Chapter 42

1879 Words

PINAUPO si Louisa ng staff na nag-assist sa kaniya sa lounge area sa second. Kasama niya roon si Andrei na binigyan naman ng drinks at cookies. Mayamaya ay bumalik ang staff at kinabitan ng swero si Louisa. Napangiwi pa siya nang makaramdam ng kaunting kirot mula sa pagtusok ng karayom sa ugat niya. Iyon daw ang tinatawag na glutatione IV. Tumutulong sa mga damaged cells at pampalakas ng immune system. Side effect lang pala niyon ay pagpapaputi sa balat. “Hintayin lang po natin maubos ito nasa IV drip bag,” nakangiting imporma ng staff sa kaniya. “Kung may kailangan po kayo i-press niyo lang po itong button sa tabi niyo.” Tinuro niyon ang maliit na parang switch na nasa pader sa tabi ng inuupuan niya. Tumango si Louisa. “Sige po, salamat.” Tinanguhan siya ng babae habang nginitian

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD