NAG-FILE ng vacation leave si Alpha kinabukasan, matapos niyang sabihin sa mga kasamahan na hindi na matutuloy ang kaniyang kasal. Laking pasasalamat na lang niya na walang ni isa sa mga ito ang nagtangkang magtanong kung ano ang dahilan ng balitang iyon. Siguro ay halata naman sa mugto niyang mga mata at sa kaniyang pananahimik na wala siya sa mood na magkuwento. Ang gusto lang niya ay maiayos ang mga activities na iiwan sa substitute teacher ng klase niya na magsisimula sa susunod na araw. Sa maghapong iyon ay kailangan pa niyang magklase kaya naman inabala niya ang sarili upang kahit paano ay malimot ang sakit na pinagdadaanan niya. Lunchbreak nang ipatawag siya ng principal sa opisina nito. “Ikinalulungkot ko ang balitang hindi na pala matutuloy ang kasal mo, Miss Alvarez. Ano man ang

