CHAPTER 28-SLIGHT SPG

2000 Words
ITALY — PRIVATE VILLA, NORTHERN MILAN Malamlam ang ilaw sa loob ng malawak na silid. Mabigat ang kurtina. Tahimik ang gabi sa labas. Si Valente ay walang kamalay-malay sa apoy na unti-unting lumalamon sa isa sa kanyang mga operasyon. Nasa gitna siya ng mainit na tagpo—walang pakialam sa mundo sa labas ng kwartong iyon.dalawang babae ang nagpapaligaya sknya habang siya ay prenteng nakahiga,sa kama ang Isang babae ay nakaupo sa kanyang mukha habang kinakain nya ang maselang bahagi nito.''ohhhhh more....val''halinghing nito samantalang Ang isa naman ay nakaupo sa kanyang kandungan at sarap na sarap ding kinakabayo sya.puro halinghing ang maririnig sa silid na yon... Hanggang sa— tumunog ang secure phone niya sa side table. Isang beses. Dalawang beses. Iritado siyang napabuntong-hininga. “Ignore it,” bulong ng babae na nakaupo sa kanyang mukha..''just eat me huh''saad pa nito. Pero nang dinampot nya ang phone at ng makita niya ang caller ID— nagbago ang ekspresyon niya. Priority line pinatigil nya ang dalawang babae sa ibabaw nya. Mabilis niyang sinagot ang telepono. “Ano? siguraduhin mo lang na may katuturan yang sasabihin mo” malamig ngunit mababang boses. Sa kabilang linya— halos hingal ang tauhan niya. “Sir… the textile compound—” Tahimik ang ilang segundo. “Anong tungkol doon?” “…Wala na po.” Nanlamig ang hangin sa silid. “Ano ang ibig mong sabihin na wala na?” “Sunog po, sir. as in totally loss. At… wala na rin ang laman.” Bahagyang tumigas ang panga ni Valente. “Who.” Isang salita lang. “Jeon, daw sir.” Tahimik. Sa kabilang dulo ng linya, maririnig ang mahinang tunog ng apoy at sirena sa background. “May message ba?” tanong niya. “Wala po, sir.” Bahagyang ngumiti si Valente. Hindi galit. Hindi panic. Isang ngiting may halong interes. “Of course yun ang mensahe nya ang sunugin ang isa sa pag aari ko.” Ibinaba niya ang tawag. Tahimik ang dalawang babae sa kama, nakatingin sa kanya. “Problem?” tanong ng isa sa mga ito. bumangon Siya at lumapit siya sa bintana, tinanaw ang madilim na lungsod. “Hindi problema,” mababa niyang sagot. “Hamón na nakakagigil.” Alam niyang hindi basta susunugin ni Jeon ang isang lugar kung walang dahilan. Ibig sabihin— nakita nito ang loob. Ibig sabihin— may leak. Ibig sabihin— may galaw na siya. Dahan-dahan siyang napangiti,at hinalikan Ang isa sa mga babae,hindi pa man sya tapos sa mga ito ay pinaalis na nya.''saka nalang natin ipag patuloy ang naudlot may aasikasuhin lang akong mas mahalaga'' tumawag ulit sya sa mga tauhan pagtapos paalisin ang dalawang babae. “Maghanda,” utos niya sa isa pang secure line. “Phase two.” Sa kabilang panig ng Milan— may dalawang lalaking nag-iisip ng pareho: Hindi ito matatapos sa isang warehouse. Ito ay sistematikong pagdurog. At kapag nagbanggaan ang dalawang ganitong uri ng utak— ang lungsod ang unang masusugatan.pumunta sa Isang Madilim na silid ang lalaki matapos nyang marinig ang balita. Isang lampara lang ang nakasindi sa malaking mesa kung saan nakaupo si Valente.Mabigat ang katahimikan sa loob ng study nito Isang baso ng red wine ang hawak niya habang nakatanaw sa lungsod. Tinawagan niya ang isang secure line. Sumagot agad. “Rossi.” “Tama ka,” malamig na sabi ni Valente. “Mabilis makaamoy ang Devereaux na ’yon. Talo niya pa ang aso.” Bahagya siyang napangiti, pero hindi iyon masaya. “Ginawa niyang abo ang isa sa warehouse ko. Yung may laman na… handa ko nang ibenta.” Tahimik sa kabilang linya. “Mas maaga siya kumilos kaysa inaasahan ko.” Isang maikling tawa ang narinig mula kay Rossi. “So he found it huh.”saad nito. “Yes.” Sandaling katahimikan. Pagkatapos, malamig na sinabi ni Valente: “Ikaw naman ang magplano sa pag-atake sa hospital. Ang alam ko, buhay pa raw si Aleric.” Tahimik ang linya ng ilang segundo. “Gawin mong tahimik at pulido,” dugtong ni Valente. “Phase two na tayo.” Sa kabilang dulo— isang mababang, sarkastikong tawa. “Phase two?” tanong ni Rossi. “Iniutusan mo ba ako?” Nagbago ang ekspresyon ni Valente. Hindi niya gusto ang tono. “Huwag mong kalimutan kung sino ang nagbukas sa’yo ng northern routes,” malamig niyang sagot. “At huwag mo ring kalimutan,” sagot ni Rossi, mas malamig pa, “na hindi ako empleyado mo.” Tahimik. Dalawang lalaking pareho ang ambisyon. Parehong sanay magdikta. “Ang ambush ay sabay nating plano,” dagdag ni Rossi. “Ang warehouse mo ang nasunog. Hindi akin.” Bahagyang humigpit ang hawak ni Valente sa baso. “Kung mabubuhay si Aleric,” patuloy ni Rossi, “magkakaroon ng mukha ang galit ni Jeon.” “Exactly,” sagot ni Valente. “Kaya kailangan siyang mawala.” Tahimik na paghinga mula sa kabilang linya. “Hospital jobs are messy,” sabi ni Rossi. “Security tight. Cameras. Private guards. At kapag pumalpak—” “Hindi papalya,” putol ni Valente. “Confident ka.” “Hindi. Strategic ako.” Mahabang katahimikan. Pagkatapos— “Fine,” sabi ni Rossi sa wakas. “But we do this my way.” “Explain.” “Hindi putok. Hindi explosion. Hindi dramatic.” Saglit na pause. “Internal.” Nanahimik si Valente. “Inside the building,” dugtong ni Rossi. “Hindi nila mararamdaman hanggang huli na.” Bahagyang ngumiti si Valente. “Good.” “Pero tandaan mo,” malamig na huling sabi ni Rossi, “kapag bumagsak ito sa atin—hindi ako sasalo.” Naputol ang tawag. Sa loob ng study— tumahimik si Valente. Dalawang problema ang kinakaharap niya ngayon: Jeon na mas mabilis kaysa inaasahan. Rossi na hindi basta sumusunod. At sa ospital— may lalaking nakahiga na hindi pa alam na siya ang magiging sentro ng susunod na galaw. ITALY — PRIVATE HOSPITAL, RECOVERY WING Tahimik ang private wing. Mahina ang ilaw. Mabagal ang tunog ng heart monitor. Sa kabilang bahagi ng lungsod, matapos ang tawag kay Valente, agad tumawag si Rossi sa isang secure burner line. Sumagot agad. “Doctor.” “Nasa loob ba?” malamig na tanong ni Rossi. “Opo. Stable ang pasyente. Mahigpit ang bantay pero kontrolado ang shift.” “Good.” “May nurse akong tao sa loob,” dagdag ng doktor. “Papalitan ang dextrose. Walang marka. Cardiac arrest ang lalabas.” Tahimik sandali si Rossi. “Clean.” Pinatay ang tawag. INSIDE THE RECOVERY ROOM Nakahiga si Aleric. Tahimik. Mukhang mahimbing ang tulog. Pero sa ilalim ng nakapikit na mga mata— gising ang isip. Narinig niya ang bahagyang pagbukas ng pinto. Dalawang tao. Mahinang bulungan. “Bilis,” sabi ng babae—ang nurse. “Check the monitor,” tugon ng doktor. Amoy antiseptic ang silid. Pero may ibang amoy. Isang bahagyang kemikal na hindi karaniwan sa regular IV solution. At doon— naging-alerto ang instincts ni Aleric. Hindi siya ordinaryong tauhan. Hindi lang strategist. Isa siyang high-class assassin bago pa man siya naging kanang kamay ni Jeon. At ang katawan niya— sinanay para makaramdam ng pagbabago. Hindi siya gumalaw. Pinanatiling steady ang paghinga. Narinig niya ang pag-angat ng IV line. Ang bahagyang click ng palit. “Done,” mahina ang sabi ng nurse. “Five minutes,” tugon ng doktor. Tahimik silang umalis. Sumara ang pinto. Ilang segundo ang lumipas. Dahan-dahang nagmulat ng mata si Aleric. Hindi panic. Hindi biglaan. Kalmado. Sinipat niya ang IV bag. Hindi iyon ang parehong shade ng fluid kanina. Bahagyang mas malinaw. Mas manipis ang consistency. Inabot niya ang linya gamit ang mahina pa niyang kamay. Dahan-dahang tinanggal ang needle sa braso. Nagtiis ng sakit. Walang tunog. Pinisil ang linya para huminto ang daloy. Pagkatapos— pinindot niya ang silent emergency button sa ilalim ng kama. Hindi alarm. Hindi nurse call. Isang coded alert sa external security. Sa labas ng kwarto— nag-vibrate ang phone ng isa sa tauhan ni Jeon. Code black. Attempted breach. Sa loob ng silid, muling pumikit si Aleric. Nagpanggap na tulog. Pagkalipas ng dalawang minuto— biglang bumukas ang pinto. Hindi ang doktor ang pumasok. Kundi ang tauhan ni Jeon. Kasunod— si Jeon mismo. Ang mata ni Aleric bahagyang nagmulat. Mahina ang boses. “Inside job may nagtangkang patayin ako,” bulong niya. Tumigas ang ekspresyon ni Jeon. Nilapitan niya ang IV bag. Isang tingin lang— alam na niya. “Sinusubukan talaga nila ang pasensya ko.” Mababa ang boses ni Jeon. Mas delikado—yung galit na kontrolado. “Hanapin n’yo ang doktor at nurse na kalalabas lang sa silid na ’to.” Sa isang iglap, kumilos ang mga tauhan niya. Dalawang tao ang tumakbo sa kaliwang hallway. Isa sa elevator. Isa sa emergency stairs. “Lock down the floor,” dagdag niya. “Walang lalabas. Isara ang lahat ng exit.” “Opo, boss!” Sa loob ng silid, nakaupo na si Aleric, tinanggal ang IV line sa braso. “Poison?” tanong ni Jeon. “Hindi standard mix,” sagot ni Aleric, mahina pero malinaw ang boses. “Delayed reaction. Mukhang cardiac trigger.” Tinitigan ni Jeon ang IV bag. Tahimik. Pagkatapos, tumunog ang earpiece ng isa sa tauhan. “Boss! Nakita namin ang nurse sa fire exit!” “Alive,” malamig na utos ni Jeon. “Gusto ko siyang buhay.” Sa kabilang linya— “Copy.” Ilang segundo lang ang lumipas, may narinig na komosyon sa hallway. Sigawan. Kalabog. “Got her.” “Ang doktor?” tanong ni Jeon. “Wala sa staff station. Mukhang tumakas sa service elevator.” Tumigas ang ekspresyon ni Jeon. “Close the perimeter. I-check ang parking structure. Wala siyang lalabasan nang hindi ko alam.” Sa hallway, hinila papasok ng dalawang tauhan ang nurse—umiiyak, nanginginig. “Hindi ko gusto ’to—!” sigaw niya. “Pinilit lang ako—!” Isang tingin lang mula kay Jeon— natahimik siya. Lumapit siya nang dahan-dahan. Hindi niya sinaktan. Pero ang presensya niya— mas mabigat kaysa sampal. “Sinong nag-utos?” malamig niyang tanong. “Hindi ko alam ang pangalan—!” iyak ng nurse. “Burner phone lang—may bayad—!” “Doctor ang contact mo?.” Tumango siya habang umiiyak. “May tao sa labas na nag-setup—hindi ko alam kung sino—!” Tahimik si Jeon. Tumunog muli ang earpiece. “Boss… nakita na ang kotse ng doktor sa underground parking. Pero wala siya sa loob.” Tumalim ang mata ni Jeon. “He’s still inside.” Lumapit siya sa nurse. “Kapag nagsinungaling ka,” malamig niyang sabi, “hindi ka na aabot sa korte dito palang idederetso na kita sa morge.” umiiyak ito “r-rossi…” bulong niya sa wakas. “yun ang narinig ko sa tawag.” Rossi. Ngayon malinaw na. Tumayo si Jeon nang tuwid. “Ilipat siya sa secured room,” utos niya “Ang ganda mo pa naman sana…” Mahina ang boses ni Aleric, pero malinaw. May bahid pa ng sakit ang paghinga niya. “Tsssk… kaso mukhang paglalamayan ka.” Nanigas ang nurse. Hindi niya inaasahan na gising ito. ang mga matang nakatitig sa kanya—hindi galit, kundi malamig at sanay pumatay. Kahit mahina pa ang katawan ni Aleric, ang presensya niya ay hindi mukhang pasyente. Mukha siyang mandaragit na pansamantalang nakahiga. “P-please…” nanginginig na sabi ng nurse habang hinahawakan siya ng mga tauhan ni Jeon. “Hindi ko gusto ’to—” “Walang may gusto,” putol ni Aleric, bahagyang napangiwi sa sakit habang umuupo nang mas maayos. “Pero may pinipili.” Lumapit si Jeon. Pinagmasdan lang niya ang babae. “Ilabas n’yo,na” malamig niyang utos. Bago tuluyang hilahin palabas ang nurse, muli itong napatingin kay Aleric, mahina pero may ngiting bahagya sa labi ng binata “Hindi ako pumapatay ng hindi ko target.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD