Sa kabilang dako ng PILIPINAS, sa isang malawak at malamig na mansyon sa BATANGAS—
nakaupo si Jude sa harap ng mahabang mesa.
Tahimik.
Ngunit ang katahimikan ay hindi kapayapaan.
Sa dulo ng mesa, nakatayo ang kanyang ama—Don Ricardo Samañiego. Isang lalaking mas matanda, mas tuso, at mas sanay sa kapangyarihan.
At galit na galit.
“Sinunog ang teritoryo mo,” mariing sabi nito. “Dalawampung tauhan ang nalagas.”
Hindi sumagot si Jude.
“Dahil sa isang babae?” dagdag ng ama niya, ang tono ay may halong panunuya at galit.
Humigpit ang panga ni Jude.
“Hindi lang babae ang usapan,” malamig niyang sagot.
“Pero siya ang mitsa,” putol ng ama niya. “Isang utang na dapat tinapos mo nang tahimik.”
Naglakad ang matanda palapit sa kanya.
“Pinersonal mo,” dugtong nito. “At kapag pinersonal mo ang negosyo—maraming namamatay.”
Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata.
“Hindi mo naiintindihan,” mababa ang boses ni Jude.
Biglang natawa nang walang saya ang ama niya.
“Hindi ko naiintindihan?” tanong nito. “Ako ang nagtayo ng pangalan natin. Alam ko kung paano maglaro ng ganitong digmaan.”
Huminto ito sa harap niya.
“Ang ginawa mo ay hindi estratehiya,” malamig nitong sabi. “Ego.”
Tahimik ang silid.
Ang mga tauhang naroon ay hindi gumagalaw.
“Si Devereaux ay hindi batang kalaban,” patuloy ng ama niya. “Hindi mo siya dapat hinamon sa paraan na iyon.”
“Naunahan niya ako,” mariing sagot ni Jude.
“Dahil hinayaan mo,” sagot ng matanda.
Mas lalong sumikip ang hangin sa pagitan nila.
“Hindi mo ba naisip,” dagdag ng ama niya, “na baka ginusto niya talaga iyon? Na hilahin ka sa mas malalim?”
Tumahimik si Jude.
Dahil sa kaibuturan ng isip niya—
alam niyang may katotohanan iyon.
“Ngayon,” patuloy ng matanda, “babalik tayo sa sistema. Hindi emosyon. Hindi pag-aangkin.”
Huminto ito saglit.
“Kung hahabulin mo siya, gagawin mo iyon nang may pahintulot ko.”
Bahagyang kumislap ang mga mata ni Jude.
Hindi siya sanay na kinokontrol.
Ngunit ngayong gabi, hindi lang si jeon ang sumubok sa kanyang kapangyarihan.
Kundi pati sariling ama.
At sa pagitan ng pride at utos—
isang mas mapanganib na galaw ang unti-unting nabubuo sa isip ni Jude.
Kung hindi niya kayang manalo sa lakas—
maglalaro siya sa paraang hindi inaasahan
“Kapag ikaw ay muling sumuway sa utos ko,” malamig at kontrolado ang boses ni Don Ricardo, “tinitiyak kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo, iho.”
Tahimik ang buong silid.
Hindi ito sigaw.
Hindi ito emosyon.
Isa itong babala.
Diretsong nakatingin si Jude sa ama niya. Walang pag-uurong sa mga mata niya—pero may tensyon sa panga.
“Binabantayan kita dahil ikaw ang tagapagmana ng pangalan natin,” dugtong ng matanda. “Hindi para sirain mo ito dahil sa personal na galit.”
“Hindi ito galit,” mariing sagot ni Jude.
“Ano, kung gano’n?” hamon ng ama niya.
Isang segundo.
Dalawa.
“Kontrol,” sagot ni Jude. “Inagaw niya ang bagay na dapat nasa akin.”
Natawa nang bahagya ang matanda—isang tawang walang aliw.
“Isang babae,” diin nito. “Hindi teritoryo. Hindi negosyo. Isang babae.”
“Simbolo siya,” malamig na sagot ni Jude. “Kapag hinayaan kong kunin niya iyon nang walang kapalit, ano ang susunod?”
Huminto si Don Ricardo sa harap ng anak.
“Ang susunod,” mababa niyang sabi, “ay ang matuto kang maghintay.”
Mas lalong tumalim ang mga mata ni Jude.
“Hindi ako bata,” sagot niya.
“Pero kumikilos ka na parang isa.”
“inuulit ko Subukan mong suwayin ako… at ipapaalala ko sa’yo kung sino ang nagbigay sa’yo ng kapangyarihang ginagamit mo ngayon.”
Hindi iyon banta ng pananakit.
Mas mabigat.
Pagkakait.
Paghubad ng kapangyarihan.
Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, hindi si jeon ang kaharap ni Jude bilang kalaban—
kundi sariling dugo.
Tahimik na umatras si Don Ricardo.
“Mag-isip ka, iho,” huli nitong sabi. “Ang digmaan ay hindi pinapanalunan ng pride.”
Pagkaalis ng ama niya, naiwan si Jude mag-isa sa silid.
Huminga siya nang mabagal.
Kung susunod siya—
mananatili siyang anino ng ama niya.
Kung susuway—
magkakaroon siya ng dalawang kalaban.
tahimik na nakatayo si Mara.
Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng mag-ama.
Ngunit malinaw ang bawat salita.
Suway.
