CHAPTER 29

1657 Words

“Umalis na tayo dito, Jeon.” Mahina pa ang boses ni Aleric pero matatag. “Hindi tayo titigilan ng mga kalaban dito.” Tahimik si Jeon, nakatayo sa gilid ng kama. “Kaya ko na,” dugtong ni Aleric. “Sa ibang lugar na lang ako magpapagaling. May kakilala akong makakatulong sa ’tin pansamantala.” Huminga siya nang mabigat. “Kung hindi tayo aalis dito… maraming inosenteng tao ang madadamay.” Tahimik ang silid. Sa labas, may mga yabag. May tensyon. May posibilidad ng panibagong galaw. Hindi ito takot ang nararamdaman ni Jeon. Kalkulasyon. Ang ospital ay hindi fortress. At ang kalaban— nasa yugto na ng pagiging desperado. Kung may sumunod pang pag-atake rito— hindi tauhan niya ang unang masasaktan. Kundi mga pasyente. Mga pamilya. Mga walang kinalaman. Unti-unting tumango si Jeon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD