Spain.
Tahimik ang umaga sa villa, ngunit sa opisina sa loob nito, nakaupo si Jeon sa harap ng mahabang mesa.
Sa harap niya—mga dokumento.
Hindi business deal.
Hindi arms shipment.
Hindi alliance.
Isang marriage contract.
Napagdesisyunan niya.
Kung hindi niya kayang alisin ang babae—kaya niyang baguhin ang posisyon ng babae sa loob nito.
Hindi bilang bihag.
Hindi bilang protektado.
Kundi bilang asawa.
At ina ng magiging tagapagmana ng pangalan niya.
Hindi niya kailangan ng engrandeng seremonya.
Hindi niya kailangan ng simbahan.
Hindi niya kailangan ng basbas ng kahit sino.
Pirma lang.
Legal.
Permanent.
“Sigurado ka ba, boss?” tanong ng abogado niyang matagal nang nasa serbisyo niya.
“Walang seremonya,” malamig na sagot ni Jeon. “Kontrata lang. Iron-clad. Walang loophole.”
Tumango ang abogado.Hindi inaalis ni Jeon ang tingin sa kontratang nasa mesa.
Makapal. Malinis. Legal.
Walang emosyon.
“Hindi ko kailangan ng engrandeng kasal,” malamig niyang sabi, halos sa sarili lamang.
Tahimik ang abogado sa harap niya.
“Ang simbahan,” dugtong ni Jeon, “ay para sa mga nagmamahalan… at para sa mga mabubuting tao.”
Bahagya siyang napangiti—isang ngiting walang saya.
“Hindi para sa katulad kong halimaw.”
Walang umimik.
Hindi niya iyon sinabi para kaawaan.
Hindi rin para dramatiko.
Katotohanan lang iyon sa isip niya.
Ang kasal sa simbahan ay may pangakong banal.
May paniniwala sa kabutihan.
May pag-asa sa habang-buhay.
Hindi siya naniniwala roon.
Ang kaya niyang ibigay—
proteksyon.
Apelyido.
Kapangyarihan.
Hindi pangako ng pag-ibig.
“Kapag pumirma siya,” dagdag niya, mas mababa ang tono, “walang gagalaw sa kanya nang hindi ako dinudurog muna.”
Tumango ang abogado.
“Legal na magiging Mrs. Devereaux,” sabi nito.
Saglit na tumigil si Jeon.
Hindi niya inaasahan na may kung anong mararamdaman sa salitang iyon.
Hindi saya.
Hindi rin takot.
Kundi bigat.“Ang tanong, boss…” maingat na sabi ng isa niyang tauhan habang nakatayo sa gilid ng mesa,
“papayag kaya siya sa gusto n’yong mangyari? Mukhang palaban ang babaeng ’yon.”
Sandaling katahimikan.
“May maamong mukha,” dugtong nito, “pero may palaban na pag-uugali.”
Hindi umimik si Jeon agad.
Alam niya iyon.
Mas alam niya kaysa sa kahit sino.
Nakatingin lang siya sa kontrata, ang pangalan ni Angelic ay naka-print na sa ilalim ng dokumento.
“Wala siyang choice.”
Iyon lang ang sagot niya.
Malamig. Diretso. Walang pag-aalinlangan.
Ngunit sa likod ng dalawang salitang iyon—
may bahagyang pag-igting sa kanyang panga.
Dahil alam niyang mali ang kalahati ng sinabi niya.
May choice si Angelic.
Lagi siyang may choice.
Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi siya makontrol tulad ng iba.
“Kapag pinirmahan niya ito,” patuloy ni Jeon, “wala nang makakagamit sa kanya bilang baraha. Hindi si Jude. Hindi ang ama niya. Hindi kahit sino kundi ako lang”
“Pero boss,” muling singit ng tauhan, “kung tumanggi siya?”
Doon siya dahan-dahang nag-angat ng tingin.
“Hindi siya tatanggi.”Determinado si Jeon sa kanyang sinabi.
Hindi siya lalapit sa desisyong ito nang may pag-aalinlangan.
Hindi siya uurong.
Hindi niya hahayaang tumanggi si Angelic—dahil sa isip niya, wala na rin naman itong magagawa.
Sa mundo niya, ang mga pagpipilian ay hindi tungkol sa gusto.
Kundi sa alin ang mas ligtas.
“At kapag pumirma siya,” malamig niyang sabi sa tauhan, “tatapusin natin ang usapang ito.”
Tumango ang tauhan, ngunit may bakas ng pagdududa sa mga mata nito.
“Boss… hindi siya tulad ng iba.”
Alam iyon ni Jeon.
Pagkatapos ng usapan sa opisina niya, isa-isang umalis ang abogado at mga tauhan.
Sumara ang pinto.
Tahimik.
Sa mesa, naiwan ang folder na naglalaman ng kontrata.
Pinagmasdan iyon ni Jeon nang ilang segundo bago niya ito kinuha.
Hindi siya nagmamadali.
Hindi rin siya nag-aalinlangan.
Nagpasya na siya.
Lumabas siya ng opisina at naglakad sa mahabang hallway ng villa. Mabagal ang bawat hakbang. Kontrolado.
Sa dulo ng pasilyo—ang silid kung saan naroon si Angelic.
Hindi siya kumatok agad.
Huminto muna siya sa harap ng pinto.
Hindi ito tulad ng pagpasok niya sa kampo ni Jude.
Hindi ito paglusob.
Ito ay pag-aalok… na may kasamang kondisyon.
Sa loob ng silid, nakaupo si Angelic sa gilid ng kama. Tahimik. Ngunit gising ang isip.
Narinig niya ang mga yabag.
Hindi siya nagulat.
Alam niyang siya iyon.
Marahang kumatok si Jeon.
“Pumasok ka,” sagot niya, matatag ang boses.
Binuksan niya ang pinto.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Walang galit sa mukha ni Jeon ngayon.
Walang sigaw.
May hawak siyang folder.
“May kailangan tayong pag-usapan,” sabi niya.
Napatingin si Angelic sa hawak niya.
“Hindi maganda ang dating ng ganyang linya,” sagot niya nang bahagyang may ironiya.
Hindi siya ngumiti.
Lumapit siya at inilapag ang folder sa maliit na mesa sa loob ng silid.
“Basahin mo muna,” sabi niya.
Hindi agad gumalaw si Angelic.
“Kontrata?” tanong niya.
“Marriage contract,” diretso niyang sagot.
Parang bumigat ang hangin.
Tahimik.
Walang drama.
Walang paglambing.
Isang legal na desisyon.
Dahan-dahang tumayo si Angelic.
“Excuse me?” malamig niyang tanong.
“Civil. Walang seremonya. Walang simbahan,” paliwanag ni Jeon. “Pirma lang.”
“Bakit?” diretsong tanong niya.
“Dahil sa sandaling maging legal kang asawa ko,” sagot niya,
“Protektado ka,” matatag na sabi ni Jeon.
Hindi siya sumisigaw. Hindi rin siya nakikiusap.
“Lahat ng meron ako—kahati ka.”
Tahimik ang silid. Mabigat ang bawat salita.
“Pero may kondisyon.”
Hindi kumurap si Angelic.
“Ano?” malamig niyang tanong.
Tinitigan siya ni Jeon nang diretso.
“Kailangan mo akong bigyan ng tagapagmana.”
Parang bumigat ang hangin sa pagitan nila.
Hindi agad nagsalita si Angelic.
“Ang kalayaang hinahangad mo,” dugtong niya, mas mababa ang boses, “hindi ko maibibigay nang buo sa’yo.”
Tumahimik siya sandali bago itinuloy—
“Dahil sa mundo ko, maraming kaaway. Maraming halimaw na katulad ko.”
Walang emosyon ang mukha niya—pero hindi rin ito ganap na malamig.
“Kung magiging asawa kita, hindi ka lang protektado. Magiging bahagi ka ng pangalan ko. At ang magiging anak natin… siya ang magmamana ng lahat.”
“Hindi ako broodmare para sa imperyo mo,” biglang sagot ni Angelic, matalim ang boses.
Bahagyang nag-igting ang panga ni Jeon.
“Hindi kita tinatrato bilang gano’n.”
“Gano’n nga ang dating,” sagot niya agad. “Kontrata. Kondisyon. Tagapagmana.”“Ganun ba ang tingin mo sa alok ko?”
Malamig ang boses ni Jeon, ngunit may bahid ng nasaktang pride.
“Anong gusto mo?” dugtong niya. “Ibalik kita sa isa pang halimaw?”
Parang biglang bumaba ang temperatura sa silid.
Hindi umatras si Angelic.
“Hindi ako bagay na ipinapasa-pasa,” sagot niya, diretso ang tingin. “Hindi ako premyo sa pagitan n’yong dalawa.”Kahit pilit mang patatagin ni Angelic ang loob niya—
hindi niya napigilan.
Unti-unting pumatak ang luha.
Hindi siya sumigaw.
Hindi siya nagwala.
Tahimik lang na tumulo ang sakit na matagal niyang kinimkim.
“Bakit kailangan kong mamili sa inyong dalawa?” nanginginig ngunit malinaw ang boses niya.
“Hindi ko ginusto ang ganitong buhay.”“Hindi ko pinili ang ama ko,” dagdag niya, mas mababa ang tono. “Hindi ko pinili ang utang. Hindi ko pinili si Jude.”
Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.
“At hindi ko rin pinili ang mundo mo.”
Tahimik ang silid.
Ang babaeng kanina’y matapang at palaban—
ngayon ay hindi mahina,
kundi pagod.
Pagod lumaban.
Pagod maging baraha.“’Wag kang umiyak.”
Malamig ang boses ni Jeon, pero hindi ito pasigaw.
“Walang lugar ang luha dito.”
Napahinto si Angelic, pinunasan ang pisngi, pilit ibinabalik ang katatagan sa sarili.
Tinitigan siya ni Jeon—hindi galit, kundi pilit pinipigilan ang sariling emosyon.
“Kung ayaw mong pirmahan ang kontrata,” sabi niya, sabay hawak sa folder, “pwede ko itong punitin.”
Isang segundo.
Dalawa.
“Pero kailangan mong maintindihan ang kahihinatnan.”
Hindi siya sumigaw.
Hindi rin siya nagbanta ng pananakit.