“Hindi pa ba tayo aalis?” Binalingan ni Louisa si Andrei. “Baka ma-late ka na sa taping mo.” Si Ace ang sumagot sa tanong niyang ‘yon. “Ako ang maghahatid sa inyo. Nag-text ako sa ‘yo ‘di ba? Hindi mo ba tinitingnan ang cell phone mo, ha?” Kunot noong dinukot ni Louisa ang cell phone sa bulsa ng suot na pantalon at nakitang may message nga ito sa kaniya. Tiningala niya si Ace. “Bakit ikaw ang maghahatid sa ‘min? Sabi ni Sir kay Andrei daw kami sasabay.” Umangat ang sulok ng labi ni Ace. Pero naunahan ito ni Andrei magsalita. “I have a meeting prior to my taping. Kaya kinausap ko si Ace na sa kaniya na lang kayo sumabay. Sakto namang may morning class rin siya.“ “Ah…” tumango-tango si Louisa. “Okay.” Nakangiting tugon niya sabay kinuha sa loob ng backpack ang ginawang sandwich at in

