CHAPTER 24

1783 Words
Ang isang oras na plano ni Jeon— naging limang oras. Malalim ang tulog niya. Halos walang galaw. Para bang unang beses niyang hinayaan ang katawan na bumigay. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Hindi siya agad gumalaw. Sanay siyang magising nang alerto. Sanay siyang magising na may hawak na baril kung kinakailangan. Pero ngayon— katahimikan muna ang bumungad sa kanya. Paglingon niya sa kanan— nabungaran niya si Aleric. Prenteng nakaupo sa sofa. Nakasandal, ang isang paa ay nakapatong sa kabilang tuhod, seryosong nagbabasa ng ilang dokumento na tila kinuha mula sa meeting. Walang ingay. Walang pagmamadali. Parang matagal na siyang nandoon. “Gaano katagal?” malamig ngunit paos ang boses ni Jeon. Hindi nagulat si Aleric. Hindi man lang siya napalingon agad. “Limang oras,” sagot nito sa kalmadong tinig. Bahagyang kumunot ang noo ni Jeon. “Hindi mo ’ko ginising.” “Hindi naman nasusunog ang Italy,” sagot ni Aleric habang ibinababa ang papel. “Kaya hinayaan kitang matulog.” Dahan-dahang umupo si Jeon sa kama. Inabot ang phone sa mesa. “Late na kamahalan,” sabi ni Aleric habang sumisilip sa relo niya. “para sa dinner.” Isinara niya ang folder at tumingin kay Jeon. “Anong plano mo?”muling tanong nito. Nakatitig pa rin si Jeon sa phone niya. Mabagal ang paghinga. Gising na ang mga mata niya—hindi na pagod, kundi malinaw. “Habang tumingin ka sa orasan nang ganyan,” dagdag ni Aleric, bahagyang ngumiti, “hindi ka naman na makakatulog niyan.” Hindi sumagot agad si Jeon. “Tara, Jeon.” Bahagyang ngumiti si Aleric habang kinukuha ang coat niya sa sofa. “Mag night out tayo. Tagal na rin nating ’di nagkakasamang uminom.''tumayo si Jeon at pumunta sa tabi ng bintana, nakatanaw sa ilaw ng Milan. “Hindi ako nagba-bar para maglibang,” malamig niyang sagot. “Hindi rin ako,” sagot ni Aleric. “Pero minsan kailangan mo ring magpakita.” Nagkatinginan sila. Hindi simpleng inom ang tinutukoy ni Aleric. Sa Milan, ang nightlife ay extension ng negosyo. Mga club kung saan nagkikita ang mga neutral. Mga private lounge kung saan nabubuo ang tahimik na alyansa. Mga mesa kung saan mas maluwag ang dila kapag may alak. “May event sa Montenero,” dagdag ni Aleric. “Exclusive. Naroon ang dalawang neutral faction na gusto mong lapitan.” Tahimik si Jeon. Isang sandali. Pagkatapos ay kinuha niya ang coat niya. “Isang oras,” sabi niya. Ngumiti si Aleric. “Alam ko na ’yan tsssk.” MONTENERO — PRIVATE NIGHT CLUB, MILAN Makulimlim ang ilaw. Mabagal ang tugtog. Hindi maingay—elitista. Pagpasok nila, agad silang napansin ng mga tao doon. Hindi dahil sumigaw sila. Kundi dahil kilala ang pangalan ni Jeon. May mga matang sumusunod sa bawat hakbang niya. “Relax,” bulong ni Aleric. “Tonight, we drink.” Umupo sila sa isang VIP corner. Isang bote ng aged whisky ang inilapag sa mesa. Hindi agad uminom si Jeon. Pinagmasdan muna niya ang paligid. Dalawang grupo sa kabilang dulo. Isang kilalang broker malapit sa bar. At isang lalaking tahimik na tila may inaabangan. “Hindi ito basta inom,” mahina niyang sabi. “Wala namang gabi na basta lang,” sagot ni Aleric habang binubuhusan ang baso ng alak. Sa unang lagok ni Jeon— walang emosyon. Pero ang presensya niya sa club na iyon ay malinaw na mensahe. Hindi siya nagtatago. Hindi siya umiiwas. At hindi talaga siya natatakot pumasok sa gitna ng Milan. Ngunit sa kabilang bahagi ng VIP floor— may isang pares ng mata ang hindi umiinom. Nakatingin lang nagmamasid. At tila may binibilang. Habang nakaupo sina Jeon at Aleric, may isang presensyang unti-unting lumapit sa mesa nila. Hindi siya nagmamadali. Isang misteryosang babae. Matangkad. Elegante ang suot—itim na damit na simple pero mamahalin ang tahi. Mahaba ang buhok, maayos ang tindig. Hindi siya mukhang basta socialite. Mukha siyang may pakay. Huminto siya sa tabi ng mesa. “Mr. Devereaux,” mahinahon ang boses niya, may bahagyang Italian accent. “Hindi ko inaasahang makikita kita rito ngayong gabi.” Hindi agad tumingin si Jeon. Isang segundo muna. Saka niya ibinaba ang baso at marahang itinaas ang tingin. “Hindi rin kita inaasahan,” malamig niyang sagot. Ngumiti ang babae. “Hindi tayo formally introduced,” sabi niya. “Pero kilala kita.” “Tulad ng kalahati ng Milan,” tugon ni Jeon. Bahagyang napangiti si Aleric sa gilid, tahimik lang. “Lucia Moretti,” sabi ng babae habang iniabot ang kamay. Hindi agad ito tinanggap ni Jeon. “Moretti?” ulit niya. Apelyidong may bigat sa northern routes. Neutral. Pero isa sa makapangyarihan. “Relax,” sabi ni Lucia. “Kung papatayin kita, hindi ko gagawin sa ganitong lugar.” Hindi ngumiti si Jeon.nakatitig lang sya sa babae.''direkta kang magsalita''. yumuko ang dalaga ng bahagya para makapagsalita nang hindi maririnig ng iba. “May gumagalaw sa Milan,” sabi niya. “At hindi iyon tungkol lang sa pera.” Tahimik pa rin si Jeon. “May pangalan na umiikot sa ilalim ng mesa.” Bahagyang tumalim ang mata niya. “Sabihin mo ng malinaw.” Saglit siyang tumingin sa paligid bago ibinulong— “Devereaux.”at ngumiti ng nakakaloko ang babae. Tahimik ang VIP corner. Hindi lang ito simpleng paglapit ng babae sa club. Ito ay babala.“Tapatin mo nga ako.” Diretso ang tingin ni Jeon sa babae. Walang kurap. Walang ngiti. “Kung ano ang pakay mo sa paglapit dito sa aming lamesa.” Tahimik ang paligid nila kahit maingay ang club. Parang may sariling espasyo ang mesa nila—isang bilog ng tensyon. Hindi umiwas si Lucia sa titig niya. Sa halip, marahan siyang umupo sa bakanteng silya nang hindi hinihingi ang pahintulot. “Gusto ko ’yan,” sabi niya. “Diretso walang ligoy.” Hindi gumalaw si Jeon. “Hindi ako nandito para makipag-flirt lang hmmm.... Hindi pa sa ngayon,” dugtong nito na may konting lagkit sa titig nya. “At lalong hindi para makipag-alyansa sa ilalim ng ilaw na ’to.” “Then speak,” malamig na sagot ni Jeon. Bahagyang sumandal si Lucia. “May grupo sa hilaga na hindi masaya sa pagdating mo sa Italy.” “Expected,” sagot ni Jeon sa maikling tugon. “Hindi ka sigurado,” umiling siya. “Hindi dahil sa negosyo. Dahil sa pangalan mo.” Tahimik si Aleric sa gilid, pero alerto ang mga mata. “Anong klaseng problema?” tanong ni Jeon. “May lumang isyu na muling hinuhukay,” sabi ni Lucia. “At may gustong patunayan na hindi ka untouchable.” Bahagyang kumunot ang noo ni Jeon. “Sinong ‘may gusto’?” Saglit siyang tumingin sa paligid, saka muling bumaling sa kanya. “Isang consortium na hindi nakaupo sa mesa kanina.” Hindi siya ngumiti. “Hindi sila mahilig sa negosasyon.”dugtong pa nito. Tahimik ang hangin sa pagitan nila. “Bakit mo sinasabi sa ’kin ’to?” tanong ni Jeon. Doon bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Lucia. “Dahil kapag nagsimula ang gulo, damay ang ruta ko.” Ah. Hindi kabutihan. Interes. Mas naging malamig ang tingin ni Jeon. “So you’re protecting your territory.” “Yes,” diretso niyang sagot. “Dahil utos ng aking ama na pangalagaan ang aming nasasakupan.” Tahimik si Jeon. Moretti. Ngayon malinaw. Hindi lang siya isang independent operator—anak siya ng patriarch ng isa sa pinakamatandang pamilya sa hilagang Italy. “So this is family business,” malamig na saad ni Jeon. “Always,” sagot ni Lucia. “Sa mundong ’to, walang galaw na hindi konektado sa pamilya.” Bahagyang sumandal si Jeon sa upuan. “Kung proteksyon ng teritoryo ang pakay mo,” sabi niya, “hindi mo kailangang lumapit sa mesa ko nang ganito.” “Kailangan,” sagot niya agad. “Dahil kapag nagbanggaan ang pangalan mo at ang grupong ’yon, hindi lang warehouse ang masusunog. Buong distrito ang madadamay.” Tahimik si Aleric, pinagmamasdan ang palitan. “Anong gusto ng ama mo?” tanong ni Jeon. “Stability,” sagot ni Lucia. “At malinaw na linya kung hanggang saan ka lang gagalaw.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Jeon. “Walang nagdidikta ng limitasyon ko.” “Hindi rin kami,” sagot niya. “Pero gusto naming malaman kung kakampi ka ba sa kaayusan… o ikaw ang magiging dahilan ng kaguluhan.” Isang maikling katahimikan. Sa paligid nila, tuloy ang musika. Tawanan. Baso na nagkakatunugan. Pero sa mesa nila— mas mabigat ang usapan kaysa sa buong club. “Sabihin mo sa ama mo,” malamig na sabi ni Jeon, “hindi ako pumapasok sa teritoryo para manggulo.” “Pero kapag may gumalaw laban sa akin—hindi ko na kailangan pang sabihin.” Hindi niya tinapos. Bahagyang ngumiti si Lucia. “Iyon ang gusto kong marinig.” Tumayo siya. “Kung gusto mo ng pangalan ng consortium na tinutukoy ko, may private gathering bukas sa Via della Scala.” Sandali siyang tumigil. “Hindi ito Isang simpleng imbitasyon.”dugtong ng babae ngumiti bago umalis. Isang hamon. At isang pagsubok. Pagkaalis niya, tumingin si Aleric kay Jeon. “Interesting.” “Alamin mo, Aleric,” malamig na sabi ni Jeon habang nakatingin pa rin sa pintong dinaanan ni Lucia. “Ang pagkatao ng mga Moretti bago ko tatanggapin ang imbitasyon niya.” Tumango si Aleric. “Background? O mas malalim pa?” “Lahat,” sagot ni Jeon. “History ng pamilya. Mga kaaway. Mga dating alyansa. Financial trails. At lalo na—kung gaano sila katotoo kapag nakikipagkasundo.” Isang maikling ngiti ang sumilay kay Aleric. “Classic Jeon. Hindi ka pumapasok sa teritoryo nang hindi mo alam ang lupa.” “Ang mga pamilyang tulad nila,” dugtong ni Jeon, “hindi basta lumalapit sa club para lang magbigay ng babala.” Tahimik siyang uminom ng isa pang lagok ng whisky. “May kapalit ’yan.” “O may plano,” dagdag ni Aleric. “Exactly.”dugtong ni jeon. Tumingin si Jeon sa paligid ng club. “Kung totoo ang sinasabi niya tungkol sa consortium… gusto kong malaman kung ginagamit lang tayo ng Moretti para linisin ang problema at kalat nila.” “O kung ikaw ang pain,” sabi ni Aleric. Hindi sumagot si Jeon. Pero sa titig niya— alam ang posibilidad na iyon. “Give me 24 hours,” sabi ni Aleric habang tumatayo. “May contact ako sa Florence na may utang sa akin. Makakakuha tayo ng inside view.” “Good.” Tumayo rin si Jeon. “Hangga’t hindi malinaw ang Moretti—walang galaw.” nilisan na nila ang club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD