CHAPTER 25

1726 Words
ITALY — PARKING LOT, MONTENERO CLUB Mahina ang ilaw sa parking lot. Hindi tulad sa loob ng club—walang musika, walang tawanan. Puro anino at malamig na hangin ng Milan. Kasabay ng paglabas nina Jeon at Aleric, agad pumwesto ang dalawang tauhan nila sa unahan. Isang armored black sedan ang nakaabang ilang metro ang layo. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. “Three o’clock,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Aleric. Hindi lumingon si Jeon hindi rin kababakasan ng takot. Sa repleksyon ng sasakyan, nakita niya ang galaw—tatlong lalaking naka-hoodie, hindi mukhang lasing, hindi rin mukhang random na club-goers. Diretso ang lakad. Mabilis. “Testing,” bulong ni Jeon. Hindi pa sila nakakasakay— nang biglang may sumigaw. “HEY!” Isang bote ang ibinato—tumama sa gilid ng kotse at nabasag. Sa isang iglap— bumunot ang isa sa mga lalaki ng baril. Pero mas mabilis ang tauhan ni Jeon. Isang putok. Isang sigaw. Nagkagulo ang parking lot. Hindi wild shooting. Controlled. Isang lalaki ang bumagsak. Ang dalawa ay agad umatras—tila hindi handa sa bilis ng response. “Hold fire!” utos ni Jeon, malamig. Hindi siya yumuko. Hindi siya tumakbo. Tumayo siya sa gitna ng tensyon, tinitigan ang dalawang tumatakas. “Hayaan na ninyo,” dagdag niya. Hindi ito assassination attempt. Ito ay probe. Sinubok ang reaction time. Sinubok ang security formation. Sa sahig, umuungol ang lalaking tinamaan. Lumapit si Jeon, walang emosyon ang mukha. “Sinong nagpadala sa’yo?” malamig niyang tanong. Ngunit ang lalaki— ngumiti lang. May dugo sa labi. “Welcome… to Milan.” At bago pa makasagot— kumatok ang panga nito sa semento. Patay. Tahimik ang parking lot. Malayo, may paparating na tunog ng sirena. Hindi pulis. Private security ng club. Tumayo si Jeon. “Not random,” sabi ni Aleric. “Of course not,” sagot ni Jeon. Hindi ito ang consortium. Hindi rin ito ang Moretti. Masyadong magulo. Masyadong amateur. Isang malinaw na mensahe. Someone is watching. “Tomorrow,” malamig na sabi ni Jeon habang sumasakay sa sasakyan, “we stop reacting.” Tumingin siya sa madilim na kanto ng parking lot. “We hunt.” Umalis sila sa club na parang walang nangyari. Tahimik ang loob ng armored sedan. Walang nagsalita tungkol sa parking lot incident. Professional. Controlled. Sa labas, mabilis ang takbo ng sasakyan sa madilim na highway ng Milan. “Too easy,” mahinang sabi ni Aleric. Hindi sumagot si Jeon. Nakatingin lang siya sa rearview reflection. At doon niya nakita. Dalawang sasakyan. Parehong itim. Parehong walang plate. Hindi sila overtake. Hindi rin lumalayo. “Change route,may sumusunod satin dalhin mo sila sa lugar na walang masyadong dumadaan.” malamig niyang utos. “Opo, boss.” Biglang lumiko ang lead vehicle sa service road. Sumunod ang sedan nila. Pero hindi nagtagal— sa harap nila, may truck na biglang humarang. Full stop. Sa likod—ang dalawang itim na sasakyan ay bumilis. “Ambush,ito boss” sabi ng driver. Hindi nagpanic si Jeon. “Formation two,wag kayong masyadong magpahalata” utos niya. Sa isang iglap— nagbukas ang pinto ng sasakyan sa likod. Automatic gunfire ang sumalubong. Tinamaan ang windshield—pero reinforced. Nagliyab ang isa sa mga sasakyan sa gilid matapos tamaan ng precision shot mula sa escort nila. Pero hindi ito tulad ng parking lot. Mas organisado. Mas armado. Mula sa overpass— may sumabog na smoke canister sa kalsada. “Sniper angle!” sigaw ng tauhan sa earpiece. Isang bala ang tumama sa side mirror—malapit sa ulo ni Jeon. Hindi siya gumalaw. “Take the overpass,” malamig niyang utos. Isang tauhan ang umikot sa ilalim, habang ang isa ay gumamit ng alternate ramp para makuha ang mataas na posisyon. Putukan. Sigawan. Metal against metal. Isang sasakyan ang bumaligtad matapos tamaan ang gulong. Ang truck sa harap ay biglang umusad—ang driver patay na pala. “Clear left!” Sa loob ng sedan, tahimik si Jeon. Hindi siya yumuyuko. Hindi siya nagtatago. Nakatingin siya sa direksyon ng overpass. “Professional,” sabi niya. Hindi ito street gang. Hindi ito random. May strategy. May timing. May impormasyon kung saan sila dadaan. Pagkalipas ng ilang minuto— tumigil ang putukan. Ang natitirang attackers ay umatras, naiwan ang dalawang sasakyan na nagliliyab sa gilid ng kalsada. Mabagal na umandar muli ang convoy. Tahimik. Mabigat. “Hindi ito test,” sabi ni Aleric. “Hindi,” sagot ni Jeon. Sa madilim na highway, tumingin siya sa naglalayong ilaw ng lungsod. “This time,” malamig niyang dugtong, “may gustong pumatay.” Tahimik ang loob ng sasakyan matapos ang ambush. Amoy pulbura. Amoy nasusunog na goma. Mabigat ang hangin. “Status?” malamig na tanong ni Jeon. “Dalawang sasakyan neutralized. Tatlo ang patay sa kanila. Isa ang sugatan sa atin—” Hindi natapos ng tauhan ang salita. Dahil doon niya napansin. Sa tabi niya— nakasandal si Aleric. Tahimik na parang may iniindang sakit. Masyado itong tahimik. May bahagyang bahid ng dugo sa gilid ng suit nito. “...Aleric?.” Hindi sigaw. Hindi panic. Isang mababang pagtawag. Bahagyang ngumiti si Aleric. “Ligaw lang,” mahina niyang sabi. Pero nang ilayo ni Jeon ang coat nito— may tama sa bandang tagiliran. Dugo ang kumakalat. Hindi superficial. Hindi simpleng gasgas. Tumigas ang panga ni Jeon. “Pressure,” utos niya agad sa tauhan. “Now.” Isang medic kit ang agad inilabas. Pinisil ang sugat. Nag-react si Aleric—bahagyang napangiwi. “Damn… mas masakit pala pag ikaw ang tinamaan,” pilit nitong biro. Hindi ngumiti si Jeon. Hindi siya nagsalita. Pero ang mata niya— nag-iba. Mas malamig. Mas tahimik. “Gaano kalalim?” tanong niya sa tauhan. “Hindi pa malinaw, boss. Pero mukhang dumaan lang—hindi lodged.” “Hospital,” utos ni Jeon. “Private facility, fifteen minutes.” Umiling si Aleric. “Don’t overreact—” “Shut up,” malamig na putol ni Jeon. Tahimik ang sasakyan. Sa labas, mabilis ang takbo nila patungo sa ligtas na lugar. Hindi ito random ambush. Hindi ito simpleng test. At ngayon— hindi na lang ito negosyo. May tinamaan sa loob ng bilog niya. At sa mundo ni Jeon— ang sinumang dumampi sa mga taong nasa loob ng bilog na iyon ay hindi lang hahabulin. Buburahin. Tahimik niyang hinawakan ang balikat ni Aleric para manatiling gising ito. “Hindi ka mamamatay,” malamig niyang sabi. Hindi iyon pakiusap. Hindi iyon pag-asa. Iyon ay utos. At sa gabing iyon sa Milan— may taong nagkamali ng target. Akala nila tapos na. Akala nila iyon na ang huling putok sa gabing iyon. Ngunit sa mundo ni Jeon— ang katahimikan pagkatapos ng unang ambush ay kadalasang simula pa lang. Habang mabilis ang takbo ng convoy patungo sa pribadong medical facility, biglang nagsalita ang isa sa mga tauhan sa earpiece. “Boss… may movement sa harap.” Sa malayo, may dalawang motorsiklo na biglang sumulpot mula sa service lane. Masyadong mabilis. Masyadong sabay. “Second wave huh,” malamig na sabi ni Jeon. Hindi na siya nagulat. Pero ngayon— iba na ang timpla. May tama si Aleric. At iyon ang hindi niya nagustuhan. Hindi ito simpleng hamon. Ito ay personal. “Defensive formation,” utos niya. “Huwag n’yong hayaang makalapit.” Isa sa mga motor ang sumubok pumantay sa gilid ng sasakyan nila. Nakita ni Jeon ang metal na kumikislap sa kamay ng rider. Explosive. Hindi baril. Mas malaki. “Take him out,” malamig na sabi niya. Isang precision shot mula sa escort vehicle— tumama sa rider. Sumabog ang motor sa gilid ng kalsada bago pa man ito makalapit. Ang pangalawang rider ay umatras, ngunit hinabol ng trailing unit. Sa loob ng sedan— naririnig ang paghinga ni Aleric. Mas mabigat na. Humigpit ang hawak ni Jeon sa balikat nito. “Stay awake,” utos niya. “Hindi ka naman ganyan ka-affectionate dati,” pilit na biro ni Aleric, mahina ang boses. Hindi ngumiti si Jeon. Sa labas, natapos ang ikalawang engkwentro sa loob ng ilang minuto. “Clear,” sabi ng tauhan. Tahimik ang sasakyan. Mas mabigat na ngayon. Hindi ito random. Hindi ito simpleng intimidation. May gustong siguraduhin na hindi sila makakarating nang buo. At ang pagkakamali ng kalaban— tinamaan nila ang maling tao. Sa madilim na highway ng Milan, tumingin si Jeon sa ilaw sa unahan. Ang mata niya— hindi na lang malamig. May apoy. “Hanapin n’yo,” mababa niyang sabi. “Lahat ng gumalaw ngayong gabi.” “Gusto ko ng pangalan siguraduhin nyong walang makakaligtas.”saad nya sa seryosong tinig. “Boss,” boses mula sa earpiece, bahagyang hingal. “May nahuli kami. Isa sa kanila. Buhay pa.” Hindi agad sumagot si Jeon. Tinitigan niya si Aleric na halos mawalan na ng kulay ang mukha. “Secure him,” malamig niyang utos. “Walang gagalaw hangga’t hindi ako dumarating.” “Opo, boss.” Pagdating sa pribadong pagamutan, agad binuksan ang pinto ng sasakyan. Sumalubong ang medical team—walang tanong, walang paperwork. “Gunshot wound, right flank,” maikli at eksaktong sabi ni Jeon. Isinakay si Aleric sa stretcher. Bago tuluyang itulak papasok— hinawakan ni Jeon ang balikat niya. “Buhay ka pa,” malamig niyang sabi. Bahagyang ngumiti si Aleric, mahina na. “Hindi pa kita tapos asarin.” At isinara ang pinto ng operating room. Tahimik ang hallway. Walang emosyon sa mukha ni Jeon. Pero ang katahimikan sa paligid niya— parang mas mabigat. Lumapit ang isa sa tauhan. “Boss, nasa safe location ang nahuli. Sugatan din pero stable.” Tumango si Jeon. “Dito ka muna?,” sabi ng isa pang tauhan, tinutukoy ang ospital. Umiling si Jeon. “Hindi.” Muling tumingin siya sa pinto ng operating room. Hindi siya sanay maghintay. Hindi siya sanay na may ibang humahawak ng kapalaran ng taong nasa loob ng bilog niya. Pero ngayon— kailangan. “Dalhin n’yo ako sa kanya,” malamig niyang utos tungkol sa nahuli. “Pero boss—” “30 minutes,” putol niya. “Babalik ako bago matapos ang operasyon.” Hindi ito kahilingan. Ito ay desisyon. At habang umaalis siya sa pagamutan— may isang lalaking nakagapos na naghihintay. Isang lalaking may sagot. At ngayong gabi— walang makakaalis nang buhay kung hindi siya magsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD