“ALPHA, hija...” Nag-angat ng paningin si Alpha at tumutok iyon sa salamin ng kaharap na vanity table. Mula roon ay tumingin siya sa repleksyon ng ina na nakasandal sa nakapinid na pinto. Nakabadha ang pag-aalala sa anyo nito. “Ma...” “Have you heard anything from Hunter yet?” tanong nito habang marahang naglalakad palapit sa kaniya. Marahan siyang umiling. Two days before the wedding and not a single sign of Hunter. Ibig na niyang panghinaan ng loob. “It’s for you to decide, anak...” Noon nagsimulang manubig ang kaniyang mga mata. Hindi na niya napigilan ang tuluyang mapaluha. “Ayoko kayong ilagay sa alanganin , ‘Ma. Ayokong sumama ang loob ng daddy dahil sa akin. I’m so sorry for everything.” Naramdaman niya ang paghagod ng ina sa kaniyang likuran. “It’s all right. Don’t worry abou

