MATAPOS ang masinsinang pag-uusap tungkol sa kasal ay napagsolo sila ni Hunter. Malakas ang t***k ng puso ni Alpha at inaasahan na niya ang hindi magandang pakikiharap ng lalaki. Gayon man ay nasasaktan pa rin siyang makita nang aktuwal ang mga bagay na inaasahan naman niya buhat rito. “Hunter, please...” “Let’s not talk about anything for now. These things only give me headache,” mabilis nitong putol sa kaniya. Daig pa niya ang sinampal sa narinig na iyon. “Alam kong galit ka, pero gusto kong malaman mo na sa kabila ng mga nangyayari, ito ang tanging paraan ko para ipaglaban ang nararamdaman natin.” “Really, Alpha? Mahal mo ba akong talaga? Wait, did you even really love me?” Tumingin ito sa kaniya nang diretso sa mga mata at hindi niya magawang tumbasan ang mga titig na iyon. “Mas ta

