CHAPTER 15

1414 Words
Natapos ang usapan ng dalawa na walang malinaw na pagtatapos. Walang Pirma. Walang pumutol ng papel. Walang sumuko. Iniwan pansamantala ni Jeon ang envelope na naglalaman ng kontrata sa mesa. Hindi niya ito ibinigay sa kamay ni Angelic. Hindi rin niya ito binawi. Tahimik siyang lumabas ng silid. Sumara ang pinto. At naiwan si Angelic mag-isa—kasama ang manipis ngunit mabigat na sobre. Lumapit siya sa mesa. Tinitigan niya ang pangalan niya na nakalimbag sa itaas ng dokumento. Angelic — Devereaux. Parang hindi kanya. Umupo siya. Napaisip nang malalim. Kung pipirma siya— magiging alipin siya nito. Magiging bahagi ng pangalan. Magkakaroon ng kapangyarihan.Ayaw niyang ibalik siya nito kay Jude. Iyon ang malinaw. Hindi niya nanaisin. Pareho silang halimaw. Parehong may dugo sa kamay. Parehong sanay sa kontrol. Parehong kayang magdikta ng kapalaran ng iba. Ngunit may pagkakaiba. Kay Jude— bilanggo siya. Isang utang. Isang bagay na ipinambayad. Isang simbolo ng ego. Doon, wala siyang boses. Dito… iba. Hindi siya nakakandado. Hindi siya tinatali. Hindi siya hinahawakan nang walang pahintulot. Oo, may kontrata. Oo, may kondisyon. Pero may negosasyon. May pagtatalo. May pagpili. Dito, kahit papaano— may nakikita siyang kalayaan. Hindi ganap. Hindi perpekto. Pero may puwang para huminga. Hinawakan niya ang sobre. Hindi niya gusto ang paraan ni Jeon. Hindi niya gusto ang salitang tagapagmana. Hindi niya gusto ang ideyang parang may kasunduan ang katawan niya. Pero sa likod ng malamig na paraan— nakikita niya ang isang bagay na hindi niya nakita kay Jude.Tuluyan niyang inilabas ang nilalaman ng envelope. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga daliri, ngunit hindi siya umatras. Isa-isa niyang binasa ang bawat pahina. Mga salita ng batas. Mga kondisyon. Mga probisyon ng proteksyon. Walang pangako ng pag-ibig. Walang matatamis na salita. Isang kasunduan lamang. Huminga siya nang malalim. Mabigat sa kanyang loob. Ang pagpirma ay hindi simpleng pagpayag sa kasal. Iyon ay pagtalikod sa posibilidad ng isang simpleng buhay. Isang buhay na maaaring tahimik, malaya, at walang bantay. Nilapag niya ang papel sa mesa. Kinuha ang panulat. Saglit siyang tumigil. ''Lagi akong may choice'', bulong niya sa sarili. At ito ang pinili niya. Hindi dahil pinilit siya. Kundi dahil sa dalawang halimaw— ito ang mas may puwang para huminga. Dahan-dahan niyang nilagdaan ang kontrata. Ang tinta ay malinaw. Ang pangalan niya—buo. Sa sandaling iyon, alam niyang may nabago. Hindi lang ang apelyido. Kundi ang direksyon ng kanyang buhay. Hindi na siya basta dalaga na nadamay sa utang ng ama. Isa na siyang babae na pumili ng sariling kapalaran—kahit mabigat. Hindi talaga ito ang pinapangarap niyang kasal. Hindi ito ang kasal na minsan niyang inisip habang nakatingin sa mga litrato ng mga bride sa magasin. Hindi ito ang may simbahan, may ilaw, may mga bulaklak na puti. Hindi ito ang may ama na maghahatid sa kanya sa altar. Hindi ito ang may musika at mga ngiting totoo. Hindi ito ang trahe de boda na minsan niyang pinangarap isuot—yung may mahabang belo, yung marahang hahawiin ng hangin habang naglalakad siya patungo sa lalaking mahal niya. Walang altar. Walang saksi. Walang “I do.” Papel lang. Tinta. Apelyido. Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi siya nakasuot ng puti. Walang belo sa ulo niya. Pero sa loob, may kung anong tahimik na nagluksa. Hindi sa lalaki. Hindi sa pangalan. Kundi sa pangarap. Ang pangarap na minsan niyang iningatan sa puso—ng isang simpleng buhay, simpleng pag-ibig, simpleng kasal. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. “Hindi ito ang pinangarap ko,” mahina niyang bulong. Pero ito ang realidad. Iniwan niya ang kontrata sa lamesa. Hindi niya ito dinala kay Jeon. Hindi niya ito ipinagmalaki. Hindi niya rin ito tinago. Nandoon lang. Tahimik na patunay ng isang desisyong hindi niya pinangarap. Dahan-dahan siyang humiga sa kama. Walang luha ngayon. Wala nang lakas para umiyak. Nakatingin lang siya sa kisame habang unti-unting bumibigat ang kanyang mga mata. Hindi ito ang kalayaang inasam niya. Hindi ito ang buhay na pinangarap niya. Sa isip niya, ang pagiging dalaga—ang pagiging malaya pumili kung sino ang hahawak sa kanyang kamay—ay tuluyan nang nawala sa isang pirma.Nagdesisyon si Jeon na bumalik sa silid ng dalaga. para pilitin. para mag-utos.para muling kausapin siya tungkol sa kontrata. Marahan siyang kumatok. Walang sagot. Dahan-dahan niyang pinihit ang hawakan ng pinto. Bukas. Tahimik ang loob ng silid. Nakahiga si Angelic sa kama, mahimbing ang tulog. Walang luha sa mukha. Walang bakas ng drama. Parang pagod lang. Ngunit ang pagod na iyon ay hindi mula sa katawan— kundi sa desisyon. Lumapit si Jeon sa mesa. At doon niya nakita ang papel. Nakapaglagay ng pirma. Malinis. Buo. Walang burado. Napatingin siya kay Angelic. Tahimik ang mukha nito sa pagtulog. Walang ideya na may isang lalaking nakatayo sa gilid ng kama— at nagsisimulang kuwestyunin kung tama ba ang paraan niya. Marahan niyang inilapag muli ang kontrata. Hindi niya ginising. Hindi niya kinausap. Sa halip, dahan-dahan siyang umatras patungo sa pinto. Bago ito tuluyang isara, muling sumagi sa isip niya ang sinabi nito— “Hindi ko ginusto ang ganitong buhay.” Pagkatapos lumabas ng silid ng dalaga, . Hindi na siya lumingon. Diretso siyang naglakad patungo sa kanyang opisina sa loob ng villa. Isinara niya ang pinto at nag-iwan ng mahinang ilaw lamang. Tahimik. Walang tauhan. Walang kontrata sa harap niya ngayon. Lumapit siya sa maliit na bar cabinet at kumuha ng isang bote. Nagbuhos siya ng kaunti sa baso. Hindi siya lasinggero. Hindi siya umiinom para tumakas. Umiinom siya para mag-isip. Dahan-dahan niyang inikot ang baso bago ininom ang laman nito. Mainit ang hapdi sa lalamunan. Pero mas mainit ang iniisip niya. Tahimik ang opisina. Ang baso ay kalahati na lang ang laman. Nakatingin si Jeon sa repleksyon niya sa salamin ng bintana—ang lungsod sa likod niya ay kumikislap, pero ang mukha niya ay anino. “Pinili mo pa rin,” mahina niyang bulong sa sarili. “Tinanggap mo ang isa sa pangalan ng diablo… huh.” Bahagyang natawa siya. Isang tunog na walang saya. Diablo. Ilang beses na siyang tinawag niyan. Sa negosyo. Sa digmaan. Sa mga kaaway. At ngayon— may babaeng kusang pumirma para dalhin ang apelyidong iyon. “Nah…” mahina niyang bulong, halos pagod ang tono. “Hindi ko maipapangako ang kabutihan ng mundo sa’yo.” Tumigil siya sandali. “Dahil wala ako noon.” Walang magandang alaala. Walang mundong tahimik. Walang tahanang hindi nabahiran ng dugo. Sa kanya, ang mundo ay palaging may bantay sa likod ng pinto. Palaging may baril sa ilalim ng mesa. Palaging may kaaway sa anino. “Walang lugar sa amin ang dating mundong meron ka,” dugtong niya. Isang simpleng buhay. Isang pangarap ng simbahan. Isang kasal na may belo at musika. Hindi iyon nabibilang sa mundo niya. Ang kaya lang niyang ibigay— pader na mataas. Mga tauhang armado. Apelyidong kinatatakutan. Hindi kabutihan. Hindi kapayapaan. “Hindi ko kailangang maawa sa’yo,” bulong niya sa sarili. Humigpit ang panga niya. “Wala akong gano’n noon.” Walang umintindi. Walang nagligtas. Walang pumili para sa kanya. Sarili niya lang. “Hindi kita kinuha para iligtas,” dagdag niya, mas malamig ang tono. “Kinuha kita dahil sa pansarili kong interes.” Legacy. Kontrol. sa mundo niya, ang kahinaan ay kamatayan. “Kaya huwag mong isipin na may kabutihan dito,” bulong niya muli, tila ba kinakausap ang babaeng hindi naman nakakarinig. “Pinili kita dahil kailangan kita.” Hindi dahil mahal dahil matagal na syang walang ganon. Hindi dahil tama dahil para saknya ang pumatay sa mga kalaban ang tama.Binuksan ni Jeon ang isang drawer sa ilalim ng mesa. Mula roon, kinuha niya ang isang lumang litrato—bahagyang kupas na ang mga gilid. Isang pamilya. Isang ama na matikas ang tindig. Isang ina na may maamong ngiti. At isang batang lalaki sa gitna—hindi pa malamig ang mga mata. Pinagmasdan niya iyon nang matagal. “Napatay ko na ang mga kasabwat ng pumatay sa inyo,” mababa niyang bulong. Isa-isa. Walang nakaligtas. Walang nakalimutan. Ngunit ang pinakaimportante— ang ulo. Ang nag-utos. Ang tunay na may pakana. “Hindi ko pa rin alam kung sino,” dagdag niya. Humigpit ang hawak niya sa litrato. Ilang taon na ang lumipas. Ilang digmaan na ang dinaanan niya. Ilang pangalan na ang binura niya sa ilalim ng mundo. Pero ang taong nasa likod— ay nananatiling anino. “At habang hindi ko siya nakikita,” dugtong niya, “hindi pa tapos ang lahat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD