko si kuya at tumawa-tawa lang siya. ••• Nasa paaralan na kami, as always. Hinatid kami ni kuya Samuel at pumunta na siya sa University na pinapasukan niya dala-dala ang kotse ni papa. Nasa classroom na rin ako at iniisip kung bakit gusto ko siyang makilala ng husto — si Mr. Virgo, of course. 'Di ko talaga alam kung bakit interesado akong alamin kung sino si Mr. Virgo. "TING!" Tunog ng cellphone ko. May nag-notif sa akin galing sa messages ko. Nag-text si kuya Sandie sa akin habang nasa classroom ako kasi raw may naiwan daw ako. "Hi" with wave emoji — mensahe ng isang lalaki na nagngangalang Mr. Virgo sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip na mag-mensahe dito pabalik. Magmemensahe na sana ako kaso may sinabi pa siya na dahilan kaya naku-curious pa talaga ako sa kaniya. *Mr. Virgo • active now* Mr. Virgo: Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ngayon sa classroom niyo? Agad kong inilibot ang mata ko kung sino siya. Naghahanap ako ng lalaking may hawak ng cellphone at pwedeng nag-e-sss o kaya kung anong social media na hindi makakaistorbo ang messenger. Ang kaso lang ay puro naglalaro ng online games ang mga kaklase kong lalaki dito. Syempre, umaasa ako na magugustuhan ako ng crush ko pabalik kaya tiningnan ko yoong cellphone niya. Nasa may harap ko siya ngayon kasi first subject namin. Mamaya ko siya makakatabi, sa second subject. Time ni sir Jerome. Science time. Tiningnan ko yoong cellphone niya naka-sss at walang messages. So, naisipan kong mag-message sa kaniya at nakita ko na biglang may nag-notif sa kaniya na message. Walang lumabas na notification bar at wala ring lumabas na bubble chat - Naka lite siya. Hinintay kong pindutin niya iyon ang kaso ay hindi niya pinakialaman at nagchat sa akin si Mr. Virgo — so hindi siya? E, sino? Mr. Virgo: Hinahanap mo siguro ako? Haha. Huwag kang tumingin kay Brent, hindi ako yoong crush mo Santana Connor: Sino ka ba kasi? Mr. Virgo: Baka mag-overthink ka kakaisip kung sino ako tapos baka magka-insomia ka niyan. Huwag mo na lang alamin kung sino ako. ??? Hinanap-hanap ko pa rin siya sa Classroom at nakita ko rin na nakatingin sila Quinny sa akin kaya iniwasan ko na lang at ibinalik ang atensyon sa cellphone. Hindi ako nag-message sa kaniya kun'di nanood na lang. What if sila Quinny pala 'yon? Pinagtitripan lang pala nila ako. What if si Jake 'yon? Mukha bang may interes sa akin 'yon? Pero sino si Jake sa classroom? What if si Pawn? Concerned before then, siguro hindi siya nagchachat sa Zishio niyang account kasi magkausap na kami sa account niya Mr. Virgi? Pero mukha namang hindi siya papatol sa akin at saka, kaklase ko rin siya? What if sila Quinny talaga 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD