CHAPTER 30

1579 Words
“Sa ngayon, Aleric…” Malamig pero kontrolado ang boses ni Jeon. “Iiwan muna kita dito.” Bahagyang kumunot ang noo ni Aleric. “Hindi ko kailangan ng babysitter,” mahina niyang sagot. “Hindi ito para bantayan ka,” putol ni Jeon. “Para manatili kang buhay.” Sandaling katahimikan. “Pupuntahan ko ang imbitasyon ni Moretti mamayang gabi.” Doon tuluyang nagising ang interes ni Aleric. “Via della Scala?” tanong niya. Tumango si Jeon. “Hindi ka pa fully recovered ni Wala kapa yatang pahinga,” paalala ni Aleric. “At kakagaling mo lang sa dalawang ambush.” “Exactly,” sagot ni Jeon. Lumapit siya sa bintana, tanaw ang lawa. “Kung may consortium na gumagalaw sa ilalim… at kung may tension sa pagitan nina Valente at Rossi…” Bahagya siyang lumingon. “…gusto kong makita kung saan nakatayo ang Moretti.” Tahimik si Aleric. “Hindi sila basta nag-iimbita,” dugtong niya. “Kapag tinawag ka nila sa ganitong setting, may gustong ipakita. O may gustong sukatin.” “Let them measure,” malamig na sagot ni Jeon. “Hindi ako pupunta para makipag-alyansa.” “Para saan?” tanong ni Aleric. “Para makita kung sino ang kakabahan sa presensya ko.” Isang maikling ngiti ang sumilay kay Aleric. “Classic.” Lumapit si Jeon sa kama. “Stay low. Walang outgoing signal. Walang galaw na hindi ko alam.” Tumango si Aleric. “Mag-iingat ka,” dagdag niya. Saglit na nagtagpo ang mga mata nila. Hindi sentimental. Pero malinaw— hindi ito simpleng pagdalo sa isang gathering. Ito ay pagpasok sa pugad ng mga pamilyang matagal nang umiikot sa kapangyarihan ng Italy. Habang lumalabas si Jeon ng silid, sinalubong siya ni Massimo sa hallway. “Going south?” tanong nito. “Tonight,” sagot ni Jeon. Bahagyang ngumiti si Massimo. “Moretti doesn’t host without purpose.” “Neither do I,” malamig na tugon ni Jeon. “Mag-iingat ka,” mababang saad ni Massimo habang nakasandal sa kahoy na poste . “Tuso ang matandang Moretti.” Huminto si Jeon. “Kilala mo sila?” diretso niyang tanong. Hindi siya nagtataas ng boses. Pero ang mata niya—nagsusuri. Bahagyang ngumiti si Massimo. Hindi mayabang. Hindi rin palaban. “Matagal na,” sagot niya. “Bago ka pa dumating sa Italy, umiikot na ang apelyidong ’yon sa hilaga.” “Neutral daw,” malamig na tugon ni Jeon. “Neutral kapag pabor sa kanila,” sagot ni Massimo. “Ang Moretti hindi maingay. Hindi sila mahilig sa barilan.” Sandaling katahimikan. “Mas gusto nila ang utang,” dagdag niya. “Utang na hindi mo napapansin. Utang na hindi mo nararamdaman… hanggang sa singilin ka.” Bahagyang tumalim ang mata ni Jeon. “At ang matandang Moretti?” “Strategist,” sagot ni Massimo. “Hindi siya lalabas nang walang dahilan. Kung pinapunta ka niya—” “—hindi iyon social call,” putol ni Jeon. Tumango si Massimo. “Dalawang klase lang ng tao ang iniimbitahan niya sa Via della Scala.” “Alin?” tanong ni Jeon. “Yung gusto niyang maging kakampi.” Saglit siyang tumigil. “At yung gusto niyang masukat bago kalabanin.” Tahimik ang hangin sa pagitan nila. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jeon. “Hindi ako naghahanap ng kakampi,” malamig niyang sabi. “Alam ko,” sagot ni Massimo. “Pero minsan… mas delikado ang hindi pumipili ng side.” Bahagyang lumingon si Jeon. Moretti. Valente. Rossi. Hindi lang ito war of territory. Ito ay war of positioning. “May utang ka ba sa kanila?” tanong ni Jeon bigla. Napangiti si Massimo. “Hindi ako nabubuhay nang may utang.” “Good,” malamig na sagot ni Jeon. “Ayoko ng may nakatali sa paligid ko.” Sandaling katahimikan. “Jeon,” dagdag ni Massimo, mas seryoso na ang tono, “kung pupunta ka roon ngayong gabi… huwag mong isipin na ikaw lang ang naglalaro.” Bahagyang ngumiti si Jeon. “Hindi ko kailanman inisip na ako lang ang nasa mesa.” “May mga kaalyansa ako na maaaring makatulong sa’yo.”sabi ni massimo. Hindi agad nagsalita si Jeon. “Hindi sila maingay,” dugtong ni Massimo. “Kasing bilis at liksi rin sila ni Aleric. Sanay sa dilim. Hindi nagpapakita ng pangalan.” Bahagyang tumalim ang mata ni Jeon. “Mercenaries?” malamig niyang tanong. “Hindi,” sagot ni Massimo. “Freelance operators. May sariling code. Hindi sila kumikilos nang walang dahilan.” Tahimik ang ilang segundo. “Kung sakaling kailanganin mo,” dagdag ni Massimo, “habang nagpapagaling dito ang kaibigan mo.” Alok iyon. Pero hindi libre. Lumipat ang tingin ni Jeon mula sa lawa patungo kay Massimo. “Kapag may kaalyansa,” malamig niyang sabi, “may kapalit.” Bahagyang ngumiti si Massimo. “Hindi palagi.” “Sa mundong ginagalawan natin?” sagot ni Jeon. “Palagi.” Tahimik ang hangin sa pagitan nila. “Hindi kita ibebenta,” sabi ni Massimo nang diretso. “At hindi ko kailangan ang teritoryo mo.” “Akala ko ba retiro ka na sa ganitong bagay,” malamig na tanong ni Jeon habang nakatingin pa rin sa lawa. “Bakit may balak ka yatang tulungan kami ni Aleric?” Unti-unti siyang lumingon kay Massimo. “Sino ka ba talaga? Hindi ka isang simpleng tao… tama ba?” Tahimik sandali ang veranda. Pagkatapos— biglang tumawa si Massimo. Isang mababang halakhak. Hindi bastos. Hindi mayabang. “Ahh…” bahagya niyang pinunasan ang gilid ng mata na parang natuwa. “Oo,” sabi niya sa wakas. “Hindi nga.” Lumalim ang tingin ni Jeon. “Dahil akin ang timog.” Tahimik ang hangin. Walang dramatikong musika. Walang pag-angat ng boses. Isang simpleng pahayag— na may bigat ng buong rehiyon. Ang timog. Hindi Milan. Hindi Como. Mas malalim. Mas matagal ang ugat. “Hindi ako retirado,” dugtong ni Massimo. “Lumayo lang ako sa ingay.” “Pero ang impluwensya?” malamig na tanong ni Jeon. “Hindi nawawala ang impluwensya,” sagot niya. “Pinapahinga lang.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. Dalawang lalaking hindi basta ginagamit ng iba. “Kung akin ang timog,” patuloy ni Massimo, “hindi ibig sabihin gusto kong hawakan ang hilaga.” “Gusto ko lang na hindi ito masunog nang walang dahilan.” Bahagyang ngumiti si Jeon. “Ang pagsunog ay depende sa kung sino ang unang magsindi.” Tumango si Massimo. “At ngayon,” dagdag nito, “may dalawang pangalan na gustong magliyab.” Valente. Rossi. “Kung tutulungan kita,” sabi ni Massimo, “hindi dahil kailangan kita.” “Kundi dahil mas gusto kong ikaw ang nasa taas ng balanse… kaysa sa kanila.” Tahimik. Isang alok na hindi malinaw kung tulong “Hindi ako chess piece,” malamig na sagot ni Jeon. “Alam ko,” sagot ni Massimo. “Ikaw ang gumagalaw sa board.” Muling bumaling si Jeon sa lawa. Timog. Hilaga. Moretti sa gitna. Valente at Rossi gusto syang patayin para sa hilaga Hindi na ito simpleng gang war. Ito ay regional balance. “Kung tutulungan mo kami,” sabi ni Jeon nang hindi tumitingin, “gagawin mo ito nang walang kondisyon.” Bahagyang ngumiti si Massimo. “Sa mundong ’to… Hindi umiiral ang walang kondisyon.” Saglit na katahimikan. “Pero hindi kita ibebenta.” “Walang nakakakilala sa’kin, Jeon… sa tunay na pagkatao ko.” Mababa ang boses ni Massimo. Hindi nagyayabang. Hindi rin nagtatanggol. “Maliban sa mga pinayagan ko lang na makakilala sa’kin.” Tahimik ang lawa sa harap nila. “Anino ako kung ituring,” dugtong niya. “Simpleng tao ang pagkakakilanlan.” Bahagyang ngumiti si Jeon. “Ang mga anino,” malamig niyang sagot, “umiiral lang kapag may liwanag.” Mahinang tumawa si Massimo. “Matunog ang pangalan mo kahit saang lupalop ng mundo ka pumunta,” patuloy niya. “Naririnig ko.'' Tumigil siya sandali. “Kaya napabilib mo ako, bata.” Hindi agad sumagot si Jeon. Hindi siya sanay pinupuri. Mas lalo na mula sa lalaking nagsabing kanya ang timog. “Hindi ako naghahanap ng paghanga,” malamig niyang sabi. “Alam ko,” sagot ni Massimo. “Kaya ka kahanga-hanga.” Tahimik ang ilang segundo. “Hindi ka impulsive,” dugtong ni Massimo. “Hindi ka maingay. Pero kapag gumalaw ka—may nawawala.” Tumingin siya kay Jeon nang diretso. “Ang tanong, handa ka bang pumasok sa mas matandang laro?” Bahagyang tumaas ang kilay ni Jeon. “Mas matanda sa Rossi at Valente?” “Mas matanda sa kanila,” sagot ni Massimo. “Mas matagal na ang mga pamilya kaysa sa mga negosyong sinusunog mo.” Tahimik ang hangin. “Kung papasok ka sa Via della Scala ngayong gabi,” dagdag niya, “hindi ka lang haharap sa Moretti.” “Makikita ka.” “Susukatin.” “At posibleng markahan.” Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jeon. “Hindi ako natatakot sa marka,” malamig niyang sagot. “Hindi iyon ang dapat mong katakutan,” sagot ni Massimo. Saglit na katahimikan. “Kapag napabilib mo ang mga lumang pangalan,” dugtong niya, “hindi ka na lang magiging player.” “Magiging factor ka.” Bahagyang ngumiti si Jeon. “Ako na ang factor.” Tahimik na natawa si Massimo. “Mag-ingat ka, Jeon.”babala ni massimo saknya at tinapik sya nito sa balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD