ITALY — ABANDONED WAREHOUSE, OUTSKIRTS OF MILAN
Malamig ang hangin sa loob ng abandonadong warehouse.
Isang ilaw lang ang nakasindi sa gitna—nakatuon sa lalaking nakagapos sa silya. Dugo ang tumutulo mula sa gilid ng noo nito. Sugatan. Pero buhay.
Narinig niya ang tunog ng pinto na bumukas.
Mabagal.
Mabigat.
Pagpasok ni Jeon—
tumahimik ang buong lugar.
Walang sigaw.
Walang dramatic entrance.
Pero ramdam ang pagbabago ng temperatura.
“Boss,” mahina ang sabi ng isa sa tauhan. “Stable siya. ngunit hindi pa nagsasalita.”
Tumango si Jeon.
Dahan-dahan siyang lumapit.
Walang baril sa kamay.
Walang sigaw.
Mas delikado iyon.
Tumigil siya sa harap ng lalaking nakagapos.
“Tumingin ka sa’kin.”
Hindi agad sumunod ang bihag.
Isang suntok mula sa tauhan ang nagpaatras sa ulo nito.
Dugo.
Napilitan itong tumingin.
Ang mata ni Jeon—
hindi galit na maingay.
Kundi galit na tahimik.
“Dalawang beses kayong umatake,” malamig niyang sabi. “Hindi random. Hindi aksidente kundi sadya.”
Tahimik ang lalaki.
“Alam mo ba kung sino ang tinamaan mo?”
Walang sagot.
Lumapit si Jeon nang mas malapit, sapat para maramdaman ng bihag ang presensya niya.
“Ang taong nasa operating table ngayon ay matalik kong kaibigan,” mababa ang boses niya, “ang hindi nyo dapat target.”
Tahimik pa rin ang lalaki.
Isang senyas lang ang ibinigay ni Jeon.
Agad hinila ng tauhan ang sugatang braso ng bihag—napasigaw ito sa sakit.
“Sumagot ka,” malamig na utos.
“W-we were paid—!” sigaw ng lalaki.
“By who?”may diin na tanong ni jeon pilit kinokontrol na umalpas ang kanyang matinding galit
“Hindi namin alam ang mukha—!”
Isang suntok ang tumama sa tiyan nito na ikinasuka na nito ng dugo.
“Sinong nag-utos?”
“Consortium—!” hingal na sagot. “Northern line—!”
Bahagyang kumunot ang noo ni Jeon.
“Can you be more Specific?''
“Codename—Rossi—!”
Tahimik ang warehouse.
Rossi?
Isa sa mga apelyidong malalim ang ugat sa hilaga.
Hindi Moretti.
Hindi Jude.
Iba.
“Anong instruction sainyo?” tanong ni Jeon.
“Intimidate first… then eliminate if possible.”
Tahimik ang hangin.
“Bakit ako?”
“Power shift—!” sagot ng lalaki. “Ayaw nila ng bagong pangalan sa Milan!”
Dahan-dahang tumuwid si Jeon.
“Inside information?” tanong niya nang malamig.
Saglit na nag-atubili ang bihag.
Isang galaw lang mula sa tauhan—
napasigaw muli ito.
“Hotel leak—!” sigaw nito. “May tao kayo na nagbigay ng route!”
Tahimik.
Mas tahimik pa kaysa kanina.
''Inside job huh''napahalakhak si jeon.
Hindi ito basta ambush.
May nagbenta ng galaw nila.
Lumapit muli si Jeon.
“Pangalan.”
“Hindi ko alam—! Middle contact lang—!”
Huminga nang mabagal si Jeon.
Hindi siya sumisigaw.
Hindi siya nagwawala.
Mas nakakatakot iyon.
“Ilipat ninyo siya,” utos niya sa tauhan. “oh wait Huwag muna kaya?.”
“Boss?”takang tanong tauhan.
“May silbi pa siya.”
Tumingin siya muli sa lalaki.
“Kung nagsisinungaling ka—”
Hindi niya tinapos.
Hindi na kailangan.
Umalis siya sa ilaw.
Ang anino niya ang huling nakita ng bihag.
Sa labas ng warehouse, malamig ang gabi ng Milan.
Inside job.
Consortium.
Rossi.
At may taong malapit sa kanya—
na nagbenta ng ruta.
Ang galit ni Jeon—
hindi na naglalagablab.
Mas mapanganib.
Naging yelo.
“Sa LAHAT ng pinaka-ayaw ko…”
Mababa ang boses ni Jeon. Hindi siya sumisigaw. Pero ang bawat salita ay may bigat.
“…ay tatraydurin ako.”
Tahimik ang mga tauhan sa paligid. Walang humihinga nang malalim. Walang nagtatangkang magsalita.
“Likumin mo lahat ng tauhan natin,” utos niya sa isa sa kanyang kanang kamay. “Lahat ng nasa Milan. Security detail. Drivers. Hotel coordination. Lahat.”
“Opo, boss.”
“Ako MISMO ang aalam kung sino ang salbaheng daga ang nagpain sa ’tin.”
Walang emosyon ang mukha niya.
Mas nakakatakot iyon.
“Internal lockdown. Walang aalis ng lungsod. Lahat ng communication logs—kunin. GPS routes, burner numbers, hotel access cards. I want everything.”
“Opo.”
Saglit na nag-atubili ang tauhan.
“Pero boss… hindi ba kayo tutuloy sa hospital?”
Tahimik.
Malamig ang hangin sa paligid.
Sandaling tumigil si Jeon.
Hindi siya agad sumagot.
Sa loob ng ospital—
nasa operating table si Aleric.
Sa labas—
may traydor sa loob ng hanay niya.
Kung babalik siya ngayon, maghihintay lang siya.
Kung mananatili siyang naghihintay—
maaaring makalusot ang daga.
Unti-unti siyang lumingon sa tauhan.
“Buhay siya,” malamig niyang sabi tungkol kay Aleric. “Hindi siya mamamatay.”
Parang utos iyon sa mundo.
“Kapag bumalik ako sa ospital,” dugtong niya, “gusto kong hawak ko na ang pangalan.”
Tumango ang tauhan.
“Clear.”
“Dalhin n’yo sila sa underground floor ng hotel,” dagdag ni Jeon. “Iisa-isahin ko.”
Hindi ito simpleng interrogation.
Ito ay paghuhukom.
Sa mata ni Jeon—
hindi ambush ang pinakamalaking pagkakamali ng kalaban.
Ang pinakamalaking pagkakamali—
ay ang paghawak sa isa sa mga taong nasa loob ng bilog niya.
At ang mas masahol—
ang paglalagay ng daga sa loob ng bahay niya.
Sa madilim na kalsada ng Milan, sumakay siya sa sasakyan.
ITALY — UNDERGROUND FACILITY, MILAN
Pagdating sa destinasyon—
isang underground floor ng pribadong gusali na pag-aari ng kasosyo niya sa negosyo.
Hindi ito opisina.
Hindi ito warehouse.
Ito ay lugar para sa mga usaping hindi dapat marinig sa ibabaw ng lupa.
Isa-isang dumarating ang mga tauhan.
Drivers. Security detail. Communication handlers. Hotel coordinators.
Walang alam kung bakit sila tinipon nang ganito ka-biglaan.
Ang alam lang nila—
kapag ipinatawag sila ng kanilang AMO nang ganito—
may mangyayari.
Tahimik ang buong silid.
Concrete walls. Isang mahabang mesa sa gitna. Isang upuan sa dulo.
Doon umupo si Jeon.
Hindi siya sumigaw.
Hindi siya nagpakita ng galit.
Mas nakakatakot iyon.
“May leak,” malamig niyang sabi.
Walang nagtangkang magsalita.
“May nagbigay ng ruta natin ngayong gabi.”
Tahimik.
May ilang bahagyang napatingin sa isa’t isa. Hindi takot. Kundi kalituhan.
“Hindi ko pa alam kung sino,” dugtong niya.
At doon nagsimula ang tensyon.
Isa-isang tinawag ang pangalan.
“Marco.”
Lumapit ang isa sa drivers.
“Last contact log?”
“Standard route confirmation lang po, boss.”
“Kanino mo pinasa ang updated turn sa service road?”
“Sa dispatch lang po.”
“Anong oras?”
Sinagot nito nang eksakto.
Walang pag-aalinlangan.
“Step aside.”
Isa pa.
“Luca.”
Security detail.
“May nagtanong ba sa’yo ng departure time?”
“Wala po.”
“Totoo?”
Diretsong tingin.
“Opo.”
Tahimik si Jeon habang sinusuri ang bawat mata. Bawat paghinga. Bawat maliit na galaw ng kamay.
Hindi siya nagtatanong para lang sa sagot.
Nagtatanong siya para makita ang pag-aatubili.
Unti-unti siyang nagsususpetsa.
Hindi dahil may umamin.
Kundi dahil may isang bagay na hindi tumutugma.
Sa listahan ng access logs—
may isang card entry sa hotel parking exit
limang minuto bago sila umalis.
Hindi iyon bahagi ng protocol.
“Alessio.”
Isang lalaki sa likod ang bahagyang napaangat ang ulo.
Hotel coordination team.
Lumapit ito.
“Bakit ginamit mo ang access card mo sa parking gate bago ang departure?”
Saglit na natigilan si Alessio.
“Routine check lang po—”
“Routine check?” putol ni Jeon.
Tahimik ang silid.
“Wala sa log ang utos para doon.”
Naramdaman ng lahat ang pagbabago ng hangin.
“Boss, siguro system error—”
Sa unang pagkakataon, tumayo si Jeon.
Mabagal.
“Hindi ako nagkakamali sa system.”nagtitimpi si jeon.
Lumapit siya kay Alessio.
Hindi sumisigaw.
Mas masahol.
“Tatlong taon ka na sa ilalim ko.”
Tahimik si Alessio.
“Ngayon, bibigyan kita ng pagkakataon.”
Lumapit pa siya nang mas malapit.
“Sabihin mo sa’kin kung kanino ka nagbigay ng oras.”
Walang sumagot.
Isang patak ng pawis ang bumaba sa sentido ni Alessio.
At doon—
nakita ni Jeon ang unang tunay na senyales.
Takot.
Hindi kalituhan.
Hindi galit.
Takot.
At sa mundo ni Jeon—
ang takot sa maling tanong
ay kadalasang kumpisal na hindi pa nabibigkas.
Hindi na kinaya ni Alessio ang titig.
“R-Rossi…” nauutal niyang sabi.
Tahimik ang buong silid.
Walang gumalaw.
Ngunit hindi pa doon natapos.
“Hindi lang po Rossi…” dagdag niya, halos manginig ang boses. “May mas malaking pangalan pa.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Jeon.
“Sabihin mo at magsalita kana bago pa maubos ang pasensya ko.”
Napapikit si Alessio sandali, parang pinipilit ang sarili.
“…Valente.”
Isang mabigat na katahimikan ang bumagsak sa underground floor.
Valente.
Isang pangalan na bihirang banggitin nang basta-basta sa Milan. Hindi maingay. Hindi palaging nakikita. Pero malalim ang impluwensya—mula sa shipping unions hanggang sa political shadows.
Hindi ito street consortium.
Ito ay mas mataas.
Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, bahagyang nag-iba ang tingin ni Jeon.
Hindi galit.
Kundi pagkalkula.
“Paano?” malamig niyang tanong.
Napaluha si Alessio.
“Hawak nila ang kasintahan ko, boss… buntis siya. Pitong buwan na.”
Tahimik ang mga tauhan sa paligid.
“Sinabi nila… kung hindi ko ibibigay ang departure route, hindi ko na sila makikita.”
Lumuhod si Alessio.
“Hindi ko intensyon na ipahamak kayo. Akala ko intimidation lang. Hindi ko alam na papatayin nila kayo—”
Isang hakbang lang ang ginawa ni Jeon.
Hindi niya sinuntok.
Hindi niya sinigawan.
Mas mabigat ang ginawa niya—
pinatahimik niya ang buong silid sa isang tingin.
“Alam mo kung ano ang pinaka-ayaw ko,” mababa niyang sabi.
“ang tinatraydor ako muntik ng mapahamak si aleric.”
“Pero…” dagdag niya, mas malamig pa ang tono, “mas ayaw ko ang ginagamit ang pamilya bilang panali.”
Tahimik si Alessio, umiiyak na ngayon.
“Nasaan sila?” tanong ni Jeon.
“Industrial zone… old textile compound… hawak ng tao ni Valente…”
Tahimik ang ilang segundo.
Sa loob ng isip ni Jeon—
dalawang bagay ang malinaw:
May mas malalim na galaw sa Milan kaysa sa consortium na akala nila.
May taong gustong patunayan na kaya nilang galawin ang loob ng bilog niya.
Hindi siya agad nagdesisyon.
Sa halip, tumalikod siya.
“Ilayo ninyo siya,” utos niya.
“Boss—” nanginginig si Alessio.
“Hindi ka pa patay at di pa nararapat,” malamig niyang sabi nang hindi lumilingon.
“Dahil may silbi ka pa.”pagtatapos nito bago tumalikod.