Kapangyarihan.
At ang pinaka-matalim—
isang babae.
Humigpit ang mga daliri niya sa gilid ng dingding.
Hindi niya gusto ang tono ni Don Ricardo.
Hindi niya gusto ang paraan ng pagbanggit kay Angelic—parang isang bagay na nagdulot ng lamat sa pamilya.
Nang tuluyang umalis ang ama ni Jude, saka siya dahan-dahang lumapit.
“Boss…” maingat niyang tawag.
Hindi agad lumingon si Jude.
Alam niyang may nakarinig.
“Gaano katagal kang nandoon?” malamig niyang tanong.
“Hindi ko sinasadya,” sagot ni Mara, yumuko nang bahagya. “Pero narinig ko.”
Tahimik ang silid.
Lumapit siya ng isang hakbang.
“Hindi dapat kayo nagbabanggaan ng Don dahil sa babaeng ’yon,” dagdag niya.
Dahan-dahang lumingon si Jude.
Ang mga mata niya ay hindi galit—kundi nag-iisip.
“Akala mo babae lang ang usapan?” tanong niya.
Hindi agad sumagot si Mara.
“Hindi niya lang inagaw ang isang tao,” dugtong ni Jude. “Hinamon niya ang pangalan ko,dahil sa jeon na yon.”
“Pero kung susuway kayo sa ama ninyo…” maingat na sabi ni Mara, “mas lalala.”
Humakbang si Jude palapit sa bintana.
“Kung susunod ako,” malamig niyang sagot, “mananatili akong nasa ilalim niya.”
Tumahimik si Mara.
Kilala niya ang ambisyon ng lalaking nasa harap niya.
Hindi ito sanay na may nakakataas.
“Anong plano ninyo, boss?” tanong niya sa wakas.
Saglit na natahimik si Jude.
“Plano ba kamo, Mara?”
Biglang nag-iba ang tono ni Jude.
“Asan ang ama ng babaeng ’yon?!”
Bumagsak ang kamao niya sa mesa.
“Bakit hanggang ngayon hindi pa rin nadadala sa’kin?!” sigaw nito.
Nanlaki ang mga mata ni Mara ngunit agad din niyang pinanatili ang composure.
“Boss… hinahanap pa rin siya ng mga tao natin. Wala sa huling address. Parang—”
“Parang ano?” malamig ngunit nagliliyab ang boses ni Jude.
“Parang may nauna na,” maingat niyang sagot.
Nanahimik ang silid.
Unti-unting bumagal ang paghinga ni Jude.
Naunahan.
Muli.
Humakbang siya palayo sa mesa, naglakad patungo sa bintana. Sa labas, maliwanag ang mga ilaw ng batangas—tila ba walang pakialam sa galit na nag-aalab sa loob ng mansyon.
“Imposible,” bulong niya.
Ngunit sa kaibuturan ng isip niya, alam niya ang sagot.
Kung may isang taong kayang mag-isip nang tatlong hakbang sa unahan—
si Devereaux iyon.
“Double-check every contact,” utos niya, mas malamig na ngayon ang tono. Mas delikado. “Banks. Warehouses. Safehouses. Lahat.”
“Opo, boss.”
“Gamitin ninyo ang underground channels. Kahit bayaran ninyo ang mga pulis kung kailangan.”
Saglit siyang tumahimik.“Siguraduhin mo lang, Jeon…” malamig niyang bulong sa sarili, halos pabulong ngunit puno ng lason, “na magaling ang pagkakatago n’yo.”
Lumapit si Mara ngunit hindi nagsalita.
Kapag ganito ang tono ni Jude—mas delikado kaysa sigaw.
“Dahil kapag napasakamay ko ulit ang babaeng ’yon…” tumigil siya sandali, tumalim ang mga mata, “sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang pinili niyang mapunta sayo,pagsasawaan ko sya at aalisan ng dangal,bago ko ibenta ang kanyang katawan pinapangako ko yan.”
Hindi iyon simpleng pagbabanta.
Isa iyong pangakong puno ng paghihiganti.
“Boss… baka kailangan n’yo munang kumalma.”
Maingat ang boses ni Mara.
Ngunit isang tingin lang ang isinagot ni Jude—matalim, babala, at puno ng nag-aalab na galit.
“Paano ako kakalma?” malamig ngunit nanginginig ang tono niya.
“Galit na galit ang sarili kong ama sa’kin.”
Tahimik ang silid.
Hindi na ito tungkol kay Angelic.
Hindi na lang ito tungkol kay Jeon.
Ito ay tungkol sa respeto.
“Sa harap ng mga tauhan…” dagdag niya, mas mababa ang boses, “pinagdudahan niya ang kakayahan ko.”
“Hindi ka niya pinagdudahan, boss,” maingat na sagot ni Mara. “Pinoprotektahan lang niya ang pangalan ninyo.”
“Hindi ko kailangan ng proteksyon,” putol ni Jude. “Ako ang dapat magpatunay.”
Lumakad siya palapit sa mesa, hinawakan ang gilid nito na tila ba pinipigilan ang sariling sumabog.
“Akala niya ego lang ito,” bulong niya. “Akala niya babae lang.”
Saglit siyang natahimik.
“Hindi niya nakikita ang ginagawa ni Jeon,” dagdag niya. “Hindi niya nakikita na unti-unti niyang hinahamon ang posisyon ko.”
Tumitig siya kay Mara.