CHAPTER 12

1409 Words
Hindi makapaniwala si Angelic sa narinig tungkol kay Jeon. Parang hindi magtagpo ang dalawang imahe sa isip niya— Ang lalaking malamig ang mga mata, kayang mag-utos ng paglusob at walang iwanang buhay… At ang batang labing-isang taong gulang na pinilit manood habang pinapatay ang mga magulang niya. “Hindi…” mahina niyang bulong, tila ba hindi pa rin tanggap ng isip niya. Tahimik lang si Nana Isabel. Sanay na ito sa reaksyong ganoon. Hindi madaling paniwalaan na ang isang halimaw ay minsang naging bata. “Hindi ko sinasabi ito para kaawaan mo siya,” maingat na dagdag ng matanda. “Pero para maintindihan mo kung bakit gano’n ang tingin niya sa mundo.” Napahawak si Angelic sa sandalan ng upuan. Biglang nag-flash sa isip niya ang mga mata ni Jeon noong kausap niya ito—hindi lang galit, hindi lang kontrol. May anino roon. Isang bagay na mas malalim kaysa kayabangan. “Kaya ba siya gano’n kalupit?” tanong niya. “Kapag kinuha sa’yo ang lahat nang wala kang magawa,” sagot ni Nana Isabel, “matututo kang huwag nang maging mahina kailanman.”“Kaya pagpasensyahan mo sana ang aking alaga, iha… kung gano’n ang pag-uugali niya.” Mahinahon ang boses ni Nana Isabel. Walang pagmamakaawa—kundi isang tahimik na pakiusap ng taong matagal nang nakasaksi sa pagbabago ng isang bata tungo sa pagiging halimaw sa mata ng mundo. Tahimik si Angelic. Hindi niya alam kung ano ang mas matimbang sa dibdib niya—ang galit sa mga salitang ibinato sa kanya ni Jeon, o ang bigat ng nalaman niya tungkol sa nakaraan nito. “Hindi ko kailangang pagpasensyahan ang lahat,” sagot niya sa wakas, pero hindi na matalim ang tono niya gaya kanina. Ngumiti nang bahagya si Nana Isabel. “Hindi ko rin sinasabing tama siya,” sagot ng matanda. “Pero minsan, ang taong pinakamasakit magsalita… sila rin ang pinakamaraming hindi nasabi.” Napabuntong-hininga si Angelic. Naalala niya ang sinabi nito— ’Wag mong uubusin ang natitira kong bait sa’yo. Ngayon, iba ang dating ng linyang iyon. Hindi iyon simpleng pagbabanta. Parang pag-amin na manipis na lang ang hangganan ng kanyang kontrol. Sa kadiliman ng silid ni Jeon, nakaupo siya sa gilid ng kama. Walang ilaw. Walang ingay. Tanging anino ng nakaraan ang kasama niya. Hindi niya alam na sa isang silid, ikinuwento ni Nana Isabel ang lihim niyang nakaraan kay Angelic. Hindi niya alam na may isang taong unti-unting nakakakita sa sugat sa likod ng kanyang lamig. Sa kanyang mundo, ang kahinaan ay hindi ibinubunyag. Biglang tumunog ang kanyang aparato. Isang maikling vibration. Isang pangalan sa screen. Isa sa kanyang tauhan sa pilipinas. Sinagot niya agad. “Magsalita ka.” “Ipinapahanap ni Jude ang ama ni Angelic.” Tahimik ang silid. Hindi gumalaw si Jeon. Hindi rin nagbago ang tono niya. “At?” malamig niyang sagot. “Malawak ang paghahanap nila. Mukhang gusto niya itong gamitin laban sa inyo.” Bahagyang napangiti si Jeon sa dilim. Isang mabagal. Mapanganib na ngiti. “Late siya,” sagot niya. Sandaling katahimikan sa kabilang linya. “Boss?” “Hindi pa nila alam,” dagdag niya, “na matagal na nating hawak ang ama nito.” Sa kabilang panig, narinig ang bahagyang paghinga ng tauhan—tila nabigla. “Opo, boss.” Matagal nang nasa ilalim ng surveillance ng grupo ni Jeon ang ama ni Angelic. Hindi dahil sa awa. Hindi rin dahil sa proteksyon. Kundi dahil sa impormasyon. Ang taong kayang ipagbili ang sariling anak para sa utang— ay may mas malalim na koneksyon sa ilalim ng mundo. “Siguraduhin mong hindi siya gagalaw,” utos ni Jeon. “Pero kung sakali man huwag nyo rin muna siyang gagalawin.” “Understood, boss.” Pinutol niya ang tawag. “Ang ama naman pala ng babaeng ’yon ang pinupuntirya mo…” Tahimik ang silid.sumasalamin sa malamig na mga mata ni Jeon. “Sorry,” bulong niya sa sarili, halos pabulong na may halong panunuya. “Mabagal ka pa rin.” Bahagya siyang natawa. Hindi malakas. Hindi masaya. Isang maikling tawang tila galing sa kailaliman—mababa at walang init. “Naunahan pa rin kita.” Sa isip niya, malinaw ang larawan ni Jude—galit, naghahabol, laging may isang hakbang na huli. Hindi niya pinrotektahan ang ama ni Angelic dahil sa kabutihan matagal ng Wala sa Sistema nya ang salitang yun. Hindi rin dahil sa awa. Kundi dahil alam niyang darating ang araw na may gagamit dito bilang sandata. At sa digmaang ito, hindi siya papayag na maunahan muli. Lumakad siya palayo sa bintana, kinuha ang baso ng tubig sa mesa at uminom nang dahan-dahan. “Akala mo may hawak kang baraha,” patuloy niya sa isip. “Hindi mo alam, matagal ko nang hawak ang deck.” Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Angelic. Kung malalaman nito ang katotohanan—na hawak niya ang ama nito— malamang hindi ito matutuwa. Ngunit mas gugustuhin niyang siya ang may kontrol, kaysa si Jude Kahit hindi pa rin niya alam ang silbi ng dalaga sa kanya. Hindi niya ito kinuha dahil sa pag-ibig. Hindi rin dahil sa awa. Sa isip niya, isa lang itong walang kwentang bagay. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang mukha nito— nagkakagulo ang lohika. Ang mala-anghel na mukha. Ang matiim na titig na hindi marunong umiwas. Iyon ang nagdala sa kanya sa kapahamakan— hindi sa takot, kundi sa paglapit sa kanya. Noong unang beses siyang tiningnan ni Angelic nang walang pag-aatubili, may kung anong gumalaw sa loob niya. Hindi paghanga. Hindi pagnanasa. Kundi pagkilala. Isang taong hindi yumuko. At sa mundong kinasanayan ni Jeon, bihira ang gano’n. Huminga siya nang mabagal. “Dapat hindi kita pinansin noon,” bulong niya sa sarili. Kung hindi siya tumigil. Kung hindi siya nakipagtitigan. Kung hindi niya hinayaang tumagal ang sandali—Hindi sana sya nalulugmok sa malalim na ganitong uri ng pag-iisip. Ang mga desisyon niya noon ay palaging malinaw. Praktikal. Walang emosyon. Ngunit ang pagkuha kay Angelic— hindi iyon purong estratehiya. May bahagi roon na personal. At iyon ang hindi niya gustong aminin. Kung hindi siya tumigil noon sa café. Kung hindi niya hinayaan ang pagtitig na tumagal. Kung hindi niya pinansin ang babaeng hindi marunong matakot Dahil hindi rin naman magawang makatulog ni Jeon, nagpasya na lang siyang muling lumabas ng kwarto. Tahimik ang hallway ng villa. Mahina ang ilaw. Tanging tunog ng kanyang mga hakbang ang maririnig sa marmol na sahig. Hindi siya sanay na hindi makatulog dahil sa isang tao. Pero ngayong gabi, hindi mga kalaban ang pumipigil sa kanya. Kundi pag-iisip. Pagbaba niya sa sala, naroon ang dalawa sa kanyang mga tauhan—nakatayo malapit sa surveillance monitor. “Boss,” sabay nilang bati. Lumapit siya sa screen. Ipinapakita nito ang perimeter ng villa—gate, driveway, kalye sa labas. “Update,” maikli niyang utos. “Walang direct movement sa paligid, boss,” sagot ng isa. “Pero may dalawang hindi pamilyar na sasakyan na dumaan sa main road kanina. Hindi sila tumigil.” “Plates?” tanong niya. “Naka-mask. Pero sinusundan pa rin ng tracker.” Tumango siya. “Palitan ang outer rotation tuwing dalawang oras,” utos niya. “Ayokong may makabisado ang pattern.” “Opo.” “Tiyakin n’yong walang tauhan ang lalapit sa silid niya nang walang pahintulot ko.” Saglit na nagkatinginan ang mga tauhan—alam nilang si niya ang tinutukoy. “Opo, boss.” Lumapit siya sa mesa at kinuha ang tablet, mabilis na sinuri ang mapa ng Barcelona. “Kung sakaling may kahit anong kahina-hinalang galaw,” dugtong niya, “huwag n’yong hintayin ang utos ko.” “Opo.” Sa sandaling iyon, hindi siya mukhang lalaking nag-aalinlangan. Muli siyang naging strategist. Muli siyang naging halimaw ng mundo niya. Kahit alam niyang hindi siya basta masusundan ni Jude roon. Malinis ang ruta nila. Walang direct flight record. Gumamit siya ng tatlong magkakaibang channel bago tuluyang lumapag sa Spain. Sanay siya sa ganitong laro. Kung hahabulin man siya ni Jude, hindi iyon magiging madali. At hindi iyon magiging mabilis. Ngunit sa mundo nilang dalawa, hindi sapat ang pagiging maingat. Kailangan mong maging mas mapagmatyag kaysa sa kalaban mo. Tumigil si Jeon sa gitna ng hagdan at bahagyang tumingin sa likod—sa madilim na sala kung saan naroon ang kanyang mga tauhan. Alam niyang mahirap siyang masundan. Pero kilala niya si Jude. Hindi ito basta sumusunod sa yapak. Naghahanap ito ng butas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD